09 February, 2009

Bakit Ngayon Ka Lang?

nagising akong parang walang katulog-tulog nung nakaraang gabi. ang tanda ko, alas-onse pa lang naman ay mabigat na ang mga mata ko sa antok, base sa orasan na aking tinititigan ngayon, alas nweve na ng umaga. gising ng isang tamad at walang planong gawin sa buong araw. kahit na sangtambak ang dapat ayusin at dapat asikasuhin.

mabagal ang takbo ng oras para sakin. parang hindi ko na dapat pang isipin kung ilang oras pa ang dapat hintayin, nakakainip. alam kong walang masyadong dapat isipin.

tinugtog nanaman kasi yung kantang yun eh, hindi ko na dapat pa maalala ang tamis at sakit na dulot ng kauna-unahang tibok ng simpleng bahagi ng katawan ko. ang nagpapadala ng dugo na kailangan ng bawat sulok ng katawang ito ay ang siya ring tumitibok at nag dadala ng lason na unti-unting pumapatay sa kamalayan ko.

matagal na akong nakatitig sa kanya. may kung anong lakas ang hindi ko makuntrol sa aking mata. para bang hindi ko dapat alisin ang paningin ko sa mukha nyang maganda, ngiping maputi, buhok na maitim.

isang buntong hininga lang naman ang kaya kong pakawalan sa tuwing iisipin kong siya'y pwedeng maging akin. parang isang malayong lakbayin. suntok sa buwan. tadyak sa hangin. kahit sana kaway man lang o ngiti. kahit manlang sana simpleng bati. pero hindi. patuloy ang kaba ng aking dibdib.

hanggang ang araw na aking pinapanaginipan ay dumating. hindi ko inisip na pwede itong mangyari. nagkatagpo ang aming paningin, sumilay ang ngiti. salita ay namutawi. narinig kaya niya ang salsal ng aking dibdib? sana ay hindi.

nakausap ko siya ng matindi. sa kahit anu pa mang dahilan, ayokong matigil itong sandali. ayokong ang oras at araw ay umalis. bakit nga ba kailangan pang umambon habang ang aming kuwentuhan ay nagiging matamis?

hanggang sa huminto sa harap namin ang isang sasakyang hindi ko mabibili. makinis at makintab animo'y salamin. bumaba ang isang lalaki, kumaway ang supling, sabay tawag ng "mommy"

basag.

ako pala sa isang sandali ay naging kabit.

"Ang lungkot hindi nawawala, hindi nauubos, pero pede mong bawasan..."


7 Pakelamera:

paperdoll said...

hahaha. . kala co ikaw ung tinawag na mommy. . lol. .

ganda nung last line. . pano nga ba bawasan? pakilo ung sakit at ilako sa palengke. . hehe

happy valentines mykt2ts. .

Roland said...

salsal ng aking dibdib >>>> haha, natawa naman ako d2.... akala ko rin ikaw yung tinawag na mommy, haha uli.

libre naman ang mangarap do bakit hindi... kaya lang dapat gising ka, dilat ang mata... para hindi ka masaktan sa huli.

Anonymous said...

ang lungkot nababawasan nga ba? o natutunan mo lang mabuhay kasama un?wala lang mare hehe dumaan lang ako kasi gusto ko gumala :D hehe maari bang isama ang asawa mong si Edward? kung pwede pakisundo na lang ako bago natin daanan si bloom tpos si jay :) hehehe namis ko kau :D

Myk2ts said...

peperdoll, hindi nga eh, sayang akala ko nga ako narin:) maganda yung line no? hiniram ko lang yan aktuwali :)

Myk2ts said...

roland, hehe mahirap yung gising, mas hindi real. masarap ng mangarap ng libre. ng walang limitasyon, yung parang sa panaginip. lahat posible, maligayang pagbabalik :)

Myk2ts said...

yeinie, me point mare, immunity sa pain, hehe busy si hubby, asa denali, may meeting sila :) miss you more mars

Anonymous said...

anong ginagawa nya dun waaaaa kelan daw uuwi mare hehe nasad ako sa latest entry mo :( sana okey ka mykeepot ha.. pinapasad kaba ni edward?umuuwi nmn sya jan db hehehe hindi ko nmn everynight hinihiram :)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy