lumaki akong sa siyudad namamalagi. sanay sa daloy ng buhay sa kamaynilaan, bagama't hindi ganun karangya, masasabi kong maayos ang mga lugar at bahay na aming kinalagakan. salamat sa pagpupursige ni inay at hindi namin pinroblema ang karaniwang alalahanin ng bawat pinoy na pamilya: ang maayos na tirahan.
sikat na sikat sa mga patalastas sa telibisyon ang mga nangungunang pulitiko pagdating sa pangangampanya. (hindi ko alam kung pati sa gawa, kung sila ay nangunguna) nakakatuwa isipin na lahat sana ng maralitang kababayan ay maambunan ng grasya ng libreng pabahay mula sa gobyernong ating pinaglilinkuran (bagaman, dapat ay kabaligtaran) upang maginhawahan ang bawat isa. sabi nga nila, di bale ng magdildil ng asin, basta may sariling bahay...
tama nga naman. kaya ako, ngayong nagkabahay, eto, pinalalago at pinaayos.
... hindi pala, talaga palang kailangan na ayusin dahil sa:
- anay
- bukbok
- sirang kisame
- sirang bubong
- sirang wiring ng koryente
- sirang ayos ng bahay
- sira ulo ako
- sira ulo ka rin!
kaya naman agad akong humingi ng tulong sa mga kinauukulan, itago natin sa pangalang INAY, nakapag pahanap kami ng isang magaling na arkitekto at whoala! tinibag ang mapayapang tirahan ng mga anay sa aming kabahayan dahil hindi kami tumatanggap ng boarders na mahilig sa kahoy. isa pa, kailangan na talagang ipaayos ang ilang bahagi ng lahat ng bahagi ng bahay... kaya kontik baluktot at higpit ng belt para maisakatuparan ang pagbabago!
narito ang ibang mga larawang nakalap ng inyong imbestigador:



maalikabok at maputik sa ngayon... ipapakita ko ang finish product ng aking kuwento sa susunod na mga panahon.





