Showing posts with label photography. Show all posts
Showing posts with label photography. Show all posts

05 September, 2008

ANTM-Myk2ts Version

enough of those sad moments at hello muna sa kakikayan at kalandian ng pakialamerang si ako. natutuwa naman ako ngayong araw na ito kaya naman naisipan ko munang ikuwento ang mga kaganapan sa buhay ko. katulad na lang ng mga frustrations ko.

isa na nga dito ang maging modil. oo. as in ramp/commercial model. kaso nga naman eh medyo hindi na uso ang mga lumbalumba products kaya hindi makapasa ang figure ko. kung bakit pa kasi ako nag eextra rice tuwing dinner!

mataas ang standards ng pagiging modelo dito sa mundo. kailangang flawless ang skin, maganda ang physique, matangkad, may itsura at medyo may itsura pa ng konti sa may itsura lang. in short- PERFECT.

sa katulad kong almost perfect lang, napakahirap. kahit anong emote at project ko eh parang chaka ang kinakalabasan. sabi nga ng mga friends ko, beauty is in the eye of the beholder and i say: pakshet!

oo na, ako na lang at tanging ako at nanay ko ang nakakaappreciate sa beauty ko. syempre nainiwala ako na Magandang Nilalang ako dahil gawa ako ni God. sabi nga, walang taong pangit at bobo. pero ang sabi rin, ang maniwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili. so anu na ang paniniwalaan ko? sigh.

pero kahit anu pa man, confident parin ako. kiver sa talak ng iba. basta ako, pretty inside out. kaya naman sa kakapalan ng mukha ko, go kami sa balur ng friend ko. medyo kinulit kulit ko pa para lang pagbigyan ang kahilingan ko.

dahil mahal mag rent ng studio, sa kwarto kami nageksperimento. konting ilaw, konting blocking, konting tawag sa tambay sa kanto, konting hiram ng outfit, go! this is it! the fulfillment of my dream.

ang pictorial na kakabog sa FHM at PLAYBOY. pwede ring ihanay sa Liwayway. at minsan pwede ring pambalot sa tinapa.
*picture deleted... bumaha na kasi ng vomit... eeew :)
medyo rated PG ang tema, kung mapapansin ninyo, medyo blue na ang kulay ko dahil hindi ako humihinga para maitago ang Chanena ko. salamat sa ilaw at funda. naitago ang cyanosis ng pez ko.

as a model, Über professional ako at ang kasama ko, after the shot, sabay kaming nasuka sa kinalabasan ng picture. sumakit din ang tyan ng lahat ng nakakita nito. kaya kung may problema kayo sa bowel nyo o kaya naman eh may batang makulit sa bahay nyo, pwede rin naman kung maraming daga sa inyo, order na kayo ng copy nito. garantisado, lamok siguradong teypok!

special thanks to: alvaira's residence, specifically sa kwarto ng tatay nya for the pictorial venue, lot alvaira, para sa bra. mike as my partner sa photoshoot. anne para sa kamera. alet para sa juice, at nino, she, miko at donn para sa walang sawang pag alalay.

24 July, 2008

Master Cedric

he was my classmate during elementary days.
tough.
bully.
menace.
but who would've thought that this ol' friend of mine will have the "eye" for photography? here are some of his shots that i've borrowed for this post. syempre, may permission...


"sky"
"cross"


"twins"

"guide"


"saphira"

"lamps"


artistic. dramatic. defined. i immediately admired his shots the moment i see them. i asked him if he is doing it as a pro but he said, it's just his hobby.

sosyal...

you can see more of his shots here.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy