kung yung user search sa friendster ay pwedeng gamitin para mahanap ang pinaka-user na tao sa mundo na nakilala ko, tiyak, siya ang lalabas. mabuti nga sana kung user friendly eh, kaso plain user lang. wala yung friendly. nakakaumay man ang pagtipa ng salitang yun, hindi ko mapigil. parang walang ibang adjective akong maisip sa ngayon.
alam kong hindi ako dapat magpadala sa galit pero pang ilang ulit na ba nya ginawa ito sa kaibigan ko? may mga panahong hindi ako kumikibo dahil pinapaubaya ko sa kaibigan ko ang desisyon. oo mahal nya. tanga eh. ganun talaga. pero sa puntong ito, panahon na para makialam ako bilang isang kaibigang nakasaksi sa paulit-ulit na hapdi na binigay ng taong ito.
niloko nya ang kaibigan ko. pinaasa. umalis. ngayon, bumalik na para bang walang nangyari. bilang kaibigan, tinanggap namin na para ding walang nangyari. pero siguro abuso ng maituturing kung pati mga obligasyon nya sa tao at sa paligid nya ay ipapataw nya sa kaibigan kong bulag sa pag-ibig.
isang simpleng pasasalamat lang masaya na yun. pero kung insulto pa ng isang taong ni hindi nya kakilala ang matatanggap nya kapalit ng tulong na binibigay nya sayo, mas tama naman sigurong ipagtanggol mo at itaas ang pagkatao. isang hakbang na kahit mangmang alam na gawin. tila natakpan na ng labis na ere yang pagiisip mo kaya naman ganyan ka kamanhid. wag ganun. matuto ka sanang magpahalaga sa taong nagmamahal sayo. lalo na sa totoo kung magmahal. bihira yun makuha sa mundong ito. wag mo sanang sayangin dahil kapag nawala, pagsisisihan mo man ng buong puso, hindi mo na maibabalik ito.