27 June, 2008

Migraine Part 2

ayun. nag text na ang mokong... "balik po kayo ha?" aba aba aba, parang may ari, nag ayang bumalik. naisip ko naman, ang sweet nya naman...

umandar nanaman ang mala fairy-tale kong imahinasyon. na liligawan nya ko, na ihahatid at susunduin, bibigyan ng flowers...

ayun. palagi na kaming magka text. oras-oras na nga halos. kung ako ang may ari ng Globe eh ipatitigil ko ng bongang bongga ang unlimited texting...

dahil magkalapit ang ang opisina ko at ang store nila, palagi kaming nagkikita... minsan pa nga sa hindi, kahit di ko sya tinetext eh dumadating nalang sya bigla. bongga! nakakaloka!

syempre beki lang, di humaba ng isang kilometro ang bangs ko. pero sabi ko sa sarili ko, wag. mahirap umasa. masakit. nakakapagod.

pero anong gagawin ko? umaga pa lang, sya na agad ang katext ko, buong maghapon. at twing break nya (bawal kasi sa trabaho Ü).



"mowning po...:D"


"musta po? brekfast k na h??:D"


"gawa mo po?:D"


"ingat po pagpasok. text mo ko kpag ofce k na:D"


"san k n? punthn kita jan"



non-sense nga siguro sa iba. pero sa isang tulad kon hibang, big deal and ganitong palitan ng mensahe...

natuwa.

sumaya.

kinilig...



umasa.

may mga taong pa-aasa. siguro nga, pero naisip ko rin namang baka hindi. baka naman may mga tao lang na mahilig umasa. naghihintay. nag iilusyon.

pano nga kaya kung ganun lang talaga sya? na walang ibang dahilan ang kung anumang pinakikita nya. na likas lang syang sweet. na pinag lihi lang pala sya sa asukal.

kung tama ang huli, nakupo, diabetis ito.

maraming beses kaming lumabas. kain sa resto, nood ng sine, kape, tambay. at sa mga pagkakataong yun, malayang nagtalik ang aming mga utak at bibig. dun ko naramdaman ang ibang klaseng rurok ng kaligayahan. yung di na kailangang maghubad, mag halikan, mag yakapan.

malaya nyang binuksan, hindi ang butones ng kanyang damit, kundi ang kanyang kaisipan at damdamin.

sa aking pakikinig, bigla akong naawa. nahiya. napamahal.

naawa sa dahilang may mga bagay at suliranin syang dinala, dinadala at dadalhin pa na hindi karaniwan para sa edad nya. may mga bagay syang hindi magawa, mabili at mapuntahan.

nahiya sa dahilang marami akong inaksayang mga bagay na yaman na kung ituring nya. mga inakala kong basura at walang kwenta, ngunit pangarap na pala niya. na sa aking estado, mas may talino pa siya pagdating sa hamon ng buhay.

napamahal. di ko alam ang dahilan. kung bakit hindi ko alam, ewan.

marami akong natutunan.
magmahal,
umasa,
masaktan,
bumangon,
maging matibay.

sinong mag aakala na ang simpleng pakikipag palitan ng numero ay may kapupulutan pala akong karanasan na hindi ko matututunan sa eskwelahan.

masakit.

mahirap,

pero masarap.



yan ang pagmamahal.
sakit sa ulo diba??

0 Pakelamera:

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy