Tuwing manonood ako ng mga talent search o artista search sa T.V, apektado ako. di ko alam kung pikon lang ba talaga ako, o masyadong oa. o feeling siguro. di ko alam. pero basta apektado ako. lalo na pag nagsasalita na yung mga judges.
"para kang iced-tea na walang ice"
"you are like a chihuahua trying to be at tiger"
"okay ang boses mo, maganda yung quality, kaso hindi ko gusto yung kulay ng pantalon mo"
comments ng mga hurado...hmmm pakelaman ko nga...
out-of-this-world ang mga kumento. nakakapikon. kung ako siguro ang nasa stage ng mga oras na yun, binato ko na yung mic at mag wowalk-out na ko. kahit siguro hindi pikon na tao, kapag sinabihan mo nito, maloloka.
isipin mo na lang. o subukang tumayo sa kalagayan ng mga contestant. may mayaman, mahirap, maputi, maitim, merong galing sa probinsya, merong states-side. pero iisa lang ang pagkakaparepareho nila. nangangarap. iiwan ang pamilya, magbebenta ng kabayo, may mag reresign sa trabaho, may hindi mag-eenroll sa school, para lang makasali... haharap sa tao, kakanta, lalabas ang litid sa leeg, magpoproject sa camera...
ayun!
judgement day! magsasalita na si Judge number one. gagatungan ni Judge number two, tatawa si Judge number three. si contestant mapapahiya, pero ngingiti. maluluha, pero lulununin lang lahat ng sasabihin nila. parang laway lang na panis.
nakakatawa na kahit mga local search satin, meron at merong "Simon Cowell" (o nag fefeeling).
pampadagdag ratings nga naman kung magsasagutan ang contestant at ang judge, kung mag mumurahan sila sa T.V. na hindi naman natin maririnig dahil ibibleep. mas dadami nga naman ang boboto kay contestant kung mapapaiyak sya ni judge habang binibigay ang verdict.
naiintindihan ko yung constructive criticsm at kung anung aspeto ang pinanghahawakan nito sa bawat taong nangangailangan nito. hindi rin ako pikon. marunong din ako pumuna ng pangit sa maganda. nakakapag comment din ako sa performance ng mga kasali. natatawa din ako pag may nagkakamali o nadadapa.
pero hindi ko kayang makita na luluha ang isang nangangarap dahil lang hindi nagustuhan ng iisa o iilang tao ang kulay ng suot nya, o ang timbre ng boses nya. lahat tayo ay binigyan ng laya magbigay ng opinyon. kahit sino ay pwedeng sabihin ang nais nya. pero pwede din nating isipin lahat ng sasabihin natin bago natin ito sabihin.
hindi lang ito para sa iba. para sakin din. minsan (o madalas) din hindi ko mapigil magsalita. may sariling utak ang dila ko. madaldal. maingay ako pag gising, maingay din kahit tulog. pero kahit biro lang karamihan ng sinasabi ko, dapat ko din isipin na hindi laging nagbibiro ang kausap ko. at kahit bayad ako para sa isang talent search para salain ang mga artistahing nilalang, dapat ko parin isiping mabuti ang sasabihin ko. constructive pero subtle. yung katanggap-tanggap. yung hindi nakakapikon. yung swabe. yung tama lang.
Magagalit kaya si Dolly Parton kay Simon Cowell?

0 Pakelamera:
Post a Comment