Showing posts with label inis moments. Show all posts
Showing posts with label inis moments. Show all posts

22 March, 2009

17 v.s. 24

noong labing pitong taong gulang palang ako...

highschool palang ako nun, dealing with lots of puberty shit. wala naman akong masyadong issues and all. plain. boring. walang exitement. medyo melodramatic pero masaya in times. im trying hard to be matured. feeling ko nasa tamang edad na ko, na pwede na kong magpayo sa mga taong may problema at parang lahat ng sasabihin ko ay may punto. may bearing. parang noon, makagawa lang ako ng tama, nadadagdagan na yung edad ko. basehan na yun para saakin ng pagkatao ng isang tao.

bahay-eskuwela-bahay lang ang routine. walang lakad ang puwede kong puntahan hangga't hindi ako pinapayagan ng nanay. may hatid sundo saakin. ako nga lang yata ang senior na naka service. dun ako unang nagkulay ng buhok. uso. sinuot ko uli ang nakatagong retainers. nauso kasi ulit. nangolekta ako ng mga posters, mga songmags, mga casette tapes (mahal pa CDs nun) at lahat lahat pa ng pwedeng memorabilia ng backstreet boys, anggun, the moffatts, mel c, jewel, nsync at manaka-nakang boybands at guy groups doon at dito.

nauso din ang mga proms, date, crushes, relationships at kung anu anu pa, sex lessons, importance ng condom, pagbubuntis ng maaga at sa kung ano ang tingin ng lipunan sa dalagang nabubuntis bigla bigla. mga out-of-town, camping, group study, overnight inuman at mga biglaang sleep over kasi ginabi na at hindi na makauwi sa sobrang alcohol sa katawan.

sa edad ding ito madalas magkaroon ng imbalance sa mga hormones ng tao. ewan ko kung totoo. ayoko ng iresearch, basta hula ko lang. kung pag uusapan ang libido, lapis at papel lang ang kailangan mo para tanungin lahat ng taong nasa ganitong edad kung nalilibugan ba siya sa oras na ito o hindi. marahil puro dalawang titik lang ang ititipa mo sa listahan at hindi yun N at O

pero nung edad kong ito, hindi ako namulat sa kung anu man ang totoong pag-ibig. marami akong naging crush. pinag pantasyahan. pinag rausan ng libog. oo tao ako. kagaya ng lahat na dumaan sa ganitong edad. pero masuwerte ba ako o malas dahil hindi ako nakaramdam ng pagibig at kasawian sa larangan ng relasyon sa edad na ito?

dahil ngayon,

im a twentyfour-year-older dealing with a seventeen-year-oldish type of love.

badtrip. sana nung seventeen nalang ako para pwede akong magkamali. mag mukhang tanga, magwala, mag iiyak at mag dadabog, mag pahaba ng buhok at wag maglalabas ng kuwarto.

kesa ngayon.

pathetic.
myk2ts r2r.png

21 March, 2009

On Reality

harsh.

that's how i see it. no matter how much i wanted to be happy for myself, i simply can't. fuck those songs. damn those lines. i still can't move on.

i keep on blaming other people for my own misery. i put the blame on them for making me feel this way. i whine. i cry.

don't you think it's about time for me to give up and move along?

i have to live. i have to breathe. i have to be me.
myk2ts r2r.png

14 March, 2009

Let's Get Physical

a friend once told me that i should always be ready with how other people will react on certain things. it may not always be pleasant for me, but i should understand. that is their thing. their capacity. i thought she made a point.

ang pagiging masayahin at palabiro ay nakakainis paminsan-minsan. mahirap makisama dahil kailangan pag nakilala ka na nilang ganito, hindi ka na pwedeng maging ganun. ganito ka na eh. and it can really make you feel aggravated in times. tulad na lang halimbawa ng karapatan mong mapikon o magdamdam.

ang pakikipagbiruan ay hindi bago saatin, lalo na sa akin. hindi lalampas ang isang araw na hindi ako magbibiro at alam ko minsan, nakakasakit din ako. kagaya ng normal na biruan. kaya handa din ako mabiro. at handa din ako na hindi mapikon. kaya nga biruan diba? salita. tawa. yun lang.

pero kung minsan, ang sakit ng salita ay mas madaling mawala kesa sakit na pisikal. sabi ng nanay ko nuon, di bale ng paluin daw siya ni lolo, mawawala din yung latay, kesa pagsalitaan siya, tumatatak daw yun at nagpepeklat ng sampung ulit kesa sa sugat.

akala ko palaging ganun.

hindi pala. ang biruan pala ay kapag may kasama ng pisikal, eh nag iiba. nakakainis. nakakapikon. nakakagalaiti.

pero sabi nga, ang pikon ay laging talo. pero pwede ka naman magtampo diba? pwedeng sumama ang loob. pwedeng MAINIS.


myk2ts r2r.png

24 February, 2009

Lumpiang SHANGhai

kung yung user search sa friendster ay pwedeng gamitin para mahanap ang pinaka-user na tao sa mundo na nakilala ko, tiyak, siya ang lalabas. mabuti nga sana kung user friendly eh, kaso plain user lang. wala yung friendly. nakakaumay man ang pagtipa ng salitang yun, hindi ko mapigil. parang walang ibang adjective akong maisip sa ngayon.

alam kong hindi ako dapat magpadala sa galit pero pang ilang ulit na ba nya ginawa ito sa kaibigan ko? may mga panahong hindi ako kumikibo dahil pinapaubaya ko sa kaibigan ko ang desisyon. oo mahal nya. tanga eh. ganun talaga. pero sa puntong ito, panahon na para makialam ako bilang isang kaibigang nakasaksi sa paulit-ulit na hapdi na binigay ng taong ito.

niloko nya ang kaibigan ko. pinaasa. umalis. ngayon, bumalik na para bang walang nangyari. bilang kaibigan, tinanggap namin na para ding walang nangyari. pero siguro abuso ng maituturing kung pati mga obligasyon nya sa tao at sa paligid nya ay ipapataw nya sa kaibigan kong bulag sa pag-ibig.

isang simpleng pasasalamat lang masaya na yun. pero kung insulto pa ng isang taong ni hindi nya kakilala ang matatanggap nya kapalit ng tulong na binibigay nya sayo, mas tama naman sigurong ipagtanggol mo at itaas ang pagkatao. isang hakbang na kahit mangmang alam na gawin. tila natakpan na ng labis na ere yang pagiisip mo kaya naman ganyan ka kamanhid. wag ganun. matuto ka sanang magpahalaga sa taong nagmamahal sayo. lalo na sa totoo kung magmahal. bihira yun makuha sa mundong ito. wag mo sanang sayangin dahil kapag nawala, pagsisisihan mo man ng buong puso, hindi mo na maibabalik ito.


myk2ts r2r.png

15 February, 2009

On Second Chance...

what will be my answer?

i tend to experience awful things about love. yes. it hurts more than it bleeds. but yeah, i just weep. stab my heart with memories of us being us. our moments that are immeasurable and yet disturbed.

what will i do?

i tried to hide. endure the pain alone. wear a fake smile and pretend that im okay. im good. im over. but no matter how i project my facade, my reality wont hide the fact that im alone. left behind. taken for granted.

ive seen people who have a different ways on coping up. they eat, they shop, they get different, sometimes weird hairstyles, they get their skin inked, they flirt, they stalk, they kill themselves... with more pain. pain that will eventually makes them numb. then immune. then the next thing they know, they are ready to get some more.

i know that sometimes, it's self inflicted. i bury myself with this kind of emotion. i choose to be bitter than to be okay. i nurse the feeling of being dumped. i struggle to keep myself okay but im not taking any actions at all to be fine. i blame the radio for playing the songs of our hearts. i blame other things that could make me remember. i blame everything but not my self.

until when?

i don't really know.

but why now?

why is he giving me these things? now that im slightly okay. now that i can smile and listen to the same song that used to make me cry. now that i can watch cheesy and mushy films without feeling any resentment at all. now that im almost over him.

i hate him for making me feel this way. for making me feel vulnerable. for making me fall and back to zero.

nice timing huh!


myk2ts r2r.png

05 February, 2009

Konti Na Lang

hmm, mahirap pala maputulan. madaming hindi magawa. nakakainis. ampakshetnaputanginang net ko. PUTOL. aagiwin na muna ito. sa susunod na muna ako magwawalis walis. hehe kita-kita nga pala tayo. sa lahat ng mga tao, kilala nyo na kung sino kayo. nakakamiss kayo. putek. ako ngayon ay pisanteng nakiki gamit sa kapitbahay. walang maiinis!
myk2ts r2r.png

17 December, 2008

Yellow

pinakilala siya saakin nung nakaraang biyernes. matagal ko na siyang nakakapalitan ng tingin at hanggang duon lang yun. naiinis ako kapag naririnig ko sa mga kaibigan ko na mabait daw siya.

che!

eh bakit hindi nya ko binabati? lagi kong tanong sa kanila.

alam ko naman na ilusyunada ako para naman mauna siya bumati saakin. ewan ko ba, pakiramdam ko ay balingkinitan at size 23 ang waistline ko.

matangkad yun, maganda ang katawan. pwedeng basketbolista ng Ateneo. mahihiya ang kalibre nila Atkins at Tiu sa itsura nya. bata pa daw, 18. meron na siyang pamilyang sarili. makulit. mabiro. masayahin.

pero lahat ng iyon eh hindi ko maranasan dahil ang lola mo, hanggang sulyap at nakaw-tingin.

ilang beses na akong pabirong pinakikilala sa kanya, siyempre, katulad ng turo sakin ni Miriam Quiambao, deadma lang ako sabay hawi ng aking curly hair.

ayun na nga, nung sbiyernes, pormal kaming naipakilala sa isa't-isa. kamayan, ngitian, konting usapan.

pakshet!

ito na ang simula ng aming lovestory.

kaya naman kanina, excited akong pumasok. alam kong nandun na siya sa malapit sa puwesto ko...

palapit palang ako sa salaming pintuan, ngiti na nya ang kita ko. syempre, ngumiti din ako.

kumaway.

naghintay.

dedma.

pahiya ako. may kaharap at kausap palang iba ang lolo mo.

bukas, iparerebond ko ang pukinginang curly hair ko na ito.!
myk2ts r2r.png

15 November, 2008

Library

ako nga rin ay naguguluhan. ang alam ko ay pwede kang maging ikaw dahil ikaw ay ikaw.

sa kahit saan pa mang lugar, malaya dapat natin pinakikita ang kung sino talaga ang tunay na tayo. mahirap kasi magkunwari. it's hard to pretend as if we are someone whom we are not just to belong.

kaya naman sa bagong opisina namin ay medyo nagkakaroon ng maliit na warlahan dahil sa pagpapakita namin ng aming mga tunay na ugali.

wtf.

ang hindi ko labis maintindihan ay kung bakit kailangan naming maging mala basang sisiw dahil sa mga trainees pa lang kami. saka na lang daw namin ilabas ang aming tunay na kami once we hit production. i mean, hindi naman kami umaastang astigin. kumikilos lang kami ng tama at ng kung ano ang dapat ikilos ng isang empleyado sa isang opisina

wtf. ulit.

i know, as professionals, we should be sensitive enough on how we should act in front of other people. that's given. no further explanations needed. but as a person, i think it's only fair for us to speak. to laugh. to mingle. especially with our friends.

hindi naman kami robot na programmed na magtrabaho lang. meron kaming puso. at emosyon. at bituka.

lalong may utak kami na gumagana. that's why we tend to tackle things while we are on duty.

at hindi yun nagugustuhan ng mga "tenured" people around us.

we've been hearing a lot of negative reactions just because our batch is prominent.

kasalanan ba namin na sikat kami? joke lang.

pero anu ba ang pakelam namin sa mga insecurities nila at bakit dinadaan nila sa pagiging tenured nila ang labanan? na kesyo mga bago lang kami, hindi kami pwedeng umasta nag normal gaya ng asta nila. maingay daw kami. natural lang na may tunog ang bawat salita at tawa namin. sinubukan naming magobserba sa paligid kung talagang maingay nga kami.

at ang sagot ng bayan ay hindi. halos pareho lang ang lakas ng boses naming mga baguhan sa boses ng mga matatan este mga tenured na ahente.

so kung maingay ang tawag nila saamin, at kapantay ng "ingay" namin ang ingay nila, e di sila din maingay?

magulo ba?

i've been working for three years now and in all honesty, i can say na minsan may pagka batang isip pa ako. i should coz i deserve to act like one. but in three years of working in a professional environment, i know the difference of what's being professional and not.

and being tenured in a company won't define an individual's professionalism.

hindi namin kasalanan kung intimidated sila sa batch namin. that's their problem... i just hope that , since they are imposing "professionalism" they should be the one to act like one.

at bakit kailangan namin manahimik kung hindi naman kami maingay?
ano to?

library?


may sign na silence please?
myk2ts r2r.png

10 November, 2008

Relax

there's a lot of things going on now and i know i should learn how to deal with every effing things around. i think my own guiding principle in life is not serving me right that's why it's time to change the way i am.

if only i could.

sa sobrang kaguluhan ng aking kaisipan nitong mga nakaraang araw, naisip namin ni She na magrelax. alas sais ng umaga kami lumabas ng opisina kaya naman tumambay muna kami sa paboritong kapihan ng bayan. kuwentuhan hanggang umabot sa oras ng bukasan ng mall.

siyempre inuna muna namin ang footspa. medyo susyal ang lugar kaya demure ang lola. di puwede magkuwentuhan kasi medyo solemn ang ek ek ng lugar. maayos ang serbisyo, nakaka relax ang lugar. in short, panalo!

at dahil inantok kami pareho matapos ang breath-taking footspa na iyon, kumain kami sa Almon Marina. ganun talaga dapat pag inaantok. kumakain.

tapos sumunod na ang facial.

alam nyo naman na siguro ang nangyayari sa facial session kaya di ko na ikukuwento. nakatulog din naman kasi ako sa proseso ng pag kayas ng mukha ko kaya yun, wala akong malay tao.

umulan na kaya naisip na naming umuwi. sayang naman at maalikabukan lang ang mga paa at mukha namin kung mag iikot pa kami.

dun na nagsimula ang kamalasan namin.

umuulan na diba? so nagmamadali na kaming makasakay sa van. maputik at mabaho ang talsik kaya di naiwasang ma terrorize ang mga paa namin. pag dating sa terminal, isang karag na FX ang dumating. dahil parang pila ng NFA ang pila para sa sakayan, kinagat na namin. sa gitna kami ng FX sumakay at sa di inaasahang pagkakataon, dambuhalang manyak pa ang nakatabi ni She. syempre, tumatalak ang lola mo. kunwari tulog pa ang teknik ng gago! pahipo hipo na pala ang loko.

sa sobrang inis namin, bumaba kami kahit hindi pa kami dapat bumaba. naisip ko na humanap na lang ng ibang masasakyan kesa magkarambulan pa. kaya naman tayo kami sa mausok na highway habang umuulan at nag antay ng ibang jeep na masasakyan.

o diba? what a nice way to end your suppose to be "relaxation" day.

asar!

04 November, 2008

Benilda

nakakainit ng ulo yung mga present na akala mo kung sino manggera ng ex ng boypren nya. minsan okay sana at nasa matino akong pag iisip pero minsan gusto ko pakelaman. gaya nito.

(ito ay patungkol sa partikular na tao. kung may pagkakahawig ito sa iyo o sa istorya mo o sa kakilala mo, im sure, hindi ikaw/siya ito.)

kung makapagsalita ay akala mo kung sino. at nagtatatalak ng kung anu-ano. pasalamat nalang siya at nakakapagpigil pa ako dahil kahit paano may pinagaralan pa ako. meron din siya. siguro.

mabuti sana kung matinong tao yung boypren nya na pinagtatanggol niya. wala sana akong itatalak. pero kung malalaman nyo lang naku, puputok din ang litid nyo sa galit.

pathetic. lahat ng pinagsasasabi nya ay sobrang non-sense hindi manlang niya sinubukang ilagay ang sarili nya sa sitwasyon ng inaararo nya bago sya nagtatalak ng mala kambing na salita. heavy english. as in. mangingilo ka!



kaya payo ko sayo **,KUMAIN KA NA LANG NG PINIRITONG BAWANG.

yun na!
myk2ts r2r.png

26 October, 2008

Kagulo

ang hirap ipakita ang tunay na nararamdaman sa harap ng lalaking iyong pinakamamahal. lalo na kung wala siyang kaalam-alam sa iyong damdamin at para sa kanya, isa ka lang ordinaryong kapwa. okay lang na nandyan sa paligid, mas okay kahit wala.

ang sakit.

oo kasi naman sa tuwing kakausapin niya ako, kahit na ano pa ang ginagawa ko, at kahit sino pa ang kausap ko, iiwan ko para lang makipag kuwentuhan lang sa kanya. para lang maialay ko ang bawat oras ko at panahon sa kanya. kahit na wala naman siyang ibang sasabihin kundi simpleng linya lamang.

nakakaasar.

napaka unpredictable ng mga lalaking yan. oo alam ko na insensitive sila, pero sana naman kahit isang himaymay ng laman nila, makaramdam na nababaliwala ka na. nakakatuwa na makita na nakikipag usap at nakikipagkuwentuhan siya sa iba. pero may halong kirot. may lungkot. may paghihintay.

ouch.

may mga feelingero naman. kunwari ayos lang. okay lang. mabiro mo minsan, lumalaki na ang ulo. akala mo na kung sino. ang akala ko pa naman, mabait. medyo lang pala.

you and your over-bloated-ego!

minsang magkakasama kami, may bagay akong nagawa na hindi naman bigdeal. pinansin nya ako at pinagsabihan na akala mo ba ay bata akong paslit na wala ng nagawang tama sa bahay kundi ang manggulo at manira. natural naman na hindi ako umimik. napansin niya rin siguro na ako ay nanahimik, tinanong nya ako kung ako ba raw ay nagalit sa ginawa niyang pagpansin.

natural sasabihin kong, hindi.

napakahirap ipakita ang tunay mong nararamdaman sa espesyal na tao diba? pag pinakita mong nagtatampo ka, sasabihing maarte ka. kung ipapakita mo naman na parang wala lang, pano naman yung damdamin mong nasaling at nasaktan?

deym!

myk2ts r2r.png

17 October, 2008

Juan, Pwedeng Magtanong?

sa mga nagdaang panahon, naisip ko ang mga bagay sa ating bansa, palaging delayed.

ang tren, delayed.
ang resulta ng botohan, delayed.
yung kapitbahay naming si Kasandra, delayed.
yung pagbubukas ng NAIA terminal 3, delayed.
mga pulis, delayed.
yung reply ng crush ko sa text ko, delayed.
yung IISA PA LAMANG, delayed.

ang nakakalungkot lang, minsan kailangan pang may masaktan o magwala upang magkaroon ng pag-usad at pag aksyon ang mga kinauukulan.

sanay na ako sa kalakaran dito sa mundo. partikiular na sa Pilipinas. kung susuriin, lahat lahat ng Pilipinong humihinga sa bawat minuto, nais magreklamo. nais ng pagbabago. nais ng pag asenso.

pero walang may gustong kumilos.

tulad ninyo, ganun din ako. nakakapagod din kasi ang ipagpatuloy ang isang bagay na ikaw lang ang naniniwalang magkakaroon ng pagbabago. wala kang katulong sa pagtuklas at pag gawa ng isang natatanging aksyon para sa ikababago at ikalalago ng ating sinilangang rehiyon.


hindi kita masisisi kung umiihi ka parin sa pader.
hindi kita masisisi kung nagtatapon ka parin ng tae mo sa ilog pasig.
hindi kita masisisi kung bakit panghoholdap parin ang paburito mong gawin.
hindi kita masisisi kung kotong parin ang sagot sa kumakalam na tiyan.

minsan naisip ko na ang pagbabago. sumubok akong gumawa ng tama at namuhay ng patas. pero ang masaklap, nililibak ang mga pumipila ng maayos. inuunahan ang sumusunod sa batas trapiko. nasisingitan ang dumadaan sa tamang proseso.

ngayon, ang tanong ko, ang bansa ba natin ang talagang wala ng pagasa o tayong mismong mga Pilipino?

15 October, 2008

Tagos

sa mga taong lubusang nakakakilala saakin, normal na sa kanila ang makita na meron ako nito. hindi sila nandidiri at naiintindihan nila ako. minsan tatakpan nila ang bahagi ng aking damit pang-ibaba upang maikubli ang lagim na maaring mangyari kapag may nakakita nito.

it's a girl thing. oo alam ko. kaya nga meron ako nito. at wala kang magagawa kungdi basahin nalang at lunukin ang kalokohang pinagsasasabi ko. oo marahil hindi ka papayag at itatanggi mo, pero alanganaman burahin mo ang linyang ito? mahirap. magawa mo man, mababasa pa rin ng iba. kaya sige na, agree na. oo nireregla ako.

ang regla para saakin ay hindi lang tumatalakay sa maruming dugo na lumalabas sa hiyas ng silangan. hehe. terminology ko yon eh. walang makikealam.

pwede ding pawis, laway, ihi at kung anu pa mang likidong maisip nyo na inilalabas ng katawan. e.g. luga

natural lang na maging concious ako sa sarili kong tagos kaya hanggat maari ay hindi ako nagpapabaya sa pansariling kalinisan ko. hygiene is still [and always] my priority.

ang nakakabadtrip lang kasi. laging siksikan sa van na sinasakyan namin pauwi. punuan. hanggat may lugar na pagsasaksakan, ipapasak ka ng bonggang-bongga.

naiintindihan ko naman dahil sa hirap ng buhay at sa taas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kailangan makahanap ng paraan.

oo, nahulaan ko ang itatanong mo.

kuneksyon?

eto.

AMPUTANGINANG TAGOS NG MAMANG KATABI KO TUMAGOS HANGGANG SA BALIKAT KO. WALA NAMAN SANA SAAKIN YON EH, AYOS LANG SANA, TUBIG LANG YON. PAWIS. NORMAL LANG NA MERON SIYA NUN. ANG KASO ME AMOY. OO AT GALING SA KILIKILI, PERO KAHINDIK-HINDIK ANG AMOY. MABUTI NALANG AT PAUWI NA AKO. AMPNESS!

moral of the story: ewan ko, alam nyo na siguro yun. tinuturo yun sa grade school. sa MAPE ata oh sa Science and Health.

30 September, 2008

Sorry Ha?

hindi gaanong mahaba ang sasabihin ko. gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko. nakakapikon kasi. nakakainis.

naisip ko lang ito kaninang nasa byahe ako pauwi. habang nagmamakaawa na ang inuupuan kong bahagi ng sasakyan, tagaktak din ang pawis ko sa noo. bakit ba kasi tinawag pang air-con ang isang aparatong nagbubuga naman ng mainit na hangin? ironic. tang ina.

lalong nakakadagdag sa init ng ulo ko ang katotohanang wala akong natanggap ni isang paliwanag. o kahit wala ng paliwanag. kahit sorry man lang.

hindi naman ako bato o bastos. kung nasaktan mo man ako o nakagawa ka man ng mali saakin, natural lang na sumama ang loob ko. kagaya ng lahat ng tao sa mundo. talk about human nature?

pero hindi ko kayang baliwalain ang bawat paumanhin o paliwanag na galing sa sinumang nakagawa ng hindi maganda saakin. ika nga, nasa pagpapaliwanag yun ng nasabing may sala.

kagaya ng napagusapan namin kanina sa klase, it's not what you said, but it's how you said it. proper intonation ba.

nakakapitik ng ugat ang taong alam mo at alam niya na may kasalanan siya at mas pinili pa na manahimik o magsawalang kibo. nakakasakit sa nunal diba?

at ang nagmamalaki pa ang loko.

e di huwag. ayos yun, makakatipid din ako sa load.

pakshet.

26 September, 2008

Squishh Squisshhh Squishh

naranasan mo na bang traydorin ng isang kaibigan? yung tipong nagtiwala ka na dadamayan ka sa panahong kailangan mo siya? ang kaibigang itinuring mo at inangkin na parang sariling kapatid? kakampi at kadugo?

siguro naman oo. masakit. nakakasuklam. nakakaloka.

lalo na kung umasa ka na hindi ka nya iiwan at sasamahan ka nya hanggang sa huli. hanggang sa wakas ng iyong pakikipag-laban. hanggang sa umabot ka sa iyong tagumpay.

pwede ka magtampo. magalit o kaya naman ay mangulam.

saakin. nangyari na ito. kagabi lang. habang umuulan. habang pababa ako ng sinasakyang jeep. sinabi ko sa aking kaibigan na wag nya akong iwan. na samahan nya ako sa lamig ng gabi at sa patak ng ulan.

sa tingin ko naman ay matatag siya sa mga sigalot ng buhay. hindi man ganun kataas ang halaga ng aming pagsasama, hindi man ganun katagal ang aming pagiging magkaibigan, alam ko at naramdaman ko na hindi nya ko iiwan.

pero kagaya ng isang hibla ng pansit bihon na puno ng toyo, naging marupok siya. tumiklop. nangiwan...

amputang inang payong ko na nabili sa Ayala MRT station sa halagang sisenta pesos, akala ko ay nakamura ako. pero mapapamura pala ako dahil nasira at nagkabalubaluktot na ang buto nito habang binubuksan ko. amputangina talaga. hindi ko pa man nagagamit sira na! pasensya na sa aking makating dila pero pakshet naman! whattta wonderful way to start my day. naka pormal pa naman ako at isputing na isputing! kinanginang yan, iniwan nya akong basang basa sa ulan! kaya naman buong gabi tumutunog ang paa ko tuwing naglalakad ako. pinasok ng tubing ang balenciaga shoes ko. kaya yun, kada hakbang tumutunog ito. buti nalang at hindi mabaho ang paa ko. clue? basahin mo ang titulo ng entry na ito.

22 September, 2008

Tablado

Myk2ts: Hello, may i speak with Mrs. or Mr. Smith?
Mrs. Smith: Speaking...
Myk2ts: Hi, my name is ____, calling from _____, home of better tv for all, and we are calling to tell you about this great-money-saving offer that is available for you and your family... but bef...
Mrs. Smith: I'm not interested.
Myk2ts: I do understand that Mrs. Smith, but hey, let me just walk you through to our promotion and then after that, you can make an informed decision...
Mrs. Smith: Are you an indian?
Myk2ts: No, ma'am. as i was saying, the pro...
Mrs. Smith: Call me back when you know how to speak ENGLISH.


*customer hang up


yan ang eksena ng kauna-unahang tawag na natanggap ko sa trabaho ko. hindi ko na matandaan kung minura ko ba sya ng hindi naka-mute ang dialler ko o umiyak ako at kumuha ng lason. ewan. basta ang alam ko, na hurt ako ni Mrs. Smith. i hate her for that, and for that i hate her!

pinakikinggan naman pala ako ng coach ko nung mga sandaling iyon at tinawag nya ako. dahil baguhan pa lang ako sa trabahong yun, at kakatapos ko lang sa kolehiyo, naintindihan daw nya ako. pansamantalang itinigil ang pagtatawag ko. akala ko katapusan ko na sa trabaho! amputa! pano na ang 13th month pay ko? no way!

syempre, sandwich method. ewan ko ba kung binobola lang ako ng balingkinitan kong coach pero sabi nya normal daw yun. me mga kano' daw talagang hindi maitago ang kabastusan nila sa mga hamburger patties. ako naman, maluha-luhang tumatango lang! aba aba aba hindi puwede yun. sa isip isip ko lang, wala naman akong problema sa mga Indian people pero, HINDI AKO INDIAN. oo, kabisado ko ang aringkingkingking, pero promise, naging uso lang kasi talaga yun noong elementary pa ko. project namin sa school.

sabi ni coach, tama naman daw ang construction ng sentences ko, wala namang error pagdating sa usapan namin na yun. medyo yung accent ko lang talaga daw eh hindi ganun ka americanized kaya napagkamalan akong Patel ng Mrs. Smith na yun.

eh kasalanan ko bang sanay sa adobo at sinigang at hindi sa fries at ham ang dila ko? aber?

isang buwan mahigit ang training ko noon sa kelsenner company na yon. yung unang isang linggo, communication skills ang topic. syempre, kagaya ng lahat ng prestihiyosong kumpanya sa mundo, front-liners nila ang mga trainers. at dahil doon, artista ang trainer ko. hindi ko sasabihin kung sino. basta nasa Ang TV sya noong bata pa sya at puro bakal pa ang ngipin nya.

natural naman na mas titignan ko ang mukha nya at katawan, pakelam ko ba sa SVA at Metaphors na yan! haler?

kaya naman nagsisisi na talaga ako at pinag walang bahala ko ang workshop ko kay Cory Quirino. mas naimpluwensyahan kasi ako ni Melanie Marquez eh. deym!

para naman maimprove ang accent ko, buy ako ng mga magazines at newspapers na written in english. mega-read ako ng malakas habang nasa trono o di kaya naman habang nagpapaantok. nood din ako ng mga foreign films at ginagaya ko ng sobra pa sa bongga ang accent nila.

at pinangako ko sa sarili ko na babalikan ko ang Mrs. Smith na yon, at humanda sya dahil sa Oprah Winfrey accent na inaral ko!

at hindi nga nagtagal, tinawagan ko ulit ang bruhang yon, intro and purpose, features and benefits, qualifications, at pooof! sale for Myk2ts!

dahil sa saya ko at napatunayan kong panalo ako sa laban namin ni Mrs. Smith, nagutom ako. kaya ng dumating ang lunch break ko, sugod agad sa chowking at umorder ako:

Myk2ts: One keyngkowng with bagowoong please.


malowka ka!

21 September, 2008

Uto Uto

try to put yourself in this kind of situation. then let me know how you feel. bomb-threats are very much welcome.

ill tell you that i will talk to you all night this weekend, it's been a busy week for us and since we are thousand miles away from each other, we hafta thank the 24/7 network that can provide us unlimited calls all day and night. ill ask you to wait for me and we will talk at around 11pm since the network is still congested at around this time.

11pm...

1am...

2am...

5am...

you asked me if we'd still talk. then i replied,

"talk? what about? any probs? sorry i'm out and drunk with my friends now, uhm later pwede?"


now tell me, what would you do?
how would you react?


timer starts now...

20 September, 2008

Winston+Marlboro+Dunhill=HighBlood

kagaya ng nasabi ko kani-kanina lang sa huling entry ko, may ikukwento ako.

lahat ng tao ayon sa sariling kong opinyon ay may karapatang magmalaki. mag yabang. magtaas ng ihi. hindi ko maaring pigilan ang isang nilalang na ibulatlat ang bawat bagay na nais nya upang mapahanga nya ako at mapa wawawawaw wawawaw wawawaw. hindi ko agarang hinuhusgahan ang isang taong nais ipangalandakan kung ano, sino, paano, at saan sya nagmula. kagaya ng nasabi ko nuon, hindi ko ugaling mangbasag ng trip.

kahit na medyo iba na ang takbo ng dugo sa pulso ko sa tuwing "humahangin" ang kausap ko, lagi ko kinakalma ang sarili ko. baka nga naman totoo ang mga sinasabi nya, o baka naman iba lang ang dating saakin ng pananalita nya at normal naman ang dating nito sa ibang tao. madalas akong nagmamasid muna at umoobserba base sa kung ano ang batayan ng kanyang punto.

"kung yan ang ikatitigas ng titi mo, eh di go!"

pero paano kung halimbawang hindi tayo close, tapos bigla akong humingi ako ng pagkain mo? at sasabihin ko na diet kasi ako kaya hindi ako bumili ng food ko, ano mararamdaman mo?

syempre bibigyan kita. eh pano kung panis pala yung nabili ko? di ako lang ang sumakit ang tiyan? atleast me kadamay na ako. wala naman talagang kaso yun. kahit na hindi kita inalok, since magiging magkakasama tayo sa isang departamento, walang problema, share tayo!

eh kung humingi na nga ako tapos pinintasan ko yung kinakain mo? na hindi sya masarap at iba ang pakilasa ko? na kadiri yang inorder mo?

okay lang yun. hindi naman ako ang nagluto ng binili ko. at wag ka mag alala dahil hindi kita isusumbong. kanya kanya tayo ng dila. kung sayo eh galing sa recto ang tastebuds mo at sanay ka lang sa pagkaing kanto, no problemo. again, mabalik tayo, walang basagan ng trip. dila mo yan eh, kung hindi masarap para sa iyo, okay lang yon.

eh kung magmalaki ako? na kesyo hindi ako kumakain ng mga pagkaing ganun ang lasa at hindi kaya ng bibig kong lunukin yung pagkaing hiningi ko sa iyo at aakto pa ko na parang masusuka?

wow. maiingit siguro ako ng bahagya. kasi naman susyal ang pagkain mo. sanay ka sa fine-dining kaya naman hindi mo alam ang lasa ng chocolate syrup at mango puree. oofferan kita ng tubig. baka nga naman masama lang talaga ang panlasa mo.

eh kung bigla akong magtanong kung nagyoyosi ka ba at anong brand ng yosi mo? kung pwede ba ko makihingi sa iyo?

syempre sasabihin ko na oo, at Winston Lights ang brand ng sigarilyo ko. hindi kasi ganun katapang para saakin. tama lang ang hagod sa lalamunan. bibigyan kita at yayayain kita na magyosi kasama ko.

eh kung bigla akong tumangi at mag hanap ng ibang brand ng sigarilyo?

walang kaso. mag sosorry ako at hindi tayo pareho ng brand, hahanapan nalang siguro kita ng sigarilyong gusto mo.

eh pano kung mag kuwento ako sa ibang katabi ko at iparinig ko sa iyo na hindi ako nagyoyosi unless Marlboro Lights o Dunhill ang available? na hindi ko kaya hititin ang lasa ng Winston? na ikukuwento ko pa ng mas malakas at gagamit pa ko ng trying-hard kolehiyala accent ko na noong nag outing kami nuon, hindi ako nakapag yosi kasi puro Phillip, Hope, Winston Lights at Camel ang yosing dala ng mga kasama ko?

walang problema! magkukunwari nalang akong bingi. o kaya naman tatayo na lang ako at magpapaalam kasi tapos na akong kumain. isusuggest ko rin siguro na bumili ka kasi ng sarili mong sigarilyo para hindi ka nanghihingi sa kasama mo. at puki ng inamoka, kung hindi masarap yung pagkain ko, eh di wag ka manghingi at dun ka sa baranggay magreklamo kung bakit lasang mangga ang mango puree! hallllller!

syempre nakangiti ako habang sinasabi ko yon at gagamitan kita ng mala Charo Santos-Concio na accent. sabay tayo at tatawa ako ng bonggang bongga kasi nakakasuka ang kayabangan at pagka trying-hard mo.

walang kaso kung magyayabang ka saakin, sanay ako sa mga tulad mo. me dala naman akong jacket kaya hindi ako apektado ng hangin mo. pero kung pipintasan mo pa pati kung ano ang meron ako, ibang usapan na yon.

humanda ka na sa hadukken ko!

Anik-Anik

september 18th ang hire date ko sa panibagong trabahong pinasok ko dito sa Pilipinas. hindi naging madali para saakin na ipagpaliban ang mga oportunidad sa ibang-bansa. pero ang makasama ang aking pamilya at mga kaibigan ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit napa oo ako agad ng tanungin ako kung magtatagal ako dito sa aking tinubuang lupa.

hindi madali para saakin ang mag effort nanaman sa pagbyahe mula bundok ng Cavite hanggang sa kapatagan. may mga oras na hindi na ako sanay kung magkano ba ang pamasahe dahil sa hindi naman talaga ko naglalalabas ng kulungan ko. parati lang ako sa loob kaya naman nagulat ako ng manghingi ng dagdag ang driver dahil kulang daw ang pamasahe na binayad ko.

kakaiba ang pinasukan kong kumpanya at sa sobrang kakaiba nito, hindi kami (empleyado) pwede magkwento ng kahit anong tungkol dito. (hmmm?)

pero hindi ko mapipigilang ikuwento ang mga kakaputok-ugat na bagong katrabaho ko.

wala naman akong matigas na tinapay sa kahit na sino. pinababayaan ko lang ding umarangkada ang mga taong harurot. katwiran ko nga, kung yan ang makakapagpatigas ng titi mo, di go! i can always act stupid in front of a stupid who acts like a genius.

mabuti na lang at maraming mababait na nilalang, naisalba ang pagkabuwiset ng eyeliner ko.

nakakamiss din ang blogging. nakabalik narin ako sa wakas.

sa mga walang sawa na bumisita sa mga panahong nasa fitting room ako at nagbibihis, salamat. maraming maraming salamat.

sa mga nangumusta at natuwa sa bagong look ng aking balur, mabuhay kayo!

sa mga napangitan at hindi masyadong nagandahan, pasensya na po, ito lang ang nakayanan ko.

sa Iyo, salamat sa suporta at pagbibigay inspirasyon. patawad sa mga dadating na kasalanang magagawa ko.

kay Lord, thanks at maganda ang schedule ko :) lakas ko talaga sa Iyo :)

bukas, pramis, may kuwento ako.

11 September, 2008

BOMB-THREAT bago mag 9/11

alas dos y medya ang schedule na binigay ni Kyle sa akin. sabi nya, i have to be there on time so maaga pa eh umalis na ako ng bahay to compensate with my travel time. mahirap kasi manggaling sa kabundukan at naka heels. ching lang.

nasa Macapagal pa lang e parang eksena na sa pelikula ang ulan. exxxag kasi akala ko eh may ipo-ipo na! so habang ganun ang kaganapan, busy ako kagugupit ng yero kasi ganun yung ginawa sa movie na Twister.

happy mood pa ako kasi naman nakarating ako sa MRT Taft station ng maaliwalas at hindi basa ng ulan kahit walang payong. at kahit na stranded na ko sa Heritage, keri pa. thanks to my charm, nakisukob ako kay ate na papunta ng MetroPoint Mall na may link sa train station. konting chika at hanash, panalo. instant knight in shining armor, sales lady version.

nagsimula umatake ang regla ko ng pumila ko ng pagkahaba-haba sa MRT station. pasikot-sikot na at IISANG counter lang ang bukas. ironic! bakit ba kelangan pang magpagawa ng napakaraming counter kung isa lang ang bubuksan diba? ang nakakainit pa ng ulo, habang tagaktak na ang pawis mo sa init at masakit na ang alipunga mo kakatayo sa haba ng pila, ayun ang mga tontang cashier! mega chikahan pa with matching tawanan at basa ng magazine!

1...2...3...4... kaya ko to. alas dos kinse na so i advised Kyle na ill be a bit late. nagpasalamat naman sya saakin for being professional. after exchanging few more text messages, here comes the pechay na nasa mid 2o's yata, nagpapakyut kay lolo na ibili na lang daw sya ng ticket.

the neeeeeeeeeeerve! sa matanda pa nakisuyo? to think na kayang kayang kayang kayang kaya nya pumila ng limang oras sa laki ng balakang at hita nya!

pinoy nga naman.

pilit ko kinalimutan ang eksena at naghanap hanap na lang ng eye candy. sa gutom na siguro, parang nakita ko si Peter Petrelli na nakapila. wow! Milo Ventimiglia in Taft Station?

etchos. ilusyon ko lang yun. gutom na kasi ako.

nakalimutan ko na sana ang init ng ulo ko ng may umeksena nanaman at nakikisuyo makipila. another 20-older lady na mukhang edukada at naka office attire pa,

Daniela Valencia mode: ON

sinabihan ko talaga sya habang nakikiusap sa mama sa unahan, sabi ko na may pila sa dulo. at para magka ticket, kailangan pumila. sa dulo. sa end point. hindi sa limang tao bago ang counter.

nakalimutan ko ang pagiging anghel kaya naman tumalak na ako. akala ko lalaban kaya nakaready na ko ng punchline ko:

"you have no brain! boba!"

ala Melanie Marquez na sana ang next line ko. buti na lang at inisnaban nya lang ako. loka sya! dukutin ko mata nya eh! dami ko kayang kakampi. pati si papable formal-wear-everywhere na guylet sa harap ko.

syempre boring ang cake kung walang icing. kaya para lalong pagandahin ang araw ko, pag dating ko sa counter, closed na daw, lipat na sa kabila.

i went ballistic and asked them to please at least ubusin lang yung tao tapos tsaka na magchismisan, este mag lunch-break. o kahit kumuha manlang ng kapalit. simpleng kunsiderasyon lang sa mga nakapila at pasaherong hindi parin kumakain tulad ko.

hindi nagpatinag si ate kaya nagpigil nalang ako at nangakong babangon ako't dudurugin sila.

no choice, another dambuhalang pila ulit na parang pila ng NFA ang sinagupa ko. tanggap kong bad impression na ko sa kumpanyang aapplyan ko. alas tres na. pakshet!

nagtext ako kay Yeine, Bloom, She at Jay. nagbabanta nako ng krimen!

"pasasabugin ko talaga ang babaing yun!"

etchos lang yun syempre! hay... highblood! mapapakain ako ng tatlong extra rice terraces sa kabuwisitan.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy