"hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sakin, ako pa rin... ako na lang... ako na lang ulit..."
-Basha (Bea Alonzo) One More Chance, STARCINEMA
Sa megamall ko to pinanood, kasama ng mga kaibigang hindi mo masabi ang mga love stories. may masaya, may bigo, may dala-dalawa, merong wala ni isa- ako yun. nakakatawa nga isipin eh, bago pumasok ng sinehan, lahat masaya, lahat busog, excited, pero bumili parin ako ng popcorn, sila? tissue. Okay lang sakin. di naman ako iyakin pagdating sa mga pelikula. nakakahiya.
Ikukuwento ko lang yung mga naisip ko tungkol sa pag-ibig, hindi yung istorya ng pelikula dahil alam ko naman na napanood na ito ng lahat, kung hindi pa, meron akong kopya. papahiramin kita.
Kung ako siguro si Basha, sa unang tingin, wala na kong hahanapin pa. aba, bukod sa gwapo at matipuno si Popoy, eh stable pa, maalalahanin, sweet, dominant. normal na karakter ng mga lalaki. mataas ang ihi. Sino ba naman ang may ayaw ng ganun. Hindi mo pa nahihingi, binigay na sayo. Parang si Superman na kayang gawin lahat para sayo. Pati pagtatanggal ng balat ng fried chicken mo, alarm clock mo, driver, alalay at marami pang iba, aba ganon ata ang ideal man ko! at sigurado akong maraming tulad ko ang nag hahangad ng ganun. nakaka-babae kasi yun. yung susunduin ka, ihahatid, taga bitbit ng kulay pink mong bag habang nasa mall kayo...yung lahat ata ng pwedeng ipagawa sa boyfriend, kaya nyang gawin...
di ko rin naman gusto ng ganun. para akong lumpo. para akong inutil. minsan gusto ko ipakita na kaya ko din, na pwede ko ring gawin ang gusto ko ng mag-isa lang, nang ako lang. yung hindi ko kailangan magpaalam kung saan ako pupunta at sino ang kasama ko. na pwede akong kumain ng gusto ko, na pwede kong isuot ang skirt na galing sa tita kong japayuki.
kaso bakit nung gusto ko maging "ako" parang hindi nya nagustuhan. dapat daw laging "kami". Dapat daw matured na ko mag-isip. na napaka selfish ko naman daw kung palaging "ako" lang ang iisipin ko. hindi ko ba manlang daw naappreciate yung sacrifices nya? yung mga ginagawa nya for me?
hiningi ko ba yon? sinabi ko bang ipagbalat mo ko ng saging? na bitbitin mo yung bag kong pink???
syempre away na, sagutan, iyakan, ending.... "i need space"
di pumunta ka sa kalawakan. sumakay ka sa babilos! space pala eh!
pero bakit ganon? ang sakit isipin na ako eto, namamaga ang mata, nanlalaki ang eyebags, kain ng kain, depressed, bitter at walang katapusan bitter, habang ayun si Popoy, masaya! moved-on agad! wala pa ngang 3-months rule... Nakakaasar makitang masaya sya, na parang wala lang sa kanya. na ok na sya. habang ako, eto. Pero teka, diba ito ang gusto ko? yung maging malaya? yung walang nakikialam? pero bakit masakit makita na iba ang hinahatid nya, na iba ang bag na bitbit nya, na iba ang pinagbabalat nya ng mangga?
minsan magulo talaga ang puso. siguro kasi napapagod din ito. nalilito. ikaw ba naman ang magbomba ng dugo mula ng mabuo ka sa sinapupunan ng nanay mo hanggang ngayon e di mapapagod ka rin. mahihilo. magkakamali. andyan naman yung utak diba? substitute muna sa puso. at least natutulog ang utak, nagpapahinga, nananaginip.
kung pwede lang sanang mawala lahat ng heartaches ng instant. Parang load ng celphone na biglang nauubos kahit di naman nagtetext, na parang cup noodles na lalagyan lang ng mainit na tubig, pagkain na, na pag pinabago ko yung haircut ko eh limot ko na lahat ng sakit na binigay mo...

kaso hindi.

0 Pakelamera:
Post a Comment