20 September, 2008

Anik-Anik

september 18th ang hire date ko sa panibagong trabahong pinasok ko dito sa Pilipinas. hindi naging madali para saakin na ipagpaliban ang mga oportunidad sa ibang-bansa. pero ang makasama ang aking pamilya at mga kaibigan ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit napa oo ako agad ng tanungin ako kung magtatagal ako dito sa aking tinubuang lupa.

hindi madali para saakin ang mag effort nanaman sa pagbyahe mula bundok ng Cavite hanggang sa kapatagan. may mga oras na hindi na ako sanay kung magkano ba ang pamasahe dahil sa hindi naman talaga ko naglalalabas ng kulungan ko. parati lang ako sa loob kaya naman nagulat ako ng manghingi ng dagdag ang driver dahil kulang daw ang pamasahe na binayad ko.

kakaiba ang pinasukan kong kumpanya at sa sobrang kakaiba nito, hindi kami (empleyado) pwede magkwento ng kahit anong tungkol dito. (hmmm?)

pero hindi ko mapipigilang ikuwento ang mga kakaputok-ugat na bagong katrabaho ko.

wala naman akong matigas na tinapay sa kahit na sino. pinababayaan ko lang ding umarangkada ang mga taong harurot. katwiran ko nga, kung yan ang makakapagpatigas ng titi mo, di go! i can always act stupid in front of a stupid who acts like a genius.

mabuti na lang at maraming mababait na nilalang, naisalba ang pagkabuwiset ng eyeliner ko.

nakakamiss din ang blogging. nakabalik narin ako sa wakas.

sa mga walang sawa na bumisita sa mga panahong nasa fitting room ako at nagbibihis, salamat. maraming maraming salamat.

sa mga nangumusta at natuwa sa bagong look ng aking balur, mabuhay kayo!

sa mga napangitan at hindi masyadong nagandahan, pasensya na po, ito lang ang nakayanan ko.

sa Iyo, salamat sa suporta at pagbibigay inspirasyon. patawad sa mga dadating na kasalanang magagawa ko.

kay Lord, thanks at maganda ang schedule ko :) lakas ko talaga sa Iyo :)

bukas, pramis, may kuwento ako.

5 Pakelamera:

Anonymous said...

ang ganda ng bahay kubo moooooooooo!!! lilipat na ako sa blogspot mare?hahaha! ang liit ng mundo sa blogsphere :| sabhin ko n lng sa text mare :) lovu!

Myk2ts said...

salamat mare:) balik ka na dito blogspot ha? hmmm anu meron? sige text me up ha? hintay ko miss you yeinie :)

gillboard said...

welcome back to the philippines!!!

Myk2ts said...

thanks gill :)

Anonymous said...

ayos ka rin. tama ka nga naman masarap pa rin yung malapit ka lang sa mga minamahal mo diba. "i can always act stupid in front of a stupid who acts like a genius" wow ayos na ayos na quote gawin ko nga yang shoutout sa friendster ko hehehe!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy