naalala ko nung ako ay estudyante pa lamang. maaga ako dapat gumising para mag-ayos. mabagal daw kasi ako kumilos. sabi ng mama ko, madalas, mas marami pa akong paikot-ikot. aksaya sa oras. kaya kung 7:00 ang pasok ko, kailangan, mga 5:00 gising na ako.
kahit na nung nagtatrabaho na ko, madalas kulang ang tulog ko. malayo kasi ang Cavite sa Ortigas, so kailangan mag laan ng 3 hours sa byahe. minsan dalawang oras lang pag walang trapik sa baclaran. kaya kumusta naman diba? di bale ng kulang ang tulog ko.
anu pa ba ang pinakamasarap na
motivation sa trabaho o sa eskuwelahan kapag pumasok ka ng bangag, hilo, antok, gutom, tigang, o kaya e may LBM?
uwian.
log-out.end of shit... este
shift.
krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrng! (okay, tunog ng
bell sa
school para di naman korni)
sa nakararami, ang pag-uwi ay nangangahulugan ng pagkatalo o pagsuko. di ba kapag may kaaway tayo at medyo nabugbog ng kaunti, diretso ang uwi para magsumbong, magpalit ng damit at magdala ng baril para gumanti o di kaya ay magtago.
madalas ko marinig sa tuksuhan ang "uwi ka na!" kapag medyo tagilid na ang kalaban. ayun, ang talunan, mangingilid na ang luha at maglalakad na pabalik sa kanyang bahay. isang pag-amin sa kanyang pagkatalo.
pero hindi ako ganun.
napakasarap para sa akin ang pakiramdam ng uuwi ka na. kahit mainit, umuulan, at trapik pa yan, ok lang. may ngiti sa labi. may galak sa puso. may lukso ng dugo. madalas nga akong tanungin ng mga kaibigan ko kung ano bang meron sa bahay namin. palagi kasi akong
excited umuwi. laging nagmamadali. parang laging may taksing
waiting.
kaya naman nagagalak ako ng bonggang bongga dahil sa lunes,
UUWI NA AKO!
hindi ko alam kung babalik pa ako
DITO.pero ang alam ko, sa aking pagbalik sa lugar na kung saan, marami ang natutunan ko,
HANDA na ako.
salamat sa kutson at unan na nakaniig ko sa magdamag sa loob ng dalawang buwan. hindi man makapal ang kutson, may init na kumakapit sa tuwing dadapa, tatagilid at titihaya ako sa gabi. hindi man malambot ang unan, naghatid ito ng wagas na ligaya sa tuwing dadantayan at aakapin ko ito sa magdamag. syempre,
hello din sa kumot na kulay dilaw. wala lang. salamat sa pag-akap sa gabing maginaw.
salamat sa kusina na nagsilbing paborito kong lugar ng bahay na aking tinuluyan. hindi lang dahil sa literal na kahulugan. madalas kasi ako nakakapag-isip at nagmumunimuni habang nagliligpit ng pinagkainan.
salamat sa laptop na aking naging kaibigan sa hirap at ginhawa. paano nalang kaya ako kung wala ka?
at salamat sa mga kaibigan at kamag-anak na walang tigil na sumuporta. sa mga nanlibre sa Sentosa. sa mga nautangan ko ng pambili ng tasa. mabuhay! mabuhay!
at sa pagkakataong makilala ko
Siya. ang pinakamagandang nangyari sa akin dito. ang pinakamasaya. ang pinakamahalaga.
maraming nagsasabi na karanasan ang magpapatibay at magtuturo sa atin kung pano lumaban sa hamon ng buhay, at yun din ang magtuturo sa atin kung pano ang tamang paghalik at pagyakap sa katotohanan na maari tayong manalo o matalo sa mga bagay na ating pinaghandaang laban.
at isa ito sa mga karanasang hindi ko malilimutan.