sa mga nagdaang panahon, naisip ko ang mga bagay sa ating bansa, palaging delayed.
ang tren, delayed.
ang resulta ng botohan, delayed.
yung kapitbahay naming si Kasandra, delayed.
yung pagbubukas ng NAIA terminal 3, delayed.
mga pulis, delayed.
yung reply ng crush ko sa text ko, delayed.
yung IISA PA LAMANG, delayed.
ang nakakalungkot lang, minsan kailangan pang may masaktan o magwala upang magkaroon ng pag-usad at pag aksyon ang mga kinauukulan.
sanay na ako sa kalakaran dito sa mundo. partikiular na sa Pilipinas. kung susuriin, lahat lahat ng Pilipinong humihinga sa bawat minuto, nais magreklamo. nais ng pagbabago. nais ng pag asenso.
pero walang may gustong kumilos.
tulad ninyo, ganun din ako. nakakapagod din kasi ang ipagpatuloy ang isang bagay na ikaw lang ang naniniwalang magkakaroon ng pagbabago. wala kang katulong sa pagtuklas at pag gawa ng isang natatanging aksyon para sa ikababago at ikalalago ng ating sinilangang rehiyon.
ang tren, delayed.
ang resulta ng botohan, delayed.
yung kapitbahay naming si Kasandra, delayed.
yung pagbubukas ng NAIA terminal 3, delayed.
mga pulis, delayed.
yung reply ng crush ko sa text ko, delayed.
yung IISA PA LAMANG, delayed.
ang nakakalungkot lang, minsan kailangan pang may masaktan o magwala upang magkaroon ng pag-usad at pag aksyon ang mga kinauukulan.
sanay na ako sa kalakaran dito sa mundo. partikiular na sa Pilipinas. kung susuriin, lahat lahat ng Pilipinong humihinga sa bawat minuto, nais magreklamo. nais ng pagbabago. nais ng pag asenso.
pero walang may gustong kumilos.
tulad ninyo, ganun din ako. nakakapagod din kasi ang ipagpatuloy ang isang bagay na ikaw lang ang naniniwalang magkakaroon ng pagbabago. wala kang katulong sa pagtuklas at pag gawa ng isang natatanging aksyon para sa ikababago at ikalalago ng ating sinilangang rehiyon.
hindi kita masisisi kung umiihi ka parin sa pader.
hindi kita masisisi kung nagtatapon ka parin ng tae mo sa ilog pasig.
hindi kita masisisi kung bakit panghoholdap parin ang paburito mong gawin.
hindi kita masisisi kung kotong parin ang sagot sa kumakalam na tiyan.
hindi kita masisisi kung nagtatapon ka parin ng tae mo sa ilog pasig.
hindi kita masisisi kung bakit panghoholdap parin ang paburito mong gawin.
hindi kita masisisi kung kotong parin ang sagot sa kumakalam na tiyan.
minsan naisip ko na ang pagbabago. sumubok akong gumawa ng tama at namuhay ng patas. pero ang masaklap, nililibak ang mga pumipila ng maayos. inuunahan ang sumusunod sa batas trapiko. nasisingitan ang dumadaan sa tamang proseso.
ngayon, ang tanong ko, ang bansa ba natin ang talagang wala ng pagasa o tayong mismong mga Pilipino?




34 Pakelamera:
walang masama na sumunod sa tama at sa dapat... at least kung awayin ka, nasa katuwiran ka.
bad, i know, but hey, andito pa rin tayo sa Pilipinas. pag nagsawa ka, pwedeng mangibang bansa.
lol... angsaya.. dikogets kung ito ba ay nakakatawa o sadyang may galit ka lang talaga sa gobyerno.. hehehe see you around kosa;]
huwaw!! isa ito sa mga pinakagusto kong entry mo.. o siguro ito ang peyborit ko so far.. hahaha
so nationalistic pero totoo naman kasi talaga..
ganito.. wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa... kasama mo ako.. may kasama ka! hahahaha
seryoso, problema kasi talga ng mga Pilipino ang sarili nila. Yun lang yun.
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Hahah, ang kulets.. geez tagal ko na di nakadalaw sa blog na ito, i have to fixx my bookmarks na XD
Have a ncie day!
syet! ang serious naman ng akda mo tsong! napabalikwas ako don ah! pero at least hindi ako tinamaan.
gusto ko ring umasenso ang ating bansa, pero sadly ayaw yata ng iba nating mga kababayan ng pagbabago at pag asenso.
kaya ako, heto nagibang bansa na lang hoping na yung perang pinapadala namin sa pinas eh at least makatulong sa ating naghihingalong ekonomiya.
hay...
ibalik si myktots sa senado!
bow.
te, miss na kita...
malapit na ko bumalik... hayyy...
ktuwa naman mga pinopost mo...
ngaun ko lang nabasa lahat...
ingat lage teh...
tinamaan ko ng bonggang bongga sa post.
"pero hindi ako umiihi sa pader."
hahaha ang galing. puro delayed ba? this reminded me of my friends na ako kinukunsulta pag delayed mga GFs nila haha.
Basta ito lang ang masasabi ko marz... kaya ako delayed dahil mahirap mag jogging ng naka high heels hahaha
"hindi kita masisisi kung bakit panghoholdap parin ang paburito mong gawin." - dapat mag Internet Cafe Agent na lang sya noh... hehehe
hindi aco masyadong nakikialam sa mga politics matter. . pero since may tanong na ganyan eh sasagot na rin aco. . balewala ang bansa kung wala tayo. . parang ganito, paano mo tatawaging Pilipinas 'to kung wala namang mga Pilipino? hindi tayo nagkakaroon ng pag asa dahil ito na yung nakasanayan nating pamumuhay. . ang gulo diba? aco din naguluhan. . sabi sayo wala talaga acong paki alam. . kita mo na wala acong alam:D
tayong mga pilipino. wala namang kinalamn ang bansa eh. ang may kinalaman ay ang mga taong nakatira sa bansa... apir!
:)
may pag-asa pa... i hope. people just need to take the initiative to do better...
hhehheheh!! ayus! pambenta tong article na toh... Sana lumabas toh Manila Bulletin.... :)
gillboard: i did try to go abroad pero iba pa rin dito talaga sa atin. ang nakakahinayang lang is bakit hindi mabagobago ang sistema ng buhay ng mga pinoy saatin...
kosa:hindi naman ako galit sa gobyerno. ang kinaiinis ko ay ang sistemang pinatutupad nito.
fjordz: salamat naman at alam kong may kasama ako sa hangaring ito. mahirap makibaka ng nag-iisa. para kang nakipag tug-of-war laban sa isangdaan at magisa ka lang.
dazedblu: onga eh, maligayang pagbabalik sa munti kong blagag:) dalaw ka ulit ha?
kunejo: mabuhay ka! kayo ang mga katulong sa pagsalba sa ating bansa. salamat sa pakikibaka para sa ikauunlad ng pilipinas...
parang nagiging katunog ko na si andres bonifacio ah?
stan: ahahaha ako ren, ayoko umihi sa pader. kelan ka ba talaga babalik? aba sem break na ha? ingat palage and hihintayin ko ang pagbangon mo... marami ka pang dudurugen :)
koonin: hahaha naku m.d. ka na den ba? ikaw na ang ginagawang lawyer ikaw pa ang doctor? hehe :)
khim: ahahaha ikaw na ang nagjojogging ng naka takong! kalowka yon... tinalo mo si lalohan!
haha advice ko nga sakanila mag agent detergent nalang :)
paperdoll:tama ka isa lang ang maysala nito kundi tayong mga pilipino. tayo rin naman kasi ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang pilipinas eh
josh:i agree...siguro nga hindi tama na sisihin pa ang kung anuano. dapat simulan na ang pagkilos at pagbabago :)
ron: right! sana soon. at sana sabay sabay nating maisip yun :)
krizzie: hahaha baka sa tiktik lang ito ilabas pag nagkataon :) salamat sa pagdaan :)
sa tingin ko mahirap talaga ang maging Pilipino. Pero masarap mamuhay dito sa Pilipinas. Madaming beses din akong na-aamaze sa ugali natin. Pansinin mo naman ang mga Pilipino sa ibang bansa. Magaling dumiskarte, at disiplinado. Tapos pag balik dito sa Pinas, parang transformer lang ang dating. Nagtataka nga din ako kun ano meron dito sa bansa natin at bakit parang hindi tayo umuunlad dito. Siguro dahil sadyang marami kami na ang nasa isip ay, "Walang bawal, basta't gawin mo ng tama.." hehehe...
gobyerno.. gobyerno..gobyerno...
yan ang dahilan kung bakit delayed halos lahat exceptsa pagkadelayed ng kapit bahay nyong si kasandrakasi fault nya yun! hahahaha
Just like what I posted, a society that tolerates a corrupt government is as corrupt as the whole system.
What we need is a social change. A revolutionary one, one that will change everything, including all of its institutions.
There is still hope for the Philippines dude, as long as there still exists people like us. People who know the wrong things, and who are very much willing to fight for what is right.
Apathy continues to kill most of the our generation now, but I must say, blogs like yours persist to influence. I used to write like that, but ever since I got busy and got eaten up by the capitalist system, my world became as mechanical as it is right now.
It all starts with education, btw. But I guess the more urgent issue now is the attitude towards things. And how the youth gets more numb about our issues.
: ) just an opinion.
malalim na yata talaga ang oinag-ugatan kung bakit ganun nalang ang iba nating kababayan.
ewan ba. nakakahiya. pero we should not feel na nakakahiya nga. magulo?ako man, di ko maintindihan yung sinabi ko.
pero siguro isipin nalang natin yung mga positive traits ng mga Pilipino na hinahangaan pa din ng mundo.
siguro kung ang bawat Pilipino lang, may kanya-kanyang paraan para baguhin ang bansa natin, makakaya natin. pero hanggat nananatiling bulag, pipi at manhid si Juan, hindi mangyayari yun.
pano sila magigising? baka kelangan ulit ng Magelan na sasakop sa bansa para matutong lumaban.
pano ma titino? baka kelangan si Mayor Duterte ng davao para maging presidente ng Pilipinas para patay agad ang mga sira ulo.
pero May DIyos naman e, nandyan lang sa paligid natin.
sana sapat na yun para mabago tayong lahat...
sorry myk, isang entry na ata ang comment ko. haha. :)
miss ko na kayu nila yeine at bloom..
:)
nhuhuli ako hahaha mare mare help hahaha ang galing ng mga sinabi mu padelayed ako sasabhin ko sau bwahaha joke lang. nsa blogger ako kaya lang mukhang tanga ung site hehehe pag d ka busy help mo aku ha :) misu
may: tama ka jan, marami poa rin tayong traits na masasabi kong saya naman at pinoy tayo :)
ron: ikaw ata dahilan nung kay kasandra. hehe biro lang. tama ka jan. kurakot na gobyerno talaga ang may sala
bogs: im with you. it really needs massive changes. wholistic. a revolutionary one para maipagpatuloy natin ang buhay pilipino na matiwasay at maunlad.
i have to think na may pag-asa pa to keep me going. nakakalumo na kasi minsan. kahit bigyan mo ng edukasyon ang bawat isa, parang hindi pa rin sapat hanggang di nababago ang sistema.
salamat sa pakikialam :)
jay: miss ka na rin namion nila bloom at yeine. sana okay na kayo.
sa sinabi mo, naisip ko na kahit ano pang approach ang gawin sa atin, parang hindi pa rin sapat. kaya hnaggang ngayon naguguluhan ako kung sino ba ang dapat unahin, kung saan dapat simulan...
salaamt nalang kay God at patuloy tayong nagagabayan at naliliwanagan.
salamat sa pakikialam :)
yeinie: anu meron? sige sige text ka lang pag online ka at pag free ako ill help you out. i miss you na sobra
Post a Comment