30 June, 2008

Mag Shades kayo dahil ako si..

The Sun Happiness, Content, Joy.
The meanings for the Sun are fairly simple and consistent.
Young, healthy, new, fresh. The brain is working, things that were muddled come clear, everything falls into place, and everything seems to go your way.
The Sun is ruled by the Sun, of course. This is the light that comes after the long dark night, Apollo to the Moon's Diana. A positive card, it promises you your day in the sun. Glory, gain, triumph, pleasure, truth, success. As the moon symbolized inspiration from the unconscious, from dreams, this card symbolizes discoveries made fully consciousness and wide awake. You have an understanding and enjoyment of science and math, beautifully constructed music, carefully reasoned philosophy. It is a card of intellect, clarity of mind, and feelings of youthful energy.
What Tarot Card are You?



Migraine vol2

ayun. nag text na ang mokong... "balik po kayo ha?" aba aba aba, parang may ari, nag ayang bumalik. naisip ko naman, ang sweet nya naman...


umandar nanaman ang mala fairy-tale kong imahinasyon. na liligawan nya ko, na ihahatid at susunduin, bibigyan ng flowers...


ayun. palagi na kaming magka text. oras-oras na nga halos. kung ako ang may ari ng Globe eh ipatitigil ko ng bongang bongga ang unlimited texting...

dahil magkalapit ang ang opisina ko at ang store nila, palagi kaming nagkikita... minsan pa nga sa hindi, kahit di ko sya tinetext eh dumadating nalang sya bigla. bongga! nakakaloka!

syempre beki lang, di humaba ng isang kilometro ang bangs ko. pero sabi ko sa sarili ko, wag. mahirap umasa. masakit. nakakapagod.

pero anong gagawin ko? umaga pa lang, sya na agad ang katext ko, buong maghapon. at twing break nya (bawal kasi sa trabaho Ü).

"mowning po...:D"
"musta po? brekfast k na h??:D"
"gawa mo po?:D"
"ingat po pagpasok. text mo ko kpag ofce k na:D"
"san k n? punthn kita jan"

non-sense nga siguro sa iba. pero sa isang tulad kon hibang, big deal and ganitong palitan ng mensahe...

natuwa.
sumaya.
kinilig...

umasa.

may mga taong pa-aasa. siguro nga, pero naisip ko rin namang baka hindi. baka wala. baka naman may mga tao lang na mahilig umasa. naghihintay. nag iilusyon.

pano nga kaya kung ganun lang talaga sya? na walang ibang dahilan ang kung anumang pinakikita nya. na likas lang syang sweet. na pinag lihi lang pala sya sa asukal.

kung tama ang huli, nakupo, diabetis ito.

maraming beses kaming lumabas. kain sa resto, nood ng sine, kape, tambay. at sa mga pagkakataong yun, malayang nagtalik ang aming mga utak at bibig. dun ko naramdaman ang ibang klaseng rurok ng kaligayahan. yung di na kailangang maghubad, mag halikan, mag yakapan.

malaya nyang binuksan, hindi ang butones ng kanyang damit, kundi ang kanyang kaisipan at damdamin.

sa aking pakikinig, bigla akong naawa. nahiya. napamahal.

naawa sa dahilang may mga bagay at suliranin syang dinala, dinadala at dadalhin pa na hindi karaniwan para sa edad nya. may mga bagay syang hindi magawa, mabili at mapuntahan.

nahiya sa dahilang marami akong inaksayang mga bagay na yaman na kung ituring nya. mga inakala kong basura at walang kwenta, ngunit pangarap na pala niya. na sa aking estado, mas may talino pa siya pagdating sa hamon ng buhay.

napamahal. di ko alam ang dahilan. kung bakit hindi ko alam, ewan.
katangahan diba? siguro. malamang. pero hindi kabobohan.

marami akong natutunan. magmahal, umasa, masaktan, bumangon, maging matibay.

sinong mag aakala na ang simpleng pakikipag palitan ng numero ay may kapupulutan pala akong karanasan na hindi ko matututunan sa eskwelahan.

masakit.
mahirap,
pero masarap.

yan ang pagmamahal.

sakit sa ulo diba??





Ready to Rumble

congratulations MANNY!

mabuhay ka!
mabuhay ang lahing PILIPINO.

28 June, 2008

Achoo!

isang malamig na umagang hindi ko alam kung bakit, naisip kong magsulat. este mag type pala. habang kaharap ang instant pancit canton ni aling lucky me, sinimulan kong isulat ang kung anik-anik na saloobin ko ng minsang pakelaman ko ang parlor este balur ni Big Beki...

ayun na nga mga sister. di ko napigil kumuha ng tissue habang nag susulat, este nag tatype.

mali kayo sa iniisip nyo mga beki,

nakakabahing naman kasi. marami na akong nakilala, kakilala at kikilalanin pang paminta. hindi yung nilalagay sa adobo oh nilaga, kurak ka ateng! mga pamintuan na hindi matinag tinag. sa totoo lang, wala naman akong galit sa kanila. katulad ko at ng ibang nilalang, may kanya kanya tayong trip. walang basagan.

ang di kaya ng blush on ko eh ang ugali ng iba nating sister. discreet daw. straight acting. no to effems.

duhhher???

ang pagkakaalam ko sa salitang discreet eh hindi halata. pero bakit si brando eh ahit ang kilay nung isang araw? naka skinny-jeans, canary yellow na shirt, chucks o kaya eh havaianas. okay na sana. kaso naka over-sized shades at over-sized bag?

isa pang duhhher?

naiintindihan ko naman na me kanya kanya tayong gusto. sabi ko nga, walang basagan. pero sana naman, walang taasan ng kilay. walang rejection. walang bastusan.

meron na kong di mabilang na pagkakataon na na highblood sa iba nating kakulay. i had my own share of rejections. na discriminate narin. tinaasan na ng maraming kilay.

ang nakakaloka. kakulay ko pa?!

respeto lang mga sister...remember, beki ka rin...

amoy ka pa rin kahit na six-pack yang abs mo...

try mo kayang itanong jan sa pink mong belt?

27 June, 2008

mga pamangkin ko, BOW.

Puput.

she won't stop buggin you till you give her what she wants. scavenger like me, but cute. dearie, she loves to laugh out loud just to get my attention everytime im munchin' something. i don't know how can this 2-year-old-takaw can tolerate ice cubes. yeah. me likes to drink iced coffee. she likes to snatch all the ice cubes. yay!


Zay.

Charming. loves to play a lot. i miss the way she calls my name whenever mom wants her to wake me up. Über arte when it comes to her clothes. it has to be color coordinated or you'll end up pissed off with her tantrums. :D


aww... can't wait to see you both... i have lots of stuff for you...amishoo :D

Sakay Na!?!?


Nakakaloka. Di ako makapaniwalang tatambling ng ganito ang isang barko. Literal na upside down ano?...

Ang nakakabuset pa, meron naman tayong device na makakapag monitor sa mga barkong naglalayag. Patuloy na binabayaran ng ating gobyerno. Di birong halaga.

Pero ayun! Nakatengga! Di mapakinabangan. Tsk. Tsk.

Pinakelaman ko ito ng marinig ko ang dahilan kung bakit hindi magamit-gamit ang naturang device.

Hindi pa daw nadedeliver ang software para magamit.

Isang malaking DUH!!! taong 1998 pa kaya nabili yun, tapos di pa na dedeliver? Hindi kaya nila alam ang pakiramdam ng mga kaanak na nag hihintay at umaasang buhay pa ang kanilang mga mahal sa buhay na sakay ng mv princess of the stars?

At nag hahangad na makuha manlang ang bangkay upang mabigyan ng maayos na hantungan.

Sabi nga ni ate
Sharz, bakit pinayagan ng coastguard na magpatuloy sa joy-ride ang barko, eh alam naman nilang may bagyo? Bakit naman si manong kapitan eh patuloy parin sa pagmamaneho?

Halo-halong awa, takot, at galit ang naramdaman ko para sa mga taong nasa tanggapan ng Sulpicio Lines.

May mga bagay na pwedeng maiwasan kung ginawa lang sana natin ang dapat.

Kaso minsan, huli na ang lahat…

Migraine Part 2

ayun. nag text na ang mokong... "balik po kayo ha?" aba aba aba, parang may ari, nag ayang bumalik. naisip ko naman, ang sweet nya naman...

umandar nanaman ang mala fairy-tale kong imahinasyon. na liligawan nya ko, na ihahatid at susunduin, bibigyan ng flowers...

ayun. palagi na kaming magka text. oras-oras na nga halos. kung ako ang may ari ng Globe eh ipatitigil ko ng bongang bongga ang unlimited texting...

dahil magkalapit ang ang opisina ko at ang store nila, palagi kaming nagkikita... minsan pa nga sa hindi, kahit di ko sya tinetext eh dumadating nalang sya bigla. bongga! nakakaloka!

syempre beki lang, di humaba ng isang kilometro ang bangs ko. pero sabi ko sa sarili ko, wag. mahirap umasa. masakit. nakakapagod.

pero anong gagawin ko? umaga pa lang, sya na agad ang katext ko, buong maghapon. at twing break nya (bawal kasi sa trabaho Ü).



"mowning po...:D"


"musta po? brekfast k na h??:D"


"gawa mo po?:D"


"ingat po pagpasok. text mo ko kpag ofce k na:D"


"san k n? punthn kita jan"



non-sense nga siguro sa iba. pero sa isang tulad kon hibang, big deal and ganitong palitan ng mensahe...

natuwa.

sumaya.

kinilig...



umasa.

may mga taong pa-aasa. siguro nga, pero naisip ko rin namang baka hindi. baka naman may mga tao lang na mahilig umasa. naghihintay. nag iilusyon.

pano nga kaya kung ganun lang talaga sya? na walang ibang dahilan ang kung anumang pinakikita nya. na likas lang syang sweet. na pinag lihi lang pala sya sa asukal.

kung tama ang huli, nakupo, diabetis ito.

maraming beses kaming lumabas. kain sa resto, nood ng sine, kape, tambay. at sa mga pagkakataong yun, malayang nagtalik ang aming mga utak at bibig. dun ko naramdaman ang ibang klaseng rurok ng kaligayahan. yung di na kailangang maghubad, mag halikan, mag yakapan.

malaya nyang binuksan, hindi ang butones ng kanyang damit, kundi ang kanyang kaisipan at damdamin.

sa aking pakikinig, bigla akong naawa. nahiya. napamahal.

naawa sa dahilang may mga bagay at suliranin syang dinala, dinadala at dadalhin pa na hindi karaniwan para sa edad nya. may mga bagay syang hindi magawa, mabili at mapuntahan.

nahiya sa dahilang marami akong inaksayang mga bagay na yaman na kung ituring nya. mga inakala kong basura at walang kwenta, ngunit pangarap na pala niya. na sa aking estado, mas may talino pa siya pagdating sa hamon ng buhay.

napamahal. di ko alam ang dahilan. kung bakit hindi ko alam, ewan.

marami akong natutunan.
magmahal,
umasa,
masaktan,
bumangon,
maging matibay.

sinong mag aakala na ang simpleng pakikipag palitan ng numero ay may kapupulutan pala akong karanasan na hindi ko matututunan sa eskwelahan.

masakit.

mahirap,

pero masarap.



yan ang pagmamahal.
sakit sa ulo diba??

26 June, 2008

paalam, ARNIE


feb 29th.

leap year yun. wow. kakaiba. yung mga pinanganak nga kaya ng araw na yun eh twing ika-apat na taon lang nag cecelebrate ng birthday o inuurong na sa march 1 o di kaya feb 28?

sa maynila, magulo nung araw na yun. may rally. syempre, yun na ang paboritong past time nating mga pinoy. mag rally.

sa opisina, magulo den. tambak ang trabaho, daming reports, daming pasaway, mabagal ang internet connection. kaasar.

mga bagay-bagay na normal na kaganapan naman kung iisipin.

pero para sa pamilya at kaibigan ni Arnie, hindi.

2:30 na ng hapon ng dumating kami sa condo. para kaming nagbyahe pauwi ng probinsya. galing lang kami ng ortigas at nasa makati lang naman ang condo. pero nakailang ulit na ang panaginip ko, nasa taksi parin ako.

nadatnan namin si Arnie, masaya. magandang maganda, kaliligo. excited sa date nya sa isang motel sa guadalupe.

tinanong ko sya kung sino nanaman yung ka date nya, kaso hindi sumagot. blanko lang. ayun.

pinigilan din namin, kasi nga traffic. me rally eh.

"fly na ko ha? kitakits.."

yun yung sabi nya bago sya umalis.

yun na din pala ang huling beses namin syang makikita. maririnig. makakausap.

si Arnie ay biktima ng isang karumaldumal na pagpatay.

walang sinuman ang may karapatang gumawa ng ganitong bagay sa kanino man.

babae, lalake, bakla o tomboy.

wala.

Arnie, paalam. hinding-hindi ka namin makakalimutan.

21 June, 2008

Magic

hindi ito isang show sa carnival. di rin yung makikita sa mga birthday party ng mga sosyal na batang nakatira sa alabang.

iba to. may kaibigan akong ganito. pero hindi naman sya kumakain ng apoy. hindi din nya kayang mag palutang ng kahit ano.

naisip ko, dapat pakelaman ko na ito.

di ko naman madalas kausapin dati si S sa office. nagkikita kami sa floor. magkasabay sa 7-11 dun sa the Fort. subaera kami pareho pero wa pansinan. kaswal.

antok na antok na ko sa van isang umaga pauwi sa bayang sinilangan ni Aguinaldo. taga dun din si Revilla. yung senior. mainit ang aircon. di ko alam kung mas malamig pa yung hininga nung katabi ko. pumasok si S.

simpleng batian. hi at hello. kamustahan. taga dun ka pala? tanong ko. ngayon ko lang nalamang magkasama pala kaming nakatira sa lupain ni nardong putik.

super offer ako ng pik-nik na napanalunan ko matapos kong makipag usap ng matindi-tindi sa mga kano. limang daang dolyar na halaga ng gamit sa telebisyon ang nabenta ko. ayun bonggang bonggang pik-nik ang premyo!

dahil hindi ako mahilig sa maanghang, naisip ko ishare ang hot and spicy flavored na junk food kay S. wala daw kaming inumin. ganun pala sya. dapat lahat kumpleto. me tubig tuwing may pagkain.

super kwento kami ng kung anu anung rebuttals ang epektibo sa mga matatandang kano. palitan din kami ng mga clever comebacks namin pag nasasabihan ng im not interested sa telepono.

madaalas akong makatulog sa byahe. swerte ko naman at yung subdivision namin na pang shala (hindi, joke lang) e katabi ng terminal ng van. kahit matulog ako, gigisingin at gigisingin ako ng driver para bumaba. walang hasel na iisipin. hindi ako lalampas samin.

pero sa hiya ko kay S. fully awake ako habang nasa byahe. nakakahiya naman tulugan. madalas kami magkasabay ng biglaan. yung tipong sa van na kami magkikita. pwede namang sa office palang e sabay na kami umalis diba? pero hindi. may iba syang set of friends. meron din akong sarili kong taropapips.

hindi ito lovestory. hindi ko sya crush. at lalong hind sya lalaki.

magic sya na hindi. magulo? wala kasi akong alam sa kung anong tawag sa mga borsya. marami akong kaibigan na ganito. mahal ko ang lahi nila gaya ng pagmamahal nila sa lahi namin. sweet at mapagmahal sila gaya namin. nakakaloka kasama. matapang at loveable. parang 3-in-one coffee. wala ka ng hahanapin pa.

si S eh iba. babaeng babae. hindi mo aakalaing may ganung bahagi ang pagkatao nya. hindi din naman ako nagulat ng malaman kong ganun sya. haler? di naman isyu sakin ang sekswalidad ng tao. basta click tayo, go!

in short, naging magkaibigan kami. nakilala ko ang mga set of friends nya, nakilala din nya yung akin. ayun. boom! isang mega-super-duper-click kaming lahat. naging magkaka-close. naging parang magkakapatid. share kami ng lahat. luha, tawa, sipon, ubo, eyeliner, hair iron, sabon, tuwalya, minsan pati chani, share kami.

isa lang yung di nya ma share samin. heartaches.

vocally syempre. napakadaling ikwento at umiyak sa kaibigan mo. pero kahit anu pang pang aalo gawin sayo, uminom man kayo ng 3 drum na weng-weng ng mga kaibigan mo, andun parin yun. sayo lang, ikaw lang, walang pwedeng makahati ng pain.

kung pwede lang sana bunutin yung sakit at pagdurusa ng puso. ipahiram. ibenta. itapon. kaso hindi.

nagsimula lahat ng yon nung napromote sya. di naman kami nagpalibre nun pero nilibre nya kami. mga 3 araw pa lang syang trainer ng mga callboys and callgirls eh nakatagpo na nya yung katapat nya. eto na. ayan na.

itatago natin sa pangalang Bex. Mahaba ang buhok pero lalaki manamit. sexy pero hombre maglakad. gwapong obit pero may anak. astig sabi ko. interesting na tao. tahimik sa umpisa. pero makulit. friendly. mabait

nakita ko na nag pagiging close nila. sa text, sa personal, sa lahat. kinausap ko si S. as a friend, i asked her straight. pakelamera ako eh. tinanong ko kung anung meron sa kanilang dalawa.

"Wala" sabi ni S.
"Di nga? Che!!!" sabi ko.

pero alam kong meron. sweet sila pag magkasama. di ko na ieelaborate. isipin mo nalang kung ano ang makikita mo sa dalawang taong inlab.

hindi naman lihim sa lahat, lalo na sakin na may ibang gf itong si Bex. nasa ibang lupain. malayo. kelangang mag eroplano. alam din ni S yun.

pinakelaman ko ulit. bilang kaibigan, aba, kakausapin ko ang kaibigan ko. sinabi ko lahat ng pwedeng sabihin ng isang kaibigan, sa kaibigang naka inom ata ng clorox kaya di nag function mabuti ang utak.

pero pag-ibig yun. puso. kahit na sampalin mo, magiging tanga parin. ganun lahat ng umiibig. nawawala ang huwisyo sa sarili. kahit ako ganun.

mahal naman sya ni Bex. in fact, marami ding handang iwan si Bex for S. kaso naguguluhan. di alam kung anong gagawin. di makapili kung sino.

kaya si S. ayun umasa. naghintay. nasaktan. kahit anu pang gawin at sabihin, hindi parin sakanya si Bex.

sa sobrang pakelamera ko, kinausap ko at ng jaboom twin ko si Bex. harsh. walang preno. talakera ako pag naargabyado ang pamilya at kaibigan ko. puso sa puso, usapang matino.

Ironic. mahal mo pero di mo pinili. sabagay. minsan kelangan iwan ang mahal mo para sa tama. yun na lang ang siniksik ko sa utak ko. pero kahit anong tanggi. sumisigaw ang left-lobe ng brain ko.

kapag mahal mo, kahit mali gagawin mo. mahal mo eh...sabi ng left lobe ng brain ko.

mahal daw ni Bex si S kaya nya ito iiwan. amputangina. sabi ko That's Bull. mahal? tapos iiwan. napaisip ako. baka nga. baka kahit mahal mo ang isang tao, magagawa mo ng iwan para sa ikaaayos ng lahat.

pero hindi ko rin kaya isipin na mahal mo ko pero pababayaan mong mamaga ang mata ko? na maubos ang luha ko?

magulo ang pag-ibig. kahit pinakamatalinong tao, maguguluhan. bilib ako sa mga taong kaya isolve ang mga problems nila pagdating sa love. kahit ata gumamit ako ng kahit anong scientific calculator. hindi ko makukuha ang tamang formula ng pagmamahal.

Tanga. yan si S.
Si Bex.
Ako, at ang bilyung bilyong tao na umiibig.

e ano?




Migraine


di ko alam bakit may mga kantang malayo sa chorus ang title. ang hirap tuloy i-request. ang hirap din idownload. tipong kakantahin ko pa para malaman ng
kausap ko yung title at ayun. mahahanap ko na yung lyrics sa google.

di naman pwedeng umasa sa kumanta. kung yun ang babasihan ko, amputa, sa dami ng magkakaboses ngayon. malabo.

mabuti nalang at si Ms. S. e heartbroken. Depressed. me pagkakupal kasi si...teka baka mabasa. kaibigan ko yun, pareho sila. pero mas kaibigan ko si S. Tried and tested. To the rescue ang mga okama pag nawarla yun. iba kasi. me heartburn. sabi ko nga, magiging uling na puso mo kaka-iyak.. sa kanya ko nalaman yung kantang Migraine, na pinadinig lang sa kanya ng isa ko pang kaibigan na si A. magulo? matalino ka, alam ko, maiintindihan mo to.

so ayun na nga, narinig ko yung kanta at nakakatuwa. nakakarelate. nakakainis. bakit ang tatalino ng mga songwriters. parang binayaran mo sila para gawan ka ng kanta. yung bagay sayo, yung swabe. parang Viktor Jeans.

mahirap naman talagang umasa. para kang nakapila sa NFA. mga alas tres ng madaling araw pa lang, habang tulog pa ang mga askal na madalas tumae sa harap ng bahay nyo, nakapila ka na. tapos nung malapit ka na, ayun, wala na daw stock. kaloka diba? o kaya ganito nalang. isipin mo na naghihintay kang umulan sa sahara dessert.

may mga pa-fall kasi. kainis. puro wrong signals ang pinapakita. hay. magtetext mula umaga, tanghali, gabi, kahit naliligo, dudumi, o iihi, itetext sayo. kakamustahin ka, kumain ka na ba? naligo ka na ba? nakauwi ka na ba? nakapag-deodorant ka na ba?

sa katulad kong adik sa mga pa-sweet na messages, ayun hulog! papatalo ba naman ako, reply to death! kiber sa Globe. luging lugi na sila sakin. heavy ang unlimited texting. buti nga nauso. kung wala? naku, nungcang mag text ako.

nung isang beses na kumain ako sa isang fastfood na itatago natin sa pangalang Jollibee, umorder ako ng manok na may spaghetti. tapos may extra rice. o diba? tipid? kesa umorder ako ng hiwalay na chicken meal at spaghetti. magastos. kasama ko yung mga magagandang officemates ko. mga kalaban. mga threat. mga eba. habang kumakain, papampam ako sa isang crew. di naman sya masyadong gwapo. malinis. maputi ang ngipin. magalang. kung sabagay, magalang dapat silang lahat. magagalit ang manger pag walang po at opo ang mga yun dava???

marami pa akong nasipat sa kanya. pero isa lang ang nakatawag ng pansin sa aking mapaghanap na mata...

"im proud to be a Jollibee scholar"
pin yun na nakalagay sa sumbrero nya. kalowka dava??? sabi ni T, i-enroll ko daw sa aking foundation. nakupo. wala akong funda! di ko pa na-try. pero teka...

nanghingi ako ng extra gravy kahit di naman ako mahilig. mas gusto ko yung toyo't kalamansi na sawsawan ng manok. e meron ba naman nun sa Jollibee. baka sampalin ako ng nasa counter at ipaalala sakin na class ang kainan na yun. dapat susyal. dapat gravy.

ending, bibigay agad. instant. kaines. dapat may eksena.

"and water please? paki dala nalang sa seat namin. mabigat na yung dala ko eh"

ang arte ko. ni wala pang isang kilo ang bitbit ko. di naman isang dram ang tubig na ibibigay nya, pero style na yun. para may interaction.

di ko pa natatangal yung balat ng manok gaya ng ginagawa ni aga sa commercial, dumating na ang waterloo ko. pero bakit sya ang nagdala? ang alam ko kasi pag asa counter ka, dun ka lang...

kiver, basta dinala na nya. tapos. eh anong pakelam ko sa trabaho nya. e diba ito yung gusto ko? yung interaction?

ayan na, pasweet na si lola. "thanks"
"welcome po"

perfect ang sagot. minsan kasi may mga nangaasar na crew. o baka naman talagang yun ang tingin nila sakin. di ko naman pwedeng sabihing oo. feeling ko naman. pag nanay ko nga ang kasama ko palagi kong napagkakamalan na siya ang kausap nung mga yun, ang tinutukoy ko eh yung "sir" at "ma'am"

madalas kasi sa hindi, laging ma'am ang tawag sakin. di ko alam kung yun ba tingin nila oh nangaasar lang. tuwa naman si lola. mala Nova Villa!

ayun na nga. natapos na kaming kumain. para namang nabitin ako. hindi sa food kundi sa eksena ko. kaya ng makita ko si T na halos di na makahinga sa kabusugan, may naisip ako.

Myk2ts: T, dare kita,
T: Sure (game to, kahit pa sirkuhin nyo sa edsa, go!)
Myk2ts: Kunin mo yung number ni Crew
T: Yun lang? kala ko papaplancha mo na sakin eh.


go na ang eba. bilib ako dito. maganda, seksi kahit may anak na. maputi. mabango. mabait. isa ring babaeng gusto maging bakla.

Myk2ts: Make sure na sasabihin mo na ako nagpapakuha ha?
T:Okay
!

baka magtext agad yun at maging interesado kay T. syempre babae ba naman ang kukuha ng number nya. kaya pinasabi ko na ako ang flower este texter. di naman siguro yun kakagat. magbibigay ng number o kukunin ang number mo, pero deadma lang. para naman sabihing hindi sila bastos.


diretso na sa misyon nya si T. puro likod lang nila nakita ko habang magkausap. di ko rin naman naririnig. after 2 minutes, lumabas na si T.

T: Ayan na. sabi ko ikaw nagpapakuha!
Myk2ts: Thanks Mare!
T: Libre mo ko bukas ah!
Myk2ts: Go!

di ko din naman sya maililibre dahil off na namin bukas, sigurado akong makakalimutan na nya yung deal namin after 2 days. umalis na kami. tumayo na ako at nag last-check pa sa kanya. kinawayan ko sya. late na para mabawi ko. nakawayan ko na. parang may utak tong kamay ko. matalino.

kumaway din sya. parang nagulat pa sya at kumaway sya. naloka naman si lola. natuwa. nag cartwheel. sa di ko maiexplain na pagkakataon, biglang bumilis ang pagkuha ng taksi sa mataong lugar na yun. parang di pa pinapara, naka metro na agad. sabi siguro ng tadhana, oa na ko, tapos na ang moment ko...

Di pa kami nakakalayo, ayun 1 message received...


itutuloy...


20 June, 2008

Dolly Parton? in a HELIUM???


Tuwing manonood ako ng mga talent search o artista search sa T.V, apektado ako. di ko alam kung pikon lang ba talaga ako, o masyadong oa. o feeling siguro. di ko alam. pero basta apektado ako. lalo na pag nagsasalita na yung mga judges.

"para kang iced-tea na walang ice"
"you are like a chihuahua trying to be at tiger"
"okay ang boses mo, maganda yung quality, kaso hindi ko gusto yung kulay ng pantalon mo"

comments ng mga hurado...hmmm pakelaman ko nga...
out-of-this-world ang mga kumento. nakakapikon. kung ako siguro ang nasa stage ng mga oras na yun, binato ko na yung mic at mag wowalk-out na ko. kahit siguro hindi pikon na tao, kapag sinabihan mo nito, maloloka.

isipin mo na lang. o subukang tumayo sa kalagayan ng mga contestant. may mayaman, mahirap, maputi, maitim, merong galing sa probinsya, merong states-side. pero iisa lang ang pagkakaparepareho nila. nangangarap. iiwan ang pamilya, magbebenta ng kabayo, may mag reresign sa trabaho, may hindi mag-eenroll sa school, para lang makasali... haharap sa tao, kakanta, lalabas ang litid sa leeg, magpoproject sa camera...

ayun!

judgement day! magsasalita na si Judge number one. gagatungan ni Judge number two, tatawa si Judge number three. si contestant mapapahiya, pero ngingiti. maluluha, pero lulununin lang lahat ng sasabihin nila. parang laway lang na panis.

nakakatawa na kahit mga local search satin, meron at merong "Simon Cowell" (o nag fefeeling).

pampadagdag ratings nga naman kung magsasagutan ang contestant at ang judge, kung mag mumurahan sila sa T.V. na hindi naman natin maririnig dahil ibibleep. mas dadami nga naman ang boboto kay contestant kung mapapaiyak sya ni judge habang binibigay ang verdict.

naiintindihan ko yung constructive criticsm at kung anung aspeto ang pinanghahawakan nito sa bawat taong nangangailangan nito. hindi rin ako pikon. marunong din ako pumuna ng pangit sa maganda. nakakapag comment din ako sa performance ng mga kasali. natatawa din ako pag may nagkakamali o nadadapa.

pero hindi ko kayang makita na luluha ang isang nangangarap dahil lang hindi nagustuhan ng iisa o iilang tao ang kulay ng suot nya, o ang timbre ng boses nya. lahat tayo ay binigyan ng laya magbigay ng opinyon. kahit sino ay pwedeng sabihin ang nais nya. pero pwede din nating isipin lahat ng sasabihin natin bago natin ito sabihin.

hindi lang ito para sa iba. para sakin din. minsan (o madalas) din hindi ko mapigil magsalita. may sariling utak ang dila ko. madaldal. maingay ako pag gising, maingay din kahit tulog. pero kahit biro lang karamihan ng sinasabi ko, dapat ko din isipin na hindi laging nagbibiro ang kausap ko. at kahit bayad ako para sa isang talent search para salain ang mga artistahing nilalang, dapat ko parin isiping mabuti ang sasabihin ko. constructive pero subtle. yung katanggap-tanggap. yung hindi nakakapikon. yung swabe. yung tama lang.

Magagalit kaya si Dolly Parton kay Simon Cowell?

19 June, 2008

Love Hurts


"hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sakin, ako pa rin... ako na lang... ako na lang ulit..."
-Basha (Bea Alonzo) One More Chance, STARCINEMA

Sa megamall ko to pinanood, kasama ng mga kaibigang hindi mo masabi ang mga love stories. may masaya, may bigo, may dala-dalawa, merong wala ni isa- ako yun. nakakatawa nga isipin eh, bago pumasok ng sinehan, lahat masaya, lahat busog, excited, pero bumili parin ako ng popcorn, sila? tissue. Okay lang sakin. di naman ako iyakin pagdating sa mga pelikula. nakakahiya.

Ikukuwento ko lang yung mga naisip ko tungkol sa pag-ibig, hindi yung istorya ng pelikula dahil alam ko naman na napanood na ito ng lahat, kung hindi pa, meron akong kopya. papahiramin kita.

Kung ako siguro si Basha, sa unang tingin, wala na kong hahanapin pa. aba, bukod sa gwapo at matipuno si Popoy, eh stable pa, maalalahanin, sweet, dominant. normal na karakter ng mga lalaki. mataas ang ihi. Sino ba naman ang may ayaw ng ganun. Hindi mo pa nahihingi, binigay na sayo. Parang si Superman na kayang gawin lahat para sayo. Pati pagtatanggal ng balat ng fried chicken mo, alarm clock mo, driver, alalay at marami pang iba, aba ganon ata ang ideal man ko! at sigurado akong maraming tulad ko ang nag hahangad ng ganun. nakaka-babae kasi yun. yung susunduin ka, ihahatid, taga bitbit ng kulay pink mong bag habang nasa mall kayo...yung lahat ata ng pwedeng ipagawa sa boyfriend, kaya nyang gawin...
di ko rin naman gusto ng ganun. para akong lumpo. para akong inutil. minsan gusto ko ipakita na kaya ko din, na pwede ko ring gawin ang gusto ko ng mag-isa lang, nang ako lang. yung hindi ko kailangan magpaalam kung saan ako pupunta at sino ang kasama ko. na pwede akong kumain ng gusto ko, na pwede kong isuot ang skirt na galing sa tita kong japayuki.

kaso bakit nung gusto ko maging "ako" parang hindi nya nagustuhan. dapat daw laging "kami". Dapat daw matured na ko mag-isip. na napaka selfish ko naman daw kung palaging "ako" lang ang iisipin ko. hindi ko ba manlang daw naappreciate yung sacrifices nya? yung mga ginagawa nya for me?

hiningi ko ba yon? sinabi ko bang ipagbalat mo ko ng saging? na bitbitin mo yung bag kong pink???

syempre away na, sagutan, iyakan, ending.... "i need space"
di pumunta ka sa kalawakan. sumakay ka sa babilos! space pala eh!

pero bakit ganon? ang sakit isipin na ako eto, namamaga ang mata, nanlalaki ang eyebags, kain ng kain, depressed, bitter at walang katapusan bitter, habang ayun si Popoy, masaya! moved-on agad! wala pa ngang 3-months rule... Nakakaasar makitang masaya sya, na parang wala lang sa kanya. na ok na sya. habang ako, eto. Pero teka, diba ito ang gusto ko? yung maging malaya? yung walang nakikialam? pero bakit masakit makita na iba ang hinahatid nya, na iba ang bag na bitbit nya, na iba ang pinagbabalat nya ng mangga?

minsan magulo talaga ang puso. siguro kasi napapagod din ito. nalilito. ikaw ba naman ang magbomba ng dugo mula ng mabuo ka sa sinapupunan ng nanay mo hanggang ngayon e di mapapagod ka rin. mahihilo. magkakamali. andyan naman yung utak diba? substitute muna sa puso. at least natutulog ang utak, nagpapahinga, nananaginip.

kung pwede lang sanang mawala lahat ng heartaches ng instant. Parang load ng celphone na biglang nauubos kahit di naman nagtetext, na parang cup noodles na lalagyan lang ng mainit na tubig, pagkain na, na pag pinabago ko yung haircut ko eh limot ko na lahat ng sakit na binigay mo...
kaso hindi.

Havaianas vs. Spartan


Havaianas vs. Spartan

Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).
Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila,naka-slippers lang.")

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks - Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy
Olats na mga katangian:
Mahal! Mahal! Mahal!

Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang

Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.


it's busy day for me, but hey, checking my friendster account wont hurt...

comments-checked
friend request-checked
who's viewed me-checked (OMG he viewed me!) ^_^

bulletin-WTF???

isa na namang anti-pinoy-product post sa friendster. di ko rin minsan maisip kung bakit kapwa ko pinoy ang nag lalagay ng ganitong klaseng post. siguro para sa iba, masaya. sa iba, cool, sakin? pakelamera ko diba? pakelaman natin.

Phew... am afraid no matter how much pills we take, were not going to achieve their race. but atleast...( I'm glad I've MET)

Nasa Pilipinas tayo. Pinoy. Pango (ako). Kayumanggi, Galing sa lahi ni Lapu-Lapu, fashion victim 'ika nga dahil sa naka-bahag at nakatapak tayo noong unang panahon, mahilig kumain ng nagkakamay, nangongolekta ng mga disposable na gamit para magamit ulit, mahilig sa tinapa at tuyo, samahan pa ng kamatis at bagoong, fan ni Juday at Piolo, Kababayan ni Manny Pacquiao at nasasakupan ni Gloria Macapagal Arroyo.

Madalas tayo mapikon pag naririnig natin ang mga bali-balita tungkol sa mga banyagang nang aalipusta satin. taas kilay agad si Juan dela Cruz ng mapanood yung episode ng Desperate Housewives. Diba't sinunog pa nga nung kaibigan ko yung collection nya ng CD ni Mariah Carey ng mapabalitang tinawag nyang unggoy si Regine? hindi ko alam kung totoo yun, di ko parin naitatanong sa kapit-bahay ko pero nakakagigil isiping me nanlilibak sa lahi natin diba?

Pero ang makita mong isa sa kaibigan, kabalitaan, at kakampi mo ang manghuhusga sa kapwa pango este pinoy? teka muna..

I confess, meron din akong havaianas. dalawa. yung pinakamura. pigtas na yung isa. pero makapal pa ang goma. kung iisipin, aabutin ng dalawang taon ang isang de-gomang tsinelas sa halagang nag lalaro sa pitong daan hanggang isang-libong piso? di na masama. masarap maglakad, malambot sa paa, di nagagasgas ang gilid, di nabubutas, at totoo, kelangang maglinis ng kuko bago mag suot nito. pero may mga panahong mas magandang mag ispartan. hindi madulas sa banyo pag basa. masarap ipangbahay, pang mall, pwede ding pang-pasok sa eskwela...

Mahilig ako sa tsinelas. bihira ako magsapatos. mainit sa paa. pero wala akong alipunga. iba lang talaga pag naka tsinelas. malaya. pwede mo kamutin yung daliri mo pag makati ng hindi na mag tatanggal ng medyas at sintas. parang pinoy na pwede mong ilagay kahit saan ng hindi kailangan ng dikta ng iba. pero kahit na anu pang chinelas ang isuot ko, havaianas, crocs, ispartan o beach walk, hindi parin mawawala ang katotohanang isa akong pango.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy