Showing posts with label pagbati. Show all posts
Showing posts with label pagbati. Show all posts

23 February, 2009

Anay

Feb 22, 2009
cute ng araw na ito, linggo kasi nuon ng umaga. puro pukpok at tunog ng grinder ang maririnig sa kabahayan. inanay yung kisame kaya si mama, pinabaklas ang kawawang pagkain ng mga insekto at pinapalitan ng bakal ang dating kahoy na masarap sa panlasa ng mga nilalang na kulay puti at parang bigas.

habang nagkukuwentuhan at nanonood ng MiB II eh napaakyat si papa. matagal. akala namin ay natulog na. biglang bumaba at nakangiti. hawak ang cellphone at nagsabi:

papa: nagtext si kat.
mama: anung sabi?
papa:binati tayo, happy anniversary daw.
ako: *awkward
mama:*nagulat talaga? di happy anniversary!
papa:*natawa happy anniversary!
ako: hay, bakit di kayo mag pagulong gulong at mag tatakbo sa damuhan para mas sweet!
mama: tagaytay tayo?
ako: kayo nalang, mahirap na, yoko ma-ispoil ang date nyo... uyyyy

at nagkataong nakalimutan nila pareho ang anniv nila. cute lang kasi hindi kami sanay ng ganitong usapan masyado. hindi ganun ka open ang mga sweetnothings kila mama at papa, nakakatuwa lang na naging comedy pa ang dating saming tatlo kasama pa ng dalawang trabahador na kunwari ay patay-malisya pero halatang nakikinig at nagpipigil ng kanikanilang tawa.

birthday din pala ni Ced ngayon. natext ko na rin sya. kitakits sa 7th sabi ko.

di ko nagawa ito kahapon, magulo sa bahay, ginagawa ang kisame, baka malaglagan ng anay ang PC ko.
myk2ts r2r.png

13 December, 2008

Untitled

after almost a month of hiding and hibernating in Forks, here i am. trying to make a comeback. parang si Pia Moran lang na nag comeback pero wala na ulit. mas maganda atang ihalintulad sa aking pagbabalik ang pagbabalik showbiz ni Lyka Ugarte.

sabado ngayon. matapos kong kumain ay plano ko maglaba. madami na kasi. wala naman akong labandera dahil ako mismo ang labandera sa bahay. masarap kasi tignan ang paikot-ikot na damit sa washing machine. habang patuloy na nagkakabuhol-buhol ang mga damit, halo-halong saloobin ang nalulunod sa aking kaisipan kasama ng Ariel Oxybleach.

sa katanungan ng marami, hindi dahil sa pag-ibig ang dahilan ng aking pansamantalang pananahimik. hindi lang siguro kinaya ng isang diwatang tulad ko ang mga bagay na kailangan gawin sa world ng mga mortal.

limang beses ko pinanood yung Twilight. adik na nga daw ako sabi ni Fjordz. para kasi saakin, the movie showcased how love can intervene into a two different persona. tao sa bampira. lalaki sa lalaki. aso sa pusa. bata sa matanda.

napansin nyo ba yung flag ng pinas dun sa pelikula? naku sige panuorin mo uli. sa cafeteria. nung pinakikilala isa-isa kay Bella ang mga Cullens.

speaking of which, congrats nga pala sa pagkapanalo ni Pacman. iba talaga ang kamao ng pinoy. may lambing sa bawat suntok. saludo ang isangkilongbigas sa iyo Manny!

lubusan ding nakikiramay ang inyong lingkod sa lahat ng naulila ni Marky Cielo. anupaman ang dahilan ng kung anu ang kinamatay ng aktor, ipaubaya na lang natin sa pamilya ang kapayapaan ng kaisipan at wag na sanang intrigahin pa. in ngayon ang turtle neck kaya walang pakelamanan.

ang sarap dumaldal. marami pa akong itatalak. sa ngayon, hayaan mo muna akong magpasalamat sa iyo sa pagunawa at pag tanggap.

mabuhay kayong lahat!
myk2ts r2r.png

10 October, 2008

Pagbati

happy birthday,

M O M M Y!



habangbuhay akong magpapasalamat sa Kanya dahil ikaw ang napili Niya para magpalaki saakin. mahal na mahal kita.

--Myk2ts

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy