21 February, 2009

On Stupidity

Tanga. yan ang madalas ko masabi sa sarili ko kapag may mga bagay akong hindi maintindihan sa Calculus at BioChem. kahit anung gawin kong titig sa formula at sa papel ng katabi ko para makapangopya, hindi ko parin talaga maintindihan at mapagtanto ang tamang sagot. kahit kasi minsan minsan ay kumokopya ako, sinasagutan ko parin yun at kinukumpara ko yung sagot ko sa nakopya ko, malas na lang kung mali din ang nakokopya ko. minsan point of comparison lang. nakakasawa na kasi yung mag aral ng todo. yung walang tv, radyo at cellphone. minsan nakakatamad. mahirap basahin ang makapal na Anatomy book para kabisaduhin ang anakngteteng na nervous system na yan at kung bakit ba kelangan pa pag aralan ang Krebs Cycle na yan. hindi ko naman magagamit ang mga yun sa pagsakay ko ng jeep araw-araw at pakikipagsiksikan ko sa MRT para pumasok. pero ang akala ko nuon, ako na ang pinakatanga sa mundo.

marami rin mga bagay ang nangyari sakin na kapag iniisip ko, kung hindi siguro ako tatanga-tanga nun, baka mas naging maganda pa ang kinalabasan ng mga pangyayari. o baka nga mas naging maayos pa sa okay.

pero pano ba natin masusukat ang ating katangahan? meron nga bang taong makakapag sabi kung kelan tayo nagiging tanga o kelan hindi? ano nga ba ang pamantayan para maging tanga?

minsan sa sobrang katangahan ko, hindi ko din alam. akala ko masyado akong marunong sa ibang bagay pero ang simpleng pag iisip lang kung kelan ako nagiging tanga eh hindi ko alam.

ano nga ba ang dapat gawin ng taong tanga? ng taong nagpapakatanga o pinipili maging tanga sa kabila ng nagtataasang posisyon at estado sa buhay, nagkakapalang salamin sa mata tanda ng pagiging pala-aral at nagkakapalang account sa banko tanda ng pagiging madiskarte sa buhay?

may gamot ba silang dapat inumin? o pader na kailangan pagumpugan ng ulo para magising? ang hirap pa naman maranasang makarating sa 20th floor para lang lumagapak sa basement para sa isang taong hindi naman worth it.

pero kagaya nga ng tanong ng marami,

sino ang makapagsasabi?

myk2ts r2r.png

2 Pakelamera:

A-Z-3-L said...

malawak ang depenisyon ng TANGA. kaya depende sa state of mind ng tao kung paano ito gagamutin.

Kung Puso ang na-tanga... may gamot, pwedeng bagong PAGIBIG! Kung nabobo naman, SIPAG sa PAGAARAL ang gamot. Kung may simpleng tanong tungkol sa buhay na hindi masagot sagot... minsan hawak ng ibang tao ang gamot! kelangan mo lng maliwanagan...

at kung walang-wala ng mahanap na gamot sa kung anong klaseng katangahan... alam kong alam mo sa sa MANDALUYONG may gamot!

kitakits ;)

pusangkalye said...

sinu ba naman nagsabi sayong madali lang ang Calculus at bio-chem? arami tayong nahihilo dyan.keke

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy