15 August, 2008

Kung Bakit Sumama Pa Ako Sa 3-Day Camp

basahin ang unang kabanata dito

8am daw yung call-time sa school. dapat, maaga kami dahil sa tagaytay pa yung camp house. alas singko pa lang ng umaga, ready na ako. lahat, okay na at nakalagay na sa bag kong pang limang araw ata ang laman. mahirap na. malamig. dapat maraming bitbit na fur jacket.

nagtext si Nes. dadaanan daw nila ako dito sa bahay. hintayin ko na daw sila at malapit na sila. sabi ko wag na at nakakhiya. pero imbes na cellphone ko ang tumunog, yung busina ng auto nila sa tapat ng gate ang narinig ko. sabi ko, taray! instant?!

di naman OA tong story para bumaba si Bryan sa auto at alalayan ako sumakay. so yun na nga, sumakay ako sa likod ng sasakyan at habang daan, panay ang kwentuhan ng magkapatid. tungkol sa kanilang nanay, tatay, kay tito, sa mga tauhan ng pagawaan nila ng embutido at tocino... ako naman, pasweet lang sa likod. excited? hindi masyado. medyo lang. yung mas matindi ng konti sa medyo.

pagdating sa bus, syempre kanya kanyang grupo na. mas gusto ko maupo sa dulo dahil malayo sa mga teachers sa unahan. malaya akong makakadaldal ng hindi mag aalala kung naiingayan ba yung natutulog na driver. hindi pa masyadong uso ang ipod nuon kaya mga walk-man at cd player pa lang ang bitbit ng mga conyotik na students. yung iba, mas trip ang old school. mas gusto parin ang baraha at snakes and ladders. yung pocket version. ako naman, chika lang sa mga classmates ko. tamang kwentuhan lang ng mga kung ano-ano.

sa camphouse ko na ulit nakita si Bry. kausap nya yung mga barkada nya. dahil ang tamis tamis ko naman, hinayaan ko na muna, dumeretcho na ako sa hall at nag simula na ang orientation. nagbigay na ang mga teachers ng house rules:

*bawal ang kahit anong alak, sigarilyo at droga.
*bawal ang baraha, tong-its, pusoy, pekwa, sabong at mahjong.
*bawal ang manira ng gamit sa camp, mag vandal at maglaro ng apoy. baka makasunog.
*7am ang breakfast. ang mahuli, okay lang kasi may snacks pag 9am. lights off naman ng 10 ng gabi.
*ang room ng mga babae ay sa 2nd floor at ang mga lalaki naman ay sa attic.
*bawal mag takbuhan sa attic dahil maririnig ang yabag sa 2nd floor.
*bawal ang cellphone, camera, walk-man at cd player, fhm at playboy magazines
*yada yada yada...


akala ko bawal din huminga at kumain. pagkatapos masettle ang lahat, umakyat na kami sa room at nagsimula mag prepare para sa meryenda. malaki ang attic. maaliwalas. puro foam na nakahilera sa sahig na may mga unan at kumot. unahan sa pag pili ng pwesto kaya dumiretcho na ko sa dulong bahagi. sa may dingding. pagkakain ng meryenda, nagsimula na ang mga kung anik anik na activities.

dahil huling gabi na, di na kami required gumising ng maaga. kanya kanya na kaming kuwentuhan at tawanan. hindi ko masyadong nakausap si Bry sa halos dalawang araw at kalahati na magkakasama kami. may sarili siyang mga kagrupo, ganun din naman ako. so after ng dinner, pwede na daw kami mag gala gala sa camp, basta wag lang maingay at magulo.

i chose to stay sa room. ayoko ng gumala. time for my beauty regimen. kailangang mag rest para sa pagbaba ng maynila. hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos ng nakaraang gabi dahil sa orchestra ng mga naghihilik. may pagka spooky rin kasi yung bahay. parang yung sa Texas Chainsaw Massacre. di naman nagtagal at umakyat na rin ang mga bagets. mga bagong ligo! amoy Jhonson's Baby Powder!

lumapit si Bry. nagtanong. bakit daw hindi ako sumama sa paglilibot nila sa camp. sabi ko ayoko. madilim. nakakatakot. tsaka malamok. mahamog. dami asungot, sana ba kung dalawa lang tayo. arte ko naman daw. babae? sanggol? bawal sa hamog? pero binawi rin. joke lang daw. nagtanong ulit. pwede daw ba sya dun matulog sa katabing foam na hinihigan ko. SURENESS! GUSTO MO KAHIT SA HIGAAN KO PA MISMO! di daw sya makatulog sa pwesto nya. sabi ko bakit. pa sweet mode lang... sabi nya wala, di wag. dalaga? mayumi? makipot? sabi ko okay, ayaw ipahalatang excited. sabi nya, hindi nga? pleasee... dont worry i'll be gentle. kung pwede daw kasi malakas mag hilik yung katabi nya. sabi ko, oo naman. sure! lika na! come to momma!

nananaginip lang ba ako o nag iilusyon? totoo nga bang nililipat nya yung mga kumot at unan nya sa katabi ng hinihigan ko? ayay! mabuti na lang at ako lang ang bektas sa batch na yun. ako lang ang bongga! ako lang ang reyna!




tulog na lahat maliban sa aming dalawa. nakasarapan namin ang magkwentuhan ng kung ano ano habang kumakain ng V-cut. for the first time, parang sarap na sarap ako sa chichiryang ni minsan hindi ko nagustuhan ang lasa. perfect ang paligid. parang ang romantic. bigla akong nalungkot. dahil alam kong ako lang ang nag iilusyon na romantic nga ang paligid. na ako lang ang nagiilusyon na pwede. na kami.

bababa lang daw sya para uminom. ayos. makakatakas na ako. magtutulug-tulugan na lang ako pagdating nya at ng matapos na itong kahibangan ko. para hindi na rin lumalim to. alam ko naman na hindi pwede. na mali. na masasaktan lang ako.

"eto na tubig mo, matutulog ka na ba?"

anak naman ng kanong supot! habang iniiwasan mo, lalo kang tinutukso.

"uy, uminom ka muna bago matulog. sige ka, badbreath ka pagkagising..."

1...
2...
3...
4...


hay, oo na. sige na. di ko na kaya. talo na ako. suko na.

nagpasalamat ako. matulog na nga raw kami kasi baka tanghaliin kami ng gising. baka hindi kami makapag almusal. pahirapan pa ang banyo. unahan sa pagligo.

hindi pa ako nahihimbing sa pagtulog ng bigla akong dantayan at yakapin ni Bry. naalala ko yung kwento ng ate nya noon. ganun nga daw matulog ito mula pagkabata. asus naman BINATA na sya ngayon. at DALAGA ako. nakakahiya. ano na lang ang sasabihin ng mga tao?

magkatapat ang mga mukha namin. magkadikit din ang mga katawan. magkayakap kami. pinagmasdan kong mabuti ang kanyang himbing na mukha. maamo. i swear, i can stay staring at his face till forever. inisip ko, kakabisaduhin ko na ang bawat detalye ng mukhang yon. bawat linya. bawat sulok. bawat marka. amoy na amoy ko ang kanyang hininga. nanunuoot sa aking kaloob looban. kahit manlang sa kanyang pagtulog, maging akin sya. kahit manlang sa ganoong paraan.

pinagmasdan ko ang kanyang mga matang nakapikit. ang kanyang mga labi. ang matangos na ilong. ang kanyang makinis na braso at matipunong dibdib. ang maaliwalas sa paningin nyang hubog. ang kabuuan ng katawang nababalot ng damit pantulog. ang kanyang mga paa na kay sarap akapin. ang kanyang kabuuan. ang kanyang pagkatao.

kinapa ko ang aking damdamin. inalam ko ang aking pakiramdam. alam kong sa sitwasyong iyon, pwedeng may mangyari. pero hindi. wala. hindi ko kaya. basta sa mga oras na yon, alam ko, alipin nya ako. nagmamahal. umiibig.


hanggang sa naiyak na lang ako. naawa ako sa sarili ko. dahil alam ko na sa unang pagkakataong umibig ako, isa akong bigo.


kailangan ko pang hintayin na siya ay makatulog para lang mayakap ko.

tama na. nakapagpasya na ako kung ano ang gagawin.


humiwalay ako sa kanyang pagkakayakap at tumalikod.

23 Pakelamera:

Bloom said...

:( nasad akoooo. hay shet. pero naging happy rin ako. tsk naman eeeh. happy ako na sad na happy na sad.. ako nalang ihug mo! hahahaha. *hug hug*

Jhamy whoops! said...

waaaaaaaaaaa!!!myk2ts hindi ko kinaya itoo!!!! *hinimatay*


gravacious ka!! sana ninakawan mo man lang ng isang halik! hahahaha!!

ayus ka talaga magkwento gerl.. damang dama ko!!!

she said...

nakakatuwa naman ang pagkwento mo mare.. *kilig*

:) :) :)

pchi said...

mykts

pwede ka nang nobelista ng mga istorya tungkol sa lab

ang kyut... feel na feel ko din

ang pakiwari ko sinadya niya talagang tabihan ka

asus... nako bulok na istayl

pero di ko malaman, naguguluhan ako sa inyong dalawa

malalalaman natin sa takdang panahon

Myk2ts said...

@BLOOM
haha ikaw na nga lang hug ko. ganda ng dare you to move mo!

awe-inspiring!

Myk2ts said...

@JHAMMY
hindi ko nanakawan mare. ewan ko ba at dahil sa kaartehan ko, nagilusyon ako na ako ang ninanakawan ng halik. tas nalungkot. ayun ending, tumalikod :)

Myk2ts said...

@SHE
diba mare, parang Mr. Kupido lang ni Bubuy Garovillo

panalo

wanderingcommuter said...

pucha. tumatawa na kao ng malakas eh tapos may pag luha pala sa ending. hahaha!

but it was a nice post...
kudos!

Myk2ts said...

@pchi

hay mare, mahirap talaga umasa at iinterpret ang mga nangyari. sabi ng iba, bakit sya tatabi saakin ng walang dahilan? sabi ko naman bakit nga ba? alam ko na sa sarili ko ang sagot. wala. walang dahilan. isa lang yun sa mga gestures nya sa mga malalapit sa kanya. atleast, di man nya ako mahal, alam ko na malapit ako sakanya. kahit yun lang solb na ko. :)

Myk2ts said...

@wanderingcommuter,

tenchu tenchu.

iba ang pakiramdam ng maapreciate ng isang tulad mo. bow.

medyo sad nga ang story. pinasaya ko nalang sa mga kakulitan ko. nakakalungkot kasi ang kabiguang yun. hay

Anonymous said...

naku sbi na :( sabi na malulungkot ako.kakaxad wala ako mxabi. babasahin ko n lang ulit. bkit gnun noh. the only thing that makes u happy is the same thing that makes u sad, and worst than that miserable. ako din payakap na lang :} free hug everyone free hug :}

Myk2ts said...

aww yeine

tama ka. but we have to do what is right. kahit masaktan tayo.

hugs.

freehugs.
aww :)

Myk2ts said...

aww yeine

tama ka. but we have to do what is right. kahit masaktan tayo.

hugs.

freehugs.
aww :)

Anonymous said...

meron akong eksena na ganyan! tagaytay din teh!
kaya lang iba nangyare...
secret munaa...

kwento ko soon sa blog ko.
hahahahhaha....

ayos... naiyak na ko...
whaahahahahah...


ganda lang din eh...

Bloom said...

huhuhuhuhU! akooooo. kelangan ko ng huuuuuuuug! :( waaaaah. myyyyk2ts.... yeeeeeeiniiiie.. waaaaah! *iyak* sad ako todaaaay! tsk naman eeeeh.

Myk2ts said...

stan,
talaga? sige aabangan ko yan. naku heavy cryer ang experience ko na to. hindi ko prin makalimutan till now.

agree ako jan.
ganda lang.
ching!

Myk2ts said...

@bloom,
hugs.
bakit mare? nu prublema?

TENTAY™ said...

mare ano naman yan. bakit hindi mo pa nilubos ang oportunity? mare, sana okay ka lang. namiss ko to blog mo. at mamimiss ko din lalo,,, mejo mwawala muna ako... ingat palagi mare..

Anonymous said...

mare hug daw xi bloom tara hahaha bugbugin sa hug xi bloom haha :)bloom aus lang yan wala ka magagawa sa taong duwag db marE? hehehe..ingat kau pareho daan lang ako :) isa kaung dalawa ni bloom sa mga kaibgan kong sobrang deserving mging happy.totoo yan kaya free hug ulit free hug!!!

Myk2ts said...

tentay,

mare, nanaig ang puso kesa puson.
at masaya ako sa ginawa kong desisyon. at least okay kami pareho:)

sad naman ako dun but ill respect your decision. do the things that can make you feel okay. we will wait for you,

pero kung ako tatanungin mo,
AYOKO KASI MATABANG NA ANG BLOG KO PAG WALANG TENTAY PATIS. AYOKO NG RUFINA AT MAMASITA. IBA ANG LINAMNAM NG TENTAY

Myk2ts said...

YEINE,

freehugs*

katouch naman. salamat sa wish na yun. lahat naman tayo axuli, we deserve to be happy.

hay. im glad to know you guys. kahit ym sumusuko saatin. kalowka :)

Roland said...

haha, totoo ba ito? ... nakapagpigil? ... nakaya mo? ...joking.

nag-enjoy ako sa pagbabasa.

Myk2ts said...

roland,

oo nakapagpigil naman ako, haha. salamat at nag enjoy ka :)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy