mahirap kasi kapag meron kang sinasabi sa lipunan. masyadong nakakapressure yung mga bagay na dapat mong gawin. lahat ng kilos mo ay de numero. nababantayan ng lahat ng tao. hindi ko gusto yung ideya na sa tuwing maglalakad ako, nakamasid ang miron. parang bawal magkamali. hindi puwede ang matapilok.
sa mundo ng pagsusulat, alam kong wala akong sinasabi. pero ang nakakatuwa ay marami ang nakaririnig ng gusto kong sabihin. madalas sabihin ng iba na mas masaya kung sa harapan ang usapan. minsan kasi nadadaan sa tono. sa pasakalye. sa palabok.
minsan may oras na gusto ko sumigaw. idaan sa tinta ang lahat ng gusto kong sabihin. idiin sa papel para malaman ng tao ang lalim ng sugat na pwedeng idulot ng aking panulat. magtasa ng magtasa ng magtasa hanggang tumulis. bumaon sa balat ng pantay at makinis na papel ang mga salitang gusto kong ipahayag sa aking sarili.
pero sa mga panahong ako'y hapis, madalas kong sariwain ang mga halakhak ng kahapon. mga palakpak ng tao noon. ang papuri ng mga nilalang na natutunan mong hangaan at tingalain. tama. masakit nga ang maging bahagi ng nakaraan. ang talikuran. ang kalimutan.
ang kasikatan ay hindi permanente pero hindi din panandalian. habang nandyan, pagyamanin at angkinin. ipagmalaki at ibahagi. isabog ang punla ng kabaitan upang umani ng sagana.
hindi ko alam kung ano ang ibig kong iparating. basta nalamang lumalabas sa aking isip ang mga salitang aking tinitipa sa mga sandaling ito. bawat titik. maraming ulit ko ng binura pero hindi mahinto. magulo. pero alam ko, totoo.

3 Pakelamera:
deviance is not bad as long as you know hindi ka nakakasakit ng ibang tao or their rights...
do what you want, live you life. but just make sure you know where to stop!
naks.. bakit parang may emo?
sarap basahin gusto kong maintindihan pero masyadong deep yung tagalog mo :D pero maganda to from what i can understand ... pero i don't know kung paano napasok ang palabok diyan! ... lol
Post a Comment