"naglalakad nanaman akong parang walang pupuntahan. hakbang ng hakbang ang mga paang kinakalyo na sa pag-asang may magkakaroon ng saaki'y magmamahal. umaamot ng munting puwang sa iyong pusong puno ng laman. lumilingon, sumisilay. parang bibeng lumalakad sa iyong harapan. ngumingiti, tumatawa. sadyang pinaririning ang saakiy nakatutuwa. nakasalubong, sumulyap. ngumiti ka at kumaway. ikaw nga ba ay saakin nakatunghay? salamat sa aking konsensya. ako'y kanyang tinuruan"and why are you sleeping?
--trainer
amputang ina. panaginip nanaman. nakatulog nanaman ako habang nakikipag usap sa mga kano. napapansin kong
lately medyo nagiging antukin ata ako.
lately nga lang ba? oo na. sige. medyo antukin nga ako. para saakin ang pagtulog ang pinaka masarap na aktibidad sa mundo. libre. nakakaadik. minsan nag iisip ako. sa buhay kong ito, salat na nga ako sa pag-ibig ng isang boylet, pati ba naman sa pagtulog, sawi parin ako?
loser.
normal na saakin ang mga lima hanggang anim na oras ng tulog. kaya naman kahit nasa sasakyan ako, wala akong pakialam dahil masandal lang ako, pihado, mananaginip na ako. lumulutang, malambot ang ulap. masarap ang simoy ng kumot na bagong almirol. mabuti na lamang ay nasa tapat lang ng Encantasia ang terminal ng mga walis na aking sinasakyan tuwing uwian. hindi ko problema ang paglampas. wala akong iisiping paparahan sa gitna ng aking malalim na balintataw.
kaya naman tuwing walang ginagawa, natutulog na lang ako. kesa lumabas. maalikabok. mabaho. magastos. samantalang kung matutulog ako, pwede ko pang mapanaginipan ang
love story namin ni John Lloyd. pwede ko ring isuot ang
costume ni Marian. duon, pwede akong bumirit habang pinapalakpakan ako nila Pops, Regine, Charice at ni Ellen DeGeneres.
ang sarap maghilik. lalo na kung wala akong katabing sasampal sa malaki kong pisngi. yung ibang hindi makatiis, pasimpleng lilikutin ang kama o kaya ako ay bubunguin.
plastic. hindi nalang ako basta gisingin at murahin... diba? mas totoo? mas
exciting?
buti nalang ang mga kaibigan ko, tahasan manggising. kalabit na bumabaon o kaya tapik na lumalatay. simple. totoo.
pero hindi naman ako
destructive matulog. di naman ako nakakasira ng tulog ng may tulog.
kaso nga namumurublema ako ngayon. parang napaka OA na kasi. akala mo ang pagtulog e kasing guwapo ni Piolo. ang hirap hanapin. ang hirap habulin. ang hirap angkinin.
oh sana naman aking hiling, ang pag gawa ng tulog ay wag ipagkait. minsan kasi nakainom na ko ng ilang basong maligamgam na gatas na may
melamine wala pa rin. sinubukan ko na ring magbilang ng
sheeps. amputa, pati
black sheeps ata nabilang ko na wala pa rin.
suggestion naman mula saaking magiliw na kaopisina sa kelsenner... "magbilang ka ng bituin"...
kahit naman siguro naka tira ako ng katol, hindi ko susubukang bilangin ang mga bituin habang tirik na tirik ang Araw na galit!
