07 August, 2008

Audition Galore

para mas dramatic, play mo lang, kung ayaw mo naman, di wag...



7:40 ng umaga.

nagising ako hindi sa tunog ng alarm ko kundi sa banayad na haplos ng mga paa ng ipis sa aking binti. titili na sana ako ng maalala ko na me mga kasama pala ako sa kwarto. nakakahiya. sa sobrang kabuwisitan ko, hinanap ko ang mayuming ipis para pasalamatan narin siya dahil ng tignan ko ang cellphone ko, eh nakasilent mode. di kundi dahil sa kanya, purnada na ang audition ko.

7:46 umaga pa rin.

kakatapos ko lang makipag usap kay God. nag pasalamat ako sa isang araw na sisimulan ko ngayon. nanghingi na rin ako ng guidance, wisdom, at pamasahe. biro lang syempre. matapos ko i-on ang heater. naligo na ako. nag shampoo, sabon, conditioner at nag shave... ng bigote. hihihi.

8:10 tanghali na to sa mama ko.

mabuti na lang at mabilis ako mamalantsa at magbihis. pagkatapos ko mag lagay ng false eyelashes at check-eye, kinulot ko na ang buhok ko at nag blower ng bangs. ayan. isputing na isputing na ako. pwedeng pwede na. ready na kung baga.

9:15 exagg naman kung sasabihin kong hapon na.

nasa Bradell station na ko. nag aabang ng train. sabi sa monitor, yung train daw papunta ng Marina Bay ay dadating sa loob ng 2 minutes.

9:17 whoa! hindi late ang train.


hindi ako umupo kahit na maluwag. sanay kasi ako sa mrt sa pinas. yung tipong kailangan mo makipag sagupaan sa mga taong sasalubungin ka papasok sa loob. helloe? pwede naman palabasin muna yung nasa loob bago pumasok diba?. habang nag eemote ako sa loob ng train na aabutin ng 30 minutes na byahe, pinakinggan ko yung kantang ito (yung pinapa-play ko kanina kung gusto mo ng drama effect.) marami akong naisip. tulad ng buhay ko dito sa Singapore. kung anu ba ang buhay ko kung sakaling hindi ako nakipagsapalaran dito. kung kamusta na kaya sila mama, ate at mga pamangkin ko. kung gumigimik pa ba yung mga bff's ko sa pinas. kung ano ang mangyayari sa audition ko. kung ano kaya ang ulam ko mamaya.

9:40 20minutes bago ang call time. thanks LVN sa training on how to be professional.

ng marating ko yung building ng kumpanyang pag aauditionan ko, syempre dumaan ako sa mga security measures. nag iwan ako ng i.d., may manaka nakang tanungan portion sa mga guard. yung isa tinanong ako kung ano daw ba ang meryendang ibebenta ko. nagpapareserve ng lumpiang toge at maruya.

ako: squeeeze me??

at pagdating ko sa lobby. pinaupo ako ng balingkinitang receptionist. medyo hawig siya kay Sanchai. tapos kaboses ni Cher. pero matindi ang Chinese accent nya. nagkaintindihan naman kami matapos ko itanong ng apat na ulit yung instructions nya.

Sanchai look-a-like: plisidawnenweyfoweiwei.shiwibehiinamome
ako: ?(inamo? minura akooooh?)yes?
Sanchai look-a-like:
plisidawnenweyfoweiwei.shiwibehiinamome
ako: pardon?
Sanchai look-a-like: plisidawnenweyfoweiwei.shiwibehiinamome
ako: sorry?
Sanchai look-a-like: plisidawnenweyfoweiwei.shiwibehiinamome (inis na ng konti)
ako: aahh arite! thanks! (amputa!)

*please sit down and wait for Wei Wei, She will be here in a moment

yun naman pala ang nais sabihin ng chekwa. akala ko naman minura na ako. todo smile naman sya ng maintindihan ko yung sinabi nya after 4 times. para lang syang nag tounge-twister.

10:20 hmmmf ano na ang "inamome" (in a moment) ni Wei Wei? tagal.


pinapasok nya ako sa isang cubicle at doon naganap ang audition. tinanong nya ako kung anong masasabi ko sa buong 3 years ko sa showbiz. talak talak naman ako about how i started, kung ano ano ang mga roles na ginampanan ko, mga awards na nakuha ko at kung anik anik pa. kinumusta din nya ang mga leading man ko at kung paano ako makipagtrabaho sa kanila. kung may kuntrata ba daw ako sa Star Cinema o pwede akong gumawa ng pelikula sa iba. kung pwede daw ba ako sa drama, comedy, horror, action o host ng noontime show. syempre nagpakitang gilas ako at kung ano-anong kemedu ang pinag gagawa at pinag sasasabi ko.

mukha naman agree sya at natuwa sa sagot ko kahit may mga pagkakataon na nag bubuckle ako sa mga dinideliver kong lines. sabi nya tatawagan daw nila ako within two weeks kung successful ang audition.

10:55 clueless naman ako dun.

"am i in? or out?" itatanong ko sana. kaso baka duraan ako sa mukha kaya tumahimik na lang ako. di ko alam kung ano ang verdict. kung ano ang hatol ng sambayanan. kung ano ang boto ng publiko. sa kalituhan ko, tinawagan ko ang isa ko pang kaibigan na pasok na sa kumpanyang ito.

nasanay din kasi ako saatin na one day process. yung pag gusto ka nila, paghihintayin ka mula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon para sa 2nd interview. syempre hindi ka makakain sa pag aanticipate. tapos mga 9 ng gabi yung job offer. dava? ambilis? perfect!

sabi naman ni Mayora, ganun daw talaga dito. minsan inaabot ng months bago ka tawagan at sabihing pasok ka sa casting. na may role ka. pero subjected parin yung approval kay direk (MINISTRY OF MANPOWER) minsan kahit pasok ka na sa producer, kapag di pumayag si direk, ligwak ang career mo. mahirap naman kumuha ng manager dahil sa unang limang buwang talent fee mo, sakanila lahat. hindi uso ang one day application. mag shoshortlist muna sila ng mga applicants, then kapag outstanding ang audition mo, star ka!

nakahinga naman ako ng maluwag ng sinabi nya na wag akong mag alala dahil ganun talaga ang hiring process dito. hindi katulad ng saatin jan. sabi pa ni Mayora, ganun in yung naging experience nya.

11:40 tanghali na nga.

pagkatapos ko mag retouch at pumirma sa mangilan-ngilan na nagpapaauthograph, dumirecho na ko sa mrt station. umaasa na magkakaroon na ako ng big break sa bansang ito. matutupad na ang panalangin ko. mag kakaroon na ako ng exposure dito. with my faith and courage, alam ko makukuha ko na ito. well, sana. alam ko naman na ipagdadasal ako ng mga Vilmanians, Sharonians, Noranians at Lot-Lot and friends fans club.
"seek and you shall find, ask and you will be given, knock and the door will be opened"

11 Pakelamera:

Gracey said...

huwaw. artist pala ang dram mo. :)
hehe,,
blog hop lang! daan ka rin sa bahay kO!

Jhamy whoops! said...

@myk2ts

sosyalan ang lola mo star of the the century ka ba jan gerl?? hahahaha!! paautograph!!!!!

Anonymous said...

ay
ay
ay
ay


artista????


totoo ba yan??/
hehehehe///lol/

Savage Heart said...

Marz! sana sinabi mo sa ipis na yan na:

Isa kang ipis na kapag umaagapay sa kalabaw ay nadudurog pag na aapakan!!! hahahaha

Myk2ts said...

@ WINKII, JHAM, STAN,

hindi po artista. artistahin lang.

anuber.

audition kuno lang. job interview ko po yun kahapon. wish me luck :)

Savage Heart said...

Marz!

tama ka dyan iha! solid ang lotlot and friends na yan!!! subok ko na yan!!

Isama mo pa ang Marimarian!!! hahahaha

Becki: H'wag kang mag alala Sarah dahil makikita din natin ang liwanag - PRINCESS SARAH

lagi mung isipin ang mga linyang itoh marz!!! epektib itoh!! nasubukan ko na rin yan...

miss yah!!

di ko kinaya ang pag boblower ng bangs!!! na E.R. akow hahaha

TENTAY™ said...

Mare panalo ka talga. hahahahha natawa ko don sa chekwa kahit ako naloka. hahahahaha. super goodluck myk2tsss!! kapag okay ka na, isama mo kami jan ni She at ni jam ha? pls pls? bukas luluhod ang mga tala!

she said...

alam mo ba mare na yang kantang yan ay naging national anthem ko?

good luck marce!!!! :)

jericho said...

sana maalala mo kami kapag sikat ka na. hehe. goodluck sa trabaho. sana walang emote si "direk". ;)

Mico Lauron said...

hwag makakalimot sa mga pwends sa blogosphere.. hehehe!


goodluck my pwen... chak! :)

Ehjayculate said...

lmao sana makuha mo ang award winning role! ... ahaha :D

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy