24 February, 2009

Lumpiang SHANGhai

kung yung user search sa friendster ay pwedeng gamitin para mahanap ang pinaka-user na tao sa mundo na nakilala ko, tiyak, siya ang lalabas. mabuti nga sana kung user friendly eh, kaso plain user lang. wala yung friendly. nakakaumay man ang pagtipa ng salitang yun, hindi ko mapigil. parang walang ibang adjective akong maisip sa ngayon.

alam kong hindi ako dapat magpadala sa galit pero pang ilang ulit na ba nya ginawa ito sa kaibigan ko? may mga panahong hindi ako kumikibo dahil pinapaubaya ko sa kaibigan ko ang desisyon. oo mahal nya. tanga eh. ganun talaga. pero sa puntong ito, panahon na para makialam ako bilang isang kaibigang nakasaksi sa paulit-ulit na hapdi na binigay ng taong ito.

niloko nya ang kaibigan ko. pinaasa. umalis. ngayon, bumalik na para bang walang nangyari. bilang kaibigan, tinanggap namin na para ding walang nangyari. pero siguro abuso ng maituturing kung pati mga obligasyon nya sa tao at sa paligid nya ay ipapataw nya sa kaibigan kong bulag sa pag-ibig.

isang simpleng pasasalamat lang masaya na yun. pero kung insulto pa ng isang taong ni hindi nya kakilala ang matatanggap nya kapalit ng tulong na binibigay nya sayo, mas tama naman sigurong ipagtanggol mo at itaas ang pagkatao. isang hakbang na kahit mangmang alam na gawin. tila natakpan na ng labis na ere yang pagiisip mo kaya naman ganyan ka kamanhid. wag ganun. matuto ka sanang magpahalaga sa taong nagmamahal sayo. lalo na sa totoo kung magmahal. bihira yun makuha sa mundong ito. wag mo sanang sayangin dahil kapag nawala, pagsisisihan mo man ng buong puso, hindi mo na maibabalik ito.


myk2ts r2r.png

6 Pakelamera:

lucas said...

it's really remarkable na mas galit ang mga kaibigan kapag may mga ganitong eksena..hays...

ang damig users sa mundo. but fate is just. they'll sow everything in the end.

---
thanks, mykt2s :) i love silent how silent sanctuary sounds. may violin kasi. hehehe! and the lyrics are just so simple yet evry meaningful.

keep safe :P

*FRUITSHAKE* said...

korek! ipapalamun ko sa anay yung box nia dito!

damn! sobrang panggagago ung ginagawa nia ke friend. as in! naawa aku . kase i can see my "past " me at her. i know, darating ang karma.. Sana man lang ma-appreciate nia lahat lahat ng mga sakripisyo at tulong na binigay sa knya ni friend. Sana khit kaunting RESPETO pinakita nia ke friend at kht hindi na sa inaasam ni friend na mangyare for both of them.

Nakakagalit,,kahit aku, kung aku man ang nasa pwesto ni friend iiyak aku at sobrang maiinsulto..

DARATING ANG KARMA..i know.............

Dear Hiraya said...

ganun talaga ang mundo ng pag-ibig. YUng mahal mo, hindi ka naman mahal. maswerte ka na kung makakatragpo ka ng totoong magmamahal sayo tsk tsk..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Kape Kanlaon\ said...

let's take it..there are good people, and there are idiots...

cheer up ka lang..=)

pusangkalye said...

~hmmm---you wanna help your friend---that's kind----

but how caan you save a WILLING VICTIM? mahirap ata yun.

Jhamy whoops! said...

kabog ang lola mo! HB to the nth level... hmm.. kamusta ka naman!? miss na miss na kita at si she! hayyy! sobrang busy ang buhay naten ngayun.. mare, wag ka na mabadtrip.. remember lage namang nanjan si KARMI... =)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy