12 October, 2008

Kilig

eto nanaman. sinabi ko sa sarili ko dati na i hate this kind of feeling. na tipong hindi ko na pababayaan ang highschool type of kilig na ito saakin. ayoko ng mga awkward moments, simpleng biro, mga hidden glances at kung anu anu pa. ayoko. ayoko.

pero ano ang magagawa ko. sabi nga ng hypothalamus ko, umiibig nanaman ako. ang nakakaloka pa, sa edad kong nubenta'y-singko, etchos eh para nanaman akong mag-aaral sa mataas na paaralan ng pintong gubat. in short-- KILIG TO THE BONES!

hindi ko naman akalaing may ganun akong mararamdaman. sa araw araw na pinagsamahan namin, hindi ko naman siya napapansin nuong una. tahimik kasi. literal na lalaki. minsan lang umimik. kapag nagsalita, malalim. minsan nga nagtaka siya nung kinausap ko siya at may dala dala akong maliit na salbabida.

para di ako malunod sa lalim ng pagkatao mo,
--Myk2ts (malandi)

ngayon pinagagalitan ko nanaman ang sarili ko. pilit ko kinocompose ang aking mga kilos. dapat finess, dapat di masyadong madaldal, and everything. punyeta, kilala nyo ako, hindi ako ganon!

pero dahil sa mga ganitong pagkakataon na lalapitan nya ako, at tatabi siya saakin, parang may sudden changes sa boses ko, sa sikmura ko, sa lahat. nag tatransform ba ako?

mabiro akong tao, at sa tuwing magsasalita ako, hindi ko alam kung bakit tumatawa ang mga tao. pero sa tuwing lilingon ang mga pares ng mata ko. tahimik lang siya. minsan napapangiti. hanggang dun lang.

sabi ko sa sarili ko, mapapahalakhak ko ito. at nagawa ko nga. tagumpay.

pero ang kanyang "normal" na pakikitungo ang parang punyal na tumuturok sa mga maseselang parte ng aking puso. parang karayom sa makinang unti unting lumalabas pasok saaking puso. masakit. sabi ko: arouch!

kaya naman ang tendency ko minsan, mag inarte. mag pa-sweet. mag feeling balingkinitan. hindi ko siya babatiin hangga't di nya ako binabati. hindi ko siya kakausapin unless he talks to me. in short, INARTE.

medyo gumana. lumalapit. nagsisimula ng usapan. nagbibiro na ren. hanggang nagkayayaan. kung saan?

abangan.

20 Pakelamera:

Anonymous said...

ahahaha! kinilig! okay lang yan, be with the moment! sakmalin na!

Anonymous said...

lol... julandee ka pala... joke.. hehehe i like the humor..

aabangan ko ang susunod na kabanata..lol sana may "xxx"moment..lol

kosa here
overandout

Kape Kanlaon\ said...

ahahah...
goodluck myk2ts! =)

Bloom said...

nyalanduuuuuurrrrrrrrs. hahahahahahaha! ayusin mo na sched mo mareeeeeee.. lunch dit na us. where na you? hahahahaha..

lucas said...

wow... i am so happy for you. hehe! hawaan mo naman ako ng kilig sa katawan. eehe!

panalo yung salbabida...eehe! iba ang banat. bagay kayo kasi at least medyo opposite kayo. exciteing yan when you explore each other. can't wait na malaman kung san kayo pupunta :)

---

aehehe! ganun nga rin pakiramdam ko parang di ako mapakali kapag may suot habang jumejebs... eehe!!

congatulations? para saan? sa ekwento mo? parang aga pa para dun... hehehe! but thanks :)

October 12, 2008 5:33 AM

wanderingcommuter said...

uuuyyyyy... interesting... hahahaha!

Ehjayculate said...

OMG! ... ano kaya nangyari?

Anonymous said...

waaaaa hahaha eto nanaman bitin nanaman lam mu mare ang ganda ng mata mu sobra ung kulay basta un agad npapasin sau next tu ur hart my dear hehehe love u waahahaahah inlababo ang gaga! uiiii :) dalian mu ang update hahaha!

Anonymous said...

it's a good feeling to be kilig!

Myk2ts said...

jack: haha feling ko naman one way lang kaya kalmot na lang muna haha

Myk2ts said...

kosa: bawal ang xxx at baka mabartolina ako. salamat sa pagbasa :) landi ba? haha hindi naman siguro medyo nag fifeeling babae lang hahah

Myk2ts said...

lance: salamat. sayo din jan. nakaakmiss siguro team nyo no? okay lang yan. friends come and go. im sure may dadating na okay din kagaya nila :)

Myk2ts said...

bloom: sige pag may libreng oras na eh gagawin natin yan. we have a lot to catch up:)

Myk2ts said...

ron: hahaha mahahawa ka din, mamaya maya lang. minsan talaga salbabida hanap ko para makaahon sa lalim ng thoughts. parang si Pablo Neruda ang kaharap ko minsan eh. haha nga pala, one way lang yun kaya di ko na lang sineseryoso. ayoko na ng masaktan :P

--

oo congrats na agad. alam kong mananalo ka. pag nanalo ka treat ka namin :)

Myk2ts said...

ewik: salamat sa pagdalaw:) ingat palage

Myk2ts said...

ejii: kamusta na? nakakamiss ka ah... uwi ka ba dito sa paskow?

Myk2ts said...

yeinie: hahaaha salamat sa pagappreciate ng mata ko mare. lahat naman tayo magaganda. sana lang lahat tayo kagaya mo. tumitingin sa kaibuturan. hindi sa pangibabaw na anyo. miss na kita. anu na? kelan na tayo lalabas?

Anonymous said...

mare aba ang tanong mu ang di ko kaya sagutin dahil ang tanong ano ba ang ischedyul mu lola?! powtek masarap ang piza sa Napoli infairness hahaha. mare hindi ko matndaan kung saan tau sumakay nung pauwi tau sa pasay bwahahaha ngkandaligaw ligaw nanaman ako hahaha hindi ko mtndaan, im not big on directions kasi hahaha. alam ko lang pumsok tau sa metropolis tapos wala na haha. letche hirap hnapin. weekends kb pde?pasundo n lng tau ke carrey hehehe :) mag-iceskate pa tau mare hahaha! octt 22 showing na yung movie!!!

Savage Heart said...

Kumadre!!! ayan nah!!! ohh see.. basta pag naramdaman mung nag mala 8 octaves na ang boses mo pag anjan sya at nakikita mo na ang mga Unicorn at si Sailormoon!!! yan na yun!!! grab nah! lugay mo lang hair mo marz!! go lang ng go!!!

hehehehe

Anonymous said...

wow naman HIGH SCHOOL INARTE hahaha! ang haba ng buhok mo ah! hehehe! Nagpa-salon? hmmmn. hehehe Maabangan nga! Pictures Please!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy