ako po ay isang blogero na nagbabasa din ng blog ng ibang tao. sa isang hapong wala akong magawa, nakita ko ang liham ni RonTuron. ako ay labis na namangha sa ayos ng porma ng kulay itim na T-shirt at labis na nanibugho sa dami ng tuwa na nakita ko sa kanyang mukha. (kahit nakatalikod siya sa litrato, promise ang laki ng ngiti nya...)
naalala ko ang turo sakin ng nanay ko. masama daw ang inggitero. okay lang yun, ingiterra naman ako eh, kaya walang kaso. hindi naman ako sa nagpaparinig pero malaking kaligayahan ang mapadalhan ng isang kaibigan mula sa malayong lugar. imported ika nga.
pero hindi ko naman sinasabi na padalhan mo ako, syempre nakakahiya, ayaw, makita ko lang na masaya si R2R okay na yun. hehe.
ako ay lumiham lamang dahil natuwa ako sa mga pangyayare, at natuwa lang ako magsulat ng magsulat ng kahit ano.

Lubos na Gumagalang,
Myk2ts