oo kasi naman sa tuwing kakausapin niya ako, kahit na ano pa ang ginagawa ko, at kahit sino pa ang kausap ko, iiwan ko para lang makipag kuwentuhan lang sa kanya. para lang maialay ko ang bawat oras ko at panahon sa kanya. kahit na wala naman siyang ibang sasabihin kundi simpleng linya lamang.
napaka unpredictable ng mga lalaking yan. oo alam ko na insensitive sila, pero sana naman kahit isang himaymay ng laman nila, makaramdam na nababaliwala ka na. nakakatuwa na makita na nakikipag usap at nakikipagkuwentuhan siya sa iba. pero may halong kirot. may lungkot. may paghihintay.
may mga feelingero naman. kunwari ayos lang. okay lang. mabiro mo minsan, lumalaki na ang ulo. akala mo na kung sino. ang akala ko pa naman, mabait. medyo lang pala.
minsang magkakasama kami, may bagay akong nagawa na hindi naman bigdeal. pinansin nya ako at pinagsabihan na akala mo ba ay bata akong paslit na wala ng nagawang tama sa bahay kundi ang manggulo at manira. natural naman na hindi ako umimik. napansin niya rin siguro na ako ay nanahimik, tinanong nya ako kung ako ba raw ay nagalit sa ginawa niyang pagpansin.
napakahirap ipakita ang tunay mong nararamdaman sa espesyal na tao diba? pag pinakita mong nagtatampo ka, sasabihing maarte ka. kung ipapakita mo naman na parang wala lang, pano naman yung damdamin mong nasaling at nasaktan?




