29 October, 2008

Sleeping Beauty

"naglalakad nanaman akong parang walang pupuntahan. hakbang ng hakbang ang mga paang kinakalyo na sa pag-asang may magkakaroon ng saaki'y magmamahal. umaamot ng munting puwang sa iyong pusong puno ng laman. lumilingon, sumisilay. parang bibeng lumalakad sa iyong harapan. ngumingiti, tumatawa. sadyang pinaririning ang saakiy nakatutuwa. nakasalubong, sumulyap. ngumiti ka at kumaway. ikaw nga ba ay saakin nakatunghay? salamat sa aking konsensya. ako'y kanyang tinuruan"


and why are you sleeping?
--trainer

amputang ina. panaginip nanaman. nakatulog nanaman ako habang nakikipag usap sa mga kano. napapansin kong lately medyo nagiging antukin ata ako. lately nga lang ba? oo na. sige. medyo antukin nga ako. para saakin ang pagtulog ang pinaka masarap na aktibidad sa mundo. libre. nakakaadik. minsan nag iisip ako. sa buhay kong ito, salat na nga ako sa pag-ibig ng isang boylet, pati ba naman sa pagtulog, sawi parin ako? loser.

normal na saakin ang mga lima hanggang anim na oras ng tulog. kaya naman kahit nasa sasakyan ako, wala akong pakialam dahil masandal lang ako, pihado, mananaginip na ako. lumulutang, malambot ang ulap. masarap ang simoy ng kumot na bagong almirol. mabuti na lamang ay nasa tapat lang ng Encantasia ang terminal ng mga walis na aking sinasakyan tuwing uwian. hindi ko problema ang paglampas. wala akong iisiping paparahan sa gitna ng aking malalim na balintataw.

kaya naman tuwing walang ginagawa, natutulog na lang ako. kesa lumabas. maalikabok. mabaho. magastos. samantalang kung matutulog ako, pwede ko pang mapanaginipan ang love story namin ni John Lloyd. pwede ko ring isuot ang costume ni Marian. duon, pwede akong bumirit habang pinapalakpakan ako nila Pops, Regine, Charice at ni Ellen DeGeneres.

ang sarap maghilik. lalo na kung wala akong katabing sasampal sa malaki kong pisngi. yung ibang hindi makatiis, pasimpleng lilikutin ang kama o kaya ako ay bubunguin. plastic. hindi nalang ako basta gisingin at murahin... diba? mas totoo? mas exciting?

buti nalang ang mga kaibigan ko, tahasan manggising. kalabit na bumabaon o kaya tapik na lumalatay. simple. totoo.

pero hindi naman ako destructive matulog. di naman ako nakakasira ng tulog ng may tulog.

kaso nga namumurublema ako ngayon. parang napaka OA na kasi. akala mo ang pagtulog e kasing guwapo ni Piolo. ang hirap hanapin. ang hirap habulin. ang hirap angkinin.

oh sana naman aking hiling, ang pag gawa ng tulog ay wag ipagkait. minsan kasi nakainom na ko ng ilang basong maligamgam na gatas na may melamine wala pa rin. sinubukan ko na ring magbilang ng sheeps. amputa, pati black sheeps ata nabilang ko na wala pa rin. suggestion naman mula saaking magiliw na kaopisina sa kelsenner... "magbilang ka ng bituin"...

kahit naman siguro naka tira ako ng katol, hindi ko susubukang bilangin ang mga bituin habang tirik na tirik ang Araw na galit!


myk2ts r2r.png

25 Pakelamera:

Anonymous said...

taena.. ang lupit mo... idol kita ah... baka nman sabihin nila si badudels ka rin... wel, ganyan talaga ang buhay.. libre ang libre.. kundi man, nagmamahal na.. tulad ng dating isangkilong ikaw... bente lang ngayun dobledoble na..

o sige, alis na muna ako.. mapapalaban sa mala prisonbreak na aktibidad.. ingat maykatoks

paperdoll said...

ito nga napansin co lately. . haha. . hindi na nawala ang issue ng melamine. . :D

paboritong akitibidad co ang matulog. . kaya nga ba naglalakihan tayo eh. tsktsk. . :-D

lol, subukan mo rin magbilang ng bituin sa katirikan ng araw. . malay mo may tama sya:D

Myk2ts said...

kosa: hehe hindi ako yun. isa lang akong alagad ng aking kaisipan :) malalim masyado. nakakalunod. parang ilong na puno ng sipon.

hehe hjindi naman ako nagmamahal. bumabalik na unti unti ang aking presyo. abot kaya. abot tanaw. pamatid gutom :)

haha nako ingat at wag magbanat masyado. ikaw ba si WWMILLER? :)

Myk2ts said...

PAPERDOLL:) hehe diba>? sarap kasi umerklip eh. haha masakit sa mata ang sobrang pagbibilang ng tala :)

Kape Kanlaon\ said...

oi, kelsenner ka rin pala My2kts? hehe
since I was on a morning shift, i sleep 8-9 hours a day... yeah, ang dami noh? kaya nga feeling ko ang gwapo ko these days eh.. wahehhe joke lang.. heheheheh

Anonymous said...

syete! masarap nga matulog ngaun teh...
lalo na may hinhintay ka at di naman dumadating.. wahaha..


minsan nga itry ko naman magsleep sa sasakyan. natatakot kasi akong lumapas at baka kung san mapadpad eh.

katakot.


bago un ah.
luma na pala ung magbilang ng bituin ano?

Anonymous said...

hahaha ily sleepyhead! mare kakatawa ang post na ito hehehe nhuhuli ka ntutulog?ang galing ulitin mu ulit mare damihan mu pa ang pag-ulit for sure matutulog ka ng matagal sa bahay nyo at sa malabot mong kama dahil wala ka ng trabaho bwahaha! labu!

lucas said...

ooohh..may sleeping problem ka pala lately. hindi kaya yan sa stress? sobrang daming iniisip? hmmm...

ang sarap ngang matulog lalo na kapag makulimlim ang langit at naririnig mo ang patak ng ulan sa mga bubungan...zZZZZZzzzzz.

nung kasagsagan ng allergy ko 2 hours lang ako matulog. 2 am to 4 am...ibang klase no...

ngayong ok nako ang aga konamang matulog. 8 pm-4 am pa din. sarap! hehehe!

Dear Hiraya said...

hinahabol mo ang pagtulog?? naku... problema ko rin yan.. mswerte na lang at sembreak ngayon at kahit papano, may hihigit sa apat na oras na akong tulog pero dahil pasukan na next week, malamang, balik 4 or less na lang ang tulog ko..

kaya yan! bumawi ka na alng sa weekends kung pwede..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Savage Heart said...

Marz! masarap tumira ng katol!!! iba ang amats kaysa sa Rugby!!! Isusulong ko na ang pag tira ng katol sa mga street kids for a change hahahahahaha

"Kasi para sa akin, Nothing is more effective against dandruff"

LOL miss yah!

Myk2ts said...

LANCE: kurekek, kelsenner din po:) kaso night shit... este shift. kaya naman pala fresh ka. kami laging basura look. hagard mapuyat. :)

Myk2ts said...

stan: perfect matulog sa sasakyan mare, nakakaloka lang kasi magigising ka nalang na sinasandalan ng katabi mong tulog din :)

talaga? sige sige, sama kayo. birit tayo :)

Myk2ts said...

roneiluke: tama ka. malamig ang simoy ng hangin pag ganun diba? tapos me sopas na mainit na naghihintay sa hapag. perfect :)

allergy? saan? naku masama naman yung less than 4 hours na sleep diba?

Myk2ts said...

fjordz: onga eh, kaya nakakapagod. nako dapat magbawi ka ng magbawi. mahirap bumigay ang katawan. nakakaloka ang labis na pagpupuyat :P)

Myk2ts said...

ronnan: akala ko si angel locsin ito, ask ko sana kung anu ang number 3 anti-dandruff shampoo hahahaha

katol is the best mare. lalo na yung violet!

nga pala... epektib din yung usok ng sinaing. kalowka :)

lucas said...

nako hindi ko alam eh...pero ok na ako ngayon. nadaan naman sa gamot. :) masama nga yun pero bumalik na yung sleeping pattern ko. 6pm to 6 am sa tulog ko. hehehe!

pusangkalye said...

thanks sa pagdalaw s blog ko and I also appreciate the comment. hope to see you more often...

Savage Heart said...

Perfecta mare!!! Winner ang usok ng sinaing!!! Isang shot lang buhay ay listo!!!

walang sinabi ang Nescafe!!! hahaahaha

Kasi alam mo marz "When I join showbiz lahat nagbago.. pati hair ko nagbago... kaya nag change na ako ng shampoo" hahahaa

Roland said...

kulang na sa tulog, wala pang boylet? loser nga! hahaha... akala ko pa naman "alive" ang love life mu... anyway dreamboy mo pala si insan, sge pag uwi me dyan, isama ko sya sa "eb" natin. :)

natawa ako dito >>> ang hirap hanapin ng pagtulog, parang si piolo pascual! haha... ndi totoo yan, ikot mo lang mata mu... dyan lang siya sa tabi2. :P

Myk2ts said...

ron: haha dapat kasi ang ideal hours of sleep daw ay 8 hours. kadalasan, di na nasusunod no?

Myk2ts said...

salingpusa: walang anuman. opo palagi ako tatambay dun

Myk2ts said...

mare: haah kaninong linyaaaa yooon? :)

Myk2ts said...

roland: pramis mo yan ha? isasama mo yang insan mo sa "ebs" naten para naman maging happy na ko hahahaha

Mariano said...

Ganyan din yung mga kaibigan kong Masantol, masandal, tologs.

Sabagay masarap talaga matulog. Kaya nga ba sabi nga ng kung sino man eh habang bata ka, matulog ka na sa hapon dahil pagdating ng panahon, hahanap-hanapin mo yun.

Hindi ko din alam kung kelan ako nakatulog ng mahaba-habang tulog. Madalas wala pang tatlong oras, lalo na kapag may pasok.

Manood ka na lang ng SIS sa umaga, baka makatulong sila.

*FRUITSHAKE* said...

hahaha! mare pinagkakait na ba sayu ni john loyd ang pag tulog? ggrrrr!!!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy