18 August, 2008

si Myk2ts at ang Awards Night

ang award na ito ay nangaling kay BLOOM. at MAY. mas prestihiyoso pa ito sa Urian, FAMAS, Peabody, Oscars at Emmy's...



ang sabi ng producer, ilagay daw ang logo sa blog. di nilagay ko nga, maglagay daw ng link ng taong nag award sa iyo. meron na! (click mo yung word na BLOOM sa taas o kaya naman e yung award mismo.) tapos, ang matindi pa, inominate ko daw ang pito pang karapatdapat para sa bonggang awardness na ito... i link ko daw yung pitong yun at imessage sila na may award sila.

kapagod diba? uunahin ko pa ba naman yun?

aba, go na ko kay Pepsi. nagpasukat na ako ng gown. pina rush ko kasi nga uraurada ito. nag pa facial at foot-spa na rin ako, humarbat ng peluka at pinakulot ko ang buhok ko, nanghiram narin ako ng Manolo ni Carrie Bradshaw, kiver na kung hindi kami magka size. tiis-ganda na lang...



eto ang kinalabasan ng look.
totoo nga. nung nagpakuha ako at inupload ko, yan ang lumabas.

"sa aking mga fans, maraming maraming salamat. pa-authograph naman kayo minsan. nakakatampo eh. parang di ako sikat. yung banner ko di nyo manlang dalhin. minsan dala nyo nga, nakatupi naman...

inaalay ko ang award na ito sa Maykapal na lumikha ng lahat. salamat sa talentong biyaya sa lahat ng nilalang.

sa aking mga magulang at kapatid... my pamily... my pamillyy... oh my, i told you i was conpident. im only 17 years old...gash.

sa aking mga kaibigan at kasama sa industriya. kay she na melancholic, kay bloom at yeine, mushy trio. kay ate stan at efrenefren, mabuhay ang louboutin sho-es nyo! kay roland, ron, tentay, jham, love, kikokalbo, jay, may, pchi, lovely, at sa lahat ng bloggers na hindi ko nabanggit, sorry kasi wala akong kodigo... di ako prepared... sa lahat lahat ng mga taong hindi nangiwan sa oras ng kagipitan. sa mga nagpautang, nagdonate, nagpaharbat, nagpahiram, nagpanenok, SALAMAT.

sa aking sponsors, please, sponsoran nyo naman ako.

atin ito mga misis!"

pagkatapos ng speech, maraming nagpalakpakan! mga apat ata, dami diba? tapos yung iba napatayo pa. kaso lumabas. mag cCR ata. syempre pag may award ka, dapat may pakinabang ka. so ending, ginawa akong presentor.

the nominees are:

  • Jhammywhoops para sa pelikulang: Nagbabagang Luha
  • She para sa pelikulang: Ang T-Bird at Ako
  • Roland para sa pelikulang: Anghel Na Walang Langit
  • Stan para sa pelikulang: Darna: Ang Pagbabalik
  • Madz para sa pelikulang: Madzdrasta
  • Ejiikeiiru para sa pelikulang: Step Up 3: Step NO? Step YES?
  • Lovely para sa pelikulang: Babangon Ako't Dudurugin Kita

(ang bawat pelikula ay pawang katuwaan lamang. walang nais ipahiwatig o ipakahulugan ang bawat titulo sa pagkatao o personalidad ng blogger na nominado.)

24 Pakelamera:

Roland said...

pwedeng hindi tanggapin ang award? ...parang di ko ka-level yung mga ka-nominado ko... haha.

cge, i'll try to do that one of these days.

Anonymous said...

hahahha...loko ka... heheheh...
natawa ako ng bonggang bongga sa mga nakasulat...



aawardan kita minsan!


mag papa kulot din ako.
ng buhok sa kilikili...

hihihihih...

jericho said...

aba.. awardee.. congrats! ;)

lucas said...

congratulations naman... cheese burger ko??? T_T..hahaha!

Savage Heart said...

Shoshyal for 10 points!!!

Akala ko Ruffa Style lang or La Greta fashion...

napa nganga ako!! nakaka mangha!! ang laki ng bibig ni Julia Robert!!! Shoshyal!!!

mars wag mung kalimutan ang padding dahil ayaw ni toto alfie pag walang padding ang balikat hahaha

Jhamy whoops! said...

ahahahah!!! walang ya!! panalo ka talaga!! para akong tanga d2 sa station ko! tawa ng tawa mag isa!!

hehehehe!!! clap..clap!!

salamat ha!! na touch ako! =)

Cryptomillions said...

fotah haha may award na ako ngaun ah, hehe, kaunana unahang award ito kaya career mode dapat! hehe.salamat myk2ts. naks. ;) naluluha pa yan sa kasiyahan. haha
wish ko lang alam ko pano gawin etong nasabing award na ito. hehe. ignoramus pa eh . wahaha. alamin ko muna at pag akin ng ntuklasan kung pano gawin eh maipost din. hehe. ;) good evening!

Anonymous said...

Friend ang taray naman nung look mo. With matching raise of hands and smile pa!!

Dapat mas maganda diyan ang outfit ko. At dadalhin ko ang unicorn kong si Paris.

Ganda lang ang labanan teh!

Myk2ts said...

roland, tanggapin mo na. asus... bagay kaya sayo kasi magaling ka. ok :)

Myk2ts said...

stan,

wag, effect ang straight na buhok sa kellybammer! :)

award din kita!
best in underwear for header division!

panalo ka ateng :)

Myk2ts said...

salamat jerico! :) kasama ka sa mga inalayan ko ng award na ito :)

Myk2ts said...

Ron,
sige minsan ililibre kita ng cheeseburger. with pickles and mayo!

basta kaw bahala sa upsized drinks! :)

axuli wala naman botohan tong award na to :)

Myk2ts said...

ronnan,
mare nakakamiss ka! nalurkey nga rin ako sa labi ni julia. aba naman kulang ang apat na lipstik!

wa ako padding na nabili sa guadalupe kaya mga lumang damet na lang ang pinangkadera ko jan :)

Myk2ts said...

jhammy, ako ren nga natawa mag isa dito sa bahay, nung nakita ako ng pinsan ko, sabi ko na lang nanonood ako ng "home along da riles" sa youtube

hahaha :)


miss ko na kayo ni patis

Myk2ts said...

lovely dear,
kaya mo yan, madali lang.
repost mo lang at i add ang mga links :)

isa rin akong ignoramus hahaha :)
ingat palagi gurl

Myk2ts said...

efrenefren,
go lang ateng! pagandahan na ito.

sige dalhin mo si paris. baunan mo ng evian...

dala ko yung trex ko jan, iniinterview sa red carpet :)

Anonymous said...

hahaha karir hahaha. ang ganda ganda mo mare sa pic..haha. bakit di ka OL knina hinahanap kita xan ka nanaman naglamyerda?haha :D mis kita mars.

Jhamy whoops! said...

ayyyyyy nako mykeee.. maraming salamat! uber tawa ko sa titel nang pelikula ni mareng she! hehehe!!!!!wala lang!! pani lang!!(peace tayu mareng she ha!)

miss ko na den si patis.. haaayy!!!
=(

she said...

bakla ka mare! ahahaha... kaloka naman!

she said...

@jham- ahahaha...gusto ko nga batukan at kurutin sa singit si mykee e. naloka akei at nashock! ahahaha

Savage Heart said...

Tama ka mare!!! ang laki ng bibig kaya nyang lamunin ang award nya hahaha...

dapat nanghingi sya ng tips kay Karen Timbol LOL

Myk2ts said...

yeine,
di ako gumala mare, pinakain ko kasi yung pet kong t-rex...

ikaw mare misssh ko na ren

*freehugs

Myk2ts said...

jham,

onga mare. tumbling pati si ate vi at nora!

kalowka :)

she, keri lang. panalo ka naman :)

Myk2ts said...

ronan,
mare, pati red carpet pwede nya sipsipin parang spag lang.

hihihi.
kalowka dava?

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy