Showing posts with label emo mode. Show all posts
Showing posts with label emo mode. Show all posts

26 January, 2010

Bagong Sulat: Juance Upon A Time...

naalala ko yung huling entry ko dito sa baba. bulok na ata. maagiw at makalat na. katulad ng mga pangyayaring naganap habang tumatakbo ang panahon at araw sa buhay ko. walang bago, lahat naman ay ordinaryo lang. paulit-ulit.

hindi ako mahilig pumunta sa mga amusement park, at lalong ayoko ng roller coaster. boring, pero hindi ako magbaabyad para pasirkusirkuhin lang ng bakal na yun. nakakatakot. ayoko mahilo at masuka pagbaba ko.

pero kung bakit yung mga bagay na ayaw mo ang palaging nagaabang at naghihintay na mangyari sayo?

isang umaga, nuong nakarang taon, habang nagdadaan ang aking bakas sa blogworld, natalisod ako sa isang forum na pumukaw sa interes ko. (lalim no?) kung ano man ang topic duon, hindi ko na maalala, pero ang natatandaan ko ay palagi akong bumabalik balik duon. hindi na siguro dahil sa kung ano ang usapan, kung hindi sa kung sino ang nakakausap ko.

may estudyante, nagtatrabaho, bata, matanda, pulis, pulitiko, artista (siguro) at magtataho. diverse. maopinyon. malaya ang usapan. walang bleeps. walang cut. walang magbabawal sa kung ano ang gusto mong sabihin.

maraming salita at kuro-kuro ang nabasa ko at naisip, may punto. matalino at pinag-isipan. ganun siguro talaga ang pinoy... (naks)

kaya naman pumukaw saakin ang pangalang patok na tawag sa mga pinoy...

itutuloy...

myk2ts r2r.png

27 October, 2009

ABC (Ang Magulong Alpabeto Ng Pag-ibig)

A: :'(

B: what's wrong?


A: wala na sir.

B: what do you mean?


B: im all ears...

B: are you going to bail me too? im sorry for what happened. it hurts me knowing you are hurting. and it hurts me more because i can't do anything. sigh.


B: are you okay? please let me know you are and i'll stop bugging you. i just want to make sure you are fine...


B: **** are you okay? gee, i hope you have a slightest idea how worried i am now. great! why am i like this anyway?


B: here i go again, ignored as ever. i just hope you are fine.

A: i think i'll need a towel more than anything else. i'm a piece of crap. i am an inconsistent type of shit. i can't balance and juggle my problems at the same time. we broke. i initiated. for reasons i don't want to. mahal ko pa siya, and i wont cry this much kung hindi. im sorry, im talking shit here. glad you are there... thanks!

B: i hope dreams can clear things in your head. screw the pain, it'll fade. this is an apeshit i know, but you guys will be fine.

mahal ni B si A. alam ni A yun pero committed na siya kay C . matagal na may gusto si B sa kanya. friendster days palang yata eh hinahabol habol na ni B si A. nagkataong malungkot siguro si A kaya napansin niya si B. nakatext. nakausap. pero maliwanag kay B na hindi puwede. kahit minsan naguguluhan siya. kasi naman to si A, sweet. soulmates daw sila. eh pano na yung si C? mahal daw ni A si B at si C. magkaiba nga lang daw ng level. ayun isang gabi nagtext si A kay B. wala na raw sila ni C. mahal daw nya si C pero ayaw daw nya madamay ito sa mga personal niyang problema. nagpayo si B. kahit para sa kanya masakit malaman na nasasaktan si A. pinayuhan nya sa abot ng kanyang makakaya.

kaplastikan para sa iba. maraming katulad ni B ang nakakasalamuha natin. nagtatago ng nararamdaman dahil natatakot na masira ang kung ano man ang meron sa kanila ng taong mahal nila. may mga kaso rin na matapang. nagsasabi ng nararamdaman. deadma na kung ano ang kahihinatnan. kung ano ang kalalabasan. sa dinami daming porsiyento sa mundo ng mga numero, 1 out of 100 lang ang chance mo na makuha ang puso ng taong mahal mo. pathetic. pero totoo.

maraming tulad ni A ang may C pero nakikipag chuvahan pa sa mga katulad ni B. may masisisi ba sa kanila? si A na hindi kuntento o sadya lang pinanganak na magiliwin sa lahat ng tao. si B na nagmamahal at alam ang kinalulugaran o sadyang sinasamantala ang pagkakataon kahit may karelasyon na ang taong mahal niya. naghihintay ng awa. nanglilimos ng atensyon. o si C na nagkulang o lumabis ang pagmamahal at walang kaalam alam sa eksenang nagaganap.

pagod na siguro kayo makarinig ng mga dahilan galing sa mga partners ninyo. kesyo traffic, maulan, late nagising, i need space, i need time, i need the whole wide world. etc...

classic din yung dahilan na ayaw mo madamay sa mga problema mo ang mahal mo.

pero diba kung mahal mo ang taong yun, handa ka ibahagi ang lahat ng pangit sa iyo. ang lahat ng marumi ng madungis ng masama. dahil dun mo malalaman kung kayang kaya ka niyang tanggapin ng buo. ng totoo. ng walang halong pangiimbot.

para saakin, kung hindi mo kaya ibahagi sa taong mahal mo ang kalungkutan at problema mo, hindi mo rin kaya ibahagi sa kanya ang kaligayahan, tagumpay, puso pagmamahal at buong pagkatao mo.

myk2ts r2r.png

08 October, 2009

Sulat Para Sa Aking Puso

ikaw,


una sa lahat, sana ay matanggap mo ang mensaheng ito ng nasa mabuti kang kalagayan. importante ka saakin kaya naman lahat ng bagay na nakakasama sa iyo ay pilit kong iniiwasan. tinalikuran ko na ang ibang masasamang bisyo. kung meron man, inuunti-unti ko na ring pigilan. kung minsan nga, gumigising na ako ng maaga para lang maipasyal ka. mailanghap ka ng sariwang hangin. gumagamit na rin ako ng hagdan. nilalakad ko ang dating isinasakay ko ng sasakyan. binabawasan ko na ang mantika at puro pinakuluan na halos ang aking inuulam. lahat yun, para mapabuti at mapalakas ka. pero alam mo, minsan, kahit na ano pang gawin kong pag-aalaga saiyo, matigas parin ang ulo mo. wala kang sinusunod. minsan nga, kahit alam kong mas mataas ang kinalalagyan ni utak sa iyo, ikaw pa rin ang sinusunod ko. bakit ka ganyan? may nagawa ba ako sayong mali at gustong gusto mo na nasasaktan tayo? matalino ka alam ko. siguro hindi ko lang naiintindihan minsan ang mga desisyon mo, hindi ko lang gusto ang mga taong natitipuhan mo. pero pagdating sa dulo, ikaw parin ang panalo. ako? sunud-sunuran lang ako... ikaw ang masaya, ikaw ang maligaya, pero ako? ako ang nagdadala ng lahat ng bigat. ng lahat ng sakit. ng lahat ng pagdurusa. OA ba ako? siguro. pero ikaw, minsan atribida ka. sabi sa eskuwelahan, mahalaga ka. importante ka. ikaw ang pinakadapat bigyan ng pansin. porke't narinig mo yun, umasta ka naman ng sobra. nagbida-bidahan ka. ang akala ko, pagbomba lang ng dugo saaking katawan ang trabaho mo. aba't akalain mong, minamanduhan mo na ang buhay ko? kung hindi lang kita mahal... may pakiusap sana ako sayo. tama na sana. please? hindi ka pa ba napapagod sa kanya? wala naman siyang kuwenta diba? si mata laging umiiyak dahil sa kanya, si bibig, walang tigil ng kakasabi ng pangalan niya, aba pati si utak nakikisali na! puro siya na rin ang iniisip niya! hindi nya tayo mahal. hindi niya, at ng puso niya alam na may pagtingin ka, o tayo sa kanya. wala kang mapapala kundi simpleng atensiyon lang. simpleng pagturing. simpleng pakikitungo. wala tayong karapatan na magselos. na masaktan. na magalit. na maghanap. kahit humingi nga siguro wala. hindi puwede. dahil wala tayo sa lugar. wala tayong magagawa, kahit magtatalon ka pa tuwing kasama natin siya. di niya yun mabibigyan ng pansin. di rin nya kayang bigyan ng halaga... kahit kailan hindi mo mahahabol ang puso niya, dahil pagbalibaligtarin man natin ang mundo, hindi titibok ang puso niya para saatin, kagaya ng tinitibok-tibok mo dyan para sa kanya.


nagmamahal,

myk2ts r2r.png

04 October, 2009

Basag

ang daldal ko talaga. nakakatawa pag naalala ko mga daldal moments ko. nakakaloka minsan. naalala ko nanaman si Rush. kaibigan kong maldita. mabait. makapal ang eyeliner at laging naka bandana. may hikaw sa dila at redhorse ang tinutungga.

hindi siya pirata. maganda siya. malakas uminom. malakas tumawa. laging naka shades. minsan kahit gabi. mahilig sa light blue ng D&G.

isang gabing mahangin at nakakatamad mag log-in, naisip naming lumiban sa trabaho at magkape. ano nga naman ba ang PhP150? isang kape na may yelo o kaya naman ay umuusok. may cream sa ibabaw. may straw. at libreng sandamakmak na tissue. yosi at lighter, upuan at payong. mahangin na daan at maambon na kalangitan, ayos.

emo mode: ON

hindi namin alam kung pano liliyad sa upuan tuwing may bagong dating sa kapihan. baka ba kilala kami o boss pa namin. ng malaunan, di na kami nageffort pa. kiber. bahala na. ganitong malalim na ang usapan at tumutugtog ang malamyos na tinig ni Paolo Nutini?

Myk2ts: bakit ganun no? minsan mahirap maintindihan ang pag ibig. nakakalito kasi lagi akong naguguluhan. parang lagi akong napaglalaruan. nakanamputsa naman. dahil ba saan? ano bang dahilan? sila naman nakikita ko, okay naman. masaya. walang kaproble problema!

Rush: (Pokerface)

Myk2ts: alam ko alam ko, hindi ako dapat mainggit. oo na. mali yun at hindi naman talaga dapat. i know time will come na magiging okay din ako. na makakamove on na ako. pero bakit tuwing nasa 99th step na ko, bigla ko siya maalala? bigla ko siya maririnig? bigla ko madadaanan yung daan na sabay naming nilakaran? bigla ko nanaman maririnig yung kantang paborito niya? bigla ko nanaman makikita yung taong kapangalan niya? bigla nanaman siyang magpapakita sa panaginip ko, sa daydreams ko? sa kisame ng kuwarto ko. at ano? mula sa 99th, back to zero. back at one. back to start. back to back.

Rush: (Hitit ng yosi)

Myk2ts: ayon, back to basics. from the top ulit. as you where. step 1 ulit. kung bakit tuwing pilit mo kinakalimutan ang hinayupak, tsaka nagsasayaw sa harapan mo yung mga bagay na nagpapaalala sa kanya. tsaka mo maamoy yung pabango niya. asar diba? tapos ano? ako si tanga, balik sa dati. sakit nanaman sa dibdib. tapos di nanaman makapakinig ng music. hindi nanaman makapanood ng mushy dvd's papawisan nanaman ang palad ko kapag nasa paligid siya. the more i run away from him, the more he haunts me. tapos hindi naman nya ko mahal. me iba naman siyang gusto. hindi naman kami pwede. ano to? trip lang nya manira ng arteries at veins ng puso ko?

Rush: (Taas ng kilay)

Myk2ts: mabuti na nga lang at may katinuan pa ko. ewan ko nalang, pero alam mo mare, masaya yung ganitong panahon ano? mahangin, maulan, malamig. tapos nasa kuwarto ka lang, gloomy, tapos may sounds. tas maluha luha ka na. tas malamig nga diba? naaalala mo yung nakaraan. yung mga lumipas. yung mga araw na masaya kayo. naalala mo na may...

Rush: May sinaing pala sa baba at nasusunog na ang kalahati ng bahay nyo...

Myk2ts: Che!

basag. basag ang lahat ng ka emohan ko nung gabing yun. di ko na tinapos ang kape ko at tumungga na lang kami ng alak sa katabing resto. sa paglalim ng gabi at pagdami ng bote na nakatabingi, hindi ko alam kung bakit, sa di maipalaiwanag na dahilan ay bigla akong natahimik.
myk2ts r2r.png

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy