17 August, 2008

Merry Christmas!

napaka aga ng bating ito para sa buwan ng agosto. pero babatiin ko na kayong lahat ng maligayang pasko. hindi dahil gusto ko na ng regalo, ngunit gusto ko ibahagi sa inyo ang kaligayahang dulot ng diwa nito.


sa tingin ko ay maswerte ako dahil disyembre ang kaarawan ko. may handa man ako o wala, magaan ang loob ng bawat tao, kasi nga naman, magpapasko. kahit madalas may mga problema at intindihin, keri lang. pasko naman.

ito ang naisip kong isaksak sa kukote ko ngayon. dahil sa kabila ng lahat ng mga tinatamasa ko, aaminin ko na may mga oras na nalulungkot ako.

sabi sa church kanina, magdasal lang tayo ng taimtim at manampalataya na ibibigay nya ang lahat ng ito, matutupad lahat ang ating hiling. sabi nga, ask. and when you ask, believe that you will receive.

aaminin ko na hindi pa ako ganun katibay pagdating sa bagay na yon. bilang tao na mahina at marupok, may mga oras na nanghihina ako. nagdududa at natatakot. ibibigay nga ba nya? kailan? bakit ang tagal naman?

salamat na lang sa mga taong katulong ko sa pagpapatibay ng relasyon ko sa Kanya. sa tuwing nauupos ang dingas ng aking pananampalataya, pinahihiram nila ako... para sa isang tulad ko, mahirap patagalin ang baga ng pananampalataya. marami paring katanungan na unti-unti palang na nahahanapan ng kasagutan.

pero masaya ako dahil mas mahalaga pa pala sa kahit anong trabaho at oportunidad ang makukuha ko dito sa Singapore. ang magkaroon ng matibay na relasyon at pagkilala sa celebrant tuwing pasko.

kaya nais ko hiramin ang pakiramdam na pinakahihintay ko sa buong taon. dahil sa paraang ito, sumasaya ang nalulungkot kong puso.


12 Pakelamera:

Bloom said...

...sa tuwing nauupos ang dingas ng aking pananampalataya...

*nosebleed* mare kong pretty like me, haha! sa tuwing ansasad ka.. isipin mo na lang.. ham yan! ay mali. aahahaha isipin mo nalang, bacon yan! nyahahaha. mali parin.. isipin mo nalang, SYANTALAMERAAAAAH. ahahahahahahah! hug hug mareee. love ka namin ni yeine. :) pati ni rev. :)

Anonymous said...

naku teh,,,


wag ka na malungkot sa cgristams...
pag umuwi ka dito date tayoo..hehehe
lol.

teka,
ako din may christmas wishhh...


eto lang oh:
http://www.reuters.com/article/domesticNews/idUSN0753679220071107?feedType=RSS&feedName=domesticNews&rpc=22&sp=true

uwian mo ko ha?
lol.hehehe...

Anonymous said...

wow...na-enlighten ako...oo nga yun ang maganda culture ng filipino masaya kahit may problema tuwing pasko

may bago pala akong post.. kung gusto mo lang magbasa...

Roland said...

parang wala ka namang gana magsulat... pati pasko inunahan mo, haha... dami ko pang hindi natatapos basahin dito, napag-iiwanan mo ko... in fernez, makabuluhan at mabulaklak ang mga lumalabas sa isip mo na siyang inilalathala mo naman dito.

mabuhay ka!

jericho said...

emote! but if it makes you happy, it can't be that bad. charot!..;)

Anonymous said...

friend ang galing mong magsulat. ang ganda ng imagery. writer ka ba talaga?

Myk2ts said...

bloomberg.
hanggang nagyon natatawa parin ako sa syantalamerah natin ni yeine. am glad to know that you guys are there for me. kahit di pa tayo nagkikita, i found a friend in you guys.

freehugs
cryer.. :)

Myk2ts said...

stan,
sige date tayo at maghanap tayo ng makakadate natin sa date natin. kalowka.

haha mahalia fuentes ang gift na gusto mo mareng!

Myk2ts said...

kiko kalbo,
nabasa ko na po, nag comment na din ako. kaya nga, sa katulad nating nagugulumihanan, keri lang, isipin nalang natin na pasko na!

Myk2ts said...

roland,
salamat. siguro nga wala akong gana kaya kung anuano na lang naisusulat ko:)

pero para saakin, totoong iniisip ko nalang na pasko na. para di ko man makalimutan ang dinadala ko, kahit paano gumagaan.

mabuhay ka rin!

Myk2ts said...

jericho,
kanta yun dava?
:)

Myk2ts said...

efrenefren,
maku mare hindi po. wala po akong experience sa pagsusulat ng seryoso katulad yung sa mga school papers ba at mga competition...wala po.

basta nisipan ko na lang magblog... axuli gusto ko nga matuto pa. baka sa pagsusulat talaga ang linya ko.

:)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy