alas singko na ng hapon at kauuwi ko palang galing sa trabaho. minsan napapaisip ako sa haba ng biyahe ko kung patuloy ba akong magtatrabaho sa lupain ng Pilipinas o hahanap at sasabak nanaman sa ibayong dagat.naranasan ko na ito. hindi madali magtrabaho sa ibang bansa. hindi madali ang makahanap. sangdamukal na luha at pagod at kung anu-anu pang paikot-ikot ang kailangang daanan para kumita ng pera. plus, idagdag pa ang mapalayo ka sa iyong pamilya. kapalit ng dolyar at snow ang makapiling ang iyong mga magulang at anak? parang hindi worth it. pero kailangang tiisin. mahirap kumita ng pera. mahirap bumuhay ng pamilya. mahirap ang maka-survive.
nasabi ko noon na there is no place like home. tama. wala talagang tatalo sa bansa nating ito. bagaman magulo at mahirap, hindi kaila na ito ang nagbibigay gana saakin upang magsikap ng husto. trapik man at mainit, wala mang sistema at ang panahon ay masungit, hindi ko ito ipagpapalit.
pero kapag dumating na sa punto na alam mo sa sarili mo na kulang ang kinikita mo sa pagod ng katawan mo? di ka ba masisilaw sa amoy ng berdeng salapi? marahil ay oo. hindi ako nagsasalita lamang para sa sarili ko, para ito sa milyun-milyong pilipino na umaalis patungo sa ibayong dagat upang kumita, magkaroon ng matinong buhay, makatakas sa kahirapan. pano nga kaya dadating ang araw na hindi na natin kailangang lumisan para lang guminhawa ang buhay? nagtatanong lang naman ako...
sana magkaroon din ng kasagutan no?
*salamat mark para sa larawan.




6 Pakelamera:
mahirap ang buhay sa ibayong dagat. mahirap kaseng malayo sa pamilya. pero kung hinihingi ng pagkakataon, wala tayong magagawa kundi tiisin ang pangungulila upang maisalba ang mga mahal natin sa buhay.
hindi masamang UMASA na isang araw ay bubuti din ang sistema ng ating bansa. Ngunit habang naghihintay hindi rin masama na PAGBUTIHIN MUNA NATIN ANG SARILI NATING BUHAY.
Madaming dapat isaalang-alang kung gusto mong mangibang bansa. At kung hindi kaya ng loob mo na malayo sa pamilya... pinapayuhan kitang huwag na lang.
mag a abroad ka uli???
why not kung may magandang offer abroad.
true, theres no place like home,
yun nga lang, gutom!!! joke!
wow.tough tough decision...iba talaga ang pinas.
ako balak ko talgang umalis...pero matagl pa yun.
i wish you well.
dati, malakas ang loob ko sabihing hindi talaga ako mangingibang bansa para magtrabaho. Ayaw ko kasi talaga doon. Ngayon, medyo may doubt na. Baka ako mangibang bansa. Pero di pa naman sure. Hindi ko rin kasi talaga alam. Basta. Ewan basta gusto ko munang makalayo sa lugar na to na sobrnag nakakapressure.
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Azel: siguro tama ka, mas kailangan tayo ng bansa natin, kailangan nalang siguro nating pagbutihin at makuntento sa kung anu ang meron saatin. hmmm sige na nga, baka di na ko umalis.
:)
Roland: nakakamiss naman ang mga bakas mo, kailan ka ulit uuwi ng pilipinas?
Lucas: wag muna ngayon, siguro pag ready na tayong lahat, kailangan pa tayo ng Pilipinas :)
Fjordan: konting lamig, tingin ko magiging okay din yan, ganun talaga buhay, you need to release at mag unwind para naman di ka mapressure :)
nakikisimpatya... matagal ko na rin itinatanong sa sarili ko yan, at mejo matagal ko na ring hinhintay ang kasagutan... :)
hope to be friends with you.. i am always reading ur blog, nkakatuwa! IDOL!! :p
Post a Comment