Showing posts with label kwentong pinoy. Show all posts
Showing posts with label kwentong pinoy. Show all posts

09 October, 2009

Hayop Na Nagsisimula Sa Titik O

mahabang bakasyon ang naibigay saakin nitong nakaraang linggo at masasabi kong sulit ang mga oras na inilagi ko sa bahay.

natuto ako mag gupit ng tatlong litrato ng mga hayop na nagsisimula sa letter C, K, at O.

nakulayan ko rin ang mga malalaking letra ng pula at dilaw naman sa maliliit na titik.

nakakatuwa. naranasan ko magpaligo ng batang makulit ng alas otso ng umaga. alas diyes kasi ang simula ng klase niya. at kahit na malapit lang ang kanyang eskuwelahan, me pagkamaarte ang reyna. gusto ng payong at dapat daw ay tatlo ang ipit niya.

may pinagmanahan.

naalala ko tuloy nung kabataan ko. si mama ang lahat ng nagaasikaso sa mga gamit ko. pagkagising ko sa umaga, nakahanda na sa lamesa ang pagkain at ang mga damit pamasok. makintab na makintab ang aking sapatos na itim. bawal ang putik. puting puti ang polo ko. dapat pag uwi ay walang bahid dungis. kung hindi, bawat dumi ay may katumbas na palo. minsan naman ay kurot lang.

pero ang mga umagang paggising para sa pagpasok ang pinaka masarap na umaga sa buong kabataan ko. sa pag upo ko sa lamesa, sa harap ng tasa, muli akong nabubulid sa malalim na pag-idlip. at sa muling pagbabalik ng aking diwa sa liwanag ng mga pangarap, duon ko malayang nabubuo ang mga gusto kong gawin, mga lugar na gusto ko puntahan, mga taong nais kong makilala at mahalin. makausap ang mga importanteng indibidwal na makakapagturo saakin ng mga bagay na dapat ko malaman.

mapuputol yuon ng tapik mula sa aking nanay. dadating na daw yung schoolbus.

masuwerte ako kung iisipin. sa mga oras na iyon, alam kong maraming bata na kasing edad ko ang hindi pareho ng sitwasyon ko. may mas masuwerte saakin dahil bacon ang baon nila at may dala silang pencilcase na pwedeng gawing piano. minsan pa nga ay pwedeng gamitin para mandaya sa pag-recite ng multiplication table.

pero mas marami ang hindi manlang nakakatungtong sa silid-aralan. marami ang hindi marunong bumasa at sumulat. at sa murang edad ay nagbabanat na ng buto hindi para pambili ng cotton candy sa tapat ng eskuwelahan, kundi para pambili ng makakain ng buon pamilya.

mga batang sa murang katawan ay batak sa trabaho, hindi sa pag lalaro at pag aaral ng leksyon.

at habang lumilipas ang panahon, lalong dumarami ang mga batang hindi matututo.

isang mahinang sigaw para sa mga pinuno ng ating henerasyon
myk2ts r2r.png

04 March, 2009

Hello Philippines, Mabuhay!

alas singko na ng hapon at kauuwi ko palang galing sa trabaho. minsan napapaisip ako sa haba ng biyahe ko kung patuloy ba akong magtatrabaho sa lupain ng Pilipinas o hahanap at sasabak nanaman sa ibayong dagat.

naranasan ko na ito. hindi madali magtrabaho sa ibang bansa. hindi madali ang makahanap. sangdamukal na luha at pagod at kung anu-anu pang paikot-ikot ang kailangang daanan para kumita ng pera. plus, idagdag pa ang mapalayo ka sa iyong pamilya. kapalit ng dolyar at snow ang makapiling ang iyong mga magulang at anak? parang hindi worth it. pero kailangang tiisin. mahirap kumita ng pera. mahirap bumuhay ng pamilya. mahirap ang maka-survive.

nasabi ko noon na there is no place like home. tama. wala talagang tatalo sa bansa nating ito. bagaman magulo at mahirap, hindi kaila na ito ang nagbibigay gana saakin upang magsikap ng husto. trapik man at mainit, wala mang sistema at ang panahon ay masungit, hindi ko ito ipagpapalit.

pero kapag dumating na sa punto na alam mo sa sarili mo na kulang ang kinikita mo sa pagod ng katawan mo? di ka ba masisilaw sa amoy ng berdeng salapi? marahil ay oo. hindi ako nagsasalita lamang para sa sarili ko, para ito sa milyun-milyong pilipino na umaalis patungo sa ibayong dagat upang kumita, magkaroon ng matinong buhay, makatakas sa kahirapan. pano nga kaya dadating ang araw na hindi na natin kailangang lumisan para lang guminhawa ang buhay? nagtatanong lang naman ako...

sana magkaroon din ng kasagutan no?


*salamat mark para sa larawan.

myk2ts r2r.png

06 January, 2009

'09

yeah, new year. new life. new haircut. i bet you guys wore something red last 31st? ako? nagpaputok ng kuwitis at sinturon ni judas. sabi kasi suwerte. but no matter how many belts we try to light up this year, it's what we do that makes us lucky. pero meron nga bang suwerte? meron nga rin bang malas?

looking back, 2008 has been very challenging for me. para rin sa sambayanang Pilipino. pumanaw ang kaibigan ko, ganun din si Daboy at Marky. tumaas ng sobra ang presyo ng alak, este ng bigas at gasolina. napromote ako. lumubog ang barko. nakapag travel kami nila mama sa SG at KL, naghiwalay si Dingdong at Karylle, at kung anu't ano pa. but still, God made me realize that there is a lot more reasons for me to be happy.

2009 is a brand new year for us. parang bagong sapatos. yung amoy kahon pa. makinis ang swelas, makintab. walang galos. it's up to us when are we going to wear it and where we will go. we can choose the bumpy road, pwede rin yung me aspalto. depende saatin kung pano natin palalawigin ang paglalakbay natin sa dadating na taon, ang importante ay kasama natin Siya. and everything will be allright.

i have thoughts on changing some of my habits this year. like loosing weight, quitting on smoking, and all that jazz. but since thoughts lang naman yun, wala lang. naisip ko lang.

hehe.

but whatever we do, let's just remember that what we choose is who we are. so let's all stay real and stay happy.

cheers!
myk2ts r2r.png

17 December, 2008

Yellow

pinakilala siya saakin nung nakaraang biyernes. matagal ko na siyang nakakapalitan ng tingin at hanggang duon lang yun. naiinis ako kapag naririnig ko sa mga kaibigan ko na mabait daw siya.

che!

eh bakit hindi nya ko binabati? lagi kong tanong sa kanila.

alam ko naman na ilusyunada ako para naman mauna siya bumati saakin. ewan ko ba, pakiramdam ko ay balingkinitan at size 23 ang waistline ko.

matangkad yun, maganda ang katawan. pwedeng basketbolista ng Ateneo. mahihiya ang kalibre nila Atkins at Tiu sa itsura nya. bata pa daw, 18. meron na siyang pamilyang sarili. makulit. mabiro. masayahin.

pero lahat ng iyon eh hindi ko maranasan dahil ang lola mo, hanggang sulyap at nakaw-tingin.

ilang beses na akong pabirong pinakikilala sa kanya, siyempre, katulad ng turo sakin ni Miriam Quiambao, deadma lang ako sabay hawi ng aking curly hair.

ayun na nga, nung sbiyernes, pormal kaming naipakilala sa isa't-isa. kamayan, ngitian, konting usapan.

pakshet!

ito na ang simula ng aming lovestory.

kaya naman kanina, excited akong pumasok. alam kong nandun na siya sa malapit sa puwesto ko...

palapit palang ako sa salaming pintuan, ngiti na nya ang kita ko. syempre, ngumiti din ako.

kumaway.

naghintay.

dedma.

pahiya ako. may kaharap at kausap palang iba ang lolo mo.

bukas, iparerebond ko ang pukinginang curly hair ko na ito.!
myk2ts r2r.png

13 December, 2008

Untitled

after almost a month of hiding and hibernating in Forks, here i am. trying to make a comeback. parang si Pia Moran lang na nag comeback pero wala na ulit. mas maganda atang ihalintulad sa aking pagbabalik ang pagbabalik showbiz ni Lyka Ugarte.

sabado ngayon. matapos kong kumain ay plano ko maglaba. madami na kasi. wala naman akong labandera dahil ako mismo ang labandera sa bahay. masarap kasi tignan ang paikot-ikot na damit sa washing machine. habang patuloy na nagkakabuhol-buhol ang mga damit, halo-halong saloobin ang nalulunod sa aking kaisipan kasama ng Ariel Oxybleach.

sa katanungan ng marami, hindi dahil sa pag-ibig ang dahilan ng aking pansamantalang pananahimik. hindi lang siguro kinaya ng isang diwatang tulad ko ang mga bagay na kailangan gawin sa world ng mga mortal.

limang beses ko pinanood yung Twilight. adik na nga daw ako sabi ni Fjordz. para kasi saakin, the movie showcased how love can intervene into a two different persona. tao sa bampira. lalaki sa lalaki. aso sa pusa. bata sa matanda.

napansin nyo ba yung flag ng pinas dun sa pelikula? naku sige panuorin mo uli. sa cafeteria. nung pinakikilala isa-isa kay Bella ang mga Cullens.

speaking of which, congrats nga pala sa pagkapanalo ni Pacman. iba talaga ang kamao ng pinoy. may lambing sa bawat suntok. saludo ang isangkilongbigas sa iyo Manny!

lubusan ding nakikiramay ang inyong lingkod sa lahat ng naulila ni Marky Cielo. anupaman ang dahilan ng kung anu ang kinamatay ng aktor, ipaubaya na lang natin sa pamilya ang kapayapaan ng kaisipan at wag na sanang intrigahin pa. in ngayon ang turtle neck kaya walang pakelamanan.

ang sarap dumaldal. marami pa akong itatalak. sa ngayon, hayaan mo muna akong magpasalamat sa iyo sa pagunawa at pag tanggap.

mabuhay kayong lahat!
myk2ts r2r.png

29 October, 2008

Sleeping Beauty

"naglalakad nanaman akong parang walang pupuntahan. hakbang ng hakbang ang mga paang kinakalyo na sa pag-asang may magkakaroon ng saaki'y magmamahal. umaamot ng munting puwang sa iyong pusong puno ng laman. lumilingon, sumisilay. parang bibeng lumalakad sa iyong harapan. ngumingiti, tumatawa. sadyang pinaririning ang saakiy nakatutuwa. nakasalubong, sumulyap. ngumiti ka at kumaway. ikaw nga ba ay saakin nakatunghay? salamat sa aking konsensya. ako'y kanyang tinuruan"


and why are you sleeping?
--trainer

amputang ina. panaginip nanaman. nakatulog nanaman ako habang nakikipag usap sa mga kano. napapansin kong lately medyo nagiging antukin ata ako. lately nga lang ba? oo na. sige. medyo antukin nga ako. para saakin ang pagtulog ang pinaka masarap na aktibidad sa mundo. libre. nakakaadik. minsan nag iisip ako. sa buhay kong ito, salat na nga ako sa pag-ibig ng isang boylet, pati ba naman sa pagtulog, sawi parin ako? loser.

normal na saakin ang mga lima hanggang anim na oras ng tulog. kaya naman kahit nasa sasakyan ako, wala akong pakialam dahil masandal lang ako, pihado, mananaginip na ako. lumulutang, malambot ang ulap. masarap ang simoy ng kumot na bagong almirol. mabuti na lamang ay nasa tapat lang ng Encantasia ang terminal ng mga walis na aking sinasakyan tuwing uwian. hindi ko problema ang paglampas. wala akong iisiping paparahan sa gitna ng aking malalim na balintataw.

kaya naman tuwing walang ginagawa, natutulog na lang ako. kesa lumabas. maalikabok. mabaho. magastos. samantalang kung matutulog ako, pwede ko pang mapanaginipan ang love story namin ni John Lloyd. pwede ko ring isuot ang costume ni Marian. duon, pwede akong bumirit habang pinapalakpakan ako nila Pops, Regine, Charice at ni Ellen DeGeneres.

ang sarap maghilik. lalo na kung wala akong katabing sasampal sa malaki kong pisngi. yung ibang hindi makatiis, pasimpleng lilikutin ang kama o kaya ako ay bubunguin. plastic. hindi nalang ako basta gisingin at murahin... diba? mas totoo? mas exciting?

buti nalang ang mga kaibigan ko, tahasan manggising. kalabit na bumabaon o kaya tapik na lumalatay. simple. totoo.

pero hindi naman ako destructive matulog. di naman ako nakakasira ng tulog ng may tulog.

kaso nga namumurublema ako ngayon. parang napaka OA na kasi. akala mo ang pagtulog e kasing guwapo ni Piolo. ang hirap hanapin. ang hirap habulin. ang hirap angkinin.

oh sana naman aking hiling, ang pag gawa ng tulog ay wag ipagkait. minsan kasi nakainom na ko ng ilang basong maligamgam na gatas na may melamine wala pa rin. sinubukan ko na ring magbilang ng sheeps. amputa, pati black sheeps ata nabilang ko na wala pa rin. suggestion naman mula saaking magiliw na kaopisina sa kelsenner... "magbilang ka ng bituin"...

kahit naman siguro naka tira ako ng katol, hindi ko susubukang bilangin ang mga bituin habang tirik na tirik ang Araw na galit!


myk2ts r2r.png

20 October, 2008

Juan, Handa Ka Ba Sa Hamon?

kung ako ay iyong tatanungin, nais ko parin na dumito saatin. marami parin akong dahilan upang manatili sa ating naghihikaos na bansa.

sa araw araw na inilagi ko sa ibang bansa, wala akong ibang naalala kundi ang ingay ng mga kapitbahay kong chismosa. ang mga huni ng kuliglig sa umaga. ang sigaw ni manong magtataho. ang amoy ng siga ng basura. hindi ko alam pero unti unti kong naalala ang mga dura at dumi ng lipunan. nasabi ko sa sarili ko, masarap din palang maging Pilipino.

kahapon, namimili ako ng damit. nakita ko yung pamosong t-shirt na may araw at bituin kagaya ng nasa bandila natin. pati na yung kulay dilaw at may mukha ni Ninoy. napaisip ako. sa halagang apatnaraang piso, binibili ba ito ng mga pinoy para ipahayag ang kanilang pagiging nasyonalismo?

tinanong ko ang sarili ko bago ko tanungin ang kaibigan ko kung bibili ba ako. sabi niya, wag daw. sa hindi ko alam na rason, hindi ko rin binili. alam ko kung ano ang dahilan ng kaibigan ko, kung bakit ayaw niya ipabili saakin. ngunit ang dahilan ko naman para sa sarili ko ay mas nakapukaw sa akin. hindi ko kailangan magbayad ng apatnaraang piso para sa panlabas na pagpapakita ng pagiging nasyonalismo. alam kong ang mga nagsusuot nuon, karamihan man o hindi, pang porma lang. front. nakikiuso.

mas masarap isiping libre lang ang pagiging makabayan. simpleng pag gawa lang ng tama at pag iisip ng mabuti sa kapwa, ayos na.

kaya nga siguro mga bayani ang nakatatak sa pera natin. para maipaalala saatin sa araw-araw na hindi natin dapat kalimutan ang mga sinimulan ng mga taong ito para sa bansa natin. na wag nating sayangin ang mga pinagpaguran at binuwis nila para matamasa natin ang kalayaang diadanas natin ngayon. na kahit saang lugar tayo magpunta, dala natin ang dugo ng pinoy na patuloy na magpapakilala sa buong mundo.

ikaw? ano ang nagawa mo para sa bansa natin ngayong araw na ito?

17 October, 2008

Juan, Pwedeng Magtanong?

sa mga nagdaang panahon, naisip ko ang mga bagay sa ating bansa, palaging delayed.

ang tren, delayed.
ang resulta ng botohan, delayed.
yung kapitbahay naming si Kasandra, delayed.
yung pagbubukas ng NAIA terminal 3, delayed.
mga pulis, delayed.
yung reply ng crush ko sa text ko, delayed.
yung IISA PA LAMANG, delayed.

ang nakakalungkot lang, minsan kailangan pang may masaktan o magwala upang magkaroon ng pag-usad at pag aksyon ang mga kinauukulan.

sanay na ako sa kalakaran dito sa mundo. partikiular na sa Pilipinas. kung susuriin, lahat lahat ng Pilipinong humihinga sa bawat minuto, nais magreklamo. nais ng pagbabago. nais ng pag asenso.

pero walang may gustong kumilos.

tulad ninyo, ganun din ako. nakakapagod din kasi ang ipagpatuloy ang isang bagay na ikaw lang ang naniniwalang magkakaroon ng pagbabago. wala kang katulong sa pagtuklas at pag gawa ng isang natatanging aksyon para sa ikababago at ikalalago ng ating sinilangang rehiyon.


hindi kita masisisi kung umiihi ka parin sa pader.
hindi kita masisisi kung nagtatapon ka parin ng tae mo sa ilog pasig.
hindi kita masisisi kung bakit panghoholdap parin ang paburito mong gawin.
hindi kita masisisi kung kotong parin ang sagot sa kumakalam na tiyan.

minsan naisip ko na ang pagbabago. sumubok akong gumawa ng tama at namuhay ng patas. pero ang masaklap, nililibak ang mga pumipila ng maayos. inuunahan ang sumusunod sa batas trapiko. nasisingitan ang dumadaan sa tamang proseso.

ngayon, ang tanong ko, ang bansa ba natin ang talagang wala ng pagasa o tayong mismong mga Pilipino?

13 October, 2008

Question And Answer I

1. Raincoat, umbrella o sugod sa ulan?
*sugod. i like it when i get wet and wild while walking.

2. Sometimes you hate cellphones because _____?
* i get messages from people i don't know. nakakapagtaka how the fuck did they get my number. then kapag tinanong mo kung sino, hindi magrereply. azar!

3. Paano mo patayin ang ipis?
* i use the tennis raketa look alike na may kuryente. effective. mas malakas ang charge, mas electrifying!

4.Anong una mong pinupuntahan sa mall?
* Powder Room. para mag pulbos syempre.

5. Nahulog ka na ba sa stairs?
* twice. una nuong limang taong gulang pa lang ako. pinapatulog kasi kami ni mama sa tanghali nuon. sa kakulitan ko, tumakas ako at sa sobrang kaba, nadulas ako mula itaas. 9 steps ata yun. ayun, bukol. pangalawa, when i was in grade school. graduation practice. i got excited, ran without knowing that im headed to the staircase. that's why my classmates called me "Ben Tumbling" then.

6. Message mo sa mahal mo?
* I Love You... Still.

8. Naiilang ka ba pag ikaw lang ang kumakain at nakatingin sila sayo?
* yup. as if they are counting how many times i chew my food before i swallow it.

9. Bakit may mga taong manhid?
* hindi ko alam. nakakapeste nga rin yang mga ganyang nilalang. naalala ko pa noon, ang pagkakaintindi ko sa "manhid" eh yung parang milyon-milyong karayom na tutusok sa parte ng katawan mo na nadaganan mo ng matagal na oras. me iba pa palang kahulugan yun. tulad ng isang taong pinakikita mo na with matching action at gestures pa, deadma paren. talk about ngimay?

10. Pano ka magalit?
* i dont get mad. i get even. and believe me, you wouldnt want to know how i do my stuff. hahahahaahahaa. etchos! hindi naman ako brutal magalit. depende sa nagpagalit at depende natural sa dahilan. minsan tahimik lang ako pag galit. madalas matalak. at gusto ko inilalabas. ayoko kimkimin. baka sumabog sa loob. mabaho.

11. Anong Maganda/Masarap Gawin sa Outing w/ Barkada?
* Beach. Inom. Kain. TULOG!

12. How was your 2008 Summer?
* it went well naman. i am not a "summer" person. madali ako maalibadbaran pag may Sandra. malagkit. malapot!

13. How long was your longest telebabad?
* maniniwala ka bakung sasabihin ko na 16 hours? salamat sa Sun Cellular 24/7 Call and Text Unlimited!

14. Last place you've been to?
* Macapagal. Naisip ko maglamyerda at bumili ng regalo para sa nakaraang kaarawan ni Mama.

15. They say you are:
*i am... Me? well, honestly, i do care with what other people might tell. that may be good or bad. i aint no saint. i do silly things unto others, but im sure they can say im REAL.

16. How old are you?
* bente tres anyos na. mag bebentekuwatro sa disyembre anuwebe. ayan, maagang plugging ito. gifts are very much welcome.

17. Last thing you drank?
* iced tea. medyo kulang sa tamis.

18. You want to?
* Sleep. ive been out with my friends and drank our hearts out pero pagtapos, di paren ako makatulog. exag ang Enervon. more more more energy kahit gusto ko na matulog.

19. Bakit naman?
* ewan ko. siguro bunsod ito ng asukal sa katawan ko. iinom ako ng gatas mamaya. yung may yelo. sigurado after one glass of milk, makakatulog na ako.

20. Mahirap bang umasa?
* yeah. but that depends on the gravity and level of awareness ng taong umaasa. na ang inaasahan natin ay kailanman, habangbuhay na tayo paasahin. minsan kasi we choose to be blind on things that is very much obvious. pilit tinatalikuran ang mga bagay na dapat nakikita para malamang nagmumukha na tayong tanga.

21. Anong nafe-feel mo ngayon?
* i gave up. and loving it. now i know that being single is one of the best things in the world.

22. What's the last thing you did?
* dragged my mouse to this question. typed my answer and went to the next.

23. Last person you talked to.
* uhm sister ko. nagpatulong ako magsampay ng mga nilabhan ko.

24. What song are you listening to right now?
* Far Away by Nickelback. i suppose to hate this song. but whenever i feel like removing it from my list, something in me wants to listen to it kahit sa huling pagkakataon. pag natapos ko yung kanta, marami nanamang alaala. hindi ko nanaman mabubura. demit!

25. Do you receive sweet txt messages?
* i sure do. and i keep them. ewan ko. di ko naman sinesend yung iba. basta nasa bulk folder ko lang.

26. Busy ka ba?
* nope. im just pretending that i am.

27. Did you get sick this month?
* nope and i thank God for that ",

20 September, 2008

Anik-Anik

september 18th ang hire date ko sa panibagong trabahong pinasok ko dito sa Pilipinas. hindi naging madali para saakin na ipagpaliban ang mga oportunidad sa ibang-bansa. pero ang makasama ang aking pamilya at mga kaibigan ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit napa oo ako agad ng tanungin ako kung magtatagal ako dito sa aking tinubuang lupa.

hindi madali para saakin ang mag effort nanaman sa pagbyahe mula bundok ng Cavite hanggang sa kapatagan. may mga oras na hindi na ako sanay kung magkano ba ang pamasahe dahil sa hindi naman talaga ko naglalalabas ng kulungan ko. parati lang ako sa loob kaya naman nagulat ako ng manghingi ng dagdag ang driver dahil kulang daw ang pamasahe na binayad ko.

kakaiba ang pinasukan kong kumpanya at sa sobrang kakaiba nito, hindi kami (empleyado) pwede magkwento ng kahit anong tungkol dito. (hmmm?)

pero hindi ko mapipigilang ikuwento ang mga kakaputok-ugat na bagong katrabaho ko.

wala naman akong matigas na tinapay sa kahit na sino. pinababayaan ko lang ding umarangkada ang mga taong harurot. katwiran ko nga, kung yan ang makakapagpatigas ng titi mo, di go! i can always act stupid in front of a stupid who acts like a genius.

mabuti na lang at maraming mababait na nilalang, naisalba ang pagkabuwiset ng eyeliner ko.

nakakamiss din ang blogging. nakabalik narin ako sa wakas.

sa mga walang sawa na bumisita sa mga panahong nasa fitting room ako at nagbibihis, salamat. maraming maraming salamat.

sa mga nangumusta at natuwa sa bagong look ng aking balur, mabuhay kayo!

sa mga napangitan at hindi masyadong nagandahan, pasensya na po, ito lang ang nakayanan ko.

sa Iyo, salamat sa suporta at pagbibigay inspirasyon. patawad sa mga dadating na kasalanang magagawa ko.

kay Lord, thanks at maganda ang schedule ko :) lakas ko talaga sa Iyo :)

bukas, pramis, may kuwento ako.

27 August, 2008

There's No Place Like Home.

mahabang mahaba dapat ang post ko sa araw na ito. ikukwento ko sana sa inyo ang mga nangyari sa byahe ko at ang unang tapak ng aking paa sa NAIA after 49 years sa ibayong dagat.


nang biglang...
nagBROWNOUT!


only in the PILIPENS talaga oo!

25 August, 2008

Duty Free!

Balik-bayan?

Hehe,

i-ready na ang golden bling-bling at ang aking ray-ban!

Dahil in a few hours, ako’y nasa PILIPINAS na!

Kaway sa Merlion at Hello Luneta!

" there's no place like home"
-nabasa ko sa pintuan namin

11 August, 2008

Usapang Di Masyadong Matino

palitan ng salita ng dalawang tanga:

bern: kamusta?
leloy: mabuti.
bern: bakit?
leloy: ewan.
oOo

nanood ako kanina ng "Riding in Cars with Boys" at umiyak nanaman ako matapos ang labinglimang beses na pagkakataong pinanood ko ito. hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng isang ina. siguro nga eh hindi ko maipapaliwanag kahit na gusto ko ipaliwanag, maliwanag?

nakakatuwa kasi kung pano ipinakita ng pelikula ang mga bagay na nangyayari sa maagang pag aasawa. mga bagay na nagyayari sa pamilya, at pagkakaibigan. kung paanong pwede palakihin ng isang batang ina ang anak ng maayos kahit mahirap, at walang tatay. kung paano kayang ipagpalit ng magulang ang pansariling pangarap para sa ikabubuti ng mahal nyang supling.

madalas, bilang anak, kagaya ko, hindi natin maintindihan ang mga sakripisyo na ginagawa ng ating mga magulang para saatin. hindi natin maunawaan ang dahilan sa likod ng curfew, grounded, bawal mag boyfriend, mababang allowance at iba pa. (masyadong marami, kulang ang space)
ang cute nung bata. pati nung nagbinata na yung bata... (yun naman pala)
oOo
nag chismisan kami nila bloom, at Jose kanina sa ym. naisip ko sana isikreto yung pinag usapan namin, kaso... sige na, ikukuwento ko na rin:

Myk2ts(11/8/2008 2:22:34 AM): hirap talaga ng umaasa no?
il_bloomagain (11/8/2008 2:22:34 AM): super diba?
Myk2ts(11/8/2008 2:22:37 AM): oo
il_bloomagain (11/8/2008 2:22:45 AM): hay sh*t talaga.
il_bloomagain (11/8/2008 2:22:52 AM): namimiss ko na nga sha ng bonggang bongga talaga!
il_bloomagain (11/8/2008 2:23:12 AM): may times na feeling ko ok na ko tapos biglang one day
il_bloomagain (11/8/2008 2:23:21 AM): namimiss ko nanaman sha
il_bloomagain (11/8/2008 2:23:25 AM): parang ngayon!
Myk2ts(11/8/2008 2:23:49 AM): i understand
il_bloomagain (11/8/2008 2:24:22 AM): kinabahan ako lam mo ba yon?
Myk2ts(11/8/2008 2:24:33 AM): bakit?
il_bloomagain (11/8/2008 2:24:36 AM): parang something inside me gustong mag hello sa kanya.
Myk2ts(11/8/2008 2:24:46 AM): o di dapat ginawa mo...
il_bloomagain (11/8/2008 2:24:48 AM): kaya lang parati ko chinochoose na wag kase mahihirapan nanaman ako.
Myk2ts(11/8/2008 2:25:46 AM): hindi kita pipigilan gawin ang bagay na makakapagpasaya sayo...
il_bloomagain (11/8/2008 2:25:58 AM): myk2ts...
Myk2ts (11/8/2008 2:25:59 AM): go on, if that is what your heart desires...
il_bloomagain (11/8/2008 2:26:03 AM): waaag
il_bloomagain (11/8/2008 2:26:05 AM): ayaaaw
il_bloomagain (11/8/2008 2:26:12 AM): naiiyak nanaman eko eeh
il_bloomagain (11/8/2008 2:26:25 AM): pano kung babaan nya lang ako ng fone?
Myk2ts(11/8/2008 2:26:30 AM): minsan kasi puro iisipin ng ibang tao ang iniisip natin. nakakalimutan na natin yung pansariling saya
il_bloomagain (11/8/2008 2:26:50 AM): o fine magiging masaya ako
Myk2ts(11/8/2008 2:26:52 AM): pag binabaan ka ng fone? then be it. masakit but i know, kung gagawin nya yun, may matututunan ka...
Myk2ts (11/8/2008 2:28:07 AM): dont get me wrong, ayoko masaktan ka...
Myk2ts(11/8/2008 2:28:25 AM): kaso if you are stopping yourself with what if's mas mahirap
il_bloomagain (11/8/2008 2:28:39 AM): tsk.
Myk2ts(11/8/2008 2:28:53 AM): indulge yourself with pain. because with that, there is learning
il_bloomagain (11/8/2008 2:28:56 AM): wala naman point na magopen ulit ako ng communication eh
Myk2ts (11/8/2008 2:29:26 AM): says who?
Myk2ts (11/8/2008 2:29:33 AM): you cant tell unless you try
il_bloomagain (11/8/2008 2:29:46 AM): ive tried na before
il_bloomagain (11/8/2008 2:29:48 AM): nangyari na to eh
il_bloomagain (11/8/2008 2:29:53 AM): hindi nga lang umabot ng 3months
il_bloomagain (11/8/2008 2:30:00 AM): 3days lang
il_bloomagain (11/8/2008 2:30:02 AM): hahaha
Myk2ts (11/8/2008 2:30:03 AM): yeaterday is different from today.
Myk2ts(11/8/2008 2:30:19 AM): pero alam mo, you deserve someone better.
Myk2ts (11/8/2008 2:30:29 AM): you deserve a better YOU.


hindi ako eksperto sa pag-ibig. wala naman sigurong eksperto dun. kahit si Joe d' Mango diba me problemang puso din? pero dahil sa karanasan, natututo tayo. bahagi yan ng usapan namin ni bloom. sa totoo lang, napakahirap ng posisyon nya. hindi madali ang umasa at mag hintay sa taong wala naman balak na dumating at puntahan ka.

pero hindi dahilan yun para ilugmok natin ang ating sarili. hayaan nating ipakita natin ang totoong damdamin natin sa taong ating iniibig. masakit man o masaya ang kalabasan, dapat nating tanggapin. at unawain. hindi naman puro saya ang pag-ibig. sa kalungkutan tayo madalas may natututunan.

bloom, kaya mo yan. belated sa kanya...
oOo

minsan, marami akong gustong sabihin. ikuwento. isulat. at sa sobrang dami nito, wala akong maumpisahan. wala akong masimulan. sabi nila, isulat ko daw. sabi ko naman, wag na. nakakapagod. nakakatamad.
oOo

kay Father Jose, kaya mo yan. wag kang matakot. minsan lang ang mabulungan. basta alamin mo ang totoong nilalaman ng puso mo. at dadalhin ka nito sa tamang desisyon kapag humingi ka sa Kanya.
oOo

masarap ang pakiramdam ng walang kaaway. pero mas masarap pala ang pakiramdam ng nagpapatawad. yung kumpletong pagpapatawad. yung may kasamang kalimot sa nakaraang kasalanan at may panibagong simula.

minsan kasi ay sensitibo akong tao. o baka rin naman masyadong masama na ang tabas ng dila ng karamihan ngayon. kaya may mga pagkakataong napipika rin ako.

naooffend. nasasaktan.

hindi lang ako. lahat tayo.

akala ko masaya ang gumanti. ang lumamang. parang iba kasi yung pakiramdam ng naungusan mo yung kakaway mo. kapag nataasan mo yung ihi nila. yun yung naisip ko kanina sa mga taong umapi at umalipusta sa aking pagkatao!

hanggang sa nabigatan ako. sa dami ng mga planong naglalaro sa isip ko, hindi ko namalayang napupuno na pala ng galit ang dibdib ko. ayun. umapaw. sumabog. buti nalang maganda yung explosion. parang yung fireworks sa opening ng
Beijing Olympics.


di ko naman akalaing gagaan ang pakiramdam ko. iba talaga. para akong nabunutan ng diamonds sa dibdib. (ulit) masarap huminga ng malalim dahil alam ko na wala akong sama ng loob na maaring lumabas at maging utot.

09 August, 2008

Missing You


bukod sa traffic sa EDSA, marami rin naman kong namimiss sa atin. ang tanawin na makikita sa Luneta habang nagkalat ang mga rugby boys. mga basura sa Payatas, at ang malamyos na simoy ng hangin galing sa ilog Pasig tuwing nagdadaan ako sa Guadalupe. hay... eto pa ang mga namimiss ko saatin bukod sa mga nabanggit:
  • tunog ng eroplano sa umaga tuwing bagong gising ako-daanan kasi ng eroplano yung bahay namin sa Cavite. hindi sa loob ha, sa ere. ewan ko ba, parang yun ang major intersectrion ng PAL at Cebu Pacific.

  • mga boses ng chismosa sa may amin-ang duty ng mga ito ay nagsisimula ng alas-siyete ng umaga at natatapos naman ng alas-onse ng tanghali. maraming sinaing ang natutong at ulam na nasunog dahil sa habit ng mga kapitbahay naming ito.

  • munggo, toge at pinakbet-luto to ng nanay ko. di ko kasi magaya yung ginagawa nyang pag-gisa sa bawang, sibuyas at kamatis. nakakasawa na rin kasi ang mga pagkain dito.

  • nanay, ate at mga pamangkin ko-ngayon ko talaga napatunayan na nakakamiss ang mga taong nabanggit. hindi kasi ako nasanay ng malayo sa kanila kaya ngayon, nahohomesick ako *dramatic nanaman oy!

  • anne, she at nino-mga kachokaran ko. tuwa, saya, lungkot at takot, kasama ko ang mga ito. nakakalungkot lang kasi naman, alam ko na sa mga oras na ito, magkakalayo din sila sa isa't-isa.

  • kwarto, kama at unan ko-marami kaming pinagsamahan ng mga ito. may mga maiinit at gabing malamig na sila ang mga kaagapay ko. kaniig. kalampungan. salamat sayo, aking unan. mabuhay ka!

  • si Pepe at si Super-mga aso kong makulit. hindi ko akalaing hahanap-hanapin ko ang amoy ng panghi ng ihi nitong dalawang to.
  • Lance at Ivan-dalawang lalaki sa buhay ko. Isang gasolina, isang diesel.

  • tindahan ni Aling Mila-dito ko bumibili ng shampoo pag naubusan ako. sa kanila din ako nagpapaload. tuwing alas otso ng gabi, yung anak niyang si Mon ang nagbabantay. wala atang ibang damit ang batang yun dahil palaging salawal lang ang suot.
  • MOA, Shang, G4, at Wensha-alam nyo na kung ano tong mga lugar na ito. wala lang. namiss ko lang.

  • tindahan ng maruya at turon sa kanto-paborito namin tong meryenda. yung turon (8 pesos), maraming langka. yung maruya, (5 pesos) maraming asukal. sulit. laging mainit. parang yung kili-kili ng nagtitinda. pero ang malaking kaibahan, yung tinda, matamis, yung tindera, ang asim!

  • koreanovela sa hapon-nakakamiss naman kasi yung mga singkit na ito. nakakasawa na din naman si Dr. House at si Betty na Ugly.

  • Tang litro pack-yung grapes at yung ponkan. ayoko ng orange. masyadong maasim.

sa halos dalawang buwan kong tinagal dito, ito ang mga dahilan ng pagkamiss ko sa bansa natin. nakakalungkot manood ng balita lalo na at puro negatibo ang lumalabas na istorya. mabuti na lang at nandyan si Charice at si Manny, kahit paano may goodnews.
noong bata pa ako (bata pa rin naman ako) hindi ko inisip na maglalagi ako sa labas ng Luzviminda. sabi ko noon, kahit mahirap, mainit, trapik at mausok sa maynila, hindi ko ipagpapalit ang pinas sa ibang bansa.

pero sa paglipas ng panahon at mangilan-ngilang pangulo, naramdaman kong bumibigat na ang halaga ng bawat butil ng bigas na isinusubo ko. pati kuryenteng gagamitin ng bentilador at ilaw ko, nagmamahal na rin. dati, yung limang piso ko naibibili ko pa ng softdrinks. ngayon pang deposito pa lang ng bote ng softdrinks, kinse pesos na.

hindi ko masisi ang karamihan (kasama na ako) na manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. kumita ng dolyar at magkaroon ng magandang buhay. sino ba ang may gustong mabuhay ng mahirap? magulo? diba wala? lahat tayo ay naghahangad ng maaliwalas na buhay. magaan. marangya. hindi masamang mag ambisyon. wag lang maging ambisyosa.

kung ang buhay kaya saatin ay mas maunlad at mas asensado, aalis pa ba kaya ako? sila? tayo?

ano nga ba ang problema, ang bansa natin?, ang mamamayang Pilipino? o ang mga namumuno dito?

alam ko, pareho tayo ng isasagot.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy