"pumunta ka na kasi, sige na,para naman nagkakausap tayo sa labas ng office, palagi nalang tayong dito naguusap eh" sabi ni Enzo.
hindi ko alam kung ano ang sasabihin. pilit ko nalang inginiti ang aking labi. ramdam ko ang biglang pagsulak ng dugo saaking mukha, pero hindi ko inalis ang aking mga mata sa kanyang maamong mukha.
"Sige na, alas dos pa naman yung opening. Kung gusto mo, matulog ka muna at tsaka ka sumunod" pangungulit parin ni Enzo.
"Bakit hindi mo nalang kaya ako ayaing mag-date?" ganting biro ko. sabay hawak sa kanyang braso. hindi ko binago ang tono na parang nagbibiro lamang sa isang malapit na kaibigan. alam kong walang dapat makahalata na nanginginig na ako sa kaba at nanlalamig na ang aking talampakan.
"Sus, sige na, madaming events. may sack race, tug of war, bowling, badminton at kung ano-ano pa, tara na kasi"
hindi ko na siya sinagot, tumalikod na lang akong nangingiti at nagpaalam kunwari sa hangin na kailangan ko na bumalik sa trabaho. hindi puwedeng madala ako ng mga ganung hirit ni Enzo. kailangan ko ipakita na hindi ako mapipilit kahit sa maliit na bagay na tulad ng pagyayaya na sumama sa isang events sa opisina. dalagang pilipina ata ako. oo. ayoko namang maging kaladkarin sa paningin niya. ilusyon na nga lang, magpapaka easy pa ko?
hindi ko alam na nasalikod ko na pala siya. nangungulit parin. putres, hindi ako magkanda tuto at umupo pa sa lamesa ko.
"Bakit naka-formal ka ata ngayon" tanong ko. halatang namumula ako, pero huli na para itago.
"Interview eh" sagot niya.
"Wow! galing! goodluck ha? alam ko namang ginalingan mo eh" puri ko.
"Binabago mo naman ang usapan eh"
nabuko na ako. hindi na ko makatingin ng derecho. nag kakanda nginig na ako at kung bakit ba ngayon ko pa nakalimutan ang password ko.
alam kong katangahan. sa isang araw, mahigit sa isang beses ko ginagamit ang password ko. nakakainis at lalo pang nangulit etong si Enzo.
"Sige, tetext nalang kita pag makakapunta ako" sabi ko.
alam kong huli na ko. malakas ang boses ko at alam kong narinig niya ang sinabi ko. hindi ko alam pero hindi ko nagustuhan ang sinabi ko. parang lumalabas tuloy na ako ang naghahabol.
"Pano mo ko itetext eh hindi mo naman alam ang number ko?" sabi ni Enzo. nakatitig na akala mo nanghahamon.
Hindi na ako nakasagot.

7 Pakelamera:
enzo? may kilala akong enzo...ahehehe!
sumali ka na kasi, mike! masaya yun tiyak... ;P
biting ang kwento. may karugtong ba?
hey i'm back again..lol
ganyan talaga minsan natataranta tayo kaya may nakakalimutan..hehe
myk ... lol para saan yung password?
sis... happy easter!!!
musta na?
Hope panalo kayo jan!
Kakakilig naman mga ganito hehe. Kakamiss.
Post a Comment