Showing posts with label pasasalamat. Show all posts
Showing posts with label pasasalamat. Show all posts

06 January, 2009

'09

yeah, new year. new life. new haircut. i bet you guys wore something red last 31st? ako? nagpaputok ng kuwitis at sinturon ni judas. sabi kasi suwerte. but no matter how many belts we try to light up this year, it's what we do that makes us lucky. pero meron nga bang suwerte? meron nga rin bang malas?

looking back, 2008 has been very challenging for me. para rin sa sambayanang Pilipino. pumanaw ang kaibigan ko, ganun din si Daboy at Marky. tumaas ng sobra ang presyo ng alak, este ng bigas at gasolina. napromote ako. lumubog ang barko. nakapag travel kami nila mama sa SG at KL, naghiwalay si Dingdong at Karylle, at kung anu't ano pa. but still, God made me realize that there is a lot more reasons for me to be happy.

2009 is a brand new year for us. parang bagong sapatos. yung amoy kahon pa. makinis ang swelas, makintab. walang galos. it's up to us when are we going to wear it and where we will go. we can choose the bumpy road, pwede rin yung me aspalto. depende saatin kung pano natin palalawigin ang paglalakbay natin sa dadating na taon, ang importante ay kasama natin Siya. and everything will be allright.

i have thoughts on changing some of my habits this year. like loosing weight, quitting on smoking, and all that jazz. but since thoughts lang naman yun, wala lang. naisip ko lang.

hehe.

but whatever we do, let's just remember that what we choose is who we are. so let's all stay real and stay happy.

cheers!
myk2ts r2r.png

13 December, 2008

Untitled

after almost a month of hiding and hibernating in Forks, here i am. trying to make a comeback. parang si Pia Moran lang na nag comeback pero wala na ulit. mas maganda atang ihalintulad sa aking pagbabalik ang pagbabalik showbiz ni Lyka Ugarte.

sabado ngayon. matapos kong kumain ay plano ko maglaba. madami na kasi. wala naman akong labandera dahil ako mismo ang labandera sa bahay. masarap kasi tignan ang paikot-ikot na damit sa washing machine. habang patuloy na nagkakabuhol-buhol ang mga damit, halo-halong saloobin ang nalulunod sa aking kaisipan kasama ng Ariel Oxybleach.

sa katanungan ng marami, hindi dahil sa pag-ibig ang dahilan ng aking pansamantalang pananahimik. hindi lang siguro kinaya ng isang diwatang tulad ko ang mga bagay na kailangan gawin sa world ng mga mortal.

limang beses ko pinanood yung Twilight. adik na nga daw ako sabi ni Fjordz. para kasi saakin, the movie showcased how love can intervene into a two different persona. tao sa bampira. lalaki sa lalaki. aso sa pusa. bata sa matanda.

napansin nyo ba yung flag ng pinas dun sa pelikula? naku sige panuorin mo uli. sa cafeteria. nung pinakikilala isa-isa kay Bella ang mga Cullens.

speaking of which, congrats nga pala sa pagkapanalo ni Pacman. iba talaga ang kamao ng pinoy. may lambing sa bawat suntok. saludo ang isangkilongbigas sa iyo Manny!

lubusan ding nakikiramay ang inyong lingkod sa lahat ng naulila ni Marky Cielo. anupaman ang dahilan ng kung anu ang kinamatay ng aktor, ipaubaya na lang natin sa pamilya ang kapayapaan ng kaisipan at wag na sanang intrigahin pa. in ngayon ang turtle neck kaya walang pakelamanan.

ang sarap dumaldal. marami pa akong itatalak. sa ngayon, hayaan mo muna akong magpasalamat sa iyo sa pagunawa at pag tanggap.

mabuhay kayong lahat!
myk2ts r2r.png

23 October, 2008

Simple Lang.. One Line Is Enough

pero kulang ang isang linya para kay ron2ron! salamat ng napakarami. isa kang dakilang kaibigan. hindi matatawaran ang iyong galing at katha. nakakaloka. tatanawin ko itong utang na loob ng bonggang bongga!

sa mga naiinip, malapit ng ilabas ang "Pagkikita ng mga Dyobos" patawad mga kaibigan ko at kailangan ng matinding dugo at pawis para dun. :)

ready na ang mga tokens at magkakantahan na tayo :)

Ron2Ron,

...salamats :)

myk2ts r2r.png

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy