09 August, 2008

5:20 AM

Mahirap dumaan sa isang landas na alam mong mabaho, madilim, marumi.
pero dahil sa wala na tayong ibang alam na daan,
pilit natin tatawirin ang malumot na sahig.
nakakasuka. nakakadiri
alam natin na wala tayong kakapitan ngunit inihahakbang ang talampakan upang marating ang ninanais na kaligayahan.
ang minimithing tagumpay.
ang kapangyarihang hinahangad.
kahit batid nating tayo'y madudulas.
mapuputikan.
marurumihan.
subalit hindi natin iisipin ang nakasusulasok na amoy na ating kalalabasan.
nakaririmarim.
marungis.
malansa.
hangarin na sa dulo ng kalbaryong ito,
may batis na mahahagkan.
may hanging mahihimas.
may pag-asang mayayakap.

3 Pakelamera:

Anonymous said...

naiyak ako sa header ng bonggang bongga!

myk2ts! mishuuu.........

Anonymous said...

--

emo

hakhak

elyens poreber

XXXxx

Myk2ts said...

@stan,
mishu den :) naiyak ka ba? ako naman nahatching sa header ko :)

@rimewire.
di naman po emo. emo emohan lang :)
salamat ng marami :)

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy