06 August, 2008

Halo Halo

nakakamiss ang halo halo sa atin. yung sa kanto. dating sampung piso, ngayon kinse na, o yung sampu eh sing laki nalang ng shotglass ng tequila ang baso mo. may yelo, gatas, asukal, ube, sago, pinipig kamote, saging, bawang at luya.

sa dami ng sangkap akalain mo na pwedeng maghalo halo ang lasa nun sa iisang baso lamang...

parang ngayong araw na ito. madaming nangyari sa loob ng beynte kwatro oras (Mel Tiangco accent)

una.

galing ako sa bible study kaninang umaga. sharing the words of God. masaya kasi marami kang makikilala at makakausap. may mga bagay kang malalaman na magpapatunay sayo na dapat lang tayo maniwala at magtiwala sa kanya. sa mga buhay ng ibang pinoy dito, nasasabi ko na maswerte parin ako dahil hindi ko pinagdaanan ang mga karanasan na yaon. nakapag nilay-nilay din ako sa mga bagay-bagay na kailangan kong ihingi ng tawad at ipagdasal. nagkaron din ako ng chance makapag pasalamat sa mga bagay na nangyayari saakin dito sa Singapore.

pangalawa.

birthday ng kaisaisahang ate ng buhay ko. may panahong Cherrie Gil, Lavinia, Isadora, Fuuma Ley-ar at Selina sya ng buhay ko. katulad ng karamihang panganay, hobby na nya ang awayin ako. past time ba. pag nainip sya tatawagin nya ako at pag sasasampalin nya yung mukha ko. pag okay na sya, tatadyakan naman nya ko. pampabuwenas daw. syempre natutuwa naman ako sa paraan ng paglalambing ni ate. kakaiba diba? weird.

may mga panahon naman na sya ang Mara, Dorina Pineda, Sarah Crew, Via at SailorMoon ko. bigla nalang ako gigisingin nun tapos yayayain ako mag breakfast. may sinangag na sa lamesa, hotdog, itlog walang bacon kasi di namin trip yun, may tocino den at sukang may vetsin at sili. pag nasa mood si ate, may duck liver at caviar pa! tatanungin ako nun kung gusto ko daw ba ng halo halo at ibibili nya ko ng mais con yelo dahil mas mura yun. suweeet.

nakakamiss den malayo sa kaisaisahan mong ate. nakakamiss yung mga pamangkin ko, naalala ko tuloy nung maliit pa ako at medyo payat, lagi kaming naglalaro ng maskman maskmanan. ako si yellow mask at siya si pink mask. yung nanny namin (nanny talaga?) si igamu. minsan, si fumin.

maligayang bati! kapatid!
"Oo ate… oo ate…puro na lang ako oo ate! Daig ko pa ang manika de susi. Nakagapos na nga ang paa’t kamay ko, pati ba naman puso, nakagapos pa din?!"
-Sharon Cuneta, NAKAGAPOS NA PUSO

pangatlo.

hindi ako madalas mag bukas ng e-mail ko sa hotmail. ewan ko ba kung bakit. siguro pinaglihi ako sa yahoo! kaya mas loyal ako dun. yung hotmail account ko kasi e bunga ng pagnanasang makapag palitan ng mga salita noong nasa CallBoys and Girls industry pa ako. yun lang kasi yung di nilock ng IT na webpage. ewan ko ba sa kanila, may favoritism.

at sinong mag aakala na ang busabos kong hotmail account pala ang maghahatid ng siwang ng pag asa saaking buhay dito sa Singapura?

habang panay ang check at refresh ko sa aking minamahal na yahoo! mail, e heto si hotmail at naghihintay ng aking pansin, nag aabang, umaasa. nung isang araw lang eh depressed ako kasi naman puro unqualified match ang natatanggap ni yahoo! parang basted ba kung sa larangan ng pag-ibig mo titignan.

kung bakit bigla nalang humangin ng malakas, nilipad ang kurtina at namatay ang ilaw ng gasera, tapos may bumulong saakin. i-check ko daw yung hotmail. now na!

ayun, dali dali kong binuksan ang ilaw, tinapos ang dramatic na gabing-madilim-at-mahangin kong eksena, nagbukas ng e-mail at pooof! it became coco crunch!

tulungan nyo akong magdasal na makuha sa trabahong ito dahil isa ito sa pinapangarap ko. pinagpapasa nila ako ng requirements at level two application.

pangapat.

di ito naganap ngayong araw, nung sabado pa ito, naisip ko lang ipakita sa inyo itong mangilan ngilan sa libo-libong litrato namin sa Sentosa. daig ko pa ang celeb dahil sa ngawit na ngawit ako kaka pose.
tickets namin, remembrance.
tsk tsk. jologs talaga namin
sakit sa likod kasi bagong ahit yung damo.ewan ko ba pero kahit likod ang kinunan,
todo smile parin kami.

nag simula kaming maglalakad ng ala una ng hapon. uber init pero okay lang. maraming brit na kabataan ang naengganyo mag beach. at syempre, nakakatuwa yung idea na yun dahil wala naman silang baon na pampaligo. sa susunod pramis, kukunan ko na din sila ng litrato.

panglima.

nakausap ko si mama. tumawag ako gamit yung sim card na pinahiram ng pinsan ko. naka-line daw yun at wala naman gumagamit kaya gamitin ko daw ng gamitin. dahil pinalaki naman ako ng nanay kong masunurin, eh wala akong magawa kundi sumunod.

bonggang bonggang overseas call ang ginawa ko. wala pa yatang 2 segundo na narinig ko yung boses ni mama, eh naiyak na ako. pero dahil nag workshop ako kay Gina Alajar, na manage kong umiyak ng pahagulgol na kanang mata lang ang may luha at nagboses masaya.

pero iba si mama. daig pa nya si Hilda. syempre bano ang acting ko kaya nabuking akong umiiyak at nag iyakan nalang kami sa loob ng 8 minuto. matapos ang mala "bukas luluhod ang mga tala" na eksena, kinausap ko si mama. sinabi ko lahat ng angst ko, frustrations, hang-ups at kung gaano ko na sya namimiss at ang luto nyang pakbet.

nakakagaan talaga ng loob ang boses ng ina. para akong nabunutan ng diamonds sa dibdib. para akong nabuhusan ng malamig na Evian na tubig.

sa susunod ko na poproblemahin kung saang bulsa ng intsik ko kukunin ang pambayad ng bills.

"1 hundred thousand pesos! 1 hundred thousand pesos! … Im buying you out!"
Melanie Marquez, NASAAN KA INAY?



11 Pakelamera:

TENTAY™ said...

uuuuy namiss mo halo halo dahil sa pichur ng pamankin ko sa blog ko no mare? ahahahahha! yaan mo i-areglo naten mga pamanken nateng cutipie. hahahaha

mare, hobby nila sampalin ka? astig hahahaha. pati tadyak? natatawa ko sayo, kung ako reyna ng quotes, ikaw reyna ng mga linya sa pelikula. pwede ka na sa workshop mare ang taray talga! hahahahaha

2 secs pa lang... grabe. ayoko maranasan yan, sigi n nga dito na lang muna ko sa pinas... ayoko mammiss mami ko. hay. pati dadi ko.. pati ate ko. (teka lahat inisa isa ko eh no hahaha)

teka magchek nga ko hotmail baka doon din kapalaran ko. (feeling wala naman ako hotmail acct hahahahahah)

Jhamy whoops! said...

hahahaha.. swerte ko pala at ako ang panganay.. ako ang may karapatang mabully sa mga bunso kung kpatid! heheheheeh!!

haaaayyy....

Ehjayculate said...

sosyal ka diamonds pa ang tinaggal sa iyong dibdib! ... ano bang klaseng dibdib ang meron ka? ... treasure chest? ... wahaha

kung diamond lang naman pala mga nakatusok sa dibdibd mo ehh halika ... umiyak ka sa akin ng umiyak .. ako taga tiyane ng diamonds mo!

... oo miss ko na rin si mama ko bonggang gongga attention niya sa younger sis ko ngayun sa pinas ... and it was her birthday yesterday too! :D

Anonymous said...

hahahahahahhahahahaha...
grabe ang story...

muntik ng libutin ang history ng showbiz...

panalo ka teh!!


heheheh...

Roland said...

miss ko na rin halo-halo... hanef sa mga movie quotable quotes... megang-mega!!! hahaha.

Myk2ts said...

@tentay

ou namiss ko halohalo, pamangkin ko at nanay ko all in one. hay balae in the future, i set na natin ang date nila pamangkins.

@jhammy

onga. swerte haha ate ka pala? im sure naman na hindi ka ganon ka bully :)

@eiji

tamang tama, sige eiji, minsan yung luha ko nagiging diamond den. kalowka :)
happy birthday kay mom mo. :)

@stan,

ate, ganun talaga, minsan libutin natin ang mundo ng showbiz. iba ka ren, galing mo mag drawing ng komiks.

Savage Heart said...

hahaha 1 hundred thousand pesos!!! kabog marz!!! panalo ang halo-halo!! hahaha

CaleB said...

woah.. kakalungkot.. hanggang boses lang.. yaan mu darating din ang time na magkikita-kita uli kayo ni mommy mo and pamangkin.. malapit lang nman eh.. one hour or two hour ride away.. hihi..

MAY said...

uy.. goodluck sa good news na natanggap mo!! :) alamo nakakatawa nga eh, minsan sa buhay lagi sinasabi laging kulang ang oras natin.. pero sa 24 hrs na binigay ng Diyos, super dami ng nagagawa nun... madami-daming beer at yosi din yun.. hahaha :D jokes! basta ipagdadasal ko yang good news na yan... :)

Myk2ts said...

@roland

haha onga. mega movie quotes ito...:)

@ronnan

oo nga mars, hiram ako ng mga lines sayo ha?

@caleb

onga kaya naman hindi na ako mashadong sad. thanks caleb

Myk2ts said...

awww may salamat ha? yeah kaya kailangan natin i manage mabuti ang oras. tas maglaan tayo para kay God :)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy