bakit may mga pagkakataong isinasampal sayo ng pagkakataon ang katotohanan na wala kang katuwang sa buhay. pilit ibinabandera sa harapan mo na mag-isa ka. na wala kang kapartner sa laro ng buhay. single.
alam ko na ang ihihirit mo. oo iba ang pamilya. iba rin ang mga kaibigan. labas sila sa aspetong ito.
masarap isiping hindi ako matatakot sa araw ng mga patay. may kasama ako sa tuwing aalulong ang aso ng aming kapitbahay. hindi ko kailangang umihi ng nag-iisa. may katabi ako sa panonood ng mga nakakatakot na palabas. may magpapaalala saakin na ang mga kaluluwa ay mananatili sa ating mundo, ngunit hindi ko kailangan mangamba dahil sasamahan nya ako.
sa tuwing sasapit ang kaarawan ko, nais ko sanang siya ang unang babati sa akin. paplanuhin kung saan kami kakain. maglalakad ng walang sawa hanggang dalhin kami ng aming mga paa sa isang lugar na kung saan makakasama namin ang isa't-isa ng malaya. walang humpay na kuwentuhan. tawanan. palitan ng mga salita.
kung dadating naman ang pasko, gusto ko na pagtapos ng selebrasyon ng aming pamilya, may makakausap ako tungkol sa aming pinagdaanan sa nakalipas na mga panahon. katuwang na magpaplano sa kung anu pang bagay ang nais naming gawin. lugar na nais naming marating. mga taong nais naming makilala at mg kaalamang nais naming tuklasin ng magkasama.
kasabay ng paghihiwalay ng taon, may aalalay saakin sa pagpapaputok ng labintador. makiki-ihip sa aking torotot. tatawag at aaya saakin na pumasok sa loob ng bahay upang makaiwas sa makapal na usok at ligaw na bala. kapalitan ng kuro-kuro sa nakalipas na taon at kung anung bagay pa ang nais naming mabago sa taong dadating. may katulong ako sa pagsinop ng mga palamuting ginamit sa nakaraang selebrasyon. kasama kong mangangarap ng masasaya at mapupunyaging bagay sa bagong taong haharapin naming magkatuwang sa buhay.
hindi na kami mangangamba na mauubusan kami ng lugar na pupuntahan. sa panahon na ito, lahat ng mag sing-irog ay naguunahan sa pinakaromantikong lugar na maaring pagdaluhan ng kanilang pagmamahalan. pero sabay naming iisipin na kahit saang lugar man kami mapadpad, magiging espesyal ang bawat eksena basta't kami'y magkasama.
sa totoo lang, masarap ang buhay mag-isa. walang obligasyon. walang dapat panagutan at panindigan. malaya.
pero sa bawat oras ng kalayaang aking tinatamasa. hungkag ang aking puso na labis na nauuhaw sa pagtingin. sa pag-unawa. sa pag-intindi. sa pagmamahal.
hindi ng aking pamilya. busog ako sa pagmamahal nila. ganun din ng aking mga kaibigan...
...ng isang taong mag-aalay ng buong pusong pagtitiwala at pagtingin na hindi natutumbasan ng kahit anu pang materyal na bagay.

23 Pakelamera:
i felt that too..before nung nasa bacolod pa yung gf ko still studying while i was already assigned to work here in cebu.. nakakamiss nga.. but it's good that we are in each other's arms now..naks! haha
love will see you through again...
just be patient. take your sweet, sweet time...=)
don't be in a hurry. darating yun.
Sa ngayun the best thing to do is to be as independent as you could para pag pumasok ka sa isaing relationship, dika lalamunin ng ralasyun o ng taung makakatuwang mo. You should learn how to celebrate your being SINGLE, it's a bliss I tell you. You should be more afraid of being empty on your own kasi it means you are not at peace with yourself.......masyado ba seryoso.? peace.
naku, huwag kang mag alala, hidni ka nag iisa... may tinatayo ng support group, apply ka na lang din. hahaha! biro lang
tamang-tamang ung label mo... sigh moments.. hehehe. oks lang yan. ikaw na din ang nagsabi. masarap maging single. hahaha. ;0
sabi nga nila: "loneliness lurks where crowds gather..."
kung kelan ka malaya at kung kelan ka masaya, dun makikita ang kalungkutan.
masrap maging single pero iba pa rin ang saya lalo na kapag you're involved in a "healthy" relationship, yung may kasama ka to "grow mutually" together and be hopeful for the future :)
peaceout!
---
off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out :)
http://kundiman.net/ekwentomo-entries/
Kumadre!!! alam ko yang feeling na yan!! dahil ganyan din ako dati bago dumating si Bebeboo... mga tipong pa lakad lakad sa mall ngingiti ngiting mag isa at nag eemote habang ini imagine na sana may kasamang special someone habang nag mamalling hahaha...
Don't worrie marz ipapanalangin natin yan kay Saint Mariah Carey na sana pa ulanan ka na rin ng bonggang bonggang mga unicorn, hello kitty at butterfly...
dadating yun magtiwala ka lang... pag narinig mu na ang 8 octaves ni Saint Mariah yun na yun!!! grab na kagad hehehe
ron: nakaboto na ko, 5 tears pa!
tama ka minsan kahit anung lakas ng tawa ko, pag magisa ako, naiisip ko na nakakasawa na ang buhay single. hay. emo emo emo na ko :p
khimmo: hay im glad at magpapadala si st maraiah. sa totoo lang nagwoworry ako kay jabum, ikaw muna bahala sa kanya mars. hay. mga tao talaga
ka bute: hahaha nibabawi ko na, HINDI MASAYA ANG SINGLE. haha
ewik: talaga? pano ba magpamember jan, nako smp nanaman :(
salingpusa: that's a nice thought. it made me realize that i shudnt depend my happiness to others. but then again, it's a different kind of "emptiness" i do enjoy my life alone tho. may mga time lang talaga na my being "alone" haunts me.
lance: thanks po. im glad that you are happy now. thanks for reminding me that i should take my time. pero nakakainep na haha
sa inyong anim. SALAMAT NG MARAMI.
(RONNAN,RON,EWIK,SALINGPUSA,LANCE AT KA BUTE)
SALAMAT MUNA, di ko pa kayo maililibre:) la pa sweldo :) haha
hay...isnag single na katulad mo..nakibasa..hehe.
wow thanks! pero baka mainvalid yun kasi 5 tears! hehehe! 3 lang ang max. hehehe!
emo kana rin??? hehehe!
peace out!
Marz!! My God! na trauma din ako sa mga pangyayari!!! hindi ko kinaya talaga.. alam mo bang nanginginog din ako pag punta ko sa hospital akala ko anu ng nangyari sa kanilang dalawa ni Nino at Crom...
Muntik na akung na himatay nung nakikita kong tinatahi ang ulo ni Crom!!!
Grabe talaga!!! gusto ko sanang magpa presscon. at maka pag release ng statement:
"In my Heart I have chosen to forgive Nadia Montenegro - La greta"
Tipong ganun lang na statement marz!
(pahid nang luha)..sniff..sniff..
nakakaemo naman tong post mo mare.. di bale.. ipagdadasal ko na sana makasalubong mo na ang taong magbibigay liwanag sa iyung buhay..
pero sa ngayun.. habang wala pa..mag enjoy ka na lang muna girl..ok lang yan.. laban lang bakla!!manalig ka!!
joshmarie, awaw, mabuhay ang mga single! :) salamat sa pagdalaw
nakikiEMO na ren ako ron, haha nako hindi maiinvalid yun, nagpakalat na ren ako ng text messages sa ibang blogger para bumoto na:) salamat sa pagdaan
khim: nakakaloka nga, naawa ako sa dalawa, kelangan maitumba ang mga walang pusong gumawa noon. tinawagan ko na si gob, mapupulbos sila ni ESENG ng TONDO! :)
JAMINA: nakikinig na nga ako sa kanta ni Laarni eh, malapit... naaaaaaaa! labas na lalamunan ko kaka birit wala pa sha :(
mare, ayos lang yan. mlungkot nga rin minsan pero ganun tlga, its a time for u, or i must say for us na malaman, where do we really want to go, o what are the things na gusto talaga namin, its a time for self-growth. wag ka mainip, someone thinks of u before he sleeps at night believe me :)
TRUE LOVE? mahirap maghanap niyan. Lalo pa yung mamahalin mo at mamahalin ka rin. Sabe nga nila minsan lang dumarating sa buhay yan... hindi ako naniniwala. ilang beses darating yan, iba-ibang tao... nasa sayo kung tatanggapin mo ba sila o hindi. Minsan kasi ang isang taong nakaranas na ng sakit eh nagiging pihikan at natatakot na magmahal muli dahil natatakot na masaktan.
Post a Comment