di ko alam bakit may mga kantang malayo sa chorus ang title. ang hirap tuloy i-request. ang hirap din idownload. tipong kakantahin ko pa para malaman ng
kausap ko yung title at ayun. mahahanap ko na yung lyrics sa google.
di naman pwedeng umasa sa kumanta. kung yun ang babasihan ko, amputa, sa dami ng magkakaboses ngayon. malabo.
mabuti nalang at si Ms. S. e heartbroken. Depressed. me pagkakupal kasi si...teka baka mabasa. kaibigan ko yun, pareho sila. pero mas kaibigan ko si S. Tried and tested. To the rescue ang mga okama pag nawarla yun. iba kasi. me heartburn. sabi ko nga, magiging uling na puso mo kaka-iyak.. sa kanya ko nalaman yung kantang Migraine, na pinadinig lang sa kanya ng isa ko pang kaibigan na si A. magulo? matalino ka, alam ko, maiintindihan mo to.
so ayun na nga, narinig ko yung kanta at nakakatuwa. nakakarelate. nakakainis. bakit ang tatalino ng mga songwriters. parang binayaran mo sila para gawan ka ng kanta. yung bagay sayo, yung swabe. parang Viktor Jeans.
mahirap naman talagang umasa. para kang nakapila sa NFA. mga alas tres ng madaling araw pa lang, habang tulog pa ang mga askal na madalas tumae sa harap ng bahay nyo, nakapila ka na. tapos nung malapit ka na, ayun, wala na daw stock. kaloka diba? o kaya ganito nalang. isipin mo na naghihintay kang umulan sa sahara dessert.
may mga pa-fall kasi. kainis. puro wrong signals ang pinapakita. hay. magtetext mula umaga, tanghali, gabi, kahit naliligo, dudumi, o iihi, itetext sayo. kakamustahin ka, kumain ka na ba? naligo ka na ba? nakauwi ka na ba? nakapag-deodorant ka na ba?
sa katulad kong adik sa mga pa-sweet na messages, ayun hulog! papatalo ba naman ako, reply to death! kiber sa Globe. luging lugi na sila sakin. heavy ang unlimited texting. buti nga nauso. kung wala? naku, nungcang mag text ako.
nung isang beses na kumain ako sa isang fastfood na itatago natin sa pangalang Jollibee, umorder ako ng manok na may spaghetti. tapos may extra rice. o diba? tipid? kesa umorder ako ng hiwalay na chicken meal at spaghetti. magastos. kasama ko yung mga magagandang officemates ko. mga kalaban. mga threat. mga eba. habang kumakain, papampam ako sa isang crew. di naman sya masyadong gwapo. malinis. maputi ang ngipin. magalang. kung sabagay, magalang dapat silang lahat. magagalit ang manger pag walang po at opo ang mga yun dava???
marami pa akong nasipat sa kanya. pero isa lang ang nakatawag ng pansin sa aking mapaghanap na mata...
"im proud to be a Jollibee scholar"
pin yun na nakalagay sa sumbrero nya. kalowka dava??? sabi ni T, i-enroll ko daw sa aking foundation. nakupo. wala akong funda! di ko pa na-try. pero teka...
nanghingi ako ng extra gravy kahit di naman ako mahilig. mas gusto ko yung toyo't kalamansi na sawsawan ng manok. e meron ba naman nun sa Jollibee. baka sampalin ako ng nasa counter at ipaalala sakin na class ang kainan na yun. dapat susyal. dapat gravy.
ending, bibigay agad. instant. kaines. dapat may eksena.
"and water please? paki dala nalang sa seat namin. mabigat na yung dala ko eh"
ang arte ko. ni wala pang isang kilo ang bitbit ko. di naman isang dram ang tubig na ibibigay nya, pero style na yun. para may interaction.
di ko pa natatangal yung balat ng manok gaya ng ginagawa ni aga sa commercial, dumating na ang waterloo ko. pero bakit sya ang nagdala? ang alam ko kasi pag asa counter ka, dun ka lang...
kiver, basta dinala na nya. tapos. eh anong pakelam ko sa trabaho nya. e diba ito yung gusto ko? yung interaction?
ayan na, pasweet na si lola. "thanks"
"welcome po"
perfect ang sagot. minsan kasi may mga nangaasar na crew. o baka naman talagang yun ang tingin nila sakin. di ko naman pwedeng sabihing oo. feeling ko naman. pag nanay ko nga ang kasama ko palagi kong napagkakamalan na siya ang kausap nung mga yun, ang tinutukoy ko eh yung "sir" at "ma'am"
madalas kasi sa hindi, laging ma'am ang tawag sakin. di ko alam kung yun ba tingin nila oh nangaasar lang. tuwa naman si lola. mala Nova Villa!
ayun na nga. natapos na kaming kumain. para namang nabitin ako. hindi sa food kundi sa eksena ko. kaya ng makita ko si T na halos di na makahinga sa kabusugan, may naisip ako.
Myk2ts: T, dare kita,
T: Sure (game to, kahit pa sirkuhin nyo sa edsa, go!)
Myk2ts: Kunin mo yung number ni Crew
T: Yun lang? kala ko papaplancha mo na sakin eh.
go na ang eba. bilib ako dito. maganda, seksi kahit may anak na. maputi. mabango. mabait. isa ring babaeng gusto maging bakla.
Myk2ts: Make sure na sasabihin mo na ako nagpapakuha ha?
T:Okay!
baka magtext agad yun at maging interesado kay T. syempre babae ba naman ang kukuha ng number nya. kaya pinasabi ko na ako ang flower este texter. di naman siguro yun kakagat. magbibigay ng number o kukunin ang number mo, pero deadma lang. para naman sabihing hindi sila bastos.

diretso na sa misyon nya si T. puro likod lang nila nakita ko habang magkausap. di ko rin naman naririnig. after 2 minutes, lumabas na si T.
T: Ayan na. sabi ko ikaw nagpapakuha!
Myk2ts: Thanks Mare!
T: Libre mo ko bukas ah!
Myk2ts: Go!
di ko din naman sya maililibre dahil off na namin bukas, sigurado akong makakalimutan na nya yung deal namin after 2 days. umalis na kami. tumayo na ako at nag last-check pa sa kanya. kinawayan ko sya. late na para mabawi ko. nakawayan ko na. parang may utak tong kamay ko. matalino.
kumaway din sya. parang nagulat pa sya at kumaway sya. naloka naman si lola. natuwa. nag cartwheel. sa di ko maiexplain na pagkakataon, biglang bumilis ang pagkuha ng taksi sa mataong lugar na yun. parang di pa pinapara, naka metro na agad. sabi siguro ng tadhana, oa na ko, tapos na ang moment ko...
Di pa kami nakakalayo, ayun 1 message received...
itutuloy...

0 Pakelamera:
Post a Comment