maaga akong nagising ngayon. kahit pilit pang nang iimbita ang malamig na panahon para muli kong akapin ang unan ko, pinilit ko naring tumayo at bumangon. kagaya ng nakagawian, gising na si mama. naunahan nanaman nya ako. siguro nga dahil pareho kaming excited sa araw na ito.
nag padeliver ako ng balloons. meron din kaming cake. tapos nag luto kami ng pansit, chicken, spaghetti, tapos may ice cream, bico, hotdogs sa stick at barbeque. may buco pandan den. yum!
9th birthday kasi ng pamangkin kong si Caloy. John Carlo ang buo nyang pangalan. maputi, medyo makapal ang kanyang wavy na buhok, chubby, matangkad, maliksi, madaldal, matalino, lahat na. all in one...
sa kanya ako unang natuto magpalit ng lampin, maghugas ng puwit ng sanggol, magpalit ng damit, magtimpla ng dede, mag paligo ng baby, yun, sya ang naging praktisan ko pagdating sa bata. nag aagawan na nga kami ng nanay ko na lola nya syempre, iba kasi ang may bata sa bahay. parang shabu, nakakaadik alagaan. minsan pag tulog, gusto ko gisingin, pag gising naman, ang sarap patulugin. nahihilo na nga siguro yun. at kung pwede sigurong magreklamo yung bata, aba sasabihin nun na itigil muna ang pagpapadede ko at baka siya maempatcho.
giyera talaga ang eksena kapag pinagalitan na siya ng nanay at tatay nya. naku walang pwedeng maka kurot sa kanya kundi ako at si mama. tito at lola ang kalaban ng nanay at tatay nya sa tuwing makulit sya at pagagalitan. kung sa ibang bata, hindi pwedeng tumakbo, magulo, mag ingay at makelam ng mga kagamitan, umiyak at mangulit, si Carlo hindi. siyempre, spoiled siya pag dating saamin.
masayang masaya siguro yun.
matutuwa, at magagalak.
maeexcite yun kapag nakita nya na sa loob ng siyam na taon, lahat ng regalo nya tuwing kaarawan at pasko, nakabalot pa.
masisiyahan yun kapag nakita nya yung mga dating laruan at gamit nya, maayos at nakatabi pa.
kung sana andito siya.
kung sana Buhay pa siya.
Happy Birthday Caloy!
John Carlo A. Empeño
September 07, 1999-May 14, 2000

21 Pakelamera:
ano nangyari sa kanya friend?
he died po... septicimia.. :(
nalungkot naman ako
:( happy birthday carlo! ur with papa God na rin naman, hope u will guide ur family palagi huh.
:( mareeeeee! malungkot!
makiki-happy birthday kay angel carlo! lungkot. pero he's in good hands. ;)
*sniff!*
nakakainis itong post na ito. huhuhu.
hayzz :(.. happy birthday sa friend mo..God Bless
myk. very sorry.
pero angel na siya ngayun!
be thankful na din kasi di na niya naranasan ang hirap ng buhay. kasama niya na si God.
at ang pinaka dapat ikatuwa sa lahat, MAY ABUGADO NA KAYO SA LANGIT! nandun na kasi si carlo. :)
whoah!
i fall out dun ah.. hope carlo's happy wer ever he is :P
nice site :P
kakalungkot naman.
pero nakakatuwang malaman na kahit wala na siya, same pa rin ang feeling nyo everything his birthday comes. im sure masaya yun watching u & family from above.
happy birthday, john!!!
===
i have also story like this, i-post ko soon.
awwww :(
yeine, sadd no mare? thanks
:( sob sob
bloom, super mareeeee
lovely, thanks! yeah he is in a better place now, the best pa nga eh :) thanks
ewic, awaw sorry po :(
nahj12, naku po pakibasa po ulit :p hehe pamangkin ko pow. thanks nahj
father jay, your hghness hehe salamat :( sad man happy na ren kasi anghel namin sya.. waw!
uyst any probs, dito lang kami
mrs. j! salamat! xlinks tayo? :) yeah, happy na xa sa heaven :)
roland, walang mintis yun, love namen yun eh, intayin ko yung post mo
Nakakalungkowt naman to mare!!!
gusto kong magpaka LT at pumunta sa Holy Land dahil kay daboy sa kalungkutan...
Happy B-day Carlo!!! :)
salamat mare.ako kahit saan basta kasama ko si renz fernandez! ching
Post a Comment