dahil excited ako sa mini-reunion ng kadenang bulaklak, ipapakilala ko muna ang mga bida ng istorya...nakakaloka naman ang eksena ng aking sisteret. maraming maraming pera tong "babaeng" to kaya naman hindi ako sanay na naglalaba sya! gumamit pa ng bareta! i can imagine how he cried out loud ng biglang magshower ng biyaya si typhoon Lawin. after sacrificing his favorite telenovela, mababasa lang pala ng luha ng bagyo ang kanyang labada! ending: imbyerna! thick literal and thin sana nga ang eksena namin nitong hacienderong to. ikaw na ang padalhan ng pera ni Don Manolo linggo-linggo habang sumusweldo ng mas malaki pa sa senador, ewan ko na lang! kaya naman shopping kung shopping kami nito sa Dividend Mall! kiver na sa Balenciagas at Blahniks dahil sa size Zero nyang figure, tatambling lahat ng designers! pati si Pitoy Moreno, susuko! hindi ko kinaya ng minsang magkita kami sa taft station ng bonggang MRT. pati guardia naloka dahil akala niya ay naglalakad sa istasyon si Imelda! ikaw na ang mag skinny jeans at blouse with matching tiil at bonggang tote bag! na may mga diamantes pa! taray diba?
kagaya naman ng isa kung kumareng ito na sobrang active ng tearglands. sa kanya yata pinaglihi si Judy Anne at parang dumudura lang ng laway ang mga mata nyan sa oras na maging mushy ang eksena. hindi ko kinakaya ang mga bangs nyang naloloka ren sa kanya! eksena ang gupit ng mahal kong kumare! naalala ko tuloy nung isang beses na kumanta sya sa bar! timbuwang lahat! pati si Rhianna na threaten! with matching dance-kiyeme ang lola. magaling na magaling. aba nama'y hindi pa nakakaupo sa upuan eh sandamakmak na ang nagpa-authograph! instant star! syempre eksena na ako na mala-stage mom at kinulekta ang mga calling cards ng mga recording companies na nag uunahan sa kanya. itatapat daw sya kay Aiza. kaso nagback-out din dahil masyadong maga ang eyebags kakaiyak. ewan ko ba! sa sobrang kahiligan sa macho! eherrrrm :)
ang merlat na ito ang may ari ng mansiyon na venue ng reunion. mga 6 bedrooms at 9 na toilets lang naman ang balur. ano ito? hotel? at dinaig pa ang pantasya kong bahay na mala polly-pocket! ibang klase tong kumare kong ito na pinaglihi sa driver ng bumbero dahil akala mo laging may sunog kung magmaneho. tinry ko nga isali sa Sta. Ana, baka manalo! naalala ko tuloy ng minsang kamuntikan na kaming mabangga sa SLEX kakahabol sa hondang blue. mabuti naman at nahimasmasan kami ng makitang sulit naman pala ang pag harurot dahil ending, boylet-next-lane-buti-hindi-tinted ang eksena! panalo! kahit maubos ang gasolina namin kahahabol sa mokong na papunta pa atang Quezon, go lang ng go!anu nga kaya ang ganap sa aming muling pagkikita? may sampalan kaya? iyakan? tawanan?
malamang may kainan. hmmm...
exciting!




11 Pakelamera:
hehehe mare sarap talaga mgkita kita after ng mejo matagl na hindi pagkikita (hahaha nu ba yung pangungusap ko parang ang panget at paulit-ulit) keri n yan hehe lablab mare enjoy kaw huh ingat jau at WAG MAGTEXT HABANG NAGDADRIVE GRRR.
haha kita kita kita. labshu mare, kita kita din tayong apat nila bloom at jay ha? penge tuta!!!!
hehehe ang mga tuta at tuta pa hehehe hntayin ang sunod n pnganganak mare hahaha di n ku nkareply wala n pala ako load bwahahaha sory mare meme ka na hehehe
ako din excited na! :) bakla ka ng taon sa pagdescribe mo sakin! ahahahaha... i really miss the fabfour! :) eeksena din daw pala si mike.
awww. excited rin ako para senyo.. friends are forever talaga! :)
yeine, pramis mare penge ha :) lab lab
she, naloka ka ba mare? ikaw na ang kumanta ng Rhianna haha
bloom, awww thanks, tayo den dapat mag reunion ah? si jay busy ata kay jara! hehe
cute na surname... parang basketball player!!! haha... tol laro tau.
roland, haha basketball talaga? naku di ako marunong! uhmmm pick up sticks? :p
pwede bang sumama sa adrenaline rush boy hunting? parang drug race pero walang drugs :)
Post a Comment