Showing posts with label kilig nanaman. Show all posts
Showing posts with label kilig nanaman. Show all posts

09 May, 2009

Tanong Ng Tanga

natatandaan mo pa ba yung istorya ko tungkol sa sportsfest?

magaling.

ngayon naman tulungan nyo ko.

niyaya nya kasi ako kanina. inuman daw. tutal off ko at naka leave siya.

"oo. sige ba, mamaya? yun lang pala eh"

hindi ako puwede. linggo de peligro na kasi. tapos may lakad pa kami ni mama. pwedeng next time na lang?

"wala kang lakad. at may pera ka pa! wag kang umarte. hindi ka diwata!"

nakakahiya naman kasi nga limited yung inuman natin, maganda pag engrande, yung di bitin. tapos yun... siguro next week promise...

alam kong meron siyang problema ngayon. problema sa pamilya ata. kelangan nya ng makakausap. mapaghihingahan.

part of me wants to go. be with him in his lowest point of existence.

pero alam kong hindi puwede dahil sasaktan ko lang ang sarili ko.
bibigyan ko lang ng dahilan ang kinakatakutan ko.

alam kong pwede akong uminom.
pwede akong magpakalasing.
pwede akong tumawa at umiyak ng kasabay niya.

pero ayokong gawin ang bagay na sa huli, ako ang masasaktan.

at hindi siya ang may kasalanan kung hindi ako.

ngayon, pwede bang magtanong?

tama ba o mali ang pagtanggi ko?
myk2ts r2r.png

15 February, 2009

Words

girlet - Girl na mukhang Piglet
girlaloo - Girl na mukhang Bulalo
myk2ts r2r.png

17 December, 2008

Yellow

pinakilala siya saakin nung nakaraang biyernes. matagal ko na siyang nakakapalitan ng tingin at hanggang duon lang yun. naiinis ako kapag naririnig ko sa mga kaibigan ko na mabait daw siya.

che!

eh bakit hindi nya ko binabati? lagi kong tanong sa kanila.

alam ko naman na ilusyunada ako para naman mauna siya bumati saakin. ewan ko ba, pakiramdam ko ay balingkinitan at size 23 ang waistline ko.

matangkad yun, maganda ang katawan. pwedeng basketbolista ng Ateneo. mahihiya ang kalibre nila Atkins at Tiu sa itsura nya. bata pa daw, 18. meron na siyang pamilyang sarili. makulit. mabiro. masayahin.

pero lahat ng iyon eh hindi ko maranasan dahil ang lola mo, hanggang sulyap at nakaw-tingin.

ilang beses na akong pabirong pinakikilala sa kanya, siyempre, katulad ng turo sakin ni Miriam Quiambao, deadma lang ako sabay hawi ng aking curly hair.

ayun na nga, nung sbiyernes, pormal kaming naipakilala sa isa't-isa. kamayan, ngitian, konting usapan.

pakshet!

ito na ang simula ng aming lovestory.

kaya naman kanina, excited akong pumasok. alam kong nandun na siya sa malapit sa puwesto ko...

palapit palang ako sa salaming pintuan, ngiti na nya ang kita ko. syempre, ngumiti din ako.

kumaway.

naghintay.

dedma.

pahiya ako. may kaharap at kausap palang iba ang lolo mo.

bukas, iparerebond ko ang pukinginang curly hair ko na ito.!
myk2ts r2r.png

26 October, 2008

Kagulo

ang hirap ipakita ang tunay na nararamdaman sa harap ng lalaking iyong pinakamamahal. lalo na kung wala siyang kaalam-alam sa iyong damdamin at para sa kanya, isa ka lang ordinaryong kapwa. okay lang na nandyan sa paligid, mas okay kahit wala.

ang sakit.

oo kasi naman sa tuwing kakausapin niya ako, kahit na ano pa ang ginagawa ko, at kahit sino pa ang kausap ko, iiwan ko para lang makipag kuwentuhan lang sa kanya. para lang maialay ko ang bawat oras ko at panahon sa kanya. kahit na wala naman siyang ibang sasabihin kundi simpleng linya lamang.

nakakaasar.

napaka unpredictable ng mga lalaking yan. oo alam ko na insensitive sila, pero sana naman kahit isang himaymay ng laman nila, makaramdam na nababaliwala ka na. nakakatuwa na makita na nakikipag usap at nakikipagkuwentuhan siya sa iba. pero may halong kirot. may lungkot. may paghihintay.

ouch.

may mga feelingero naman. kunwari ayos lang. okay lang. mabiro mo minsan, lumalaki na ang ulo. akala mo na kung sino. ang akala ko pa naman, mabait. medyo lang pala.

you and your over-bloated-ego!

minsang magkakasama kami, may bagay akong nagawa na hindi naman bigdeal. pinansin nya ako at pinagsabihan na akala mo ba ay bata akong paslit na wala ng nagawang tama sa bahay kundi ang manggulo at manira. natural naman na hindi ako umimik. napansin niya rin siguro na ako ay nanahimik, tinanong nya ako kung ako ba raw ay nagalit sa ginawa niyang pagpansin.

natural sasabihin kong, hindi.

napakahirap ipakita ang tunay mong nararamdaman sa espesyal na tao diba? pag pinakita mong nagtatampo ka, sasabihing maarte ka. kung ipapakita mo naman na parang wala lang, pano naman yung damdamin mong nasaling at nasaktan?

deym!

myk2ts r2r.png

12 October, 2008

Kilig

eto nanaman. sinabi ko sa sarili ko dati na i hate this kind of feeling. na tipong hindi ko na pababayaan ang highschool type of kilig na ito saakin. ayoko ng mga awkward moments, simpleng biro, mga hidden glances at kung anu anu pa. ayoko. ayoko.

pero ano ang magagawa ko. sabi nga ng hypothalamus ko, umiibig nanaman ako. ang nakakaloka pa, sa edad kong nubenta'y-singko, etchos eh para nanaman akong mag-aaral sa mataas na paaralan ng pintong gubat. in short-- KILIG TO THE BONES!

hindi ko naman akalaing may ganun akong mararamdaman. sa araw araw na pinagsamahan namin, hindi ko naman siya napapansin nuong una. tahimik kasi. literal na lalaki. minsan lang umimik. kapag nagsalita, malalim. minsan nga nagtaka siya nung kinausap ko siya at may dala dala akong maliit na salbabida.

para di ako malunod sa lalim ng pagkatao mo,
--Myk2ts (malandi)

ngayon pinagagalitan ko nanaman ang sarili ko. pilit ko kinocompose ang aking mga kilos. dapat finess, dapat di masyadong madaldal, and everything. punyeta, kilala nyo ako, hindi ako ganon!

pero dahil sa mga ganitong pagkakataon na lalapitan nya ako, at tatabi siya saakin, parang may sudden changes sa boses ko, sa sikmura ko, sa lahat. nag tatransform ba ako?

mabiro akong tao, at sa tuwing magsasalita ako, hindi ko alam kung bakit tumatawa ang mga tao. pero sa tuwing lilingon ang mga pares ng mata ko. tahimik lang siya. minsan napapangiti. hanggang dun lang.

sabi ko sa sarili ko, mapapahalakhak ko ito. at nagawa ko nga. tagumpay.

pero ang kanyang "normal" na pakikitungo ang parang punyal na tumuturok sa mga maseselang parte ng aking puso. parang karayom sa makinang unti unting lumalabas pasok saaking puso. masakit. sabi ko: arouch!

kaya naman ang tendency ko minsan, mag inarte. mag pa-sweet. mag feeling balingkinitan. hindi ko siya babatiin hangga't di nya ako binabati. hindi ko siya kakausapin unless he talks to me. in short, INARTE.

medyo gumana. lumalapit. nagsisimula ng usapan. nagbibiro na ren. hanggang nagkayayaan. kung saan?

abangan.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy