30 September, 2008

Sorry Ha?

hindi gaanong mahaba ang sasabihin ko. gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko. nakakapikon kasi. nakakainis.

naisip ko lang ito kaninang nasa byahe ako pauwi. habang nagmamakaawa na ang inuupuan kong bahagi ng sasakyan, tagaktak din ang pawis ko sa noo. bakit ba kasi tinawag pang air-con ang isang aparatong nagbubuga naman ng mainit na hangin? ironic. tang ina.

lalong nakakadagdag sa init ng ulo ko ang katotohanang wala akong natanggap ni isang paliwanag. o kahit wala ng paliwanag. kahit sorry man lang.

hindi naman ako bato o bastos. kung nasaktan mo man ako o nakagawa ka man ng mali saakin, natural lang na sumama ang loob ko. kagaya ng lahat ng tao sa mundo. talk about human nature?

pero hindi ko kayang baliwalain ang bawat paumanhin o paliwanag na galing sa sinumang nakagawa ng hindi maganda saakin. ika nga, nasa pagpapaliwanag yun ng nasabing may sala.

kagaya ng napagusapan namin kanina sa klase, it's not what you said, but it's how you said it. proper intonation ba.

nakakapitik ng ugat ang taong alam mo at alam niya na may kasalanan siya at mas pinili pa na manahimik o magsawalang kibo. nakakasakit sa nunal diba?

at ang nagmamalaki pa ang loko.

e di huwag. ayos yun, makakatipid din ako sa load.

pakshet.

26 September, 2008

Squishh Squisshhh Squishh

naranasan mo na bang traydorin ng isang kaibigan? yung tipong nagtiwala ka na dadamayan ka sa panahong kailangan mo siya? ang kaibigang itinuring mo at inangkin na parang sariling kapatid? kakampi at kadugo?

siguro naman oo. masakit. nakakasuklam. nakakaloka.

lalo na kung umasa ka na hindi ka nya iiwan at sasamahan ka nya hanggang sa huli. hanggang sa wakas ng iyong pakikipag-laban. hanggang sa umabot ka sa iyong tagumpay.

pwede ka magtampo. magalit o kaya naman ay mangulam.

saakin. nangyari na ito. kagabi lang. habang umuulan. habang pababa ako ng sinasakyang jeep. sinabi ko sa aking kaibigan na wag nya akong iwan. na samahan nya ako sa lamig ng gabi at sa patak ng ulan.

sa tingin ko naman ay matatag siya sa mga sigalot ng buhay. hindi man ganun kataas ang halaga ng aming pagsasama, hindi man ganun katagal ang aming pagiging magkaibigan, alam ko at naramdaman ko na hindi nya ko iiwan.

pero kagaya ng isang hibla ng pansit bihon na puno ng toyo, naging marupok siya. tumiklop. nangiwan...

amputang inang payong ko na nabili sa Ayala MRT station sa halagang sisenta pesos, akala ko ay nakamura ako. pero mapapamura pala ako dahil nasira at nagkabalubaluktot na ang buto nito habang binubuksan ko. amputangina talaga. hindi ko pa man nagagamit sira na! pasensya na sa aking makating dila pero pakshet naman! whattta wonderful way to start my day. naka pormal pa naman ako at isputing na isputing! kinanginang yan, iniwan nya akong basang basa sa ulan! kaya naman buong gabi tumutunog ang paa ko tuwing naglalakad ako. pinasok ng tubing ang balenciaga shoes ko. kaya yun, kada hakbang tumutunog ito. buti nalang at hindi mabaho ang paa ko. clue? basahin mo ang titulo ng entry na ito.

22 September, 2008

Tablado

Myk2ts: Hello, may i speak with Mrs. or Mr. Smith?
Mrs. Smith: Speaking...
Myk2ts: Hi, my name is ____, calling from _____, home of better tv for all, and we are calling to tell you about this great-money-saving offer that is available for you and your family... but bef...
Mrs. Smith: I'm not interested.
Myk2ts: I do understand that Mrs. Smith, but hey, let me just walk you through to our promotion and then after that, you can make an informed decision...
Mrs. Smith: Are you an indian?
Myk2ts: No, ma'am. as i was saying, the pro...
Mrs. Smith: Call me back when you know how to speak ENGLISH.


*customer hang up


yan ang eksena ng kauna-unahang tawag na natanggap ko sa trabaho ko. hindi ko na matandaan kung minura ko ba sya ng hindi naka-mute ang dialler ko o umiyak ako at kumuha ng lason. ewan. basta ang alam ko, na hurt ako ni Mrs. Smith. i hate her for that, and for that i hate her!

pinakikinggan naman pala ako ng coach ko nung mga sandaling iyon at tinawag nya ako. dahil baguhan pa lang ako sa trabahong yun, at kakatapos ko lang sa kolehiyo, naintindihan daw nya ako. pansamantalang itinigil ang pagtatawag ko. akala ko katapusan ko na sa trabaho! amputa! pano na ang 13th month pay ko? no way!

syempre, sandwich method. ewan ko ba kung binobola lang ako ng balingkinitan kong coach pero sabi nya normal daw yun. me mga kano' daw talagang hindi maitago ang kabastusan nila sa mga hamburger patties. ako naman, maluha-luhang tumatango lang! aba aba aba hindi puwede yun. sa isip isip ko lang, wala naman akong problema sa mga Indian people pero, HINDI AKO INDIAN. oo, kabisado ko ang aringkingkingking, pero promise, naging uso lang kasi talaga yun noong elementary pa ko. project namin sa school.

sabi ni coach, tama naman daw ang construction ng sentences ko, wala namang error pagdating sa usapan namin na yun. medyo yung accent ko lang talaga daw eh hindi ganun ka americanized kaya napagkamalan akong Patel ng Mrs. Smith na yun.

eh kasalanan ko bang sanay sa adobo at sinigang at hindi sa fries at ham ang dila ko? aber?

isang buwan mahigit ang training ko noon sa kelsenner company na yon. yung unang isang linggo, communication skills ang topic. syempre, kagaya ng lahat ng prestihiyosong kumpanya sa mundo, front-liners nila ang mga trainers. at dahil doon, artista ang trainer ko. hindi ko sasabihin kung sino. basta nasa Ang TV sya noong bata pa sya at puro bakal pa ang ngipin nya.

natural naman na mas titignan ko ang mukha nya at katawan, pakelam ko ba sa SVA at Metaphors na yan! haler?

kaya naman nagsisisi na talaga ako at pinag walang bahala ko ang workshop ko kay Cory Quirino. mas naimpluwensyahan kasi ako ni Melanie Marquez eh. deym!

para naman maimprove ang accent ko, buy ako ng mga magazines at newspapers na written in english. mega-read ako ng malakas habang nasa trono o di kaya naman habang nagpapaantok. nood din ako ng mga foreign films at ginagaya ko ng sobra pa sa bongga ang accent nila.

at pinangako ko sa sarili ko na babalikan ko ang Mrs. Smith na yon, at humanda sya dahil sa Oprah Winfrey accent na inaral ko!

at hindi nga nagtagal, tinawagan ko ulit ang bruhang yon, intro and purpose, features and benefits, qualifications, at pooof! sale for Myk2ts!

dahil sa saya ko at napatunayan kong panalo ako sa laban namin ni Mrs. Smith, nagutom ako. kaya ng dumating ang lunch break ko, sugod agad sa chowking at umorder ako:

Myk2ts: One keyngkowng with bagowoong please.


malowka ka!

21 September, 2008

Searchee Number 1

hindi ko akalaing tatagal ako ng ganito sayo, na kakayanin ko palang ipagpalit ang mga nakasanayan ko para sa isang taong tulad mo, na matatalikuran ko pala lahat ng kinang ng tagumpay at liwanag ng panagarap na natupad ko para sa sarili ko. akala ko kaya ko. kasi sinubukan ko. pilit ko tinawanan ang mga pansariling kalungkutan ko. pinatawad ang mga pagkakamali mo. inayos ang kakulangan mo, pinuno ang kaibahan mo. pero kahit anong gawin mo, at gawin ko, wala paring pagbabago. walang pinatutunguhan ang kung anu mang meron tayo. alam ko na hindi kita mababago. hindi ko pwedeng gawing ikaw ang iyon. pero kahit imposible sinubukan ko. sumugal ako. pumili ako. at dahil dapat ko panindigan ito, ngumingiti ako sa kabila ng pagdurusa at kabulukan ng damdamin at kaligayahan ko. pero sa mga sandaling ito. hinihingal na ako. malapit na maubos ang tubig na baon ko. nanunuyo na ang puso at isip ko.

PAGOD NA PAGOD NA AKO.

Uto Uto

try to put yourself in this kind of situation. then let me know how you feel. bomb-threats are very much welcome.

ill tell you that i will talk to you all night this weekend, it's been a busy week for us and since we are thousand miles away from each other, we hafta thank the 24/7 network that can provide us unlimited calls all day and night. ill ask you to wait for me and we will talk at around 11pm since the network is still congested at around this time.

11pm...

1am...

2am...

5am...

you asked me if we'd still talk. then i replied,

"talk? what about? any probs? sorry i'm out and drunk with my friends now, uhm later pwede?"


now tell me, what would you do?
how would you react?


timer starts now...

20 September, 2008

Winston+Marlboro+Dunhill=HighBlood

kagaya ng nasabi ko kani-kanina lang sa huling entry ko, may ikukwento ako.

lahat ng tao ayon sa sariling kong opinyon ay may karapatang magmalaki. mag yabang. magtaas ng ihi. hindi ko maaring pigilan ang isang nilalang na ibulatlat ang bawat bagay na nais nya upang mapahanga nya ako at mapa wawawawaw wawawaw wawawaw. hindi ko agarang hinuhusgahan ang isang taong nais ipangalandakan kung ano, sino, paano, at saan sya nagmula. kagaya ng nasabi ko nuon, hindi ko ugaling mangbasag ng trip.

kahit na medyo iba na ang takbo ng dugo sa pulso ko sa tuwing "humahangin" ang kausap ko, lagi ko kinakalma ang sarili ko. baka nga naman totoo ang mga sinasabi nya, o baka naman iba lang ang dating saakin ng pananalita nya at normal naman ang dating nito sa ibang tao. madalas akong nagmamasid muna at umoobserba base sa kung ano ang batayan ng kanyang punto.

"kung yan ang ikatitigas ng titi mo, eh di go!"

pero paano kung halimbawang hindi tayo close, tapos bigla akong humingi ako ng pagkain mo? at sasabihin ko na diet kasi ako kaya hindi ako bumili ng food ko, ano mararamdaman mo?

syempre bibigyan kita. eh pano kung panis pala yung nabili ko? di ako lang ang sumakit ang tiyan? atleast me kadamay na ako. wala naman talagang kaso yun. kahit na hindi kita inalok, since magiging magkakasama tayo sa isang departamento, walang problema, share tayo!

eh kung humingi na nga ako tapos pinintasan ko yung kinakain mo? na hindi sya masarap at iba ang pakilasa ko? na kadiri yang inorder mo?

okay lang yun. hindi naman ako ang nagluto ng binili ko. at wag ka mag alala dahil hindi kita isusumbong. kanya kanya tayo ng dila. kung sayo eh galing sa recto ang tastebuds mo at sanay ka lang sa pagkaing kanto, no problemo. again, mabalik tayo, walang basagan ng trip. dila mo yan eh, kung hindi masarap para sa iyo, okay lang yon.

eh kung magmalaki ako? na kesyo hindi ako kumakain ng mga pagkaing ganun ang lasa at hindi kaya ng bibig kong lunukin yung pagkaing hiningi ko sa iyo at aakto pa ko na parang masusuka?

wow. maiingit siguro ako ng bahagya. kasi naman susyal ang pagkain mo. sanay ka sa fine-dining kaya naman hindi mo alam ang lasa ng chocolate syrup at mango puree. oofferan kita ng tubig. baka nga naman masama lang talaga ang panlasa mo.

eh kung bigla akong magtanong kung nagyoyosi ka ba at anong brand ng yosi mo? kung pwede ba ko makihingi sa iyo?

syempre sasabihin ko na oo, at Winston Lights ang brand ng sigarilyo ko. hindi kasi ganun katapang para saakin. tama lang ang hagod sa lalamunan. bibigyan kita at yayayain kita na magyosi kasama ko.

eh kung bigla akong tumangi at mag hanap ng ibang brand ng sigarilyo?

walang kaso. mag sosorry ako at hindi tayo pareho ng brand, hahanapan nalang siguro kita ng sigarilyong gusto mo.

eh pano kung mag kuwento ako sa ibang katabi ko at iparinig ko sa iyo na hindi ako nagyoyosi unless Marlboro Lights o Dunhill ang available? na hindi ko kaya hititin ang lasa ng Winston? na ikukuwento ko pa ng mas malakas at gagamit pa ko ng trying-hard kolehiyala accent ko na noong nag outing kami nuon, hindi ako nakapag yosi kasi puro Phillip, Hope, Winston Lights at Camel ang yosing dala ng mga kasama ko?

walang problema! magkukunwari nalang akong bingi. o kaya naman tatayo na lang ako at magpapaalam kasi tapos na akong kumain. isusuggest ko rin siguro na bumili ka kasi ng sarili mong sigarilyo para hindi ka nanghihingi sa kasama mo. at puki ng inamoka, kung hindi masarap yung pagkain ko, eh di wag ka manghingi at dun ka sa baranggay magreklamo kung bakit lasang mangga ang mango puree! hallllller!

syempre nakangiti ako habang sinasabi ko yon at gagamitan kita ng mala Charo Santos-Concio na accent. sabay tayo at tatawa ako ng bonggang bongga kasi nakakasuka ang kayabangan at pagka trying-hard mo.

walang kaso kung magyayabang ka saakin, sanay ako sa mga tulad mo. me dala naman akong jacket kaya hindi ako apektado ng hangin mo. pero kung pipintasan mo pa pati kung ano ang meron ako, ibang usapan na yon.

humanda ka na sa hadukken ko!

Anik-Anik

september 18th ang hire date ko sa panibagong trabahong pinasok ko dito sa Pilipinas. hindi naging madali para saakin na ipagpaliban ang mga oportunidad sa ibang-bansa. pero ang makasama ang aking pamilya at mga kaibigan ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit napa oo ako agad ng tanungin ako kung magtatagal ako dito sa aking tinubuang lupa.

hindi madali para saakin ang mag effort nanaman sa pagbyahe mula bundok ng Cavite hanggang sa kapatagan. may mga oras na hindi na ako sanay kung magkano ba ang pamasahe dahil sa hindi naman talaga ko naglalalabas ng kulungan ko. parati lang ako sa loob kaya naman nagulat ako ng manghingi ng dagdag ang driver dahil kulang daw ang pamasahe na binayad ko.

kakaiba ang pinasukan kong kumpanya at sa sobrang kakaiba nito, hindi kami (empleyado) pwede magkwento ng kahit anong tungkol dito. (hmmm?)

pero hindi ko mapipigilang ikuwento ang mga kakaputok-ugat na bagong katrabaho ko.

wala naman akong matigas na tinapay sa kahit na sino. pinababayaan ko lang ding umarangkada ang mga taong harurot. katwiran ko nga, kung yan ang makakapagpatigas ng titi mo, di go! i can always act stupid in front of a stupid who acts like a genius.

mabuti na lang at maraming mababait na nilalang, naisalba ang pagkabuwiset ng eyeliner ko.

nakakamiss din ang blogging. nakabalik narin ako sa wakas.

sa mga walang sawa na bumisita sa mga panahong nasa fitting room ako at nagbibihis, salamat. maraming maraming salamat.

sa mga nangumusta at natuwa sa bagong look ng aking balur, mabuhay kayo!

sa mga napangitan at hindi masyadong nagandahan, pasensya na po, ito lang ang nakayanan ko.

sa Iyo, salamat sa suporta at pagbibigay inspirasyon. patawad sa mga dadating na kasalanang magagawa ko.

kay Lord, thanks at maganda ang schedule ko :) lakas ko talaga sa Iyo :)

bukas, pramis, may kuwento ako.

15 September, 2008

Mensahe:

Mga kababayan, paumanhin sa mabagal na pag sagot sa mga kumento ninyo. kasalukuyan akong lumalaklak ng Advil para sa sakit ng ulo. naloloka na ko sa pagbibihis na ito. hindi ko akalaing ganito. nasanay kasi ako sa typewriter at pakialam ko ba sa mga HTML at XML na iyan!

kalurkey.

anyway, sa sandaling matapos ko ang istrukturang ito, marami akong ikukuwento at sasaguting katanungan at kumento.

kay May, Bloom, Yeine, Roland, Roneil, Tentay, Mel Beckham, Fjordz at sa lahat, pramis babalikan ko kayo... :)

muli, paumanhin at salamat sa pagsubaybay at pagsuporta :)

PS.

Fjordz, kelan at saan ang pagdiriwang? pwede ba pumunta? salamat :)


Sumasainyo,

Beatriz Pinzon-Solano
:)

12 September, 2008

Nagbibihis

Paumanhin:

Nagbibihis po ang Isang Kilong Bigas.
Maari parin sumilip pero mag-ingat sa kuliti :)

11 September, 2008

BOMB-THREAT bago mag 9/11

alas dos y medya ang schedule na binigay ni Kyle sa akin. sabi nya, i have to be there on time so maaga pa eh umalis na ako ng bahay to compensate with my travel time. mahirap kasi manggaling sa kabundukan at naka heels. ching lang.

nasa Macapagal pa lang e parang eksena na sa pelikula ang ulan. exxxag kasi akala ko eh may ipo-ipo na! so habang ganun ang kaganapan, busy ako kagugupit ng yero kasi ganun yung ginawa sa movie na Twister.

happy mood pa ako kasi naman nakarating ako sa MRT Taft station ng maaliwalas at hindi basa ng ulan kahit walang payong. at kahit na stranded na ko sa Heritage, keri pa. thanks to my charm, nakisukob ako kay ate na papunta ng MetroPoint Mall na may link sa train station. konting chika at hanash, panalo. instant knight in shining armor, sales lady version.

nagsimula umatake ang regla ko ng pumila ko ng pagkahaba-haba sa MRT station. pasikot-sikot na at IISANG counter lang ang bukas. ironic! bakit ba kelangan pang magpagawa ng napakaraming counter kung isa lang ang bubuksan diba? ang nakakainit pa ng ulo, habang tagaktak na ang pawis mo sa init at masakit na ang alipunga mo kakatayo sa haba ng pila, ayun ang mga tontang cashier! mega chikahan pa with matching tawanan at basa ng magazine!

1...2...3...4... kaya ko to. alas dos kinse na so i advised Kyle na ill be a bit late. nagpasalamat naman sya saakin for being professional. after exchanging few more text messages, here comes the pechay na nasa mid 2o's yata, nagpapakyut kay lolo na ibili na lang daw sya ng ticket.

the neeeeeeeeeeerve! sa matanda pa nakisuyo? to think na kayang kayang kayang kayang kaya nya pumila ng limang oras sa laki ng balakang at hita nya!

pinoy nga naman.

pilit ko kinalimutan ang eksena at naghanap hanap na lang ng eye candy. sa gutom na siguro, parang nakita ko si Peter Petrelli na nakapila. wow! Milo Ventimiglia in Taft Station?

etchos. ilusyon ko lang yun. gutom na kasi ako.

nakalimutan ko na sana ang init ng ulo ko ng may umeksena nanaman at nakikisuyo makipila. another 20-older lady na mukhang edukada at naka office attire pa,

Daniela Valencia mode: ON

sinabihan ko talaga sya habang nakikiusap sa mama sa unahan, sabi ko na may pila sa dulo. at para magka ticket, kailangan pumila. sa dulo. sa end point. hindi sa limang tao bago ang counter.

nakalimutan ko ang pagiging anghel kaya naman tumalak na ako. akala ko lalaban kaya nakaready na ko ng punchline ko:

"you have no brain! boba!"

ala Melanie Marquez na sana ang next line ko. buti na lang at inisnaban nya lang ako. loka sya! dukutin ko mata nya eh! dami ko kayang kakampi. pati si papable formal-wear-everywhere na guylet sa harap ko.

syempre boring ang cake kung walang icing. kaya para lalong pagandahin ang araw ko, pag dating ko sa counter, closed na daw, lipat na sa kabila.

i went ballistic and asked them to please at least ubusin lang yung tao tapos tsaka na magchismisan, este mag lunch-break. o kahit kumuha manlang ng kapalit. simpleng kunsiderasyon lang sa mga nakapila at pasaherong hindi parin kumakain tulad ko.

hindi nagpatinag si ate kaya nagpigil nalang ako at nangakong babangon ako't dudurugin sila.

no choice, another dambuhalang pila ulit na parang pila ng NFA ang sinagupa ko. tanggap kong bad impression na ko sa kumpanyang aapplyan ko. alas tres na. pakshet!

nagtext ako kay Yeine, Bloom, She at Jay. nagbabanta nako ng krimen!

"pasasabugin ko talaga ang babaing yun!"

etchos lang yun syempre! hay... highblood! mapapakain ako ng tatlong extra rice terraces sa kabuwisitan.

09 September, 2008

Bagyo, Walis Ting-Ting and Jinggle Balls!

while some of my friends were all grumpy and emo this past few days, i opted to take this rainy shit differently. i know mother nature is being bitchy with all the thunder and lightning. it's even raining cats and pussies! omg!

as a feelingera Daniela Valencia, i wore my perfect balenciaga rain coat (ching lang!) and grabbed my ever deary walis tingting and voila! i swept the darn pavement like crazy ass!

and the nerve with the tambays for staring at me as if im part of the cast ng virgin island! bakat na bakat parang puso ni nastimac pala ang nippies ko!

kalurkey!

kiver na and tuloy sa pagwalis ng mga chuvang dirt na dinala ng heavy rain! asar times ten ang dame! even used napkins and condoms all the way! i swear!

i almost fainted when a group of teeny-weeny-tweny-oldie guys wearin boxers lang making takbo sa kalsada! mga anim siguro sila so 12 dangling jinggle balls lang naman!

so pasweet ako while making gitna sa kalsada to make harang kaso before they reach my place, mega u-turn na sila!

i so hate it and i threw the kawawang walis sa bahay, went up to take a warm shower and dress up as if im so effin emo.

when mother natures' bitchin, she really mean it!

asar!

07 September, 2008

Happy Birthday, Carlo!

maaga akong nagising ngayon. kahit pilit pang nang iimbita ang malamig na panahon para muli kong akapin ang unan ko, pinilit ko naring tumayo at bumangon. kagaya ng nakagawian, gising na si mama. naunahan nanaman nya ako. siguro nga dahil pareho kaming excited sa araw na ito.

nag padeliver ako ng balloons. meron din kaming cake. tapos nag luto kami ng pansit, chicken, spaghetti, tapos may ice cream, bico, hotdogs sa stick at barbeque. may buco pandan den. yum!

9th birthday kasi ng pamangkin kong si Caloy. John Carlo ang buo nyang pangalan. maputi, medyo makapal ang kanyang wavy na buhok, chubby, matangkad, maliksi, madaldal, matalino, lahat na. all in one...

sa kanya ako unang natuto magpalit ng lampin, maghugas ng puwit ng sanggol, magpalit ng damit, magtimpla ng dede, mag paligo ng baby, yun, sya ang naging praktisan ko pagdating sa bata. nag aagawan na nga kami ng nanay ko na lola nya syempre, iba kasi ang may bata sa bahay. parang shabu, nakakaadik alagaan. minsan pag tulog, gusto ko gisingin, pag gising naman, ang sarap patulugin. nahihilo na nga siguro yun. at kung pwede sigurong magreklamo yung bata, aba sasabihin nun na itigil muna ang pagpapadede ko at baka siya maempatcho.

giyera talaga ang eksena kapag pinagalitan na siya ng nanay at tatay nya. naku walang pwedeng maka kurot sa kanya kundi ako at si mama. tito at lola ang kalaban ng nanay at tatay nya sa tuwing makulit sya at pagagalitan. kung sa ibang bata, hindi pwedeng tumakbo, magulo, mag ingay at makelam ng mga kagamitan, umiyak at mangulit, si Carlo hindi. siyempre, spoiled siya pag dating saamin.

masayang masaya siguro yun.
matutuwa, at magagalak.

maeexcite yun kapag nakita nya na sa loob ng siyam na taon, lahat ng regalo nya tuwing kaarawan at pasko, nakabalot pa.

masisiyahan yun kapag nakita nya yung mga dating laruan at gamit nya, maayos at nakatabi pa.

kung sana andito siya.

kung sana Buhay pa siya.

Happy Birthday Caloy!


John Carlo A. Empeño
September 07, 1999-May 14, 2000

05 September, 2008

ANTM-Myk2ts Version

enough of those sad moments at hello muna sa kakikayan at kalandian ng pakialamerang si ako. natutuwa naman ako ngayong araw na ito kaya naman naisipan ko munang ikuwento ang mga kaganapan sa buhay ko. katulad na lang ng mga frustrations ko.

isa na nga dito ang maging modil. oo. as in ramp/commercial model. kaso nga naman eh medyo hindi na uso ang mga lumbalumba products kaya hindi makapasa ang figure ko. kung bakit pa kasi ako nag eextra rice tuwing dinner!

mataas ang standards ng pagiging modelo dito sa mundo. kailangang flawless ang skin, maganda ang physique, matangkad, may itsura at medyo may itsura pa ng konti sa may itsura lang. in short- PERFECT.

sa katulad kong almost perfect lang, napakahirap. kahit anong emote at project ko eh parang chaka ang kinakalabasan. sabi nga ng mga friends ko, beauty is in the eye of the beholder and i say: pakshet!

oo na, ako na lang at tanging ako at nanay ko ang nakakaappreciate sa beauty ko. syempre nainiwala ako na Magandang Nilalang ako dahil gawa ako ni God. sabi nga, walang taong pangit at bobo. pero ang sabi rin, ang maniwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili. so anu na ang paniniwalaan ko? sigh.

pero kahit anu pa man, confident parin ako. kiver sa talak ng iba. basta ako, pretty inside out. kaya naman sa kakapalan ng mukha ko, go kami sa balur ng friend ko. medyo kinulit kulit ko pa para lang pagbigyan ang kahilingan ko.

dahil mahal mag rent ng studio, sa kwarto kami nageksperimento. konting ilaw, konting blocking, konting tawag sa tambay sa kanto, konting hiram ng outfit, go! this is it! the fulfillment of my dream.

ang pictorial na kakabog sa FHM at PLAYBOY. pwede ring ihanay sa Liwayway. at minsan pwede ring pambalot sa tinapa.
*picture deleted... bumaha na kasi ng vomit... eeew :)
medyo rated PG ang tema, kung mapapansin ninyo, medyo blue na ang kulay ko dahil hindi ako humihinga para maitago ang Chanena ko. salamat sa ilaw at funda. naitago ang cyanosis ng pez ko.

as a model, Über professional ako at ang kasama ko, after the shot, sabay kaming nasuka sa kinalabasan ng picture. sumakit din ang tyan ng lahat ng nakakita nito. kaya kung may problema kayo sa bowel nyo o kaya naman eh may batang makulit sa bahay nyo, pwede rin naman kung maraming daga sa inyo, order na kayo ng copy nito. garantisado, lamok siguradong teypok!

special thanks to: alvaira's residence, specifically sa kwarto ng tatay nya for the pictorial venue, lot alvaira, para sa bra. mike as my partner sa photoshoot. anne para sa kamera. alet para sa juice, at nino, she, miko at donn para sa walang sawang pag alalay.

04 September, 2008

Love Tag

Lance, thanks for this tag. it's my time to shine and be nostalgic... kunwari asa radio show ako ni Dj Mo...

1. When was your first kiss and where?
1st year college. it was one of those toxic days and kakatapos lang ng major exam ko sa Micro Lab. super toxic ng utak ko kagaya ng mga innoculated bacteria kaya naman inuman ang sagot. me and my friends went to the house of this boy-next-door irreg classmate of ours at dun na kami naginuman, out of nowhere, bigla kami naglaro ng suck and blow. (passing of a playing card using the lips by sucking and blowing) at ayun na nga, medyo laseng na kaya mahina na ang higop sa card, kaya naman hindi pa napapasa ang card saakin, labi sa labi na ang drama namin. it was fun and cheesy at the same time, im sure the guy does'nt want that to happen kaso anong magagawa ko? itinadhanang mahalikan nya ko. after nun, balita ko tinapon na nya lahat ng playing cards sa dorm nya! hahaha.

2. When was your first real relationship and how long did it last?
late bloomer siguro ako kasi i had my first after graduation ng college. he was 28 then. i like guys na medyo ahead saakin kase i find them serious and stiff. sya yung tipong no non-sense kausap, it lasted for a year and a half. after nya, puro pantasya na, like my relationships with Piolo and John Lloyd...

3. What age were you allowed to date?
actually im askin myself din nga eh, my mom allowed me way back college days pero till now bakit wala pa din daw akong "girl" na dinedate at binibigyan ng roses. sabi ko nalang, busy sila. sabay mumog.

4. What's the craziest thing you did (for love) when you were a teenager?
siguro nung college paren, there's this guy na sobrang love ko kaso super suplado and sunget. dumating sa point na araw araw ako pumupunta sa village nila sa Las Piñas para makita ko lang kahit house nila to think na Cavite pa ko galing. malapit lang naman pero OA paren. Tapos after Christmas, hinatak ko yung friend kong si Joy para mag-stalk sa bahay nila. ayun, montik na kami makagat ng aso nila. tsk tsk. those were the days. pero ngayon, sanay na ako na ako ang iniistalk.

5. How long is your longest relationship and what's the secret?
2years. it's not really a secret. siguro both of you should learn to TRUST and RESPECT each other. im sure tatagal ang relasyon. parang eveready batteries.

6. How long did you date before you decided to settle down?
i wish... pero wala pa. kwento ko pag nangyari na.

7. How long did you know s/he was the ONE?
he is still searching for me eh. naligaw siguro o natraffic sa EDSA.

8. Now, at what age will you allow your kid(s) to date? (if and only if I end up having kids)
i'll let them experience those things para hindi sila maging naive and maging curious. minsan kasi pag hinigpitan, ending lalong nagwawala. by the age of 18 i think they can start having some friendly dates... yung wholesome date ha?

9. When it comes to your kids dating, will you be a cool parent or a strict parent?
i'd be cool siguro. but they should know their limitations.

10. What piece of advice can you give to your child when they start dating?
Son: Be a true gentleman. ikaw mag pay ng bill. safe sex!
Daughter: Finess Hija. Kontian lang ang kain at uwi na before 12am.

syempre, like love, i want to share this to everyone. :)

"love is blind"
--sagot ko sa slumbook nung classmate ko nung Grade 3

02 September, 2008

Fidela Magpayo

nuong bata pa ako, hate na hate ko ang tanghali. lagi kasi akong pinapatulog ng tiyahin ko dahil kailangan daw yun para lumaki. kaya naman pagkatapos ng tanghalian, paiinumin na ko nun ng pinitpit na bawang (bitamina daw para sa puso) at pahihigain.

duhhher? buti naman at hindi ako na-Rico Yan nun dahil busog na busog pa ako eh patutulugin na ako ng tanghali! azar dahil hindi manlang ako makasilay sa long jet-black hair ni Randy Santiago at sa magandang mukha ni Tina Revilla tuwing Lunch Date!

kaya naman para mas lalo daw ako makatulog, bubuksan na ni Tita ang radyo sa DZRH. unti unti na akong aantukin sa malamyos na tinig "Akong Inyooooooooooong Tiya Deeeeeeeeeeely" na susundan naman ng "Ang Tangi Kong, Phag-Ibhig"

bata pa lang ako ay exposed na ako sa mga buhay mag-asawa na nangangaliwa, iniwan ng boypren, bading na mister, killer na misis, byenang mangkukulam at rapist na tuyuhin.

"wag mo kong sasaktan Rodrigo, dahil kapag ginawa mo yon, isasaksak ko ang hawak kong kutsilyo na matulis at mahaba!"

"Darling? kumain ka na? halika na at kumain na tayo ng mamula-mulang letchon at umuusok pa sa init na kanin!"

"Antonia... Tu..Tulungaaan Mmo akkko... Hiiinddi akkko makkkahingggah... bummmabagsak nnna akkko ngaaayon sssa sahig... pummipikiit na annnnng mmmata kooo. mmma mmamatay naaa akkko. pppatay na akko nnngayon attt uunti uuunti ngg lllumalamig attt ttumittigass anng katawwwan kkkko..."

"Walanghiya ka Preng Karding! uuubusin ko ang lahi mo! tumakbo ka na! takboooo! hinahabol na kita ngayon at maaabutan na kitaa! teka nadapa ako pero nakatayo na ako at maabutan na kita!"


ganyan ang mga drama sa radyo. dahil sa hindi mo napapanood ang eksena, ipaparamdam sayo ng mga dubbers ang emosyon ng bawat linya sa pamamagitan ng pag dedescribe.

OA pa sa exagg na description dahil ultimo patak ng luha ay sasabihin kung sa kanang pisngi ba o sa kaliwa babagsak.

pero lahat ng yan ay sinulusyunan ng ating Tiya Dely.
Fidela Mendoza Magpayo sa tunay na buhay. kung gusto nyo mabasa o malaman ang kanyang buhay, go ka dito.

Noong lunes, sa ganap na alas-sais kinse oras, hatid sa inyo ng alaska full cream powder. mabibili sa mga suking tindahan, nationwide ng umaga, pumanaw ang beteranang tagapayo ng lahat sa edad na walumpu't pito.

ang kabuuan ng balita, mababasa mo ng mainit init pa dito.

sa mga pamilya at kaibigan, nakikiramay ang sambayanang pilipino.

hanggang sa muli para sa idolo ni Charo Santos, Joe D' Mango, Helen Vela, at Mel Tiangco!

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy