26 September, 2008

Squishh Squisshhh Squishh

naranasan mo na bang traydorin ng isang kaibigan? yung tipong nagtiwala ka na dadamayan ka sa panahong kailangan mo siya? ang kaibigang itinuring mo at inangkin na parang sariling kapatid? kakampi at kadugo?

siguro naman oo. masakit. nakakasuklam. nakakaloka.

lalo na kung umasa ka na hindi ka nya iiwan at sasamahan ka nya hanggang sa huli. hanggang sa wakas ng iyong pakikipag-laban. hanggang sa umabot ka sa iyong tagumpay.

pwede ka magtampo. magalit o kaya naman ay mangulam.

saakin. nangyari na ito. kagabi lang. habang umuulan. habang pababa ako ng sinasakyang jeep. sinabi ko sa aking kaibigan na wag nya akong iwan. na samahan nya ako sa lamig ng gabi at sa patak ng ulan.

sa tingin ko naman ay matatag siya sa mga sigalot ng buhay. hindi man ganun kataas ang halaga ng aming pagsasama, hindi man ganun katagal ang aming pagiging magkaibigan, alam ko at naramdaman ko na hindi nya ko iiwan.

pero kagaya ng isang hibla ng pansit bihon na puno ng toyo, naging marupok siya. tumiklop. nangiwan...

amputang inang payong ko na nabili sa Ayala MRT station sa halagang sisenta pesos, akala ko ay nakamura ako. pero mapapamura pala ako dahil nasira at nagkabalubaluktot na ang buto nito habang binubuksan ko. amputangina talaga. hindi ko pa man nagagamit sira na! pasensya na sa aking makating dila pero pakshet naman! whattta wonderful way to start my day. naka pormal pa naman ako at isputing na isputing! kinanginang yan, iniwan nya akong basang basa sa ulan! kaya naman buong gabi tumutunog ang paa ko tuwing naglalakad ako. pinasok ng tubing ang balenciaga shoes ko. kaya yun, kada hakbang tumutunog ito. buti nalang at hindi mabaho ang paa ko. clue? basahin mo ang titulo ng entry na ito.

23 Pakelamera:

Kape Kanlaon\ said...

hehehe...ang cute.. nasa dulo ang explaination ng title..hehehe
next to spag, paborito ko rin ang bihon....heheheh

@Myk2ts:
Hi, Myk2ts. Thanks for your comment. Your assuring phrases made me feel competent again. There's just this insecurity in me that tries to boil me down. But I am not giving up. And you're right - my intentions are never to please everybody. Thanks to you, mate...

Bloom said...

aaaaaahahaha! mare! nuh behr? akala ko naman kung SINO na! leche. ANO pala! hahahaha. :p

Mariano said...

Wahahahaha, pishik pishik pishik. Wet look ba?

Been there, done that, ahihi.

Pero nangyare lang naman yon dahil pangahas akong sumugod pa sa lakad na di ko naman dapat pinuntahan tapos ang sasalubong lang saken eh makakapal na ulap at itim na tubig-baha.

In fairness naman to my payong. More than 5 years na siya at di pa din natitinag. Sa halagang 50 pesos at mangilan-ngilan na pagtahi sa sira nito.

Myk2ts said...

lance: wala yun mate, mas magandang isipin na makakabasa pa rin kami ng mga saloobin at kuro-kuro mo. never say die sa pagsusulat! mabuhay tayong lahat:P ako naman mas paburito ko talaga yung bihon. superb ang lasa. lalo na kung may kalamansi :p

Myk2ts said...

bloom: haha mare ten points ang tag mo, like ko sha, creativeness. kaso matatagalan at hinahanap ko pa yung mga fab pics ko nung beybi ako :p love love

Myk2ts said...

mariano: isang karangalan para sa isang kilong bigas ang makita ka na nagbabasa at nakikikumento dito. salamat:)

di lang wet look. super-kaduper pa :p tinalo ang gatsby sa pagiging wet :p

san ka nakabili ng payong na ganun? may sapi yata ni superman yun. sa halagang singkwenta, ayos pa after 5 years? 10pesos a year, di na masama :p

Dear Hiraya said...

ako, seryoso ako magpahalaga sa isang kaibigan. may pagka dependent kasi ako sa kanila.. yung bang parang kapag kailangan ko sila, alam ko, hinding hindi nila ako tatanggihan dahil alam nilang may problema ako.. pero pag iniwan nila ako, hindi hndi ko rin yun makakalimutan!

nga pala, may experience din ako sa ganyang marurupok na payong.. kaya sa ngayon, nag aarbor na lang ako ng mga fribella na payong ba yun? yung mga sosyalin.. hahaha at least hindi na ako gumastos, matibay pa payong ko. hehehe

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Boying Opaw said...

mykee!

haha.

alam ko kung kelan ito. hehehehehe.

lucas said...

gosh... hays... mahalaga talaga ang payong sa ganitong panahon. at hindi rin pwede yung folding dahil sa sobrang lakas ng ulan at malakas na hangin... buti hindi ka nagkasakit... :) and you came home safe. good luck na lang sa sapatos mo. hehe!

-- thanks for dropping by. ahh... so 'bank' account. hays... hindi ako magaling sa mga money talks! hehehe! mahigpit ba? kaya mo yan! kaw pa! hehehe! monotonous kasi walang bagong nangyayari. natitigang ako... hahaha!

*FRUITSHAKE* said...

hehehheh! umbrella..ella .. ella.. eh .. eh.. eh.. eh..

hihihi! pakshet na payong iyan. hhehehhe! :)

Anonymous said...

har har har... hanep yung kaibigan mo. pang-asar. ;)

lucas said...

talaga? baka ikaw yung nasa pic na nakuha ko! hehe! nako hindi ko palalagpasin yun! kelangan ko magdala ng madaming tissue paper baka magdrool ako! hahaha!

bout dun sa work mo... same company ba? or nalipat ka lang ng account. lam ko kasi talaga mas mahigpit pag banking ang account. eh alaga ang mga customers. well, kaya mo yan!

at talagang tinapon mo ang payong. hahaha! bili ka yung gawa sa bakal! haha!

Roland said...

haha, hindi ako natawa sa post... natawa ako sa mga salitang ginamit mo sa huli... akala ko pa naman.... hmmmmm.

Ehjayculate said...

just what happened to my adidad sneakers when i was in melbourne ... nainitan, nabasa at pinasukan din ng yelo ... ayun naglabasan ang katas ng paa ko ... yuck!

Myk2ts said...

fjordz: ako ren, i can't live without my friends, hindi ko kasi kaya na maging loner. i prefer to be with them in times of happiness and trouble. kaya naman sensitive ako minsan at mabilis masaktan pag nagkakaron kami ng misunderstandings.

about the payong, nako wala akong maharbat na ganung payong, bibili nlng ako siguro :p

Myk2ts said...

boying: hahaha natext kita about this. haha

Myk2ts said...

ron: haha tigang? dont worry, andyan naman si kristin kreuk, hi daw. anyways, yeah napakadaling masira, parang may osteoporosis! di pa napapakinabangan, basura na. hay talk about quality and value? payong o payong, bakit mo ako pinabayaang mabasa?

oo mahigpit sila in terms of information and quality, pero okay naman so far. kaya rin naman...

salamat sa pagdaan :)

Myk2ts said...

roland: hindi naman comedy yung post. okay lang kung hindi ka matawa. akala mo ano?

Myk2ts said...

fruitshake: hi salamat sa pagdaan, fave ko ren yung shake lalo na yung melon :p ingats

Myk2ts said...

ka bute, ayuff nga eh, kamusta na sugat mo?

Myk2ts said...

ejii, aba long time no hear, musta ka na? ikaw ren ba? at least mas shala yung sayo, snow. akin ulan lang hahahaha

lucas said...

hahaha! tama ka! manonood na lang ako ng smallville! hahaha!

Myk2ts said...

ron: ako naman manonood nalang ng supernatural. nga pala anu yung series ni kristin before smallville? medyo oldschool na yun db? :p

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy