naranasan mo na bang traydorin ng isang kaibigan? yung tipong nagtiwala ka na dadamayan ka sa panahong kailangan mo siya? ang kaibigang itinuring mo at inangkin na parang sariling kapatid? kakampi at kadugo?
siguro naman oo. masakit. nakakasuklam. nakakaloka.
lalo na kung umasa ka na hindi ka nya iiwan at sasamahan ka nya hanggang sa huli. hanggang sa wakas ng iyong pakikipag-laban. hanggang sa umabot ka sa iyong tagumpay.
pwede ka magtampo. magalit o kaya naman ay mangulam.
saakin. nangyari na ito. kagabi lang. habang umuulan. habang pababa ako ng sinasakyang jeep. sinabi ko sa aking kaibigan na wag nya akong iwan. na samahan nya ako sa lamig ng gabi at sa patak ng ulan.
sa tingin ko naman ay matatag siya sa mga sigalot ng buhay. hindi man ganun kataas ang halaga ng aming pagsasama, hindi man ganun katagal ang aming pagiging magkaibigan, alam ko at naramdaman ko na hindi nya ko iiwan.
pero kagaya ng isang hibla ng pansit bihon na puno ng toyo, naging marupok siya. tumiklop. nangiwan...
amputang inang payong ko na nabili sa Ayala MRT station sa halagang sisenta pesos, akala ko ay nakamura ako. pero mapapamura pala ako dahil nasira at nagkabalubaluktot na ang buto nito habang binubuksan ko. amputangina talaga. hindi ko pa man nagagamit sira na! pasensya na sa aking makating dila pero pakshet naman! whattta wonderful way to start my day. naka pormal pa naman ako at isputing na isputing! kinanginang yan, iniwan nya akong basang basa sa ulan! kaya naman buong gabi tumutunog ang paa ko tuwing naglalakad ako. pinasok ng tubing ang balenciaga shoes ko. kaya yun, kada hakbang tumutunog ito. buti nalang at hindi mabaho ang paa ko. clue? basahin mo ang titulo ng entry na ito.