17 August, 2008

Giyera Patani

may mga pagkakataon na hindi pa man tapos ang laban, iniisip kong liamado na ako. kayabangan man ang tawag dun, pero malaking tulong yun sa bawat taong humaharap sa giyera ng buhay. kung minsan, kapag walang naniniwala sayo, kapag wala kang kakampi at wala kang kasama, walang ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo. sino pa ba ang aasahan mong magdadala ng pompoms at mag chicheer sayo? di ikaw rin mismo diba?

hindi ako mabilis sumuko. kung sa patibayan na lang, may ilalaban naman ako. kahit minsan alam kong dehado ang kakayanan ko, gagawa ako ng paraan para manalo. hindi para sa sarili ko kundi para sa mga taong umaasa at sumusuporta sa bawat pakikipagtunggali ko.

"there are times that i think im a failure. after all, i aint got no reason to cheer. life is not easy, i know. and the more i convince myself that everything is fine, things are getting worse"

magaling nga siguro akong magtago ng sariling emosyon dahil kung hindi tayo lubusang magkakilala at sasabihin ko sayong malungkot ako, tiyak pagtatawanan mo lang ako. aasahan kong hindi ka maniniwala. maiintindihan ko, kasi kahit ako mismo, naitatago ko sa sarili ko ang mga kalungkutan ko.

pero sa mga pagkakataong tahimik at nag iisa ako. dun dumadaloy ang dugo galing sa tama ng bala ng pagkatalo. kahit anong pahid. kahit anong tapal, sumusulak ang katotohanang nangangailangan din ako ng pansin. ng tulong. ng pag-intindi.

"i need to value all the memories and hardships of being far from my comfort zone. "

masarap sa pakiramdam ang nakakapagpasaya ka ng kaibigan. nakakatulong sa pamilya. nakakapagpangiti ng kasama. nagdadala ng ligaya. hindi ko kailanman ipagpapalit ang lasa ng pakiramdam ng mga yun kesa sa timpla ng kahit anong materyal na bagay.

kahit minsan tinatanong ko ang aking sarili, ako kaya? kelan kaya may magpapatawa at magpapangiti saakin?

hindi ko alam kung kailan pero alam kong meron.
hindi ko alam kung sino.
lalong hindi ko alam kung ano.

basta hindi ako dapat matakot dahil sa laban kong ito, alam ko na matibay at malakas ang sandata ko. Siya ang kalasag ko. kailangan ko lang lakasan ang kapit at tibayan ang tiwala na Siya ang higit na may alam at may kaya ng lahat.

sa iyo, salamat dahil pinag aaksayahan mo ako ng oras at panahon. salamat dahil malaking bagay ito para saakin. ikaw ay isa sa mga hindi umiwan at tumalikod saakin. nagsilbi kang gasang pangtapal sa sugat ng pagbagsak at pangungulila. salamat at mabuhay ka!

matalo man ako, haharapin ko ito ng nakangiti at taas ang noo. dahil hindi medalya ang tunay na premyo. kundi ang karanasang nagpatibay sa aking pagkatao.

"masarap isipin na pagtapos ng bagyo, may mainit na sopas na naghihintay sayo."

18 Pakelamera:

she said...

mare, ano pa nga ba masasabi ko... panalo ka kahit ano pa mangyari. :)

naalala ko si rush sa huling linya mo...
"masarap isipin na pagtapos ng bagyo, may mainit na sopas na naghihintay sayo."

si rush: habang bagyo, may mainit na sopas na naghihintay sayo, sa baba.. (san? ng kama?)"

smile mare!!! dito lang kami!

gillboard said...

sabaw utak ko ngayon...

eto ba e karugtong ng huli mong post? o tungkol sa buhay mo sa sing?

sensya na... linggo eh

Bloom said...

myk2ts.. :) haha! kala ko ba LDR ito. ready na ko magcomment eh. ano ba naman yan.. iba pala ang mababasa ko. huhuhuhu. :P

Anonymous said...

galing mo talaga magsulat...
na elib ako teh..


winner ka din...
apir tayo....

chuk
chuk
chuk

Myk2ts said...

SHE,
Mare, salamat.isa ka sa mga vetsin ng buhay ko. nakakatuwa na sa hirap at saya, naghuhugutan tayo. kaya natin to!

haha actually, champurado yung kay rush. naumay ako sa champorado eh, mas bet ko yung sopas...:)

Myk2ts said...

GILLBOARD,

buhay sg po ito ewic, yung "kung bakit pa ako sumama sa 3-day camp" yung part two :)

okay lang yan, sabaw din ako ngayon :)

Myk2ts said...

BLOOMBERG,
wala pa kasi kailangan ko pa ng inputs. mahirap kung yung side ko lang pagbabasehan ko... haha yaan mo malapit na yuuuun :)


*free hugs

Myk2ts said...

STAN,
ateh, salamat naman sa pagaapreciate. minsan nga nakokornihan ako sa sarili ko :)

salamat, nakakatuwa naman na lahat tayo marunong magsulat. ibang klaseng talent ito. mabuhay ang mga bloggero at blogerra at bloggingding!

cge apir!
plak
plak
plangak!

:)

Cryptomillions said...

ang galing ng post na ito. sigurado madami nkakarelate dito. isa na ako dun. hehe. sarap magbasa ng mga post na ganito...ung parang sarili mong kwento ng buhay ang binabasa mo.

kaya nman fan na ako ng blog mo dahil sa mga binabasa namin dito ng mga kapwa bloggers, sa mundo ng blog, makatotohanan ang nilalaman ng bawat post dito. ;)

good evening!

Roland said...

wow, parang gusto ko tuloy kumain ng mainit na sopas mamayang gabi.

Myk2ts said...

sarap diba? tas may bahaw. yum

Myk2ts said...

Lovely,
salamat at kahit paano, nagkakapareho tayo ng karanasan :)

mabuti naman at nakakayanan natin noh?

just keep praying. :)
ingat lagi lovely!

Bloom said...

HUG HUG HUG! MMMPWAH..

Anonymous said...

UU NGA ldr ang nasa utak ku kakauwi ku lang hndi na aku mktulog ulit. kung matalo ka man asahan mo kami na magtutuloy ng laban mo :] pero matibay ka higit sa inaasahan ko. matapos kong basahin ito nasalamin ko na hindi puro pagpapatawa, pagkakamali sa pagtipa ng mga salita sa keyboard, hindi laging masaya. alam ko kahit nung unang pagdalaw ko dito. hindi ka mababaw na tao. salamat sa pagkakataon na binigay ng isang myk para makilala ko sya ng lubusan. (mare mahaba na ito. kung itutuloy ko baka mging nobela to) tatandaan mo lang kmi nina bloom sagad hanggang langit ang suporta sayo bsta ba ililibre mo kmi ng plane ticket papunta jan sau haha :] lablab kita.

Anonymous said...

pahabol pahingi na rin ng mainit na sopas mare hahaha :] free hug free hug!!!

Myk2ts said...

yeine,
mare naiyak ako sa comment na to. sobra.

ako ang dapat mag thank you sa inyo ni bloom. kasi tinanggap nyo ako kung sino ako at kinaibigan nyo ko.

winning a friend is an achievement for me. kaya salamat.
mahal ko kayo :)

MAY said...

sometimes, it is really good to accept the fact that not everything ends with a happily ever after... minsan you need to go through a lot of hell to experience the joy of heaven... kaya nga natin nalalaman na we are strong because we've known and accepted that we were once weak... haay... nakakalungkot ang post mo marz.. emo mode!

Myk2ts said...

may,
mare, tama ka. mahirap tumanggap ng pagkatalo sa dahilang sanay tayo manalo. pero kailangan yun para maging matibay at lalong magdesire na manalo.

awww mishu mare

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy