10 November, 2008

Relax

there's a lot of things going on now and i know i should learn how to deal with every effing things around. i think my own guiding principle in life is not serving me right that's why it's time to change the way i am.

if only i could.

sa sobrang kaguluhan ng aking kaisipan nitong mga nakaraang araw, naisip namin ni She na magrelax. alas sais ng umaga kami lumabas ng opisina kaya naman tumambay muna kami sa paboritong kapihan ng bayan. kuwentuhan hanggang umabot sa oras ng bukasan ng mall.

siyempre inuna muna namin ang footspa. medyo susyal ang lugar kaya demure ang lola. di puwede magkuwentuhan kasi medyo solemn ang ek ek ng lugar. maayos ang serbisyo, nakaka relax ang lugar. in short, panalo!

at dahil inantok kami pareho matapos ang breath-taking footspa na iyon, kumain kami sa Almon Marina. ganun talaga dapat pag inaantok. kumakain.

tapos sumunod na ang facial.

alam nyo naman na siguro ang nangyayari sa facial session kaya di ko na ikukuwento. nakatulog din naman kasi ako sa proseso ng pag kayas ng mukha ko kaya yun, wala akong malay tao.

umulan na kaya naisip na naming umuwi. sayang naman at maalikabukan lang ang mga paa at mukha namin kung mag iikot pa kami.

dun na nagsimula ang kamalasan namin.

umuulan na diba? so nagmamadali na kaming makasakay sa van. maputik at mabaho ang talsik kaya di naiwasang ma terrorize ang mga paa namin. pag dating sa terminal, isang karag na FX ang dumating. dahil parang pila ng NFA ang pila para sa sakayan, kinagat na namin. sa gitna kami ng FX sumakay at sa di inaasahang pagkakataon, dambuhalang manyak pa ang nakatabi ni She. syempre, tumatalak ang lola mo. kunwari tulog pa ang teknik ng gago! pahipo hipo na pala ang loko.

sa sobrang inis namin, bumaba kami kahit hindi pa kami dapat bumaba. naisip ko na humanap na lang ng ibang masasakyan kesa magkarambulan pa. kaya naman tayo kami sa mausok na highway habang umuulan at nag antay ng ibang jeep na masasakyan.

o diba? what a nice way to end your suppose to be "relaxation" day.

asar!

6 Pakelamera:

lucas said...

tsk tsk... asar nga yun! naimagine ko tuloy yung eksena sa FX...ano ngyari?

pero a least nakapagrelax kau khit papano :)

hindi pa ako nakaranas ng kahit spa sa buong buhay ko. hehehe!

*FRUITSHAKE* said...

di bale mga mare... magaganda namn kau khit na-alikabukan kayu at na terrorized mga bagu niong footspa na mga paa... keri lng yan! hehhehe!!!

Myk2ts said...

ron: ayun uminit ulo ni she, panay ang bunggo at tingin nya ng masama sa lalaki. ayoko naman na mapahamak pa kami pareho kasi mukhang mga goons ang kasama kaya bumaba na kami.

onga eh. baligtad nga lang. relax bago haggard :)

try mo minsan. the best! :)

she :) said...

ahahaha.. kilala mo ko bakla.. hahaha... kainez kc mga ganung klase ng tao.. nakakapang init ng ulo.. ang sakit sa bangs... ahahaha... happy thoughts na lang! haaaaayyyyyyy.....

Dear Hiraya said...

ika nga nila, pagkatapos ng uber relaxing moment, kailangan mo maexperience ang uber stressful moment.. yun na nga yung na experience nyo/... tsk tsk..

at least di ba.. ang saya ng pagpapafoot spa and facial ninyo.. nabinyagan kagad hehehe..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

paperdoll said...

ano nga ba naman ang gagawin pag nagpafacial? lol

ang ganda na ng umpisa. natapos sa nakakaimbyernang araw. . sayang footspa sa mukha. . hehe

@she- nabiktima ka rin pala ng mga makakating burat na yan neng. . buti na lang may powerful kang dila. .

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy