22 March, 2009

17 v.s. 24

noong labing pitong taong gulang palang ako...

highschool palang ako nun, dealing with lots of puberty shit. wala naman akong masyadong issues and all. plain. boring. walang exitement. medyo melodramatic pero masaya in times. im trying hard to be matured. feeling ko nasa tamang edad na ko, na pwede na kong magpayo sa mga taong may problema at parang lahat ng sasabihin ko ay may punto. may bearing. parang noon, makagawa lang ako ng tama, nadadagdagan na yung edad ko. basehan na yun para saakin ng pagkatao ng isang tao.

bahay-eskuwela-bahay lang ang routine. walang lakad ang puwede kong puntahan hangga't hindi ako pinapayagan ng nanay. may hatid sundo saakin. ako nga lang yata ang senior na naka service. dun ako unang nagkulay ng buhok. uso. sinuot ko uli ang nakatagong retainers. nauso kasi ulit. nangolekta ako ng mga posters, mga songmags, mga casette tapes (mahal pa CDs nun) at lahat lahat pa ng pwedeng memorabilia ng backstreet boys, anggun, the moffatts, mel c, jewel, nsync at manaka-nakang boybands at guy groups doon at dito.

nauso din ang mga proms, date, crushes, relationships at kung anu anu pa, sex lessons, importance ng condom, pagbubuntis ng maaga at sa kung ano ang tingin ng lipunan sa dalagang nabubuntis bigla bigla. mga out-of-town, camping, group study, overnight inuman at mga biglaang sleep over kasi ginabi na at hindi na makauwi sa sobrang alcohol sa katawan.

sa edad ding ito madalas magkaroon ng imbalance sa mga hormones ng tao. ewan ko kung totoo. ayoko ng iresearch, basta hula ko lang. kung pag uusapan ang libido, lapis at papel lang ang kailangan mo para tanungin lahat ng taong nasa ganitong edad kung nalilibugan ba siya sa oras na ito o hindi. marahil puro dalawang titik lang ang ititipa mo sa listahan at hindi yun N at O

pero nung edad kong ito, hindi ako namulat sa kung anu man ang totoong pag-ibig. marami akong naging crush. pinag pantasyahan. pinag rausan ng libog. oo tao ako. kagaya ng lahat na dumaan sa ganitong edad. pero masuwerte ba ako o malas dahil hindi ako nakaramdam ng pagibig at kasawian sa larangan ng relasyon sa edad na ito?

dahil ngayon,

im a twentyfour-year-older dealing with a seventeen-year-oldish type of love.

badtrip. sana nung seventeen nalang ako para pwede akong magkamali. mag mukhang tanga, magwala, mag iiyak at mag dadabog, mag pahaba ng buhok at wag maglalabas ng kuwarto.

kesa ngayon.

pathetic.
myk2ts r2r.png

4 Pakelamera:

Kosa said...

grow up myk2ts..hehehe
peace!!

kaya mo yan!
nalampasan mo na yung level na yun kaya hindi mo na pwedeng balikan... pwede siguro pero maglaslas ka muna ng leeg..hehe joke lang..
pero totoo yun..
nxt level na yan kaya masmahirap na.

Kosa said...

pasensya na sa comment ko... erase mo nalang kung di mo nagustuhan... seryoso pala yung post mo...
pasensya na po!
tao lang..

Dear Hiraya said...

i guess wala namang specific time pagdating sa love. or kung puppy love man yan, o kung anuman, baka nga tama ka.

pero maski nasa anong edad ka man, may karapatan ka pa ring magdadadabog at kung ano pa man ang ibigin mong gawin kasi you're crazy over someone. i-secret mo na lang! hehehe para hindi masyadong makita ng iba wahahaha! peace men!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Myk2ts said...

kosa: salamat sa makahulugang comment. i appreciate it.

fjordz:
i guess you are right, mas mabuting itago ko nalang kesa makita pa ng iba at hindi maintindihan. mas masakit makarinig ng hindi magandang reaksyon sa panahong ganito. sigh, thanks fjordz, tama ka, salamat sa payo. susundin ko un. :)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy