21 September, 2008

Searchee Number 1

hindi ko akalaing tatagal ako ng ganito sayo, na kakayanin ko palang ipagpalit ang mga nakasanayan ko para sa isang taong tulad mo, na matatalikuran ko pala lahat ng kinang ng tagumpay at liwanag ng panagarap na natupad ko para sa sarili ko. akala ko kaya ko. kasi sinubukan ko. pilit ko tinawanan ang mga pansariling kalungkutan ko. pinatawad ang mga pagkakamali mo. inayos ang kakulangan mo, pinuno ang kaibahan mo. pero kahit anong gawin mo, at gawin ko, wala paring pagbabago. walang pinatutunguhan ang kung anu mang meron tayo. alam ko na hindi kita mababago. hindi ko pwedeng gawing ikaw ang iyon. pero kahit imposible sinubukan ko. sumugal ako. pumili ako. at dahil dapat ko panindigan ito, ngumingiti ako sa kabila ng pagdurusa at kabulukan ng damdamin at kaligayahan ko. pero sa mga sandaling ito. hinihingal na ako. malapit na maubos ang tubig na baon ko. nanunuyo na ang puso at isip ko.

PAGOD NA PAGOD NA AKO.

11 Pakelamera:

Bloom said...

mare! pahinga.. haha. tas fight ulit! sows. ikaw naman! gayahin ako! hahahaha.. jusko.. napapagod pero ayaw huminto! haaha..

Cryptomillions said...

parang in a way nkakarelate ako dito.hehe.parang binabasa ko tuloy ang laman ng isip ko ahihi.at puso? wow nman oh naemote mode muna sandali. ;)
have a nice day ahead myk2ts!
and good night.ahihi.gulo ko. muaaah

Anonymous said...

6 months ago, nakakarelate ako sa ganito...

Myk2ts said...

bloom, mare idol kita sa ganitong eksena. hahaha iba ka pagdating sa bagay na ito. :p heylp

Myk2ts said...

lovely, im glad kasi in a way nakakarelate ka saakin and pareho tayo ng nararamdaman sa mga ipis na lalaking yan! pramis talaga bukas lulughod din ang mga tala! :P

Myk2ts said...

haha spongebabe, sana ok na ko after 6months :)

Roland said...

baka naman nauuhaw ka lang... naku masama yan... dapat di nauubusan ng liquid sa katawan... inom lang ng maraming tubig para di ka ma-drain.

Myk2ts said...

roland: literal? haha

Savage Heart said...

Ayy parang dito papasok ang mga linyang: Pagod na Pagod na aku.. Gutay gutay na ang katawan ko inay... Si Tyo Kadyo pa rin ba ang ini intindi nyu?

Aku? Wala na ba akung Halaga sa inyu?

ECHOZ!!!! na miss ko na mag comment dito marz!!! hahahaha

Myk2ts said...

ronnan! marrrrree naloka ko kay tyo kadyo! ahahahaha tawa ako for tweny points! nakakaloka!!!
amishu na ren marse, ingat palage ah?

Anonymous said...

wow lalim ah! pero parang pareho tayo. ganun ata talaga ang bawat tao. me kanya-kanyang sakit na mararamdaman sa lovelife. hainaku. pero ako nakamove-on nako.

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy