Showing posts with label mushy. Show all posts
Showing posts with label mushy. Show all posts

22 August, 2010

Im Over And Done

nakalimutan na kita.
hindi na kita gusto.
hindi ko iniintay ang mga text mo.
o nagaabang ng tawag mo.
ayoko na sa iyo.
wala akong pakialam sa gusto mo.
o sa mga ayaw mo.
hindi ko gusto ang kulay ng suot mo.
ayoko rin ng tabas ng pantalon mo.
wala akong hilig sa mga kantang pinakikinngan mo.
masyadong mababa ang mga ideyolohiya mo sa buhay.
hindi ko pinangararap ang mga pangarap mo sa buhay.
wala akong panahon sa iyo.
pangit ang boses mo.
di ko gusto ang buhok mo.
ang ilong mo.
ang kalaparan mg labi mo.
wala akong gusto sa mga pabangong gamit mo.
baduy ang kulay ng sinturon mo.
maigsi sayo ang barong mo.
nakakasuka ang relos mo.
walang sinabi ang kunsepto mo sa buhay kumpara ng saakin.
hindi mo mararating ang narating ko.
o matitikman ang mga nakain ko.
pupulutin mo at itatago ang mga basura ko.
di mo mararanasan ang mga dinanas ko.
di ka na makapagmamahal ng tulad ko, at


wala ng magmamahal sayo na kagaya ko.


lately, i know it's kinda annoying and i myself can say that im too much of being an emo. i am not good at this and i know i am doing it wrong, so i decided to stop ranting about someone who caused pain and tears and all the sh*t in me.

i've listed those that i want to tell him and i promise, this will be the last time that you will hear me say anything about him.

it's almost a year since, and the days have passed. things are different now and i should take the steps away from my previous path. i have learned a lot and those are the weapons that i'll use for my future battle in love.

kudos to those people who listened, stayed, respected and raised me up on a higher ground. i owe you guys a lot. words are not enough to describe my gratitude and my adulation. you can claim your free macchiatto soon :p

God, i know i have been bad lately, thanks for continously loving me. Your blessings are overwhelming. i love You.

at the end of the day, i know i have to deal with my complexities because i am my very own person.

cheers :D

--Myk2ts

02 February, 2010

Linya

post ka na rin yung lyrics para sa mga gustong maki-relate


Did I drive you away?
I know what you'll say.
You'll say, "Oh, sing one we know"
But I promise you this,
I'll always look out for you.
That's what I'll do.

And sing "oh"
I'll sing "oh"

My heart is yours.
It's you that I hold on to.
That's what I'll do.
But I know I was wrong,
And I won't let you down.
(Oh yeah, oh yeah, oh yeah, yeah I will, yes I will…)

But I'll sing "oh"
I cry "oh"

Yeah I saw sparks,
Yeah I saw sparks,
And I saw sparks,
Yeah I saw sparks,
Singing out.

La, la, la, la, oh…
La, la, la, la, oh…
La, la, la, la, oh…
La, la, la, la, oh…


myk2ts r2r.png

31 January, 2010

Sparks

at nagsimula ang lahat sa kantang ito...


myk2ts r2r.png

26 January, 2010

Bagong Sulat: Juance Upon A Time...

naalala ko yung huling entry ko dito sa baba. bulok na ata. maagiw at makalat na. katulad ng mga pangyayaring naganap habang tumatakbo ang panahon at araw sa buhay ko. walang bago, lahat naman ay ordinaryo lang. paulit-ulit.

hindi ako mahilig pumunta sa mga amusement park, at lalong ayoko ng roller coaster. boring, pero hindi ako magbaabyad para pasirkusirkuhin lang ng bakal na yun. nakakatakot. ayoko mahilo at masuka pagbaba ko.

pero kung bakit yung mga bagay na ayaw mo ang palaging nagaabang at naghihintay na mangyari sayo?

isang umaga, nuong nakarang taon, habang nagdadaan ang aking bakas sa blogworld, natalisod ako sa isang forum na pumukaw sa interes ko. (lalim no?) kung ano man ang topic duon, hindi ko na maalala, pero ang natatandaan ko ay palagi akong bumabalik balik duon. hindi na siguro dahil sa kung ano ang usapan, kung hindi sa kung sino ang nakakausap ko.

may estudyante, nagtatrabaho, bata, matanda, pulis, pulitiko, artista (siguro) at magtataho. diverse. maopinyon. malaya ang usapan. walang bleeps. walang cut. walang magbabawal sa kung ano ang gusto mong sabihin.

maraming salita at kuro-kuro ang nabasa ko at naisip, may punto. matalino at pinag-isipan. ganun siguro talaga ang pinoy... (naks)

kaya naman pumukaw saakin ang pangalang patok na tawag sa mga pinoy...

itutuloy...

myk2ts r2r.png

27 October, 2009

ABC (Ang Magulong Alpabeto Ng Pag-ibig)

A: :'(

B: what's wrong?


A: wala na sir.

B: what do you mean?


B: im all ears...

B: are you going to bail me too? im sorry for what happened. it hurts me knowing you are hurting. and it hurts me more because i can't do anything. sigh.


B: are you okay? please let me know you are and i'll stop bugging you. i just want to make sure you are fine...


B: **** are you okay? gee, i hope you have a slightest idea how worried i am now. great! why am i like this anyway?


B: here i go again, ignored as ever. i just hope you are fine.

A: i think i'll need a towel more than anything else. i'm a piece of crap. i am an inconsistent type of shit. i can't balance and juggle my problems at the same time. we broke. i initiated. for reasons i don't want to. mahal ko pa siya, and i wont cry this much kung hindi. im sorry, im talking shit here. glad you are there... thanks!

B: i hope dreams can clear things in your head. screw the pain, it'll fade. this is an apeshit i know, but you guys will be fine.

mahal ni B si A. alam ni A yun pero committed na siya kay C . matagal na may gusto si B sa kanya. friendster days palang yata eh hinahabol habol na ni B si A. nagkataong malungkot siguro si A kaya napansin niya si B. nakatext. nakausap. pero maliwanag kay B na hindi puwede. kahit minsan naguguluhan siya. kasi naman to si A, sweet. soulmates daw sila. eh pano na yung si C? mahal daw ni A si B at si C. magkaiba nga lang daw ng level. ayun isang gabi nagtext si A kay B. wala na raw sila ni C. mahal daw nya si C pero ayaw daw nya madamay ito sa mga personal niyang problema. nagpayo si B. kahit para sa kanya masakit malaman na nasasaktan si A. pinayuhan nya sa abot ng kanyang makakaya.

kaplastikan para sa iba. maraming katulad ni B ang nakakasalamuha natin. nagtatago ng nararamdaman dahil natatakot na masira ang kung ano man ang meron sa kanila ng taong mahal nila. may mga kaso rin na matapang. nagsasabi ng nararamdaman. deadma na kung ano ang kahihinatnan. kung ano ang kalalabasan. sa dinami daming porsiyento sa mundo ng mga numero, 1 out of 100 lang ang chance mo na makuha ang puso ng taong mahal mo. pathetic. pero totoo.

maraming tulad ni A ang may C pero nakikipag chuvahan pa sa mga katulad ni B. may masisisi ba sa kanila? si A na hindi kuntento o sadya lang pinanganak na magiliwin sa lahat ng tao. si B na nagmamahal at alam ang kinalulugaran o sadyang sinasamantala ang pagkakataon kahit may karelasyon na ang taong mahal niya. naghihintay ng awa. nanglilimos ng atensyon. o si C na nagkulang o lumabis ang pagmamahal at walang kaalam alam sa eksenang nagaganap.

pagod na siguro kayo makarinig ng mga dahilan galing sa mga partners ninyo. kesyo traffic, maulan, late nagising, i need space, i need time, i need the whole wide world. etc...

classic din yung dahilan na ayaw mo madamay sa mga problema mo ang mahal mo.

pero diba kung mahal mo ang taong yun, handa ka ibahagi ang lahat ng pangit sa iyo. ang lahat ng marumi ng madungis ng masama. dahil dun mo malalaman kung kayang kaya ka niyang tanggapin ng buo. ng totoo. ng walang halong pangiimbot.

para saakin, kung hindi mo kaya ibahagi sa taong mahal mo ang kalungkutan at problema mo, hindi mo rin kaya ibahagi sa kanya ang kaligayahan, tagumpay, puso pagmamahal at buong pagkatao mo.

myk2ts r2r.png

08 October, 2009

Sulat Para Sa Aking Puso

ikaw,


una sa lahat, sana ay matanggap mo ang mensaheng ito ng nasa mabuti kang kalagayan. importante ka saakin kaya naman lahat ng bagay na nakakasama sa iyo ay pilit kong iniiwasan. tinalikuran ko na ang ibang masasamang bisyo. kung meron man, inuunti-unti ko na ring pigilan. kung minsan nga, gumigising na ako ng maaga para lang maipasyal ka. mailanghap ka ng sariwang hangin. gumagamit na rin ako ng hagdan. nilalakad ko ang dating isinasakay ko ng sasakyan. binabawasan ko na ang mantika at puro pinakuluan na halos ang aking inuulam. lahat yun, para mapabuti at mapalakas ka. pero alam mo, minsan, kahit na ano pang gawin kong pag-aalaga saiyo, matigas parin ang ulo mo. wala kang sinusunod. minsan nga, kahit alam kong mas mataas ang kinalalagyan ni utak sa iyo, ikaw pa rin ang sinusunod ko. bakit ka ganyan? may nagawa ba ako sayong mali at gustong gusto mo na nasasaktan tayo? matalino ka alam ko. siguro hindi ko lang naiintindihan minsan ang mga desisyon mo, hindi ko lang gusto ang mga taong natitipuhan mo. pero pagdating sa dulo, ikaw parin ang panalo. ako? sunud-sunuran lang ako... ikaw ang masaya, ikaw ang maligaya, pero ako? ako ang nagdadala ng lahat ng bigat. ng lahat ng sakit. ng lahat ng pagdurusa. OA ba ako? siguro. pero ikaw, minsan atribida ka. sabi sa eskuwelahan, mahalaga ka. importante ka. ikaw ang pinakadapat bigyan ng pansin. porke't narinig mo yun, umasta ka naman ng sobra. nagbida-bidahan ka. ang akala ko, pagbomba lang ng dugo saaking katawan ang trabaho mo. aba't akalain mong, minamanduhan mo na ang buhay ko? kung hindi lang kita mahal... may pakiusap sana ako sayo. tama na sana. please? hindi ka pa ba napapagod sa kanya? wala naman siyang kuwenta diba? si mata laging umiiyak dahil sa kanya, si bibig, walang tigil ng kakasabi ng pangalan niya, aba pati si utak nakikisali na! puro siya na rin ang iniisip niya! hindi nya tayo mahal. hindi niya, at ng puso niya alam na may pagtingin ka, o tayo sa kanya. wala kang mapapala kundi simpleng atensiyon lang. simpleng pagturing. simpleng pakikitungo. wala tayong karapatan na magselos. na masaktan. na magalit. na maghanap. kahit humingi nga siguro wala. hindi puwede. dahil wala tayo sa lugar. wala tayong magagawa, kahit magtatalon ka pa tuwing kasama natin siya. di niya yun mabibigyan ng pansin. di rin nya kayang bigyan ng halaga... kahit kailan hindi mo mahahabol ang puso niya, dahil pagbalibaligtarin man natin ang mundo, hindi titibok ang puso niya para saatin, kagaya ng tinitibok-tibok mo dyan para sa kanya.


nagmamahal,

myk2ts r2r.png

29 September, 2009

Supot

750 pesos.

naalala ko, ito yung damit na binalik-balikan ko sa Glorietta. palagi ko itong iniikutan. sinukat ko. tinitigan, tapos ibinalik ko na sa rack. tumalikod na ko at pinasok ang aking kamay sa aking bulsa. may mangilan-ngilan ding barya akong nakapa. mga papel. resibo.

papel?

"thanks for helping me out kanina sa class, i owe you one. treat kita minsan"

yun yung mga linyang nakasulat sa maliit at dilaw na sticky note. magulo ang pagkakasulat. parang nagmamadali. mukhang nanginginig ang mga kamay. madiin. pero puno ng sinseridad at pagpapasalamat.

sus. para yun lang. nasabi ko lang naman sa kanya ng palihim habang wala sa ulirat ang Trainer na nagtatanong. nabanggit ko lang naman na salary ang other term for the word emolument. napapahiya na kasi siya. at alam kong ayaw nya yun.

hindi lang yun ang unang beses na naging knight in shining armor ako. hindi naman siya palaging damsel in distress pero nagkakataon na may mga negatrons sa paligid niya. hindi maubos kaya minsan, naisip ko na magvolunteer na maging tagapagtanggol nya. taga tahi ng butones na biglaang natanggal. taga-punas ng kape na tumapon sa damit niya. taga sabi na may ipis sa likuran niya. yung mga yun. mga simpleng ek ek sa buhay na pakiramdam ko e nakakatuwa sa pakiramdam ko na maging tagapagtanggol at tagapag silbi niya.

hindi naman siya tahasang humihingi. kadalasan nga ay palagian na siya ang nagooffer ng kung ano ang meron at kung ano ang kaya nyang ibigay. hindi siya madamot. makapal siya maglagay ng gel sa buhok. at palagi niyang tinitignan ang sintas ng sapatos nya kung nakatali ng maayos.

mga bagay na napapansin ko ng hindi niya alam. hindi niya nahahalata na minsan ay nabilang ko kung ilang beses nya pinagpag ang panyo niya minsang malaglag ito sa sahig. sinubukan kong hiramin at sa kanyang pagkagulat, pinagpag muna ng makailang ulit bago niya inabot saakin.

lumabas ako sa mall. naglakad ng palayo. malalaki ang hakbang na ginawa ko. habang nasa loob ng aking bulsa ang aking mga kamay, pilit ko iniisip kung bagay nga ba saakin yung damit na yun. kung tutuusin, mahal para sa isang simpleng damit. manipis ang tela. malambot. pero maganda sa hubog ng aking katawan, bagay sa okasyong aking dadaluhan. iba ang dating. ibang iba lalo na ng sukatin ko sa fitting room. sa harapan ng salamin, inamin ko na bagay ito saakin. na gusto ko ang damit na yun. na maraming beses ko siyang isusuot.

pero hindi ko maintindihan kung bakit hinubad ko iyon. dahan dahang inayos ang pagkakalukot. maayos na ibinalik sa pagkakasabit.

gustong gusto ko siya dahil sa kabila ng mga ugali niya na nakatutuwa naman, may iba sa kanya na hindi ko kaylanman nakita o hahanapin sa iba.

pero mas pinili ko na iwan ang isang taong alam ko na may patutunguhan.

kagaya ng damit na aking tinalikuran.

sa aking pagbalik, kahit na akin na itong bibilhin... at sana'y mamahalin,

nakasupot na at iba na ang may bitbit.

myk2ts r2r.png

21 September, 2009

Singular Individual

life can be oh so unfair. we can't get what we want and sometimes, even those we need, nadedelay. God has His way of giving us the things we deserve. in his own time. we can't give Him deadline and stuff.

i ask myself why i always end up falling in love with the wrong person. or maybe with the wrong gender. siguro kasi dapat sa babae na ko mainlab. hihihi. kaso kahit na isipin ko man, i simply can't. and then the big question will come straight to my face. "bakit yung iba, pwede?"

i will tap myself back to reality, and again, i'll tell myself na bawal ang inggitera.

i don't look good. and that is the factor i am looking at right now on why i am still considered as a "singular individual"

aside from my appearance, there is nothing wrong (i think) with the way i communicate and relate with other people. i've tried different things to prove it right, na kaya kong maging isang kainlab-inlab na nilalang kung mabibigyan ako ng chance. but just like the artista searches around the tv world, audition palang eh bagsak na. reason being? -- hindi mabenta. walang itsura. pangit.

that is why kailangan na mabigyan ng chance maipakita ang tunay na galing. ng tunay na kakayanan magmahal. because we are being judged with the way we look, not for who we are and what we can do.

all we need is a little chance. let us in and know us better.

but i know. i really sound BITTER.

can you blame me? after tons and tons and tons of rejections? rejections from prejudiced individuals who are carrying an over-bloated-ego head and they think that they are the superior type kasi matangos ang ilong nila and may six-pack abs sila.

i've heard that learning to love myself will make me feel better and when i start loving myself, people will start loving me too. tama. but not applicable in some ways. not in all cases.

i don't mean to sound this way. and i am only expressing what i feel. i am not pertaining to any one and i am only speaking for myself.

just because we don't look good doesn't mean we are incapable.

now, can i blame those who pretend just to belong?

i guess, starting now. i can't.



myk2ts r2r.png

26 July, 2009

Primitive

life can be boring when you don't have the gadget to be in the loop. thanks for the undying support of my friends. they keep me updated and they are supportive when i have to be a parasite in the world of texting technology. i admit, i am a text addict. i can't stand an hour without browsing anything in my portable mobile phone. but it's been weeks now. and yes. i am surviving. can't tell how long though. but it makes me realize a lot of things. punctuality is really the best attitude to exude in times like this. and it's hard. right?

i am totally blaming my being cellphoneless individual when i watched the half -blood prince alone. i don't really know the reason behind but i know it's just a part of me being bitter and all.

i miss all, i mean ALL of the people listed in my phonebook. now is the time that i realize how important it is to take time and send a simple message to everyone. i feel like im sooo out of the world na tuloy..

but life has it's way of making things possible and i know, i can make it. with or without a cellphone.

(moving on is easy, i know.. malapit na talaga to... text you all soon)
myk2ts r2r.png

21 June, 2009

Father's Day Rants

i don't have the guts to tell some good stuff about my dad. im not the right person to describe him as the best dad or the greatest father ever. he isn't bad, don't get me wrong. it's just that my dad and i are truly apart since the day i knew how the world works. i can't say he abandoned me like the way my mom used to say. he was just not there when times get rough. or should i say when i or we need him the most. i can't blame him for being a good father to his legits. and i don't want to play as the villain by getting their superdad away from them. im too young to be like that. but yeah, i think i just don't have the guts to be the bad guy.

but inspite of the bitterness and pain of growing up without him, im proud to say this,

HAPPY FATHER'S DAY MOM!

for she was the one who played the role of being the best dad in town.

HAPPY FATHERS DAY DAD!

for i owe my life to you. i love you just the same. i hope that you are safe and well.

and to my step dad, you are the best, HAPPY FATHER'S DAY to you.

myk2ts r2r.png

07 June, 2009

Puke (Nakakasuka)

tuwing maambon ang panahon at malamig, nakakalungkot pagmasdan ang paligid. lahat ng tao ay nagmamadali. parang hinahabol. natural lang dahil mahirap mabasa ng ulan sa panahon ngayon. madaling makakuha ng sakit.

ang kagandahan nga lang ng araw na ganito ang panahon, masarap matulog. mamaluktot yakap ang unan at magbalot sa kumot. makinig ng awitin ng mga taong kumikita dahil sa pagpapalago ng malulungkot na damdamin.
eh ano kung emo?

nakakuha ako ng isang text message sa kaibigang matagal ko ng hindi nakikita, eto ang mensahe:

"wag kang pakaka sweet sa taong hindi mo naman handang mahalin,
dahil kapag yan ay umasa,
nagmahal,
at sa huli,
nalaman niyang pinaasa mo lang,


sige ka...


madadagdagan na naman ang emo sa bansa.."


medyo korni, hindi nga rin nagtagal ang mensahe at agad ko binura. pero ang ibig ipakahulugan ng dapat sana ay patawang mensahe ay kumapit na akala mo plema sa aking utak.

hindi ata sa aking utak, sa puso ata. mas delikado dahil ang plema ay dapat nasa lalamunan lang. kung umabot sa utak, lalo na sa puso, nako pihadong delikado na nga. nakakatakot!

nakakasawa na ang mga nakakalungkot na saloobin. sabi ko sa sarili ko, naiinis na siguro yung mga taong nagbabasa ng emo posts ko. dapat lang naman dahil sa daming prublema na bitbit ng mundo, makikidagdag pa ba ako?

minsan naisip ko ring pakialaman ang totoong issue ng mundo. kaso nakakapagod lalo. maraming dapat isa-alangalang. nakakainis din makialam. parang napakababaw na unahin ang sex scandal kesa sa ah1n1 diba?

hinihintay ko naring dumating ang 2010 elections. baka dun sa panahon na yon, marami akong maisip isulat.

pero sa ngayon, nasusuka na ako sa kalungkutan na bumabalot sa isip ko. nasa isip lang naman talaga ito eh. pwedeng iwaglit. kalimutan.

myk2ts r2r.png

13 May, 2009

Wala Akong Maisip Na Titulo Sa Kuwentong Ito

life has it's way of making us realize how lucky and unfortunate we are. sometimes it's ironic because we can't find what we are looking for. what we like. what we love. the reason? kasi masyado tayong malayo tumingin. we tend to oversee the things that could really make us happy and contented in life. we look. we wander. we search. and yet we get dissapointed dahil hindi natin makita kung ano yung hinahanap natin...

-- Enz, 19




naalala ko pa nung una kaming magkita. hindi ko akalaing makakasundo ko siya. malikot kasi masyado. madaldal. maingay. sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, naasar ako sa kanya. siguro dahil gusto ko na ako lang ang magulo. ang maingay. ang madaldal.

isang araw habang hinihintay namin si Mr. Rebolado para sa aming unang klase sa araw na yon, naisipan kong tumabi sa kanya. wala naman siyang reaksyon. isang tipid na ngiti lang ang binigay ko nung tanguan niya ako.

"ayaw mo ata sa upuan mo" sabi ni Enz.
"mainit duon eh. tabi ng bintana, baka umitim ako" sagot ko.
"kahit ano naman ang kulay ng tao eh. ang importante yung nasa ilalim ng balat mo"

nagtatalinu-talinuhan nanaman ang mokong. pa-talinghaga effect pa sa mga salitang binitawan. pero tama nga naman. kaya pinatulan ko.

"sabagay. may pagkakaiba ba ang maputi sa maitim pagdating sa ugali? wala naman diba?"

hindi na siya nakasagot. dumating na ang guro at nagsimula na ang klase.

yuon ang simula ng aming pagkakaibigan. simpleng usapan. palitan ng opinyon, batuhan ng kuro kuro. hindi ko akalain na sa taong ito ko pa maririnig ang mga salitang makakapagpamulat saakin. ang makakapag pahalaga sa mga bagay na nasa aking paligid. minsan masyadong nakapokus ang aking mata sa harapan. hindi ko nakikita ang mga bagay na nasa ibaba, sa gilid, sa tabi.

minsang kumakain sa canteen, nakatabi ko si Enz. nagtanong siya kung bakit daw ako magisa. sabi ko naman ayaw kumain nung iba kong kasama kaya susunod nalang ako sa kanila pagtapos ng kinakain ko.

"hindi mo naman kailangan mag-isa. minsan kailangan mo lang magtanong. mag-aya"
"o sige, tara, samahan mo ko, kain tayo" alok ko.
"sige, tapos na ko. pero sasamahan nalang kita"

maraming mga bagay na ginagawa si Enz na hindi ko nabigyang halaga. hindi ko napansin. hindi ko namalayan. kaya naman huli na ng maisip ko at maramdaman ang kanyang halaga. nasabi na nya yung mga kataga na nabasa mo sa unahan ng kuwentong ito. nakaalis narin siya at ang pamilya niya para manirahan sa Canada.

myk2ts r2r.png

09 May, 2009

Tanong Ng Tanga

natatandaan mo pa ba yung istorya ko tungkol sa sportsfest?

magaling.

ngayon naman tulungan nyo ko.

niyaya nya kasi ako kanina. inuman daw. tutal off ko at naka leave siya.

"oo. sige ba, mamaya? yun lang pala eh"

hindi ako puwede. linggo de peligro na kasi. tapos may lakad pa kami ni mama. pwedeng next time na lang?

"wala kang lakad. at may pera ka pa! wag kang umarte. hindi ka diwata!"

nakakahiya naman kasi nga limited yung inuman natin, maganda pag engrande, yung di bitin. tapos yun... siguro next week promise...

alam kong meron siyang problema ngayon. problema sa pamilya ata. kelangan nya ng makakausap. mapaghihingahan.

part of me wants to go. be with him in his lowest point of existence.

pero alam kong hindi puwede dahil sasaktan ko lang ang sarili ko.
bibigyan ko lang ng dahilan ang kinakatakutan ko.

alam kong pwede akong uminom.
pwede akong magpakalasing.
pwede akong tumawa at umiyak ng kasabay niya.

pero ayokong gawin ang bagay na sa huli, ako ang masasaktan.

at hindi siya ang may kasalanan kung hindi ako.

ngayon, pwede bang magtanong?

tama ba o mali ang pagtanggi ko?
myk2ts r2r.png

07 May, 2009

Train Of Thoughts

umuulan nanaman. nagkalat nanaman ang ihi ng mga daga. sabi nga ni bj at bogs, magkuwento ako, sige na nga.

mahaba nanaman ang pila kanina sa tren. kung bakit araw araw akong nasa istasyon, hindi ko maisipang mag stored value ticket. dati ginagawa ko yun. less hassle nga, walang pila. tsaka parang lamang ka sa iba. mauuna ka sa tren ng bonggang bongga!

kaso, madalas ako mawalan ng stored value. laging kung kelan taas noo na ako sa may turnstile, nawawala na yung ticket ko. ending pipila nanaman ako, at siyempre-- mapapagastos.

yung convenience ng may ipagmamalaki ka sa tuwing tatayo ka sa harap ng turnstile, ibang klaseng langit yun. habang nakikita mo silang nakapila at naiinitan, naiinip at nahuhuli sa oras ng pasok nila, at ikaw ay eto na. isang pasok lang ng card, malayang makakatakbo na patungo sa platform. makakaupo sa malamig na kahon ng tren. makakapagnilaynilay habang naghihintay umilaw ang nasa taas ng pintuan. whew.

heaven diba?

tapos makakapa mong walang ticket na magdudulot sayo ng kakaibang karimlan ng kasiyahan.

ang sakit. parang yung taong mahal mo. hero ng buhay mo. kapartner mo sa hirap at ginhawa.

na naglaho.
nangibang-bahay.
nangibang-buhay.

move on myk2ts, move on.
myk2ts r2r.png

29 March, 2009

Istariray

mahirap kasi kapag meron kang sinasabi sa lipunan. masyadong nakakapressure yung mga bagay na dapat mong gawin. lahat ng kilos mo ay de numero. nababantayan ng lahat ng tao. hindi ko gusto yung ideya na sa tuwing maglalakad ako, nakamasid ang miron. parang bawal magkamali. hindi puwede ang matapilok.

sa mundo ng pagsusulat, alam kong wala akong sinasabi. pero ang nakakatuwa ay marami ang nakaririnig ng gusto kong sabihin. madalas sabihin ng iba na mas masaya kung sa harapan ang usapan. minsan kasi nadadaan sa tono. sa pasakalye. sa palabok.

minsan may oras na gusto ko sumigaw. idaan sa tinta ang lahat ng gusto kong sabihin. idiin sa papel para malaman ng tao ang lalim ng sugat na pwedeng idulot ng aking panulat. magtasa ng magtasa ng magtasa hanggang tumulis. bumaon sa balat ng pantay at makinis na papel ang mga salitang gusto kong ipahayag sa aking sarili.

pero sa mga panahong ako'y hapis, madalas kong sariwain ang mga halakhak ng kahapon. mga palakpak ng tao noon. ang papuri ng mga nilalang na natutunan mong hangaan at tingalain. tama. masakit nga ang maging bahagi ng nakaraan. ang talikuran. ang kalimutan.

ang kasikatan ay hindi permanente pero hindi din panandalian. habang nandyan, pagyamanin at angkinin. ipagmalaki at ibahagi. isabog ang punla ng kabaitan upang umani ng sagana.

hindi ko alam kung ano ang ibig kong iparating. basta nalamang lumalabas sa aking isip ang mga salitang aking tinitipa sa mga sandaling ito. bawat titik. maraming ulit ko ng binura pero hindi mahinto. magulo. pero alam ko, totoo.


myk2ts r2r.png

22 March, 2009

17 v.s. 24

noong labing pitong taong gulang palang ako...

highschool palang ako nun, dealing with lots of puberty shit. wala naman akong masyadong issues and all. plain. boring. walang exitement. medyo melodramatic pero masaya in times. im trying hard to be matured. feeling ko nasa tamang edad na ko, na pwede na kong magpayo sa mga taong may problema at parang lahat ng sasabihin ko ay may punto. may bearing. parang noon, makagawa lang ako ng tama, nadadagdagan na yung edad ko. basehan na yun para saakin ng pagkatao ng isang tao.

bahay-eskuwela-bahay lang ang routine. walang lakad ang puwede kong puntahan hangga't hindi ako pinapayagan ng nanay. may hatid sundo saakin. ako nga lang yata ang senior na naka service. dun ako unang nagkulay ng buhok. uso. sinuot ko uli ang nakatagong retainers. nauso kasi ulit. nangolekta ako ng mga posters, mga songmags, mga casette tapes (mahal pa CDs nun) at lahat lahat pa ng pwedeng memorabilia ng backstreet boys, anggun, the moffatts, mel c, jewel, nsync at manaka-nakang boybands at guy groups doon at dito.

nauso din ang mga proms, date, crushes, relationships at kung anu anu pa, sex lessons, importance ng condom, pagbubuntis ng maaga at sa kung ano ang tingin ng lipunan sa dalagang nabubuntis bigla bigla. mga out-of-town, camping, group study, overnight inuman at mga biglaang sleep over kasi ginabi na at hindi na makauwi sa sobrang alcohol sa katawan.

sa edad ding ito madalas magkaroon ng imbalance sa mga hormones ng tao. ewan ko kung totoo. ayoko ng iresearch, basta hula ko lang. kung pag uusapan ang libido, lapis at papel lang ang kailangan mo para tanungin lahat ng taong nasa ganitong edad kung nalilibugan ba siya sa oras na ito o hindi. marahil puro dalawang titik lang ang ititipa mo sa listahan at hindi yun N at O

pero nung edad kong ito, hindi ako namulat sa kung anu man ang totoong pag-ibig. marami akong naging crush. pinag pantasyahan. pinag rausan ng libog. oo tao ako. kagaya ng lahat na dumaan sa ganitong edad. pero masuwerte ba ako o malas dahil hindi ako nakaramdam ng pagibig at kasawian sa larangan ng relasyon sa edad na ito?

dahil ngayon,

im a twentyfour-year-older dealing with a seventeen-year-oldish type of love.

badtrip. sana nung seventeen nalang ako para pwede akong magkamali. mag mukhang tanga, magwala, mag iiyak at mag dadabog, mag pahaba ng buhok at wag maglalabas ng kuwarto.

kesa ngayon.

pathetic.
myk2ts r2r.png

15 February, 2009

On Second Chance...

what will be my answer?

i tend to experience awful things about love. yes. it hurts more than it bleeds. but yeah, i just weep. stab my heart with memories of us being us. our moments that are immeasurable and yet disturbed.

what will i do?

i tried to hide. endure the pain alone. wear a fake smile and pretend that im okay. im good. im over. but no matter how i project my facade, my reality wont hide the fact that im alone. left behind. taken for granted.

ive seen people who have a different ways on coping up. they eat, they shop, they get different, sometimes weird hairstyles, they get their skin inked, they flirt, they stalk, they kill themselves... with more pain. pain that will eventually makes them numb. then immune. then the next thing they know, they are ready to get some more.

i know that sometimes, it's self inflicted. i bury myself with this kind of emotion. i choose to be bitter than to be okay. i nurse the feeling of being dumped. i struggle to keep myself okay but im not taking any actions at all to be fine. i blame the radio for playing the songs of our hearts. i blame other things that could make me remember. i blame everything but not my self.

until when?

i don't really know.

but why now?

why is he giving me these things? now that im slightly okay. now that i can smile and listen to the same song that used to make me cry. now that i can watch cheesy and mushy films without feeling any resentment at all. now that im almost over him.

i hate him for making me feel this way. for making me feel vulnerable. for making me fall and back to zero.

nice timing huh!


myk2ts r2r.png

09 February, 2009

Bakit Ngayon Ka Lang?

nagising akong parang walang katulog-tulog nung nakaraang gabi. ang tanda ko, alas-onse pa lang naman ay mabigat na ang mga mata ko sa antok, base sa orasan na aking tinititigan ngayon, alas nweve na ng umaga. gising ng isang tamad at walang planong gawin sa buong araw. kahit na sangtambak ang dapat ayusin at dapat asikasuhin.

mabagal ang takbo ng oras para sakin. parang hindi ko na dapat pang isipin kung ilang oras pa ang dapat hintayin, nakakainip. alam kong walang masyadong dapat isipin.

tinugtog nanaman kasi yung kantang yun eh, hindi ko na dapat pa maalala ang tamis at sakit na dulot ng kauna-unahang tibok ng simpleng bahagi ng katawan ko. ang nagpapadala ng dugo na kailangan ng bawat sulok ng katawang ito ay ang siya ring tumitibok at nag dadala ng lason na unti-unting pumapatay sa kamalayan ko.

matagal na akong nakatitig sa kanya. may kung anong lakas ang hindi ko makuntrol sa aking mata. para bang hindi ko dapat alisin ang paningin ko sa mukha nyang maganda, ngiping maputi, buhok na maitim.

isang buntong hininga lang naman ang kaya kong pakawalan sa tuwing iisipin kong siya'y pwedeng maging akin. parang isang malayong lakbayin. suntok sa buwan. tadyak sa hangin. kahit sana kaway man lang o ngiti. kahit manlang sana simpleng bati. pero hindi. patuloy ang kaba ng aking dibdib.

hanggang ang araw na aking pinapanaginipan ay dumating. hindi ko inisip na pwede itong mangyari. nagkatagpo ang aming paningin, sumilay ang ngiti. salita ay namutawi. narinig kaya niya ang salsal ng aking dibdib? sana ay hindi.

nakausap ko siya ng matindi. sa kahit anu pa mang dahilan, ayokong matigil itong sandali. ayokong ang oras at araw ay umalis. bakit nga ba kailangan pang umambon habang ang aming kuwentuhan ay nagiging matamis?

hanggang sa huminto sa harap namin ang isang sasakyang hindi ko mabibili. makinis at makintab animo'y salamin. bumaba ang isang lalaki, kumaway ang supling, sabay tawag ng "mommy"

basag.

ako pala sa isang sandali ay naging kabit.

"Ang lungkot hindi nawawala, hindi nauubos, pero pede mong bawasan..."


07 January, 2009

Kaso Nga Hindi


"Cause I know how it hurts
When you lose the one you wanted
Cause he's taking you for granted
And everything you had got destroyed"


the line from that song lingered. parang biko. dumikit sa kaibuturan ng puso at isip ko.

it's been nine months since i met this guy from cyberspace. clean conversation. really. somehow i felt that we are connected in a way. we have a lot of things in common and even if we haven't seen other face to face, it's like we've already known each other for a long time.

it all started with a simple "kamusta?" and "ingat" tapos ayun, i would say friendship started. we've met. coffee, then nasundan ng movie. tapos nasundan ng coffee. paulit ulit lang.

it came to the point na i felt something deeper than friendship. i longed for a romantic type of attention. a different level of affection.

i asked my self if i am ready to take the next level.

if i am ready to fall.


my answer was Yes.

but i forgot to ask myself if he is. if he will be there to break my fall and catch me whole-heartedly.

not as a friend this time.

and that simple mistake lead to something na pinagsisihan ko ng sobra.

but he took the right words. he chose the right way of letting me know what his response was.

and yes. if i were a boy, i COULD understand.

kaso nga lang hindi.

28 December, 2008

Ate

dahil sa pakingshet kong schedule, hindi ko naasikaso ang mga bagay na dapat kong inaasikaso. ayun nakisabay pa tong net connection ko kaya ngayon lang ako nakapag log on dito.

kaya naman babatiin ko kayo ngayon ng MALIGAYANG PASKO. alam ko huli na pero wala pa namang three kings kaya pasok pa ren sa banga.

diba nga yung mga abubot pangpasko inaabot ng ganun katagal? kaya ihalo nyo na sa hamon ang pagbati ko :)

wala namang gaanong kakaiba ngayong paskong ito. malamig (literal) kagaya ng mga nagdaang panahon. napansin ko lang na hindi ganun ka-garbo, pero di nangangahulugang hindi ganun kasaya. maraming paraaan ang mga pinoy para gawing masaya at makahulugan ang nasabing okasyon. besides, it's being together as a family and not what's on the table diba?

kagaya ng drama namin. super simpleng dinner at midnight. kwentuhan at konting wine. pasko na!

kaya naman heto ako ngayon, habang walang ginagawa, nanood ng nanood ng HP:Goblet Of Fire. namiss ko kasi yung mga eksena ni Rob. at ayoko muna siyang makita bilang vampire. gusto ko isang HS student na yummy. yummy pati wand!

change topic.

yung larawan sa taas, yan yung araw na tinry namin magpaBelo. hindi kami tumuloy. dalawa yung reasons namin.

-mahal.
-walang mababago kahit magbayad ng mahal.

hindi siya dumating sa party na hinanda ko para saamin nung nakaraang anuwebe. diba?! sino ba namang Baretto ang hindi magagalit? ikaw na nag effort, ikaw pa ang inindian. kaya nasabi ko, tablahan.

naturingang kakambal ko pa!

end of friendship!

pero hindi ko natiis. sinubukan ko, pero nung magtext na siya ng kung anik anik, Go na ako sa Gateway para makipagmit.

hindi matatawarang tawanan, sigawan, iyakan, tawanan ulit at tinginan sa loob ng isa't kalahating oras.

its not enough for us but we dont have the time kaya pinagkasya nalang namin ang kung anu ang meron.

to my Jaboom Twin, be back. be safe. i've already said those words and keep those in mind. we are just here waiting. heal yourself and be merry! invite mo kami jan sa mansyon mo! conquer CDO!

aha! che! rayt!














myk2ts r2r.png

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy