una sa lahat, sana ay matanggap mo ang mensaheng ito ng nasa mabuti kang kalagayan. importante ka saakin kaya naman lahat ng bagay na nakakasama sa iyo ay pilit kong iniiwasan. tinalikuran ko na ang ibang masasamang bisyo. kung meron man, inuunti-unti ko na ring pigilan. kung minsan nga, gumigising na ako ng maaga para lang maipasyal ka. mailanghap ka ng sariwang hangin. gumagamit na rin ako ng hagdan. nilalakad ko ang dating isinasakay ko ng sasakyan. binabawasan ko na ang mantika at puro pinakuluan na halos ang aking inuulam. lahat yun, para mapabuti at mapalakas ka. pero alam mo, minsan, kahit na ano pang gawin kong pag-aalaga saiyo, matigas parin ang ulo mo. wala kang sinusunod. minsan nga, kahit alam kong mas mataas ang kinalalagyan ni utak sa iyo, ikaw pa rin ang sinusunod ko. bakit ka ganyan? may nagawa ba ako sayong mali at gustong gusto mo na nasasaktan tayo? matalino ka alam ko. siguro hindi ko lang naiintindihan minsan ang mga desisyon mo, hindi ko lang gusto ang mga taong natitipuhan mo. pero pagdating sa dulo, ikaw parin ang panalo. ako? sunud-sunuran lang ako... ikaw ang masaya, ikaw ang maligaya, pero ako? ako ang nagdadala ng lahat ng bigat. ng lahat ng sakit. ng lahat ng pagdurusa. OA ba ako? siguro. pero ikaw, minsan atribida ka. sabi sa eskuwelahan, mahalaga ka. importante ka. ikaw ang pinakadapat bigyan ng pansin. porke't narinig mo yun, umasta ka naman ng sobra. nagbida-bidahan ka. ang akala ko, pagbomba lang ng dugo saaking katawan ang trabaho mo. aba't akalain mong, minamanduhan mo na ang buhay ko? kung hindi lang kita mahal... may pakiusap sana ako sayo. tama na sana. please? hindi ka pa ba napapagod sa kanya? wala naman siyang kuwenta diba? si mata laging umiiyak dahil sa kanya, si bibig, walang tigil ng kakasabi ng pangalan niya, aba pati si utak nakikisali na! puro siya na rin ang iniisip niya! hindi nya tayo mahal. hindi niya, at ng puso niya alam na may pagtingin ka, o tayo sa kanya. wala kang mapapala kundi simpleng atensiyon lang. simpleng pagturing. simpleng pakikitungo. wala tayong karapatan na magselos. na masaktan. na magalit. na maghanap. kahit humingi nga siguro wala. hindi puwede. dahil wala tayo sa lugar. wala tayong magagawa, kahit magtatalon ka pa tuwing kasama natin siya. di niya yun mabibigyan ng pansin. di rin nya kayang bigyan ng halaga... kahit kailan hindi mo mahahabol ang puso niya, dahil pagbalibaligtarin man natin ang mundo, hindi titibok ang puso niya para saatin, kagaya ng tinitibok-tibok mo dyan para sa kanya.
nagmamahal,






5 Pakelamera:
awwww... nakakalungkot naman yun... ramdam na ramdam ko yung kalungkutan.. kasi naman si puso, nakakainis yung pagmamagaling niya tsk tsk.. kaya mo yan myk2ts!
nga pala, bago na ang tahanan ko dito sa internet >> www.hiraya.net
PASOK SA BANGA MARE! omg.
Fjordz, naseyb ko na latest url mo, salamat, aba si puso nga eh may apela :) kamiss blog mo, kita kits soon :) new moon :)
Bloom, sad ba? happythoughts na! new moon :)
haha.. e bkit ayaw mong sabihin kasi dun sa taong un? haha parang ganun kadali eh noh. torpe!
Post a Comment