naalala ko nung ako ay estudyante pa lamang. maaga ako dapat gumising para mag-ayos. mabagal daw kasi ako kumilos. sabi ng mama ko, madalas, mas marami pa akong paikot-ikot. aksaya sa oras. kaya kung 7:00 ang pasok ko, kailangan, mga 5:00 gising na ako.
kahit na nung nagtatrabaho na ko, madalas kulang ang tulog ko. malayo kasi ang Cavite sa Ortigas, so kailangan mag laan ng 3 hours sa byahe. minsan dalawang oras lang pag walang trapik sa baclaran. kaya kumusta naman diba? di bale ng kulang ang tulog ko.
anu pa ba ang pinakamasarap na motivation sa trabaho o sa eskuwelahan kapag pumasok ka ng bangag, hilo, antok, gutom, tigang, o kaya e may LBM?
uwian.
log-out.
end of shit... este shift.
krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrng! (okay, tunog ng bell sa school para di naman korni)
sa nakararami, ang pag-uwi ay nangangahulugan ng pagkatalo o pagsuko. di ba kapag may kaaway tayo at medyo nabugbog ng kaunti, diretso ang uwi para magsumbong, magpalit ng damit at magdala ng baril para gumanti o di kaya ay magtago.
madalas ko marinig sa tuksuhan ang "uwi ka na!" kapag medyo tagilid na ang kalaban. ayun, ang talunan, mangingilid na ang luha at maglalakad na pabalik sa kanyang bahay. isang pag-amin sa kanyang pagkatalo.
pero hindi ako ganun.
napakasarap para sa akin ang pakiramdam ng uuwi ka na. kahit mainit, umuulan, at trapik pa yan, ok lang. may ngiti sa labi. may galak sa puso. may lukso ng dugo. madalas nga akong tanungin ng mga kaibigan ko kung ano bang meron sa bahay namin. palagi kasi akong excited umuwi. laging nagmamadali. parang laging may taksing waiting.
kaya naman nagagalak ako ng bonggang bongga dahil sa lunes, UUWI NA AKO!
hindi ko alam kung babalik pa ako DITO.
pero ang alam ko, sa aking pagbalik sa lugar na kung saan, marami ang natutunan ko, HANDA na ako.
salamat sa kutson at unan na nakaniig ko sa magdamag sa loob ng dalawang buwan. hindi man makapal ang kutson, may init na kumakapit sa tuwing dadapa, tatagilid at titihaya ako sa gabi. hindi man malambot ang unan, naghatid ito ng wagas na ligaya sa tuwing dadantayan at aakapin ko ito sa magdamag. syempre, hello din sa kumot na kulay dilaw. wala lang. salamat sa pag-akap sa gabing maginaw.
salamat sa kusina na nagsilbing paborito kong lugar ng bahay na aking tinuluyan. hindi lang dahil sa literal na kahulugan. madalas kasi ako nakakapag-isip at nagmumunimuni habang nagliligpit ng pinagkainan.
salamat sa laptop na aking naging kaibigan sa hirap at ginhawa. paano nalang kaya ako kung wala ka?
at salamat sa mga kaibigan at kamag-anak na walang tigil na sumuporta. sa mga nanlibre sa Sentosa. sa mga nautangan ko ng pambili ng tasa. mabuhay! mabuhay!
at sa pagkakataong makilala ko Siya. ang pinakamagandang nangyari sa akin dito. ang pinakamasaya. ang pinakamahalaga.
maraming nagsasabi na karanasan ang magpapatibay at magtuturo sa atin kung pano lumaban sa hamon ng buhay, at yun din ang magtuturo sa atin kung pano ang tamang paghalik at pagyakap sa katotohanan na maari tayong manalo o matalo sa mga bagay na ating pinaghandaang laban.
at isa ito sa mga karanasang hindi ko malilimutan.

14 Pakelamera:
so, so, so... ibig sabihin ba neto ay uuwi ka na ulit dito sa tin sa pinas? or may ibang tinutukoy ka? ehehehe... ako din, gustung-gusto ko ang salitang "uwian na"... lalo na yun tipong 5 mins na lang end na ng shift mo, naka-after call nako nun.. hahaha... :)
mangengealam na naman:
pwede namang umuwi na panalo e. diba panalo ka kapag umuwi ka na dahil natapos mo na naman ang isang araw sa trabaho?
tama ang sabi ni gary v... babalik ka rin!!!
panalo man o talo, ok lang yun... pamilya mo yung babalikan mo... ganun talaga sa buhay... walang permanente... u have to keep on moving.. but of course, it should be for the better.
i wish you all the best in your homecoming... sali ka sa season 3 auditions ng pbb.
opo may, uwi na muna ako ng pinas to contemplate. take things slowly and reflect on what's really important.
ako nga 15 min more pa, naka not-ready-training na :) hay lagot ako lagi sa rc :)
boying, alam mo may foint ka :) tama ka kaibigan. panalo nga naman umuwi at natapos ang magdamag na trabaho (para sa mga night shift)
tapos may adobo at kaning lamig. burp!
roland,
salamat sa wish mo. i wish matupad yun at i pray na ganun din ang sayo. sana maging happy na lahat :)
im going home to take things slowly, i must admit, nagpadalos-dalos ako sa pagdedecide. uuwi muna ako para magrecharge. para sa pagbalik ko, fooom! ready na ako :)
try ko sumali jan sa pbb, naku ikaw una kong babatiin pag nagkataon :)
oh my gulay uuwi na ang mare ko waaaaaaa kelan kelan ulit hehehe teka teka paghahandaan ng cavite ang pagbabalik mu mare hehehe ang paghasik ng kagandhan mu mula dasma hanggang talaba waaaa naexcite aku taena teka teka haha sa octber huh malapit n iyun pasundo tau kay carrey ni bloom sa baclaran hahaha mwah love u mare!
hahaha.. grabe, 15mins??? lol! :)
wow!!! pabalik ka na pala uli dito.. astig, dami nyo nagsisiuwian ng pinas ah.. talaga sigurong nakakahome sick.. there's no place like home! :) cheers.. good luck sa pag-uwi mo :)
uuwi ka naaaaaaaaaaa!
omgggggggggggggggggggggggggggg! magovernyt na tayo ng 3 yrs kina yeiiiiiiiniiiie! hahahahaha!
yeine,
mare, dito na ko airfortness, kainess excess baggage ang mader! dami ko kasing dalang bato galing sentosa haha
may,
salamat, tama ka, there's no place like home talaga mare. hay iba talaga ang pinas. namimiss ko na ang amoy ng tinapa :)
bloom,
mareeeee omg nga eh, sige extend natin ng mga 2 years pa, dun sa kubo sa likod-bahay :)
Gaya mo, lagi ko rin inaasam ang pag-uwi. Sa sobrang attached ko sa bahay, hindi ako makalayo ng napakatagal dito.
hey wow kakainggit you are! :D ... sana nandiyan ka pa sa december .. haha! :D
Post a Comment