
bukod sa traffic sa EDSA, marami rin naman kong namimiss sa atin. ang tanawin na makikita sa Luneta habang nagkalat ang mga rugby boys. mga basura sa Payatas, at ang malamyos na simoy ng hangin galing sa ilog Pasig tuwing nagdadaan ako sa Guadalupe. hay... eto pa ang mga namimiss ko saatin bukod sa mga nabanggit:
- tunog ng eroplano sa umaga tuwing bagong gising ako-daanan kasi ng eroplano yung bahay namin sa Cavite. hindi sa loob ha, sa ere. ewan ko ba, parang yun ang major intersectrion ng PAL at Cebu Pacific.
- mga boses ng chismosa sa may amin-ang duty ng mga ito ay nagsisimula ng alas-siyete ng umaga at natatapos naman ng alas-onse ng tanghali. maraming sinaing ang natutong at ulam na nasunog dahil sa habit ng mga kapitbahay naming ito.
- munggo, toge at pinakbet-luto to ng nanay ko. di ko kasi magaya yung ginagawa nyang pag-gisa sa bawang, sibuyas at kamatis. nakakasawa na rin kasi ang mga pagkain dito.
- nanay, ate at mga pamangkin ko-ngayon ko talaga napatunayan na nakakamiss ang mga taong nabanggit. hindi kasi ako nasanay ng malayo sa kanila kaya ngayon, nahohomesick ako *dramatic nanaman oy!
- kwarto, kama at unan ko-marami kaming pinagsamahan ng mga ito. may mga maiinit at gabing malamig na sila ang mga kaagapay ko. kaniig. kalampungan. salamat sayo, aking unan. mabuhay ka!
- si Pepe at si Super-mga aso kong makulit. hindi ko akalaing hahanap-hanapin ko ang amoy ng panghi ng ihi nitong dalawang to.
- Lance at Ivan-dalawang lalaki sa buhay ko. Isang gasolina, isang diesel.
- tindahan ni Aling Mila-dito ko bumibili ng shampoo pag naubusan ako. sa kanila din ako nagpapaload. tuwing alas otso ng gabi, yung anak niyang si Mon ang nagbabantay. wala atang ibang damit ang batang yun dahil palaging salawal lang ang suot.
- MOA, Shang, G4, at Wensha-alam nyo na kung ano tong mga lugar na ito. wala lang. namiss ko lang.
- tindahan ng maruya at turon sa kanto-paborito namin tong meryenda. yung turon (8 pesos), maraming langka. yung maruya, (5 pesos) maraming asukal. sulit. laging mainit. parang yung kili-kili ng nagtitinda. pero ang malaking kaibahan, yung tinda, matamis, yung tindera, ang asim!
- koreanovela sa hapon-nakakamiss naman kasi yung mga singkit na ito. nakakasawa na din naman si Dr. House at si Betty na Ugly.
- Tang litro pack-yung grapes at yung ponkan. ayoko ng orange. masyadong maasim.
sa halos dalawang buwan kong tinagal dito, ito ang mga dahilan ng pagkamiss ko sa bansa natin. nakakalungkot manood ng balita lalo na at puro negatibo ang lumalabas na istorya. mabuti na lang at nandyan si Charice at si Manny, kahit paano may goodnews.
noong bata pa ako (bata pa rin naman ako) hindi ko inisip na maglalagi ako sa labas ng Luzviminda. sabi ko noon, kahit mahirap, mainit, trapik at mausok sa maynila, hindi ko ipagpapalit ang pinas sa ibang bansa.
pero sa paglipas ng panahon at mangilan-ngilang pangulo, naramdaman kong bumibigat na ang halaga ng bawat butil ng bigas na isinusubo ko. pati kuryenteng gagamitin ng bentilador at ilaw ko, nagmamahal na rin. dati, yung limang piso ko naibibili ko pa ng softdrinks. ngayon pang deposito pa lang ng bote ng softdrinks, kinse pesos na.
hindi ko masisi ang karamihan (kasama na ako) na manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. kumita ng dolyar at magkaroon ng magandang buhay. sino ba ang may gustong mabuhay ng mahirap? magulo? diba wala? lahat tayo ay naghahangad ng maaliwalas na buhay. magaan. marangya. hindi masamang mag ambisyon. wag lang maging ambisyosa.kung ang buhay kaya saatin ay mas maunlad at mas asensado, aalis pa ba kaya ako? sila? tayo?
ano nga ba ang problema, ang bansa natin?, ang mamamayang Pilipino? o ang mga namumuno dito?
alam ko, pareho tayo ng isasagot.



10 Pakelamera:
ang masasabi ko ay-----> madrama. lol.
joke lang...
namimiss mo dito?
uwi ka na tapos igagala mo ko sa MOA, kakain tayo sa shang, at mamasyal sa ilog pasig.
hahahahha...
kakainin din pala tayo ng bigas.lol.hahahah.
maganda nga pala ang mensahe, dapat seryoso.
►masasabi ko ay, hindi ako bumibili ng bigas kaya no comment.
un lang. hahahahah.
@ stan,
napaka sarap basahin ang mga titik ng iyong kumento. napaka busilak :)
mabuhay ka kaibigan.
daan tayo ng marikina. balita ko maraming fab finds dun
andaming nami-miss. buti hindi ka nade-depress. hehe
ano nga ba ang problema, ang bansa natin?, ang mamamayang Pilipino? o ang mga namumuno dito?
-> may sagot ako. kaya lang mahaba. ;)
2 months kna pala jan at gng ngyon wala pa ring kasiguruhan ang kinabukasan mo dyan... y not comeback 2d phils... baka doon may opportunity na naghihintay sau... sad but true, hindi lahat ng nag-aabroad nagtatagumpay.
payong kaibigan, wag mong sayanging ang panahon mo jan.
@ jericho..
haha dami nga eh. kaya minsan sad talaga. oh talaga? ano na sagot mo? kahit mahaba okay lang :)
@roland..
ikaw na ang ikalawang nagsabi nyan. siguro tama ka, maari ding hindi. alam ko at nararamdaman ko na may plan si God kung bakit nya ko pinapunta dito. may reason. and i'm claiming it whatever it is :)
sabi nga, ask and you will be given. and when you ask, believe that you will recieve for God is a loving God :)
ayun :)
Nasa atin din ang problema eh. kulang kasi sa tulungan ang mga Pilipino. Laging laglalagan!
hehe. :)
pero salamat sa mga tulad mo myk.
bayani kayo! ang laki ng tulong niyo sa bansa natin, di lang sa family mo..
iboto nalang natin sa 2010 ang dapat. at, tutulungan din natin dapat kung sino man ang mananalo. Ang hirap kasi sa iba, inaasa nila lahat sa politicians eh. dahil sa sobrang pag-asa nila, gugustuhin naman ng politians tumulong. at dahil maliit lang ang sweldo nila para tumulong, doon nagsisimula ang corruption!
ingat jan myk! :)
ako, di ko namimiss ang pilipinas... sawang sawa na ako dito... minsan gusto ko umalis tumira sa ibang bansa, pero masaya ako dito... at least hindi naman ako masyado naghihirap...
@ jay
tama ka jan.hirap sa ibang pinoy, hindi na mawala sa isip ang diwa ng EDSA 1. hindi tayo nagiisip at kapag hindi nagustuhan ang namumuno, idadaan sa kalye. we should be smarter than that by choosing the right person to vote.
salamat. ingat ka ren jan :)
@gillboard,
im sure mamimiss mo jan saatin kapag nasa ibang lugar ka. :) there is no place like home talaga :)
@gillboard,
im sure mamimiss mo jan saatin kapag nasa ibang lugar ka. :) there is no place like home talaga :)
Post a Comment