11 September, 2008

BOMB-THREAT bago mag 9/11

alas dos y medya ang schedule na binigay ni Kyle sa akin. sabi nya, i have to be there on time so maaga pa eh umalis na ako ng bahay to compensate with my travel time. mahirap kasi manggaling sa kabundukan at naka heels. ching lang.

nasa Macapagal pa lang e parang eksena na sa pelikula ang ulan. exxxag kasi akala ko eh may ipo-ipo na! so habang ganun ang kaganapan, busy ako kagugupit ng yero kasi ganun yung ginawa sa movie na Twister.

happy mood pa ako kasi naman nakarating ako sa MRT Taft station ng maaliwalas at hindi basa ng ulan kahit walang payong. at kahit na stranded na ko sa Heritage, keri pa. thanks to my charm, nakisukob ako kay ate na papunta ng MetroPoint Mall na may link sa train station. konting chika at hanash, panalo. instant knight in shining armor, sales lady version.

nagsimula umatake ang regla ko ng pumila ko ng pagkahaba-haba sa MRT station. pasikot-sikot na at IISANG counter lang ang bukas. ironic! bakit ba kelangan pang magpagawa ng napakaraming counter kung isa lang ang bubuksan diba? ang nakakainit pa ng ulo, habang tagaktak na ang pawis mo sa init at masakit na ang alipunga mo kakatayo sa haba ng pila, ayun ang mga tontang cashier! mega chikahan pa with matching tawanan at basa ng magazine!

1...2...3...4... kaya ko to. alas dos kinse na so i advised Kyle na ill be a bit late. nagpasalamat naman sya saakin for being professional. after exchanging few more text messages, here comes the pechay na nasa mid 2o's yata, nagpapakyut kay lolo na ibili na lang daw sya ng ticket.

the neeeeeeeeeeerve! sa matanda pa nakisuyo? to think na kayang kayang kayang kayang kaya nya pumila ng limang oras sa laki ng balakang at hita nya!

pinoy nga naman.

pilit ko kinalimutan ang eksena at naghanap hanap na lang ng eye candy. sa gutom na siguro, parang nakita ko si Peter Petrelli na nakapila. wow! Milo Ventimiglia in Taft Station?

etchos. ilusyon ko lang yun. gutom na kasi ako.

nakalimutan ko na sana ang init ng ulo ko ng may umeksena nanaman at nakikisuyo makipila. another 20-older lady na mukhang edukada at naka office attire pa,

Daniela Valencia mode: ON

sinabihan ko talaga sya habang nakikiusap sa mama sa unahan, sabi ko na may pila sa dulo. at para magka ticket, kailangan pumila. sa dulo. sa end point. hindi sa limang tao bago ang counter.

nakalimutan ko ang pagiging anghel kaya naman tumalak na ako. akala ko lalaban kaya nakaready na ko ng punchline ko:

"you have no brain! boba!"

ala Melanie Marquez na sana ang next line ko. buti na lang at inisnaban nya lang ako. loka sya! dukutin ko mata nya eh! dami ko kayang kakampi. pati si papable formal-wear-everywhere na guylet sa harap ko.

syempre boring ang cake kung walang icing. kaya para lalong pagandahin ang araw ko, pag dating ko sa counter, closed na daw, lipat na sa kabila.

i went ballistic and asked them to please at least ubusin lang yung tao tapos tsaka na magchismisan, este mag lunch-break. o kahit kumuha manlang ng kapalit. simpleng kunsiderasyon lang sa mga nakapila at pasaherong hindi parin kumakain tulad ko.

hindi nagpatinag si ate kaya nagpigil nalang ako at nangakong babangon ako't dudurugin sila.

no choice, another dambuhalang pila ulit na parang pila ng NFA ang sinagupa ko. tanggap kong bad impression na ko sa kumpanyang aapplyan ko. alas tres na. pakshet!

nagtext ako kay Yeine, Bloom, She at Jay. nagbabanta nako ng krimen!

"pasasabugin ko talaga ang babaing yun!"

etchos lang yun syempre! hay... highblood! mapapakain ako ng tatlong extra rice terraces sa kabuwisitan.

11 Pakelamera:

Anonymous said...

ahahahahahah.. mareeee, rice terraces? wahahhahaahah! gusto ko non! wahahahahaha.. how did the interview go naman? :)

Myk2ts said...

pasok sa banga mareee :) start na ko sa 18th

Savage Heart said...

Mare ginamit mu sana ang iyong Dragonez power at binugahan mu ng apoy with matching unicorn, butterfly at hello kitty mala Mariah Carey! haahaha

Anonymous said...

hahaha. ang galing mong magsulat. napapatawa mo ako lagi. haha sana nagdala ka ng wesper wed wengs LOL!
kaya ikaw bloom, tambay ka dito lagi para sumaya ka naman at magbloom ka ulit. :P

Dear Hiraya said...

sa wakas! nakabalik na ulit ako dito! hahaha..

alam mo, kahit na sobrang hayblood ka magkwento, gaya ko sa marami na ring pagkakataon (nakagawa na rin ako ng mga post na ganto gaya ng sa BDO, at sa jeepney terminal sa amin). Pag mainit ang ulo mo talaga nga naman..

pero nakakataw ang eksena.. inglesera!! hahaha..

dapat talaga pinagsasabihan ang mga yun.. at sino ba naman ang hindi nakakaalam sa uber kupad na sistema sa MRT? tsk stsk hanggang ngayon di pa rin nasusulusyuhnan..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Myk2ts said...

ronnan, mare naku pinagbigyan ko na lang. naubusan na kasi ako ng baygon, ayoko naman tapakan ng sapatos ko. kadiriiii ang ipis :p

Myk2ts said...

koooonin, wesper wed wengs talaga? diba mas maganda yung those days? hehe

im glad that in my own little way, napapatawa kita...:)

Myk2ts said...

fjordz, welcome back... naku ganun siguro talaga pag highblood tayo. ang kulang lang naman talaga sa bansa natin eh SISTEMA at DIDIPLINA. pag nakabili na ang pamahalaan nun, tiyak uunlad na tayo...

check ko yung posts mo aabout BDO and terminal :)

Jay said...

wahahha.
natawa ako.
3 extra rice terraces.
hahahha
.keep safe myk:)

Roland said...

tanggap naman ba sa job na ina-applayan? hehe. dapat siguro nung nasa taft kana, nag-taxi ka na lang. at least walang hazard at "fresh" ka pang haharap sa imi-meet mo.

MAY said...

tama. kaya nga di makaunlad unlad ang pinas,dahil wala tayong disiplina.. pero dig this, pag naman isinabak sa ibang bansa ang mga pinoy sobrang bait namn natin,marunong naman tayo sumunod.ewan ko ba kun ano ang nasa pinas at pag nandito tayo e nagttransformers tayo. hehe :p uy, excited na ko sa bagong bihis ng site mo.. abangan ko yan.. hehe

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy