Showing posts with label jabar. Show all posts
Showing posts with label jabar. Show all posts

15 October, 2008

Tagos

sa mga taong lubusang nakakakilala saakin, normal na sa kanila ang makita na meron ako nito. hindi sila nandidiri at naiintindihan nila ako. minsan tatakpan nila ang bahagi ng aking damit pang-ibaba upang maikubli ang lagim na maaring mangyari kapag may nakakita nito.

it's a girl thing. oo alam ko. kaya nga meron ako nito. at wala kang magagawa kungdi basahin nalang at lunukin ang kalokohang pinagsasasabi ko. oo marahil hindi ka papayag at itatanggi mo, pero alanganaman burahin mo ang linyang ito? mahirap. magawa mo man, mababasa pa rin ng iba. kaya sige na, agree na. oo nireregla ako.

ang regla para saakin ay hindi lang tumatalakay sa maruming dugo na lumalabas sa hiyas ng silangan. hehe. terminology ko yon eh. walang makikealam.

pwede ding pawis, laway, ihi at kung anu pa mang likidong maisip nyo na inilalabas ng katawan. e.g. luga

natural lang na maging concious ako sa sarili kong tagos kaya hanggat maari ay hindi ako nagpapabaya sa pansariling kalinisan ko. hygiene is still [and always] my priority.

ang nakakabadtrip lang kasi. laging siksikan sa van na sinasakyan namin pauwi. punuan. hanggat may lugar na pagsasaksakan, ipapasak ka ng bonggang-bongga.

naiintindihan ko naman dahil sa hirap ng buhay at sa taas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kailangan makahanap ng paraan.

oo, nahulaan ko ang itatanong mo.

kuneksyon?

eto.

AMPUTANGINANG TAGOS NG MAMANG KATABI KO TUMAGOS HANGGANG SA BALIKAT KO. WALA NAMAN SANA SAAKIN YON EH, AYOS LANG SANA, TUBIG LANG YON. PAWIS. NORMAL LANG NA MERON SIYA NUN. ANG KASO ME AMOY. OO AT GALING SA KILIKILI, PERO KAHINDIK-HINDIK ANG AMOY. MABUTI NALANG AT PAUWI NA AKO. AMPNESS!

moral of the story: ewan ko, alam nyo na siguro yun. tinuturo yun sa grade school. sa MAPE ata oh sa Science and Health.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy